Share

Chapter 9

ISANG YELLOW sunny dress na hakab sa baywang ang sinuot niya, umabot lang ito hanggang sa gitnang hita niya. Maraming mga damit na pang babae sa cabinet na may mga tag pa lahat na ang iba ay kasing halaga na ng sahod niya sa loob ng dalawang buwan. 

Pinatuyo niya ang buhok gamit ang nakita niyang blower sa banyo kanina. Wala siyang make up o kahit pulbo. 

Lumabas na siya ng kuwarto. Sa hagdan pa lang amoy na niya ang mabangong amoy ng pagkain. Napahawak siya sa tiyan niya nang kumulo ito. Gutom na siya dahil hindi siya kumain kagabi.

Nasa dulo na siya ng hagdan nang may marinig siyang kumosyon sa labas ng log house. Naglakad siya papunta sa direksyon ng pintuan. Nang malapit na siya sa may pintuan natigilan siya nang marinig ang isang pamilyar sa boses. 

"Ahas kang hayop ka! Ilabas mo si Angela!"

Nanginginig na sumilip siya sa pintuan. Malakas na napasinghap siya nang makita si Mael at Jonas na nagpapambuno. Parehong duguan na ang mga mukha ng mga ito pero walang gustong sumuko. 

"Ikaw ang ahas. Traidor!" sigaw ni Mael saka sinugod ng sapak si Jonas. Sapul sa panga ang huli. Natumba ito sa lupa susugudin pa sana ito ni Mael pero natadiyakan ito ni Jonas sa sikmura.

Mabilis siyang tumakbo nang makitang magsusugudan na naman ang dalawa. Humarang siya sa gitna ng mga ito. 

"Tama na!" sigaw niya. Tumigil naman ang mga ito. Parehong habol ang hininga. 

"Babe..." tawag sa kanya ni Jonas. Nilingon niya ito at parang nadurog ang puso niya nang makitang putok ang kilay nito at labi, namamaga rin ang panga. Nakahawak ito sa tadyang nito at halatang may iniinda do'n. Nilapitan niya ito at mabilis na niyakap. Napaigik ito pero pinilit inakap sa kanya ang isang kamay nito. Naramdaman niya ang paghalik nito sa sentido niya. "Uuwi na tayo..."

"Get off her!" Pareho silang napatingin kay Mael na puno ng galit ang mga mata. 

Maliban sa putok na labi nito mukhang wala ng ibang iniinda ito. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanila. Nagngangalit ang panga nito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay. He look murderous kaya naman wala sa loob na lalo siyang nagsumiksik sa katawan ni Jonas. 

Nakita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito pagkatapos ay agad na napalitan nang poot. 

"Let her go or I will kill you!" mapanganib ang boses na sabi ni Mael. 

Hindi natinag si Jonas. Pero siya naman ay halos manginig na ang tuhod sa galit na nakikita niya sa mga mata nito. 

Mas matangkad ito at malaki ang katawan kaysa kay Jonas kaya hindi na rin nakakapagtaka na hindi ito napuruhan ng huli, bagkus si Jonas pa ang mukhang gulpi. 

"No... You are the one who need to let her go. Tigilan mo na ang kabaliwan mo Ishmael!" galit na sigaw dito ni Jonas. 

"Shut up! You son of a bitch! I swear I'm gonna kill you!" Bumaling sa kanya ang mga mata ni Mael at inilahad ang palad sa kanya."Come here, Angela..." Utos nito. 

Umiling siya. Halos malamukos na niya ang damit ng kasintahan sa sobrang higpit nang kapit niya dito. Gusto na niyang umuwi makalayo sa galit ni Mael. Hindi niya kayang harapin ang galit nito kaya sasama siya kay Jonas kahit anong mangyari hindi siya magpapaiwan. 

Ngumisi si Jonas kay Mael. "Ako ang pinili niya kaya aalis na kami." 

Hindi umimik si Mael, naging blangko ang ekspresyon ng mukha nito. Nawalan ng buhay ang mga mata nito. Kahit anong emosyon ay wala kang mababakas. Mas malamig pa sa yelo ang mga titig bito sa kanya. Tumalikod na sila at iniwanan si Mael. Inalalayan niya si Jonas dahil halata ang hirap nito sa paglalakad. Pero habang humahakbang siya palayo parang may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya. Pumatak ang mga luha niya. May kung anong pumipigil sa kanya na wag umalis, na wag iwan ang 'asawa'. 

Nilingon niya ito para sulyapan sa huling sandali bago sila umalis ni Jonas pero ganon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makitang may hawak itong baril at nakatutok sa kanila. Bago pa man siya makakilos ay pumutok na ang baril na hawak nito. Naramdaman niya na biglang bumigat si Jonas nang tignan niya ito ay nakaawang ang labi nito at may dugong tumutulo doon. Sinapo niya ito pero dahil mas mabigat ito sa kanya ay natumba siyang kasama ito. Pinilit niyang bumangon. Nanginginig ang kamay na kinalong niya ang ulo ni Jonas. Parang nanlalaki ang ulo niya at namamanhid ang buong katawan niya nang makitang halos mapuno na ng dugo ang bandang tiyan ng kasintahan. 

"N-no .. N-no..." Mabilis na nag-unahan ang pagpatak ng luha niya sa nakikitang paghihirap ng kasintahan. Umubo ito at sumuka ng dugo. Niyakap niya ang ulo nito nang mahigpit. "No! Please, baby no!" bulong niya dito. 

"Tulong! Tulungan niyo kami!" sumigaw siya para humingi nang tulong pero sino ba ang niloloko niya? Nasa gitna sila ng gubat at ilang kilometro ang layo ng malapit na bahay dito. 

"S-s-ssshh... d-dont c-cry..." Kahit hirap ay inangat nito ang kamay at pinunasan ang luha niya. Lalo siyang napahagulgol. May dinukot ito sa bulsa. Isang susi. Susi ng sasakyan nito."G-go..." pinilit nitong isiniksik ang susi sa kamay niya. Mabilis siyang umiling kahit nanlalabo ang mga mata dahil hilam sa luha ay kita niya pa din na nahihirapan ito.

Isang malakas na kamay ang biglang humawak sa braso niya kaya naman nabitawan niya ang susi ni Jonas. Tumingala siya. Nakita niya si Mael. Hinila siya nito kaya napatayo siya.

"H-hayop ka! Demonyo ka!" Galit na pinagsusuntok niya ito habang kinakaladkad siya. "Bitawan mo ko! Hayop ka, bitawan mo ko!" Nagpumiglas siya dito pero kahit anong gawin niya ay hindi siya nito binitawan. Binuksan nito ang sasakyan nito at pabalya siyang itinulak sa loob ng passenger seat napasubsob siya. Tumama pa ang noo niya sa may kambyo kaya bahagya siyang nahilo. 

Mabilis na pumasok si Mael sa driver seat at paarangkadang pinatakbo ang sasakyan. 

Tarantang umayos naman siya ng upo at tinangkang buksan ang pintuan pero naka-lock iyon. Kinalampag niya ang bintana ng sasakyan, hindi niya na matanaw si Jonas. Bumaling siya kay Mael. "S-si J-Jonas... Hindi natin siya pwedeng iwan... Mael! Mael si Jonas baka mamatay siya don..." Histerical na pakiusap niya dito pero hindi man lang ito natinag. Nagdi-drive pa rin ito at nasa kalsada lang ang paningin.

Sumulak ang galit na nararamdaman niya. Sobra na ang kasamaan nito. Paano nito nagawang barilin ang sarili nitong pinsan? Tao pa ba ito? 

Galit na inagaw niya ang manibela dito. 

"Shit!" mura nito nang gumewang ang sasakyan dahil sa pakikipag-agawan niya dito ng manibela. Malakas itong prumeno bago pa sila mabangga sa isang puno. Galit na bumaling ito sa kanya pero hindi siya natatakot dito mas lamang ang galit na nararamdaman niya. "You almost killed us!" bulyaw nito sa kanya. 

"You kill him! Mabuti pang mamatay na rin ako!" malakas na sigaw niya rin dito.

Kita niya kung paano nagdilim ang mukha nito. Hinampas nito ng paulit-ulit ang manibela habang mahinang nagmumura. May kinuha ito sa compartment. Isang syringe na may lamang madilaw na likido. Tinanggal nito ang takip ng heringgilya at walang sabi sabing itinurok sa leeg niya.

Nanlaki ang mga mata niya na napahawak sa leeg niya na nasaktan. "A-anong g-ginawa mo---" hindi na niya na tapos ang sasabihin dahil nawalan na siya ng malay. 

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
huwag kang bitter channel
bakit may ganun, grabe pagmamahal pa ba matatawag ang ginagawa nya
goodnovel comment avatar
Lhanie-blue Ramos
Author,,madami na po ba kayong na update na episodes..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status