Share

Chapter 3

MABILIS siyang tumayo mula sa couch ng may mag doorbell

Napag buksan niya sina Mateo, Manolo, Arjhay, Gabin at.. si Millet - muse ng school, candidate for valedictorian at napapabalitang nililigawan ni Gab. Akala niya tsismis lang pero sa nakikita niyang pag alalay dito ni Gab mukang totoo ang tsismis. 'puta! Ang sarap manakit!'

"H-Hi, pasok!" Sabi niya na may pilit na ngiti at niluwagan ang pinto

Nag sipasok naman ang mga ungas mga feel at home deretso sa sofa at nag si upo. Naiwan sa pinto si Gabin at Millet

"Hi, Sabrina rigth?" Bati sa kanya ni Millet. Tinaasan niya lang ito ng kilay. Plastic neto samantalang dati kung paringgan siya wagas dahil lang nanligaw sa kanya yung ex nitong mukhang kulugo.

Naramdaman niya naman ang marahang pag siko sa kanya ni Gab kaya tinignan niya ito ng masama. Sumisenyas ito na batiin niya naman si Millet. 'Manigas ka! hayup di pa man tayo nag tataksil kanang letse ka!' Gusto sana niyang sabihin pero nag pigil siya. Pag plastic ang kaharap aba di mag paka plastic ka din! Ha!

"Hi, tumataba ka ah." Nginitiaan niya pa ito ng nakakaloko at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Namula naman ito sa sinabi niya halatang napahiya. Totoo naman kasi medyo tumaba nga ito kumpara sa huling kita niya dito.

"Wag mong pansinin yan Millet, palabiro talaga yan. Tara don" sabi ni Gabin kay Millet saka iginiya na si Millet papunta sa sala

'Hudaasss!!!!'

sigaw niya sa isip at nag dirty finger siysa mga ito ng makatalikod sa kanya

Pabalibag niya namang sinara ang pinto na ikinatingin ng lahat sa kanya pati na ang kuya niya ay napalingon at napakunot ang noo

"Ay napalakas he-he" palusot niya

Lumapit narin siya sa mga ito sa sala. Nakaupo sa sahig sina Mateo at Arjhay, si Millet naman nasa dulo ng couch katabi si Gab at nag bubulungan. katabi naman ni Gab si Manolo kaya tumabi naman siya kay Manolo. Ang kuya niya naman ay inaayos ang play station.

"Ganda mo ngayon Sab ah" sabi ni Manolo sa kanya na ikinangiti niya. Akala niya walang makakapansin sa pag aayos niya ngayon e. Kaidad niya ito. anak ng teacher. Cute din naman, moreno. Yun nga lang mas bet niya si Gabino

"Ngayun lang?" pabirong tinaasan niya ito ng kilay.

"Di ah. Maganda kana mas maganda ka lang ngayon" nakangiting sabi nito sabay kindat sa kanya. Halatang nag papa cute sa kanya

Di na siya umimik. Kung ano kinaganda ng umaga niya, ganon naman kapangit ang hapon niya, dahil kina Millet at Gab na parang mga bubuyog na nag kkwentuhan.

"Sab, order ka pizza" baling sa kanya ng kuya Sean niya ng matapos itong mag set

"K" maiksing sabi niya. Kaya lang ang landline ay nasa tabi nila Millet at ayaw niyang lumapit sa mga ito baka hindi siya makapag pigil at mapag untog lang niya ang mga ito kaya naman tumayo na siya at pumunta sa kusina para gamitin ang extension phone.

Pag katapos tumawag lumapit siya sa ref at kinuha ang pitchel ng tubig, kinuha niya rin ang powdered juice sa cup board saka tinimplahan ang pitchel

"Sab, pa cr" napapitlag siya ng marinig si Gabin sa likod niya

"Di mag cr ka!" Mataray na sabi niya dito para maitago ang kabang biglang naramdaman niya dito. Nag patuloy siya sa lag hahalo ang juice

"Taray nito" tatawa tawang sabi nito " meron ka no?" Naupo pa ito sa stool sa tabi niya saka nangalumbaba

"Mag cr kana nga!" kunwa'y inis na aniya dito kasi naiilang siya sa pag kakatitig nito sa kanya

"Baby, patikim ng juice" napalingon siya dito. Namumungay ang mata at amoy alak

"Lasing kaba?" Nakakunot ang noo na tanong niya dito. Di naman ito amoy alak ng dumating ang mga ito

"Nakinom lang" natatawang anito

"San ka uminom?" Takang tanong niya dito

"Dito. May dala sila Mateo. Empi. nakalagay sa C2" paliwanag nito.

Kaya pala pinag papasa pasahan ng mga ito ang C2 kanina. at sa sobrang inis niya di niya napansin na nag tatagayan na pala ang mga ito

"Bakit nakasimangot ka? Nag katampuhan ba kayo ni Manolo?" Tanong nito na sa juice nakatingin. Di niya mabasa kung anong iniisip nito at biglang nag tanong ng ganoon

"Sinasabe mo dyan?" Iritang tanong niya. Bakit Napasok si Manolo sa usapan?

"Wala. Teka cr na ko" tumayo na ito at pumunta sa cr. Linagay niya naman ang pitchel sa tray at nag lagay narin ng baso

Nang makalabas siya ng kusina sinalubong naan agad siya ni Manolo saka kinuha ang tray mula sa kanya

"Nice. Gentleman natin pre ah" napapitlag siya ng mag salita si Gabin. nasa likod na pala nila ito. Di nakaligtas sa kanya ang sarcastic na tono nito pero mukang di naman napansin ni Manolo dahil tumawa lang

Napansin niya na wala si Millet sa upuan nito

"Asan si Millet" tanong niyam ng makalapit sa mga ito

"Umuwi na" si Gabin ang sumagot

"Bat di mo hinatid?" Tanong niya dito pero deep inside nag bubunyi dahil masosolo na niya si Gabin

"Sinundo ng daddy niya eh" sabi nito at naupo na sa tabi niya. Ngayon ay napapagitnaan na siya ni Manolo at Gabin sa couch

Inabot niya naman ang bote ng C2 na 1000ml kalahati na ang laman. ilalapit niyasana sa ilong niya para amuyin ng pigilan siya ni Gabin

"Aamuyin ko lang" sabi niya dito dahil ayaw nitong bitawan ang kamay niya na nakahawak sa bote ng C2 at nang hatakin niya ay lalo pang humigpit ang hawak nito

"Style mo, Sabrina" naiiling na sabi nito na kinainis niya. Ano bang problema nito?.

Sa inis ay itinulak nditodito ang bote "Oh ayan sayo na"

"Tss" inirapan pa siya ng hudas sabay lapag ng bote ng C2 sa center table

"Hoy Gab, kayo na ba ni Millet?" Nabuhay naman ang hasang niya ng mag tanong si Arjhay. minsan talaga nakakatuwa ang pagiging intregero nito

Tumingin muna sa kanya si Gabin parang tinatantya siya niti. Pero bakit? Tinatantya ba nito kung anong magiging reaksyon niya sa sasabihin nito? Pero bakit nga? Shit aasa na ba siya? Napalunok siya dahil parang biglang nanuyo ang lalamunan niya.

"Hindi.. pa." Sabi nito na sa kanya nakatingin

Hindi pa pero mukang may chance na maging sila? 'Pakyu ka po!'

"King ina pre bagal mo naman" kantyaw ni Mateo sarap batukan. Feeling fuckboy kasi ito di naman kagwapuhan saka wala namang na fufuck kung makaasta.

"Gaya mo ko sayo" natatawang sagot ni Gabin sa pangangantyaw ni Mateo

"So ano na bang score nyo" tanong ni Manolo

Nakita niya namang sumeryoso ang mukha ni Gabin at nag iwas ng tingin sa kanya" secret" sabi nito. Napaismid siya.

"Kupal pa secret secret ka pa dyan" kantyaw dito ni Arjhay "Ang sabihin mo di ka pa sinasagot"

Nag tawanan ang mga ito maliban sa kanya

Sumandal si Gab sa sandalan ng couch at bahagya pang ihinilig ang ulo sa kanya na ikinaalertong mga cellsniya sa katawan. Sanay na ang mga kaibigan nila na ganito sila ni Gab at hindi mag iisip miski ang kuya niya ng malisya, pero iba ang nararamdaman niya ngayon ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

Masarap sa pakiradam ang init na nararamdaman niya mula sa mga braso nito na naka dikit sa braso niya

Tinignan niya ng pasimple ang mga kasama nila. Busy ang mga ito sa panood at pag lalaro at tila walang pakialam sa nangyayari sa paligid

"Sab.." Tawag ni Gabin sa kanya. Tumama sa pisngi niya ang mainit na hininga nito

"Hmmm?" Sagot niya. Di siya makapag salita dahil sa pag pipigil na kiligin

"May balak kabang sagutin si Manolo?"

"Ha?" Hanu daw?

"Tss. Narinig mo tanong ko, alam ko" inis na bulong nito

"Hindi naman nanliligaw si Manolo ah"

"Weh?"

"Di tanungin mo siya"

"Wag na. Naniniwala naman ako sayo eh" malambing na sabi nito. Sana lagi nalang itong nakainom. Mas ok kasi eh mas malakas makapag pakilig. Ang sweet sweet kala mo sila na!

Maya maya naramdaman niyang bumigat ang ulo nito sa balikat niya, pantay na rin ang pag hinga nito. Nakatulog na. Napangiti siya. Kinikilig kasi siya. 'Shemaay'. Tumaas ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito kaya lang biglang lumingon ang kuya niya kaya sa taranta niya nasampal niya ng malakas ang pisngi ni Gabin, sanhi para bigla itong maalimpungatan

"Asan? Asan?" Bigla itong bumalikwas ng bangon at parang tanga na palinga linga habang hawak ang pisngi. Lahat sila ay dito nakatingin. Namumula pa ang mata nito.

"King ina mo Gabino abnoy kaba?" Natatawang sabi ng kuya niya dito. Namula ang mukha nito at napatingin sa kanya. Nag patay malisya nalang siya at nag iwas ng tingin dito

To be continued..

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status