Chapter Three

Tapos na siyang mag-ayos nang sarili ng may kumatok sa pinto ng kaniyang silid. Siguro ay si Pia iyon. Ito kasi ang palaging gumigising sa kaniya, maging sa mansion ay ang babae ang gumigising sa dalaga, nakasanayan na rin ito ni Pia.

Maaga itong pumupunta sa mansion para lamang siya’y gisingin. Masiyadong dedicated sa trabaho si Pia, siguro dahil dalaga pa naman ito. Hindi nga rin niya alam kung mayroon ba itong kasintahan.

“Come in.” aniya. Hindi na siya nag-abala pang tumayo para pagbuksan ito ng pinto.

“Good morning.” Natigilan si Shamia dahil sa boses na narinig. “Ipinatatawag ka na po sa hapag kainan Ms. Sandler.”

Nalingunan niya si Kaiser na nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto. Basa pa ang buhok nito, marahil ay katatapos lamang nitong maligo. Nakasuot ang binata ng puting t-shirt at maong pants.

“G-good m-morning. Ahm-- sige susunod na ako.” Nauutal na wika niya saka mabilis itong tinalikuran. Hindi niya matagalan ang titig nang binata. Animo binabasa ni Kaiser ang nararamdaman at iniisip niya. Baka mahalata nito ang kabang nadarama niya dahil sa klase ng tingin nito. Animo tumatagos sa kailaliman ng pagkatao niya.

“I’ll wait for you then.”

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya dahil sa sinabi ng binata. Bakit ba hindi na lang ito mauna sa baba? Hindi na niya tuloy mailagay ng maayos ang mga gamit sa bag.

Nanginginig na ipinagpatuloy ni Shamia ang pagliligpit kahit na hindi maayos. Hindi niya alam kung paano siya muling haharap sa binata lalo na at pumasok sa isip niya ang nangyari sa hapag kainan kagabi.

“Tapos kana Ms. Shamia?” Muling tanong nang kaniyang bodyguard.

Nilingon niya ito at halos mabuwal siya dahil nasa likuran na pala niya ang binata.

“Okey. L-let’s go.” Mabilis siyang lumayo kay Kaiser saka nagmamadaling nagtungo sa pinto ng silid. Baka kasi marinig nito ang mabilis na tibok ng puso niya.

Natatakot si Shamia sa nararamdaman. Hindi niya mapangalanan kung ano ba talaga ito.

Mabilis siyang nagtungo sa dining area. Nadatnan niya na kompleto na ang pamilya doon.

“Good morning guys.” Bati nang dalaga sa mga ito. Lumapit siya sa mommy at daddy niya saka nagmano at humalik. Ganoon din ang ginawa niya sa kuya at sa asawa nito.

“Good morning din sa’yo Mia.” Sagot ni Mr. Sandler.

Naupo si Shamia sa tabi ni mommy. Mabilis naman siyang ipinaghila ng silya ni Kaiser saka ito nagpaalam at lumabas na ng hapag kainan.

“Ikaw Shamia huh! Hinintay mo pa talagang si Kaiser ang sumundo sa iyo sa kwarto mo ah.” Tudyo naman ni Misis Sandler na sinakyan nang kaniyang kuya.

“Ang tagal niyo din ah!”

Inirapan niya ang kapatid saka sumandok ng kanin at ulam. “Teka nga pala – asan si Pia?” Tanong ni Shamia ng hindi mapansin ang secretary.

“Nauna ng umalis. May aasikasuhin pa daw na papeles sa opisina na kailangan mong mabasa at mapirmahan. Ire-review daw muna nya!.” Ang mommy niya ang sumagot.

Hindi na sumagot pa ang dalaga at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Nagku-kwentuhan ang mga ito pero hindi na siya nakisabat pa baka ma-hot seat na naman siya ng pamilya.

Nang matapos siyang kumain, hinintay niya lamang na matapos din ang mga ito saka nagpaalam na aalis na.

“Say Hi to Kaiser for me!” Saad nang mommy niya na itinataas-taas pa ang mga kilay. Hindi na ata nila nakausap pa ang lalaki kanina dahil nag stay na ito sa labas kasama ang iba pang tauhan. Marahil ay umiiwas na din na matukso ng pamilya niya.

Parang pinipiga ang puso nang dalaga sa isiping umiiwas ito na tuksuhin ng family niya. Parang ang sakit isipin na ganoon nga. Pero mas lalong masakit isipin na umiiwas ito dahil may kasintahan ito.

Habang palabas ay iyon ang paulit-ulit na sumisiksik sa utak ni Shamia. Kaya hindi niya nakita na kasalubong pala niya ang lalaking kaniyang iniisip kaya hindi niya ito naiwasan at nabangga siya sa malapad at matigas nitong dibdib.

Napaatras ang dalaga dahil sa impact nang kanilang pagkaka-bangga. “A-ah so-sorry!”

Naiinis siya sa sarili dahil sa pagka-utal. Hindi naman siya dating ganoon. Hindi siya basta-basta naaapektuhan ng mga bagay-bagay.

Pero hindi basta bagay lang si Kaiser! Kontra nang kaniyang isip. Nakakairita.

Hinawakan siya ni Kaiser sa siko saka iginiya sa sasakyan na hindi niya namalayang nakaparada na pala sa harap ng mansion.

“Thank you.” She manage to say kahit na sobrang lakas ng kabog ng kaniyang dibdib.

Pinagbuksan siya ni Kaiser ng pinto sa backseat saka ito umikot patungo sa driver seat. Driver-bodyguard ang peg ng binata. Hindi na ang Lexus van ang gamit nila patungo sa opisina dahil ang binata na ang nag-volunteer na ipagmaneho siya kaya’t ang sasakyan na gamit nila ay ang BMW X5.

“San tayo Ms.Sandler?”

“Hmm... sa bahay muna.” Tumango naman ito. “And Kaiser?”

“Yes Mam?”

“Just call me Shamia.” Sabi nang dalaga na hindi makatingin sa binata na nagmamaneho habang sinusuri siya na tila may nasabi siyang kakaiba.

“Are you sure Ms. Shamia?”

“Could you drop the Miss?” saad niya na pinipilit na huwag maging sound na pinipilit niya ang kaniyang sarili sa binata.

Nagtagal ang mapanuring tingin ng lalaki sa dalaga. Kaya pinuna na niya ito. “Eyes on the road, please. Baka mabangga tayo!”

Kaiser chuckled that cause her heart to summersault. “Don’t worry Sham, It’s not going to happen hangga’t ako ang kasama at driver mo.”

Lalong nagwala ang puso ni Shamia dahil sa itinawag ni Kaiser sa dalaga. Sham? Only her friends call her Sham and only her family calls her Mia.

“So, should I say thank you huh?”

Ngumisi si Kaiser saka ipinagpatuloy ang pagmamaneho.

Mas lalong nadepina ang kagwapuhan nito dahil sa pag-ngisi. At ang mga muscle sa braso nito na kitang-kita habang mahigpit itong nakahawak sa manibela.

Agad siyang nag-iwas ng tingin ng mahuli siya nitong tini-check ito. Hanggang sa makarating sila sa mansyon ay hindi na siya nagkamali pang sulyapan manlang si Kaiser dahil baka mahuli na naman siya nito. Nakakahiya!

Bumaba si Shamia agad paghinto ng sasakyan sa front door, hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya nito ng pinto. Agad siyang pumanhik sa kwarto, naligo at nagbihis para pumasok sa opisina. Baka nagawa na lahat ng secretary niya ang mga gawain niya sa opisina.

“Manang pakisabi kay Kaiser na ihanda na ang sasakyan.” Wika nang dalaga habang bumababa ng hagdan na hindi nakatingin sa taong nasa baba.

Alam naman niyang si Manang iyon. Lagi nitong ginagawa na hintayin ang dalaga sa pagbaba ng hagdan at bilinan ng mga gagawin sa maghapon. Tulad na lamang na huwag magpapalipas ng gutom at kumain sa tamang oras.

Si Manang Leny ang nakalakihan niyang yaya kaya hanggang sa paglipat at pagbukod nang dalaga ng bahay ay sumama ito.

“Handa na Sham. Ikaw na lang ang hinihintay.”

Muntik na siyang mahulog sa hagdan nang hindi ang boses ni Manang ang marinig niya sa baba kundi ang boses ni Kaiser.

Nakangiti ang binata habang hinihintay ang pagbaba niya ng hagdan. Agad kumabog ang dibdib ni Shamia sa nakita. Hindi na talaga normal ang nararamdaman niya sa binata.

“Hmm ---good morning. Let’s go!” Turan niya saka nagtuloy na sa paglabas ng bahay.

Nakasunod naman agad ang bodyguard niya na mabilis na binuksan ang backseat.

“Ahm .. uhh dito na lang ako sa front seat.” She said.

Tumango naman ang binata sa sinabi niya saka mabilis na binuksan ang front seat at inalalayan siya sa pagpasok. Nakahawak pa ito sa kaniyang siko.

Kapag nadidikit ang balat niya sa binata ay talaga namang nagwawala na ang kaniyang dibdib. “Thanks!”

Ngumisi ito saka umikot patungo sa driver seat.

TILA naman nang-aasar ang panahon. Eksaktong pagdating nila sa harap ng kompaniya saka naman bumuhos ang malakas na ulan. Wala pa naman siyang dalang payong!

Naka-ugalian kasi ni Kaiser na ihatid muna siya sa harap ng kompaniya bago nito i-park ang kotse.

“Naku naman!”

Nagulat siya ng lumabas ang binata kahit na malakas ang ulan saka nag-diretso ito sa reception area at kinausap ang babaeng naroroon. Hindi kilala nang dalaga ang receptionist ng kompaniya. Dahil hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang mga empleyado basta ginagawa nang mga ito ang kanilang tungkulin sa kompaniya ay walang problema iyon.

Sandali pang nakipag usap si Kaiser sa babae, grabe pa ang pagpa-cute ng babaeng iyon na ikinangitngit nang loob ng dalaga.

Nang makabalik sa sasakyan si Kaiser ay may dala na itong payong. Basang-basa na ito. Madramang bumabagsak ang tubig ulan galing sa buhok nito patungo sa mukha at panga nito.

Grabe talaga! Nagpacute muna nang husto bago magpahiram ng payong.

Naku ibibili kita nang sandamakmak na payong at ng magamit mo pag pinatalsik na kita sa emperyo ko!!

Masama ang tingin ni Shamia sa receptionist. Hindi niya na rin namalayan na nabuksan na pala ng binata ang pinto sa side niya dahil sa sobrang ngitngit na nadarama.

“Oh, mukha kang papatay?” Biro ng lalaki ng makita ang hitsura niya.

“Remind me to fire that bitch later!”

“Hah?”

Napatingin siya sa binata na naguguluhan sa kaniyang sinabi. Napalakas ata ang sinabi niya. “Huh? Uh, wala.”

Sa sobrang inis ni Shamia sa babae ay hindi niya namalayan na pinapanuod na pala siya ng bodyguard niya habang yamot na yamot siya sa receptionist.

Lumabas siya ng sasakyan. Mabilis naman siyang pinayungan ng lalaking sa kaniyang tabi. Dali-dali siyang naglakad patungo sa lobby ng kompaniya, ngunit bago lumampas sa reception ay hindi nakaligtas sa paningin ni Shamia ang pagsunod ng tingin ng receptionist sa kaniyang bodyguard na nasa kaniyang likuran.

Nang masiguro ni Kaiser na hindi na siya mababasa ng ulan ay bumalik ito sandali sa receptionist at ibinalik ang payong na hiniram nito sa babae.

“Thank you!” Narinig niyang wika ni Kaiser sa babae.

Hindi siya nakatiis kaya nilingon niya ang kinaroroonan ng mga ito. At talaga namang hindi na niya napigilang lumapit sa mga ito ng makita niyang nakahawak na sa braso ni Kaiser ang babae na tila pinipigilan pa ang pag alis nang lalaki.

What the heck?

Agad bumitaw ang babae sa bodyguard ng mapansin ang paglapit niya.

“Good Morning, mam.”

“What’s good in the morning Miss ---?”

“Rey po, mam.”

“Oh! Who-ever-you-are! You’re fired!”

Natigagal ito sa narinig. Nanatili namang tahimik sa tabi si Kaiser na nanonood lamang.

Dapat lang ano! Nakakayamot siya.

“Mam? Bakit po? Wala naman po akong ginagawang masama. Ginagawa ko naman po ang trabaho ko.”

“Did I give you the right to talk back?.” Tiningnan niya ang babae mula ulo hanggang paa. “Oh! hindi ko nakitang ginagawa mo nga ang trabaho mo. Trabaho mo ba ang lumandi at magpacute?”

Napayuko ito dahil sa kaniyang sinabi at saka hindi sumagot bagkus ay tumingin sa lalaki sa tabi niya kaya lalong nag-init ang ulo nang dalaga. “You’re fired so I don’t want to see your face when I get down later.”

Sabi niya saka mabilis na tumalikod at sumakay ng elevator. Hindi na tiningnan pa nang dalaga kung nakasunod ba si Kaiser.

Nakakainis! Nakakayamot! Ano ba itong nararamdaman niya? Nagseselos ba siya sa babaeng iyon dahil sa ginawa nito sa binata? Pero wala naman silang relasyon at wala siyang karapatan.

Dahil sa naiisip ni Shamia lalong sinilaban ang inis niya. Sinamahan pa ng hapdi na nararamdaman niya sa kaniyang dibdi. Oo nga wala siyang karapatang magalit at magselos sa mga babaeng lumalapit dito. Dahil walang kami!!

Nagdadabog siyang pumasok ng opisina. Hindi na pinansin si Pia na napatingin sa kaniyang nagtataka.

“Anong nangyari kay Ms.Shamia, Kai?.”

Narinig ko pang tanong nito sa kasunod ko pa rin palang si Kaiser. Hindi ko naman ito narinig na sumagot.

NASA kalagitnaan na nang pagtatrabaho si Shamia nang “Mam andito po si Ms.Garcera.” narinig niyang saad ni Pia sa intercom.

“Papasuk--”

Hindi pa man siya natatapos sa pagsasalita na papasukin ang mga ito ay bumukas na ang pinto at pumasok doon ang kaibigan.

“Anong kumosiyon ang nangyayari sa baba at nagkakagulo doon?”

“Hi to you too, Ms.Garcera.”

Hindi pa manlang ito nakakaupo pero iyon na agad ang tanong.

“Pumunta ka dito para lamang humanap ng tsismis? Naku, alis na busy ako. Sina Ysabell at Lourine ang pestehin mo.”

“Ano na naman ang ginawa mo Sham? Naku mauubusan ka ng empleyado kapag ganon!”

“That girl is a bitch! Malandi!” nanggagalaiti pa rin si Shamia kapag naalala ang babaeng receptionist ng kompaniya.

“Ano ba kasing ginawa?”

“Buwisit na iyon, sa lahat ng lalandiin si Kaiser pa at mismong sa harap ko pa talaga. Mabuti nga at hindi ko siya ipinakaladkad palabas.”

“Mukha kang papatay!” Anito saka pinagmasdan ang reaksiyon niya. “Oh my God – You’re inlove.”

Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng madaldal niyang kaibigan. “Anong sinasabi mo jan?”

“Nagagalit ka sa mga babaeng lumalapit sa bodyguard mo?”

Tumango siya.

“Kinakabahan ka kapag tinitingnan ka niya?”

“Oo, lalo na kapag hindi sinasadyang magdikit ang balat namin sa isa’t isa.”

Nanlaki ang mata nito. “Gusto mo palagi siyang nakikita?”

Muli siyang tumango bilang sang-ayon.

“OMO!! Let’s party-party, wait tatawagan ko sila, ibabalita ko ang pangyayaring ito.”

“Hah?”

“Nakuu after so many years, na inlove ka na ulit! Hallelujahh.” Ani Krysta na dali-daling kumuha ng cellphone sa bag at nag dial.

Inisip niyang mabuti ang mga tanong ni Krysta kanina at ang mga sagot niyang walang pa-tumangga. At nang marealize niya ang mga sinabi ay mabilis ding natigilan.

Oh my god! I’m i-inlove with m-my bodyguard? Shit!

Wala pa halos dalawang buwan na kasa-kasama niya ito pero agad na siyang nahulog sa binata.

Now, she knows why she acted different when they’re girls flocking around him.

She’s jealous. Dahil kahit araw-araw niya itong kasama ay hindi niya magawa ang mga bagay na nagagawa ng mga babaeng lumalapit dito.

I’m jealous because I’m inlove!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status