CHAPTER 4

ETHAN'S POINT OF VIEW

At exactly 7:30, nandito na kaming apat sa University. Alam na namin kung saan ang room namin kaya naglibot-libot muna kami sa loob ng campus since may 30 minutes pa naman kaming natitira. Sa bawat sulok na madaanan namin, may mga babaeng napapalingon sa gawi namin. 

"Whoah, chix!" Manghang sabi ni Clyde. Kahit ang babaeng volley ball player ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Clyde. Palibsaha kasi, maliit ang shorts nito.

"Sisiw? Nasaan?" Agad namang tanong ni Ryker at nagbaba ng tingin sa paligid para hanapin ang tinutukoy ni Clyde.

"Wala namang sisiw ah."

'Pfft tangina!'

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis kay Ryker. I really don't get him. Minsan napaka childish niya, minsan naman napaka sungit at minsan parang gago umasta. 

"Bakit?!"

*POOOKKK!*

"A-Aray naman, Steven. Bakit mo'ko binatukan?!" Sigaw ni Ryker habang hinihimas ang kayang ulo.

"Ayan, para naman matauhan ka. Napaka slow mo daig mo pa ang pagong sa sobrang bagal tsk." Sabi ni Steven.

"Babae ang ibig kong sabihin hindi sisiw! Paano magkakaroon ng sisiw dito sa University? Mukha bang kulungan ng manok ang University na'to?!" Inis na sabi ni Clyde habang ako naman natatawang tiningnan silang tatlo na nagtatalo.

10 minutes nalang bago mag-start ang klase kaya nag-decide na kaming pumunta sa room. Nasa 4th floor ang room namin kaya sa bawat corridor na madaanan namin, may mga matang nakatingin at sinusundan kung saan kami papunta. Hindi na bago sa amin ang ganong sitwasyon, sanay na kaming pinagkakaguluhan ng mga babae. 

Nang makarating na kami sa room, diri-direstso lang kami sa paglakad hanggang sa naka-upo kami sa may dulo. Yeah, we're classmates. Masaya talaga kapag nasa likuran ka. Makakapag cellphone ka, may makaka-kwentuhan ka kapag nabo-bored kang makinig sa teacher mo at higit sa lahat, pwedeng-pwede kang matulog.

"Oh my goodness, classmates natin ang mga Campus Prince!"

"Mag-aaral na talaga ako ng mabuti promise HAHAH!"

"Ang hot tingnan ni Steven."

"Cute naman ni Ryker."

"Clyde, anakan mo'ko ugh!"

"Ang bastos mong bakla ka! Ah basta, Ethan is mine."

'Wtf?!'

Kahit naiingayan ako sa kanila ay nanatili pa rin kaming kalmado. I wear my earphones so that I can't hear them, nilakasan ko rin ang volume ng music para wala na akong maririnig na kahit ano. Pero kahit anong gawin namin, naririnig pa rin namin ang mga boses nila. Mag pagpapantasya nila, chismiss, may mga nagtitilian rin at hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang mga freshman students na panay ang silip sa bintana at pintuan para lang makita kami.

"Ethan is not yours kasi may girlfriend na s'ya."

"What? At sino naman 'yan?!"

"No other than, Stella."

"Hell no. Stella is a slut. Baka nga nilandi niya lang si Ethan para mapasakanya. Alam n'yo naman di'ba, hindi kayang talunin ng maganda ang mga malalandi."

"True, pero sigurado ka ba talaga na mag jowa silang dalawa? Baka fake news na naman 'yan ah. Sasabunutan talaga kita."

"Well, hindi ko rin alam. At saka ano naman ngayon kung sila na? Asawa nga naaagaw pa eh, jowa pa kaya?"

Inis kong tinanggal ang earphones ko at tiningnan sila ng masama. I don't want to hear them talking about the four of us. Ayaw naming pinag chi-chismissan nila kami. Nahuli kong nakatingin sa akin ang kabigan nilang bakla dahilan para mas tumalim pa ang tingin ko sa kanilang lima.

"Ah guys, I think they're looking at me."

"Is not you, it's me. They're looking at me."

"Yeah, they're looking at us. I think they heard everything. Look at Ethan, he's glaring at us."

"His death glare."

Agad naman silang tumahik at tumalikod. Ilang sandali lang, may pumasok na babae. I think she's in the mid 30's. She walked toward into the table then she put her things down.

"Good morning everyone, I'm Miss Bea Fernandez. So for today, I want you to introduce yourself. Gusto kong makilala kayo bago magsimula ang klase." She said. Nakataas ang kanyang kilay kapag tinitingnan niya kaming lahat. Napaka strikto n'yang tingnan dahil sa kilay niya.

At higit sa lahat, ayoko ng mga pakilala-pakilala. Parang bumabalik lang kami sa pagiging elementary. 

"Hi everyone, my name is Nicole Mendez, 19 years of age. Single and ready to mingle *wink." Aniya.

Nakapagpakilala na silang lahat sa mga sarili nila maliban sa aming apat. Ngayon, lahat sila ay nakatingin sa amin, naghihintay kung sino ang una sa amin tatayo.

Nagkatinginan kaming apat at walang nagawa si Clyde kundi ang tumayo at magpakilala.

Ngumiti siya bago nagsalita. "I'm Clyde Salvador *wink.*" 

"Steven Chan, please be friendly. Palakaibigan ako lalong lalo na kapag sa mga babae *wink.*"

"Hi ladies and gentlemen, I am Ryker Carson at your service *wink.*" Sumilay ang ngiti sa kanyang mukha dahilan para magtilian ang mga babae. Kahit kailan talaga may pagka-isip bata 'tong si Ryker, tsk.

Well, tapos na nilang ipakilala ang sarili nila. Except me. 

"I'm Ethan Blake Sy." Nang  matapos na kaming apat na magpakilala, agad naman kaming umupo.

"So, I guess ang iba sa inyo dito ay magkakilala na at may iba rin na kilala na sa buong Campus. I let you introduce yourself infront because some of you in this class ay mga trans--“ Hindi natapos ni Miss Fernandez ang kanyang sasabihin dahil may kumakatok sa pinto. Bumukas ang pinto at may isang babaeng nakatayo doon. I guess this is her room and... she's late!

"Good morning Ma'am, I'm sorry if I am late." Hinihingal na sabi niya.

"You're 10 minutes late. Come in and introduce yourself in front."  Sabi ni Miss Fernandez. Napatingin siya sa aming lahat. Alam kong natigilan siya sa sinabi ni Miss Fernandez. I guess she didn't want to introduce herself, huh.

Dahan-dahan siyang naglakad at muling humarap sa aming lahat.

"Hi, my name is Alexandra Keirrah Park." Sabi niya at tipid na ngumiti.

"Take your seat Ms. Park." Naglakad s'ya ng dahan-dahan para maghanap ng bakanteng upuan nang bigla s'yang tinawag ng babae at itinuro ang bakanteng upuan sa gilid ko.

Nagsimula na ang klase pero wala ni isa ang pumapasok sa utak ko. Hindi sa lutang ako pero wala ako sa mood para makinig. Napatingin ako sa late na babae kanina na ngayon ay nakaupo na sa may gilid ko. She looks familiar, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan ko s'ya nakita. Biglang nagsitayuan ang lahat at saka sila nagsilabasan. Lunch time na pala pero hindi ko man lang namalayan ang oras.

"Tara na Ethan." Tawag sa akin ni Ryker. Agad naman akong tumayo dahil nakaramdam na rin ako ng pagka-gutom.

Nakarating na kami sa cafeteria at dumiretso naman kaming apat sa table namin. Walang pwedeng umupo dito bukod sa aming apat. Umalis si Clyde para mag-order ng mga makakain namin at pagbalik niya, nakita namin siya na may kaakbay na babae at parang may binulong. 

"Huy Clyde, ano 'yung binulong mo sa babae ha?!" Maangas na sabi ni Ryker.

"Oo nga naman bro, sabihin mo na kasi. May binabalak ka siguro no?"

"Chill lang mga bro, just wait and see." Aniya at saka ngumiti ng nakakaloko. Kapag ganitong klaseng ngiti ang nakikita namin sa kanya, alam na naming may binabalak si Clyde. Ilang saglit lang ay dumating ang babaeng kaakbay ni Clyde kanina hawak ang isang tray na puno ng pagkain at saka ito inilapag sa table.

"Here's your food boys. Babe, 'yung promise mo sakin ah?" Malanding sabi ng babae.

"Yeah, I won't forget it." Nakangiting sabi niya sa babae.

Nang makaalis ang babae ay nagsimula na rin kaming kumain. Inaasar ni Ryker si Clyde. Nagbabangayan silang dalawa at kami naman ni Steven ay puro tawa lang. I don't want to argue with Ryker. Kasi kahit anong sasabihin ko, nagagawa niyang lusutan kaya panay ang tawanan namin ng mapikon si Clyde. Habang nag-aasaran kaming apat ay biglang nahagip ng mata ko ang babae, si Alexandra. Masaya silang nag-uusap ni Daisy na isa rin sa mga transfree dito sa University. 

Magpapatuloy na sana ako sa pagkain nang may bigla akong maalala. Muli ay tumingin ako sa babae.

'That's her!'

SIYA ANG BABAENG NAKABANGGAN KO SA MAY PARKING LOT!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status