Share

Arrange Marriage With My Ex
Arrange Marriage With My Ex
Author: Mimi Castro

Prologue

"Meteor garden cast! Asaan ka na Shancai? Si Huazie Lei at si Dao Ming Si nagaaway! Hoy!"

Nabingi ako sa sigaw ni Hanan ng humarap siya sa akin, Binatukan pa ako! Langya! Anong problema neto?

"Pinagsasabi mo?" inismiran ko siya. 

"Si Prince Cj at tsaka si Prince Davee! Nag-one on one sister dahil sa'yo!" masayang sagot niya.

"Dahil sa akin?" gulat na tanong ko at siya na naman ang binatukan ko, Pasmado 'to e.

"Tara libre ko, Pasmado ka na e." saway ko pero isinasiwas lang niya ang kamay ko.

"Mamaya na! Halika na Kim baka wala na tayong maabutan my good!" inirapan niya lang ako.

Tumakbo na kami papuntang UST gym halos lumuwa ang mata ko ng makita sila ni Cj at si Davee na nag one on one nga sa basketball! OMYGOOD?!

"Teka? Anong ginagawa nila? What the hell is-----" tinakpan ni Hanan ang bibig ko langya! Anong ginagawa ng mga lalaking 'to?

"GO CAPTAIN!" sigaw ng mga students. Ofcouse mga Thomasian, Impossible namang Atenean diba? Bobo lang Kim?

"Itigil niyo ya-----" tinakpan na naman ni Hanan ang bibig ko kaya hinawakan ko ito para kalasin. 

"Problema mo?" kumunot ang noo ko sa kanya.

"Gago ka! Nag one on one pa oh tapos guguluhin mo lang?! Ang tae mo naman!" at minura pa talaga ako pero tumakbo ako papasok sa may barrel na nakaharang para patigilin lang sila.

"Langya! Tigilan niyo yan!" saway ko pero wala pa rin sumusunod sa akin.

Huminto sila ilang saglit kaya lumapit ako sa kanila. Mukhang nagkakainitan na ah? Walanghiya! Don't tell me mageeskandalo sila dito sa USTe? Parehas pa namang mga star players at mag kaibigan pa tapos magpapatayan sila?

Seriously?

"Paano ba yan Castillo nanalo ako, Akin na yung Fiancèe mo?" mahinang bulong ni Davee pero nangagamoy away 'to ah?

"Fuck you, Dumbass." he smirked.

"Hoy! Tumigil nga kayo! Ano ba?" pigil ko at pumagitna sa kanila dahil parang gusto ng magpatayan nilang dalawa! Hanan help!

"At sa tingin mo Alfonso makukuha mo ang babaeng ipapakasal sa akin? No. Akin yan walang sayo." sarkastikong tugon ni Cj kay Davee.

Akmang susuntukin na niya si Cj pero humarang ako sa gitna nila. Anong nangyari sa dalawang 'to? Bakit sila nagpapatayan?

"Teka, Anong problema ninyo?" naguguluhang tanong ko.

"Diba girlfriend mo na si Alia? Ano pang gusto mo Cj? Nakuha mo na lahat diba? Tapos si Kim na naman ngayon? Ano? Ipagsasabay mo silang dalawa?" sarkastikong tumawa si Davee pero alam ko, Napipikon na siya.

"Tama na please wag dito. Cj calm down puntahan mo na si Alia, Kakausapin ko lang si Davee." nahihirapang sambit ko.

"Let's get out of here Kim, Na-suffocate ka na sa ugali ni Cj nakakahawa yan." hinila ako ni Davee sa kaliwang kamay pero hinawakan din ni Cj ang kanang kamay ko, Ano 'to?

Meteor garden ganon?

Tss. 

"At sa tingin mo mananalo ka sa akin Alfonso? You're definitely wrong dahil pagpinakasalan ko yan, Kahit konting anino n'yan hindi mo na makikita ulit." nagulat ako sa sinabi ni Cj, Anong nangyayari sa kanila?

"Hi babe!" nandyan na pala si Alia, Girlfriend ni Cj.

"Diyan ka mag-focus bro, Wag sa iba kasi mahirap na, Hihiramin ko lang naman ng isang gabi ang mapapangasawa mo, Bibinyagan ko muna bago ka." mas lalong ngumisi si Davee ng makita si Cj na parang papatay na ng tao.

"Fuck you! Umalis ka na bago pa kita mapatay dito!" inis na taboy niya kay Davee.

"Let's go! Nakikipag-away pa e. Bakit ba kayo nagkakaganyan ha?" saway ko kay Davee.

Umalis na kami sa Gym ng UST at pumuntang España, Mas mabuti na yun baka saang lupalop na naman mapunta ang away nila.

"Care to explain bakit nandito ka?" I asked calmly.

"Hmm. I miss you." he smirked. Parang baliw.

"Ano nga!" pamimilit ko, Nagbibiro pa e.

"I'm going back to Ateneo for good." he smiled and continue eating his fishball.

"Really? Bakit hindi ka na lang mag USTE?" masayang sambit ko habang nilalaro yung stick.

"What do you mean? Papagsamahin mo kami ni Cj sa court? Baka magka-engkwentro pa, No thanks. I'd rather choose Ateneo instead." he shrugged.

"Uh-huh, Nice choice somehow, Pero mas matutuwa ako pag naging Thomasian ka like me." ngumuso pa ako as if in cue nagpapaawa.

"Then you should transferred to Ateneo instead. They're offering me pag doon ako sa Ateneo they will make me again as the Team Captain of Ateneo Blue Eagles, Somehow not a bad offer." he just pinch my cheeks. Para sa kanya daw cute ako. Emyged, Eng heart quh.

"My Mom wants me to be a Thomasian, Wala akong magagawa Davee. My parents controls me." huminga ako ng malalim at pumikit.

"Okay ka lang? You need water? Ano?" umaandar yung pagka-OA niya. Promise.

"B-Buntis ako." napangisi ako ng makita ang reaksyon ni Davee na parang binagsakan ng langit at lupa. Hahaha!

"T-Totoo?" paniwalang-paniwala! Amputek!

"Jokeee! Ahahaha!" halos mawalan ako ng malay sa katatawa sa kanya! Naniwala agad! Ang babaw talaga neto.

"Ampt. Akala ko nabuntis ka na ng hambog na yun." umirap pa si Davee sa hangin.

"Oh? Magkaibigan naman kayo ni Cj noon hindi ba? Bakit hindi na?" sumisimsim na naman ako ng coke, Syempre! Hihi.

"Friendship over, Simula ng agawin niya sa akin si Alia, Naging maayos naman kami, Were both civil to each other. Kaso lang dumating ka then my world stops spinning." he smirked pero sinimangutan ko lang siya.

"Ang jologs neto! Nagpapakilig ka ba? Ha?" inumang ko sa kanya yung fishball na kinuha ko.

"Tss. Ayun sinabi kong akin ka na lang tutal hindi ka naman niya mahal tapos sinuntok niya ako." he just rolled his eyes.

"Grabe ka, Sinabi mo talaga yung hindi niya ako mahal ah? Nakakainsulto dear." natawa pa ako dahil sumimangot siya.

"Okay lang yan, Mahal naman kita, Kahit mahal mo siya." nag-pout pa talaga ang gago!

"Andrama!" saway ko.

Umirap lang ako. 

"Be the best man win." ngumisi siya. 

What!? 

*

Announcement: Universities that are related in this story are all fictional and all are pure imaginations by the author, other names, places, incidents are all coincidental. Prior universities such as, DLSU/ADMU/AU/NU especially USTe are all book of fictions only and not happineng in a true scenario or in reality.

Thank you! Enjoy reading!❤

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status