Share

Chapter 8

"Hoy Jannah!" tawag niya kay Jannah na paakyat na sa hagdan. Mabilis niya itong hinila at hindi na inantay pang makareklamo. Ipinasok niya ito sa loob ng cr.

"What?" nakasimangot na tanong nito sa kanya.

"Is it true?"

"Ha?" halatang iritable na ito.

Naipaikot niya ang mga mata "Is it true that Gab has a crush on me?" excited na tanong niya dito. Tinitigan siya nito na parang na babaliw na siya. Well nababaliw na nga siya! At kung hindi pa ito mag sasalita baka masakal niya na ito sa sobrang pabitin nito.

"Ano?" inis na untag niya dito dahil parang wala itong balak mag salita!

Maarteng itinirik nito ang mga mata "Ghaadd! Manhid kaba? Obvious  naman na gusto ka niya" inis na anito

Its O to M to G! Gusto niyang mangisay sa kilig!  Confirm crush siya ni Gab!

Akmang tatalikod na ito ng pigilan niya.

"Ano ba Sabrina?" asik nito na nandudumilat pa ang mga mata sa kanya.

Nag puppy eyes siya dito "May itatanong pa ko.. please.." pakiusap niya dito.

"Tss pwede ba next time nalang?" tatalikod na sana uli ito ng pigilan niya uli.

"Ngayon na saglit lang toh!"

"Ghaad! Okay pero dun na tayo sa labas" tatalikod na naman ito ng pigilan niyang muli for the third time.

" Dito nalang para walang ibang taong makarinig sa atin" pakiusap niya dito.

pero nagulat siya ng bigla siya nitong tabigin ng malakas. "E anong tingin mo sa mga yan bato?!". galit na anito sabay turo sa likod niya.

Nilingon niya naman ang itinuro nito.

Mga estudyanteng lalake na nakaharap sa urinal at umiihi habang ang mga ulo ay nakapaling sa kanilang dalawa ni Jannah. Kaya pala mapanghi!

Pero hindi yun ang ikinagulat niya kundi ang isang estudyante na malaki ang pag kakangisi na nakatingin sa kanya habang nag sasara ng zipper ng pantalon nito. Si Gabino! 'Lintik!'

" Ghaad my virgin eyes!" maarteng tili ni Jannah sabay labas ng cr.

Nang mga oras na yon isa lang ang gusto niyang mangyari ang bumuka ang  sahig na tiles ng cr at lumubog siya!

'Nakakahiya!'

PARA MAKAIWAS kay Gab pinakiusapan niya nalang ang classmate niya na makipag palit ng upuan sa kanya. Pinili niya yung malayo kay Gab.

Ramdam niya na tinititigan siya nito. Parang naiimagine niya na ang pag kakangisi nito katulad nalang kanina kung paano siya nito ngisihan ng mag katinginan sila. Parang nahuli siya nitong nag nakaw kung tignan siya.

Bakit ba kasi hindi niya man lang naisipang i check kung kaninong cr ba yung pinapasok niya? Nakakahiya daig niya pa nag confess kay Gab dahil sa nangyari! Kilig na kilig pa naman siya, may patili-tili pa siyang nalalaman!

'Nakakahiya talaga! Mag transfer na kaya ako?'

Inuntog niya ang noo sa ibabaw ng desk niya. Nakaramdam pa siya ng kaunting pag kahilo dahil napalakas ang ginawa niya.

"Aw" daing niya habang hawak ang nasaktang noo. Pag angat niya ng ulo niya nakita niyang nakatayo sa harapan niya ang teacher nila. Napaatras ang leeg niya.

"Inaantok ka na ba sa klase ko Ms. Arcega?" seryosong tanong ng teacher nila.

pinamulahan siya ng mukha. Napalingon siya kay Gab. Nakapangalumbaba ito habang nakangiting nakatangin sa kanya. Napapahiyang inirapan niya ito.

"Sorry Maam.." hinging paumanhin niya nalang sa teacher nila na umingos lang at nag patuloy na sa pag lelecture.

"KAPAG MINAMALAS ka nga naman" inis na bulong niya

Malapit na siya sa gate ng bigla namang bumuhos ang ulan. Wala siyang dalang payong kaya sumilong muna siya sa isang shed na malapit sa gym. Hindi niya kasabay ang kuya niya  ngayong uuwi dahil mag lalaro daw ito ng basketball kasama nila Mateo. Si Erika naman hindi niya mahagilap hindi niya rin makontak kaya mag isa lang siya ngayon. Dapat kanina pa siya nakauwi kung di lang siya pinatawag ng teacher niya sa MAPEH para sabihing babagsak siya sa subject nito kung di siya sumali sa cultural dance.

Biglang may nag takip ng mata niya. Sa amoy pa lang alam niya ng si Gab ang nasa likuran niya.

Pero naisip niyang asarin ito..

"Manolo?" malambing na sabi niya dito.

Nagulat naman siya ng tanggalin nito ang kamay sa mata niya at bigla siyang itulak kaya malakas na napatili siya. Buti nalang agad rin siya nitong nahawakan sa braso kaya hindi siya tuluyang bumagsak

"Shit ka talaga Gabino masasapak kita!" Nanlalaki ang mga mata niya at ang bilis ng kabog ng puso niya, akala niya talaga susubsob na siya sa basang semento. Nang tignan niya ito ay  nakasimangot pa ito as if naman na kasalanan niya pa!

"Subukan mo ng halikan kita!" Seryoso ang mukha nito na nakatitig sakin

Napakagat labi siya nag iisip siya kung sasapakin niya ba ito o hindi. sayang rin kasi ang libreng kiss galing kay crush.

'Desperada lang mahalikan girl?'

'Oh eh ano choosy ka pa teh?'

Nag tatalo ang isipan niya masyado kasing tempting ang alok nito. Biruin mo nakaganti na siya sa ginawa nitong pag tulak, may free pang kiss!

"Bakit andito ka pa?" Pag kuwan ay tanong nito.

Pinaikot niya lang ang mata niya.

"Di ba obvious ang lakas ng ulan oh pano ko makakauwi nyan" sabi niya dito sa tono na parang ang tanga tanga ng tanong nito "Ikaw, bakit ka nandito?"

"Duh di ba obvious?" Sabi nito na ginaya ang tono niya kanina. Natawa nalang siya dahil ang cute nito ng ginawa nito yun "Asan kuya mo? Wala kabang kasabay umuwi?" Tanong nito habang abala sa pag kalkal sa bag nito. Maya maya nag labas ito ng payong.

"Nag basketball sila nila Mateo"

"Ah.. Tara na sakin kana sumabay" binuksan na nito ang payong saka inilahad pa nito ang kamay sa kanya. Napatitig siya sa mga kamay nito. Nang hindi niya yun abutin bigla nalang siya nitong inakbayan at pinasukob sa payong nito. Biglang nag wala ang puso niya sa pag kakalapit nila. Amoy na amoy niya yung downy at colonge na gamit nito. Kahit hapon na ang fresh fresh ng amoy nito. Malakas ang ulan at malamig ang hangin pero hindi siya giniginaw dahil sa pag kakalapit ng mga katawan nila.

Nag lalakad na sila habang nakaakbay parin ito sa kanya.

"Hindi ko nililigawan si Millet.." Mahina ang boses na halos bulong nalang na anito pag kuwa'n.

"Ano?" Tanong niya dito. Hindi niya kasi masyadong narinig ang sinabi nito dahil mahina ang boses nito.

Bumuntong hininga ito, Humigpit ang pag kakahawak nito sa balikat niya. Huminto sila sa pag lalakad. Humarap ito sa kanya at tinignan siya deretso sa mata.

"Hindi ko nililigawan si Millet. Lagi ko siyang nilalapitan dahil mag kumare si mommy at ang mommy niya, madalas may inuutos sakin si mommy na iabot kay Millet para sa mommy niya. Nalaman ko na pinag kakalat ni Millet na nililigawan ko siya nahiya naman akong salungatin dahil baka mapahiya.. Saka.." Napahawak ito sa batok nito at parang nahihiya. Hindi naman siya makaimik dahil prinoproseso parin ng utak niya lahat ng pinag tatapat nito sa kanya "Saka naisip ko na gamitin yung pag kakataon na yon para pag selosin ka"

Napamaang siya sa huling sinabi nito. Gusto siya nitong pag selosin?

"Gusto kita Sabrina"

Parang tumigil ang pag tibok ng puso niya.

"Gusto kita second year palang tayo. Kaya nga kinaibigan ko ang kuya mo dahil nahihiya akong lapitan ka. Ang suplada mo kasi non" tumawa ito "kaya lagi rin akong nag vovolonteer na sa bahay gumawa ng mga project natin dahil gusto kong mapalapit sayo... Alam ko bigla bigla ang pagtatapat ko sayo ngayon pero.. Natatakot ako sab.. Natatakot ako na mas piliin mo si Manolo kesa sakin kaya-"

Pinutol ko ang pag sasalita niya sa pamamagitan ng pag dampi ng halik dito.

"Gusto din kita" nakangiting sabi niya dito. Bigla naman nanlaki ang mga mata nito. Pumikit pikit pa ito. Natatawa siya sa gulat na gulat na ekspresyon nito na parang di makapaniwala hanggang sa unti unti gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. Tinakpan nito ang bibig saka tumalikod sakanya. ang isang kamay nito ay hawak ang payong bahagya pa siyang nabasa ng ulan dahil lumihis ang payong na hawak nito kaya bahagha niya yung hinila para mapayungan siya. Nangunot ang noo niya sa inakto nito kaya bahagya niyang sinuntok ang likod nito

"Gabino ano ba?" Nag uumpisa na siyang mainis. Tumikhim ito at humarap sakanya. Hindi na ito nakangiti pero nag niningning naman ang mga mata.

"So tayo na?" Halatang nag pipigil lang itong ngumiti, mag kasalubong ang mga kilay nito pero makikita mo naman na masaya ito base sa kislap ng mga mata nito

"Hoy manligaw ka muna!" Kunwaring pag tataray niya dito

"Ang arte mo talaga. Umamin ka ng gusto mo ko eh papaligaw ka pa. Saka hindi sa ligawan nababase kung tatagal kayo kundi kung pano mo ipapakita kung gano kahalaga sayo yung taong gusto mo" seryosong sabi nito

Kinilig siya sa sinabi nito kaya nakurot niya ang tagiliran nito.

"Ano Ms.Sabrina Arcega will you be my girlfriend or will you be my girlfriend?"

"Parang wala naman akong pag pipilian" nakasimagot na sagot niya dito

Kinulong nito ang mukha niya sa mga kamay nito "Meron Ms.Arcega. binibigyan kita ng choice na maging first girlfriend ni Gabino Melchor ang isa sa pinaka hot na 4th year student ng St.Catherine"

Tatanggi pa ba siya? Siyempre hindi!

"Ok.. I will be your girlfriend Mr.Melchor" napahagikgik siya dahil sa ka kornihan nilang dalawa pero atleast She's his girlfriend na! Wagi!

To be continued..

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mhie Lynne
Gkilig ko thank u
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status