My Beloved Bodyguard
My Beloved Bodyguard
Author: August Mae

Chapter One

Kasalukuyang nasa sasakyan si Shamia patungo sa opisina nang tumawag ang kaibigan niyang si Krystaleen.

“Hello?”

“Ano Sham? Napuntahan mo na ba yung agency na ini-suggest ko sa’yo?”

“Not yet, maybe later.”

“Why? Puntahan mo na agad Shamia. Sasamahan kita if you want?”

Humugot muna ng malalim na buntong-hininga ang dalaga saka muling sinagot ang makulit na kaibigan.

“Mamaya na. I have many things to do in the office and I have pending meetings to attend to.” Saka mabilis na pinatayan ng telepono ang babae.

Ang agency na sinasabi nito ay ang kukuhanan niya nang bodyguard na kailangan niya na magbabantay sa kaniya sa araw-araw na lumalabas siya ng bahay.

Dahil kapag nasa bahay sigurado naman

ang safety at hindi niya kailangan nang bodyguard because her house is heavily guarded. It has CCTVs and security guards roaming around.

“Mam nandito na po tayo.”

Agad siyang bumaba ng sasakyan saka nagdiretso sa elevator na siya lamang ang gumagamit. She asks to build the elevator exclusively for her.

Nang makarating siya sa opisina agad siyang sinalubong nang sekrataryang si Pia Alvaro.

“Good morning Mam. Your 8:00 o’clock meeting is ready”

Tinanguan niya ang secretary saka nagtuloy sa conference room. Hindi na siya nag-abala pang silipin ang opisina dahil maaring ma-late na siya sa meeting kung dadaan pa roon.

Medyo nalate kasi siya ng gising kaninang umaga dahil sa paghahanap nang security agency. At huli na nang sabihin sa kaniya ng kaibigan na mayroon itong edible agency na alam at pasok sa kagustuhan niya.

Agad na nagsimula ang nasabing meeting nang makapasok siya.

Nagreport ang isang team para sa progreso nang ilalabas na magazine tatlong buwan mula ngayon. At nagreport din ang CFO sa budgeting.

Nakinig lamang si Shamia buong duration ng meeting. Paminsan-minsa’y nagko-komento sa mga sinasabi nang board.

“That’s all.” The last reporter said.

Sinulyapan ni Shamia ang kaniyang wrist watch at nang makitang magtatanghali na ay agad siyang tumayo at lumabas ng confernce room.

“Buy me foods for lunch.” Wika niya sa kasunod na sekretarya na agad naman nitong tinugon at saka nagmamadaling umalis.

Habang naghihintay ang dalaga ng pananghalian ay nagbabasa at pumipirma siya ng mga papeles upang medyo mabawasan ang gawain niya sa sandaling magtungo na siya sa agency.

Hindi naman nagtagal ay dumating din ang pinabibili niya.

“Did you eat Ms. Alvaro?” Baling niya sa babae habang kumakain na siya sa dining table na nasa loob lang din ng opisina.

“Yes mam.”

She nodded and continue eating, ito nama’y lumabas na ng opisina. Ngunit hindi pa manlang siya nangangalahati sa pagkain may tumatawag na naman sa cellphone niya.     

Tiningnan niya kung sino ang tumatawag at nais niya sanang huwag na lamang iyong sagutin ngunit kukulitin lamang siya nito ng husto.

“What?” Sikmat niya sa nasa kabilang linya.

“Ano? Bakit hindi ka pa daw pumupunta doon? Baka maubusan ka nang gwapo.” Ani nang nasa kabilang linya na humagikhik pa na animo kinikiliti.

Shamia rolled her eyes as if makikita nang nasa kabilang linya.

“Eh ano naman pakialam ko? Wag mo nga ako istorbohin kumakain ako.”

“So what? Bilisan mo kumain huh! pupuntahan natin iyong agency na sinasabi ko. I’ll wait you there. Bye!!”

Mabilis na dakdak nang kaibigang si Krystallen sa kabilang linya saka siya binabaan ng walang pakundangan.

Napabuntong-hininga na lamang si Shamia saka ipinagpatuloy ang naudlot na pagkain at mabilis iyong tinapos dahil sigurado ang dalaga na mayamaya lamang ay tatawag na naman ito.

“MANONG sa *** address po tayo.” Ani Shamia sa driver ng makasakay sa kotse.

“Yes mam.”

Hindi naman kalayuan ang nasabing agency. Mga 30 minutes lamang at nakarating siya sa patutunguhan. Nakatanggap naman siya nang mensahe sa kaibigan nang makakababa siya ng sasakyan. Anito’y nasa lobby ito naghihintay.

Natanawan naman niya doon ang kaibigan at hindi ito nagiisa. Idinawit pa talaga ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Lourine at Ysabella.

“Oh I thought you’re not coming. Kanina pa kami dito.” Ysabella said while rolling her eyes.

Tinaasan niya ito ng kilay na sinabayan ng pag-irap. “Why are you blaming me? I’m not inviting you here.”

“Taray as always.” Komento naman ni Lourine.

Hinarap niya ang kaibigang si Krystaleen na kanina pa nagkakanda haba-haba ang leeg na animo may sinisilip.

“Let’s go!! You look like a giraffe here.” At nagpatiuna na siya sa elevator.

“May dumaan kasing gwapo and super hot niya.”

Hindi niya ito pinansin.

Nagtuloy ang magkakaibigan sa opisina nang CEO. At dahil VIP siya kaya’t hindi naka-angal ang secretary nito.

Naabutan nila ang matandang CEO nang Agency na halos magkandakuba na sa pagbabasa ng mga papeles na nakatambak sa mesang nasa harap nito.

“Hello Mr.CEO, I want the service of your agency.”

“You may take seat ladies.” Mukha naman itong mabait. “Lara bring us tea.” Agad tumalima ang sekretarya. “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga binibini?” Tanong nito.

“I want to hire a bodyguard for my protection, Mr.Chua.” aniya.

“Oh Ms. Sandler, sure sure, we are pleasured to give our service to the Sandler Heiress.” Ngumiti ito matapos sabihin iyon. “Our company is so unique when it comes to our service Ms. Sandler, you can choose who ever you want to be your bodyguard.”

“I’m not the heiress Mr.Chua, I have an older brother to take care of our businesses. I have my own company so I don’t need theirs.” Anang dalaga na sopistikadang nakaupo sa sofa nang opisina ni Mr.Chua.

“Oh, Is that so?”

“Now can we go where ever I can choose my bodyguard?”

Ang mga kaibigan niyang tahimik lamang na nakaupo sa tabi niya ay naghagikgikan dahil sa kamalditahan na ipinamalas niya sa CEO nang agency na kausap niya.

THEY arrived at the place where she can choose her personal bodyguard. She started to roam around the guys whose standing straight in line when they arrived.

Tiningnan niya ang bawat isa na nakahilera. Hanggang sa mapunta siya sa kaduluhan ng pila, napahinto siya sa akmang pagbalik because of the man standing at the last line.

He’s standing straight just like the other guys but he has this aura that can intimidate and make you stop just to look at him.

He’s tall, even if he’s not looking at her, she see his brown eye color, he’s a moreno at matipuno ang pangangatawan nito na parang batak na batak sa araw-araw na gawain. At pakiramdam niya safe na safe siya kung makukulong siya sa matitipuno nitong mga braso.

Napailing si Shamia dahil sa naisip. At napabaling siya sa mga kaibigan ng tumikhim ang ang mga ito na sinabayan pa ng hagikhikan na ikinapula nang pisngi niya kaya’t muli siyang bumaling sa lalaki na nahuli niyang nakatingin din sa kaniya.

Binalingan niya si Mr.Chua na nakikingiti lamang sa mga kaibigan niya.

“I want him.” Aniya na inani na naman ng hagikgikan sa mga kaibigan na nauwi sa halakhakan.

Saka niya narealize ang sinabi niya.

“I want him as my bodyguard.” Pagpapatuloy niya. Saka inirapan ang mga kaibigan na hindi pa rin natitigil sa pagtawa.

“Okey Ms.Sandler he’ll start working for you tomorrow morning.”

She nodded for approval.

“I want his information now. I need to review it.”

“Eh bakit pa ire-review eh magtatrabaho na nga sa’yo bukas di ba?.” Pang-aalaska pa ni Lourine na sinang-ayunan pa nang dalawa pa niyang kaibigan.

She ignored her friends and look once again to the bodyguard she choose. Nakatingin din ito sa kaniya kaya’t tinanguan niya ito na sinuklian din nito nang isang tipid na tango.

Matapos ang transaction nila nang agency agad siyang umalis upang bumalik sa opisina, mabilis siyang tumalilis ng alis dahil sigurado siyang yayayain na naman siya nang mga kaibigan sa paglalakwatsa na palagi niya din namang tinatanggihan.

She arrived at the office 30 minutes before ng uwian nila sa hapon. Pero ipinasya pa rin niyang basahin ang folder about the information about her newly hired bodyguard.

But the minute she open the folder sumalubong sa kaniya ang litrato nang binata na animo siya tinititigan nang mata nitong kulay brown. It feels like his eyes is fiercing through her soul.

At sa hindi niya inaasahan ay kumabog nang mabilis ang kaniyang dibdib na animo may naghahabulang mga kabayo doon. Kaya’t wala sa sariling naisara niya ang folder saka nagmamadaling tumayo at nilisan ang opisina.

Is it love at first sight? napa-iling siya sa naisip. No no no.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status