Share

Chapter 4

MAAGA pa lang nagising na siya para mag handa ng sosootin niya para mamaya, ngayon kasi sila mamimili ni Gab para sa rekado ng menudo

Miniskirt at red gap backless ang sinuot nya at rubber shoes. Nag lagay siya ng sunscreen saka polbo at lipgloss. Tinali niya pataas ang buhok niya.

Nang makonteto kinuha niya ang maliit na sling bag niya na kasya lang ang cellphone at wallet

Lumabas na siya ng kwarto at dumeretso sa kusina andon na ang mama, papa at pati ang kuya niya na nag aalmusal

"Good morning" masayang bati niya dahil parang ang tahimik nila

"Morning" bati ng kapatid niya

"May lakad kaba Sabrina?" Tanong sa kanya ng daddy niya na hindi inaalis ang mata sa binabasang dyaryo

Naupo siya sa tabi ng kuya niya "Yup!" sagot niya saka tinusok ang hotdog at nilagay sa plato niya

"Saan naman ang punta mo?" Tanong ng mommy niya

"Mag kikita kame ni Gabin, mamimili kame ng rekado kasi mag ka partner kame sa TLE eh mag luluto kame ng menudo" paliwanag niya sa mommy niya na halatang hindi naman interesado sa sinasabi niya "ahm my, penge akong pera mag aambagan kame eh"

Nag labas naman ng three hundred ang mommy niya at inabot sa kanya

Nag pasalamat siya at kumain na. Wala ng umiimik sa kanila habang kumakain. Sanay naman na siya sa mga magulang nila. kahit kailan di pa niya nakitang sweet sa isat isa ang mga ito. nag uusap lang ang mga to kapag may pinag tatalunan.

Ang daddy niya ang unang umalis sa lamesa maya maya ang mommy naman niya

"Sab.." Pukaw sa kanya ng kapatid, nilingon niya ito at napakunot noo siya ng makitang parang problemado ito

"Oh?" nakataas ang kilay na tanong niya dito

"Baka mag hihiwalay na sila mommy" malungkot ang boses nito. Sa kanilang dalawa ang kuya niya ang mas apektado sa sitwasyon ng mga magulang nila kaya di na siya nag tataka na mukhang depress ito sa mga nangyayari sa magulang nila.

"Yaan mo sila" balewalang sabi niya. Satingin niya naman wala namang mag babago kung mag hiwalay ang mga magulang nila. Para sa kanya selfish ang mga magulang nila. Kahit kailan wala siyang natandaan na lumabas o namasyal silang pamilya na mag kakasama. Halos si aling belen narin ang nag palaki sa kanila ng kuya niya. dahil lagi namang busy ang mga magulang nila.

"Parents parin natin sila" patuloy nito "di ba dapat gumawa tayo ng paraan para hindi sila mag hiwalay" naaawa siya dito minsan mas malambot pa ang damdamin nito kesa sa kanya, parang ito ang babae sa kanilang dalawa. Parang siya nga rin ang panganay sa dahil madalas niya pa itong ipag tanggol.

"Alam mo, di ka naman siguro bulag. Ayaw nila sa isat isa. Di nga sila makatagal na mag kasama sa isang lugar eh" iritang sabi niya. Kung siya tatanungin mas gusto niya pa na mag hiwalay ang magulang nila, kasi ganon din naman parang wala silang magulang pag katapos silang abutan ng pera mag sisi layas na tapos babalik nalang uli para bigyan sila.

Di na umimik ang kapatid niya kaya tumayo na siya at umalis

Sumakay siya ng tricycle papunta ng bayan nag text na sa kanya si Gabin na andon na daw siya

Ten minutes lang nasa bayan na siya. Nag bayad siya sa tricycle at bumababa na. Nag lakad siua papunta sa bakery andon daw si Gab

Natanaw niya naman kaagad si Gab. Kumakain pa ng tinapay at softdrinks.

"Tara na?" Aya niya dito pag lapit niya.

Hinagod siya nito ng tingin bago ito nakangiting tumango at mabilis na inubos ang pag kain.

'Di man lang nang alok' Pero ayos lang makita niya lang itong busog, masaya na siya

Sa gulayan muna sila pumunta para bumili ng patatas, carrots, sibuyas at bawang

Natutuwa siyang pag masdan siya habang pumipili ng mga patatas ang cute cute nitong tignan.

Pinag titinginan din sila ng mga tao lalo na yung mga tindera dahil sa gwapong kasama niya at proud na proud naman siya dahil feeling girlfriend naman ang peg niya.

Nang matapos itong bumili ng mga gulay iniwan siya nito prutasan. Dun nalang daw siya at ito nalang daw ang bibili ng karne sa loob dahil maputik daw kaya um-oo nalang siya

Tumitingin tingin siya sa mga panindang prutas ng may kumalabit sa kanya

Pag lingon niya nakita niya si Kevin

Ex ni Millet

Kasama mga barkada nito

Tinaasan niya naman ito ng kilay

"Wala akong barya" mataray na sabi niya dito. Mukha kasi itong pulubi

"Muka ba kong walang pera?" Nakatawang sabi nito

"Oo. Muka kang street children" nakangising sabi niya dito. Totoo naman muka itong gusgusin kahit puting puti ang white tshirt na suot nito.

Nawala naman ang ngiti nito at matalim siyang tinitigan

"Ikaw napaka pintasera mo. Akala mo maganda ka!" Galit na sabi nito saka hinawakan ang braso niya

"Ay talagang OO maganda ko. Bitaw nga" inis na hinila niya ang kamay pero humigpit lang ang hawak nito sa kanya "di ka bibitaw?" Inis na tanong niya dito

Pero ang taong kulugo tumawa lang ng nakakaloko kasama ang mga alipores nito

"Manong mag kano to?" tanong niya sa tindero sa nadampot na papaya

"Trenta" sagot nito

"Ah trenta.." sabi niya sabay nakangiting bumaling kay Kevin "Di ka bibitaw ha?" Nakangising sabi niya sabay hampas ng papaya sa ulo nito. Pisa ang kaawa-awang papaya. Napangiwi siya lalong pumangit ang kulugo

"Tang'na ka!" Sigaw nito at akma siyang sasapakin ng may biglang sumipa dito sa tagiliran. Lipad ang kulugo at padapang humalik sa lupa.

Tinignan niya naman ang sumipa. Si Gab at hindi ito nag iisa kasama nito si Mateo at Manolo

'Oh my .. Ang astig niya don ha' kinikilig na naisip niya

Akmang susugod ang alipores ni keven pero pinag tag isahan ng upakan nila Mateo at Manolo ang mga ito, si Gab naman ay lumapit sa kanya at pinahawakan ang mga pinamili nito. lumapit ito kay kevin habang pinatutunog ang mga kamao, kinuwelyuhan nito si Kevin saka pinag sasapak

"Tama na!" Sigaw niya. Hindi siya makalapit dahil sa takot na masiko o masapak. Natatakot siyang mabangasan ang maganda niyang mukha

Nakarinig naman siya ng pumito. Pag lingon niya ay nakita niya ang mga tanod. Siguro may tumawag sa mga ito dahil may malapit lang naman na barangay hall dito

"Tara na" sigaw ni Mateo ng matanawan ang mga paparating na tanod

Hinila naman siya ni Gab saka mag kahawaka ng mga kamay na tumakbo kasunod nila Mateo na lumiko sa isang eskinita palabas ng talipapa

Malayo layo na sila sa talipapa ng huminto sila. Hingal na hingal siya kaya napaupo siya sa bench ng waiting shed na hinintuan nila. Hawak niya ang dibdib niya at marahang hinihilot iyon dahil kinakapos siya ng hangin sa haba ba naman ng tinakbo nila.

Tumabi sa kanya si Manolo at hinimas ang likod niya

"Ok ka lang?" Tanong ni Manolo sa kanya

Tumango lang siya dahil hindi niya magawang mag salita , nanunuyo ang lalamunan niya sa pagod

"Oh uminom ka muna" pagalit na sabi ni Gabin sabay abot ng bote ng mineral. Binili niya siguro sa vendor na nasa gilid ng waiting shed. Inabot niya yon at di na pinansin ang pagalit na tono nito dahil sa sobrang pagod. agad siyang uminom at napangalahati niya agad ang mineral

"T-thanks" sabi niya dito pero inirapan lang siya

'Arte ng letse na toh!'

"Tara na uwi na tayo" pag kuwan ay sabi ni Gabin saka hinawakan ang kamay niya at hinila siyang patayo

"T-teka lang" angal niya, nanlalambot pa kasi ang mga tuhod niya dahil sa ginawang pag takbo. Pero di siya pinansin nito. Patuloy lang ito sa pag hila sa kanya patungo sa paradahan ng tricycle at pinasakay agad siya doon. Inalalayan pa nito ang ulo niya para hindi siya mauntog sa bubong ng tricycle, kikiligin na sana siya kaya lang nakasimangot parin ito. Wala na siyang nagawa kaya kumaway nalang siya kina Manolo na nag tatakang nakatingin sa kanila

"Bakit pala kasama mo sila Manolo kanina?" Tanong niya dito dahil hindi ito umiimik

"Nag kasalubong kame sa loob kanina mamimili rin sila ng pang rekado"

"Ah"

Katahimikan...

"Bakit ka hinaharass nila kevin?" Pag kuwan ah sabi nito

Napasimangot siya ng maalala niya si kevin

"Ewan ko sa taong kulugo na yon. Di ata maka move on na binasted ko siya" inis na sabi niya. Nanggigigil parin talaga siya kay Kevin hanggang ngayon

"Nanligaw siya sayo?" Parang gulat na sabi nito

"Oo. Di ba sinabi ni Millet sayo?"

"Bakit naman niya sasabihin?"

"Ex niya yon eh. Nag break sila dahil gusto akong ligawan ni kevin. Pinag initan pa nga ako ng Millet na yon" naka irap na sagot niya dito

"Hindi ko alam na nag kainitan pala kayo ni Millet dati. Kaya pala parang asar ka sa kanya. Akala ko.." Sabi nito na parang sa sarili lang sinasabi

"Akala mo ano?"

Para naman itong nataranta. Napalunok muna bago nag salita

"A-akala ko insecure ka lang sakanya"

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi nito "Hoy Gabino ang kapal ng mukha mo mas maganda naman ako don kay Millet noh" inis na sabi niya dito. 'Kapal ng mukha ako pa insecure? Sa ganda kong toh'

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bun So
verry nice story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status