Chapter Four

Papasok pa lamang siya sa loob ng bar ay rinig na rinig na niya ang malakas na tugtugan.

Kung hindi lamang siya napilit nang mga bruhang kaibigan ay hindi na siya mag-aaksaya pa ng panahon at oras para sumunod sa kapritso nang mga ito.

Hindi siya tuluyang makapasok at hindi din niya maaninag manlang ang tatlong bruha dahil sa dami ng tao na nakaharang sa daan. Meron pa ngang hindi sinasadya na nababangga siya pero mabuti na lamang at todo alalay sa kaniya ang bodyguard.

At kahit hindi man niya aminin, kinikilig siya sa mga hawak at haplos na kapit ni Kaiser sa kaniyang bewang. Halos magkadikit na magkadikit na nga sila dahil sa siksikan sa loob ng bar.

“Okey ka lang Sham?” Tanong sa kaniya ni Kaiser, dinudungaw siya nito habang naglalakad sila at hinahanap ang pwesto nang mga kaibigan niya.

Ngumiti siya saka sumagot. “Yes! Don’t worry about me.”

“Oh, nakita ko na ang mga kaibigan mo Sham.”

“Where? Kanina pa tayo naghahanap sa mga bruhang yan!” Kunwaring nanggagalaiting aniya.

Ngumiti ito na nagpakabog na naman ng husto sa kaniyang dibdib. Halos hindi siya makahinga dahil sa kabog nito. Lalo na ng maramdaman pa niya ang paghapit nang binata sa kaniya na halos dikit na dikit na ang kanilang mga katawan.

Inakay siya nito palapit sa sofa na napili ng mga kaibigan. Medyo malayo sa karamihan ang napiling pwesto ng mga ito.

At malayo pa ay kita na niya ang mapanuri at malisosyang mga tingin ng mga ito sa kanilang dalawa ng binata. Nagtungo pa ang mata ng mga ito sa brasong nakapalibot sa bewang niya.

Naupo ang dalaga sa tabi ni Lourine dahil ito ang medyo matino sa tatlong kaibigan. Nang makaupo ay napansin niya na tumayo lamang sa gilid si Kaiser. Hindi niya napigilan na hilahin ito para maka-upo sa kaniyang tabi.

“Ehem!”

“Ano ba Bella ‘yaan mo siya. Wag kang KJ jan huh!”

Narinig niyang usapan ng dalawa dahil busy pa rin siya sa pagpapa-upo kay Kaiser na ayaw naman sumunod sa gusto niya.

Kaya nakisali na rin sa pangungumbinsi si Lourine. Hindi nila pinansin ang dalawa na nagkakagulo na sa harap.

“C’mon Kai upo ka na. We’re here to enjoy! Forget your job for a while.”

Mayamaya pa ay napapayag na nila ni Lourine ang binata na mag-enjoy. Maingay na ang dalawa sa harap at maging si Lourine na katabi ni Shamia kanina lang ay naroon na sa dalawa at nakikisama na rin sa ingay.

“Hindi ka umiinom?” Nagtatakang tanong niya sa katabi  dahil napansin nang dalaga na panay lamang ang pagmamasid nito sa paligid.

“C’mon Kaiser loosen up!” Sabi ni Shamia saka tumawag ng waiter at um-order ng brandy para sa binata.

“Hindi ako pwedeng malasing Sham, sige ka! Ikaw ang magda-drive pauwe.” Sabi nang binata na tumatawa-tawa pa kaya natawa na rin ang dalaga sa sinabi nito.

“Why not? I know how to drive naman!” Sakay niya sa biro nito.

Nagtatawanan na sila nang mapansin ni Shamia na parang hindi mapakali sa upuan si Ysabell. At si Krysta naman ay may kung anong ibinubulong saka titili kasama si Lourine.

“Oh my god! Andito ang Octagon Devils... Omooo!!” Hindi na rin mapakali sa upuan si Krysta. “Jusko! ‘Rine kurutin mo nga ako ---oh my god nananaginip ba ako?”

Mabilis namang tumalima si Lourine at malakas na kinurot si Krysta. “Gaga! Hindi yan panaginip. Atsaka totoong papalapit dito sa pwesto natin si Emman or was it Jared?”

“Anong Octagon Devils?”

“Ano ba Shamia! Hindi mo sila kilala? Nakuuu! Super sikat nila tapos ganiyan ka? Hindi mo kilala? Jusko!”

Lumapit si Krysta sa pwesto niya saka siya inalog na mabilis namang pinigilan ni Kaiser.

“Jusko! Shamia hinay-hinay sa pagsasalita maraming kasamang goons ang mga iyan.”

"Eh bakit ba? Marami rin akong goons.” Balewalang sagot ko sa kaniya. Natawa naman ang lalaking katabi niya na nagpakaba na naman sa dalaga.

Sasagot pa sana si Krysta nang may sumabat sa usapan nilang magkakaibigan.

“Hi guys!” Bati ng bagong dating. “Hi Krystaleen and Lourine, hey Shamia.”

Nangunot ang noo nang dalaga dahil doon pero ang mga kasama niya, lalong hindi mapakali si Krysta at Lourine dahil sa kilig, pero si Ysabell hindi mapakali sa hindi niya mawaring kadahilanan lalo na nang lumapit na sa kanila ang bagong dating.

“Hi Ysa.” Tumabi pa ang bagong dating kay Ysabella.

Hindi pa yata napapansin ng lalaking bagong dating na may isa pa silang kasama.

“Ahm... Anong ginagawa mo dito Jed?” Tanong ni Ysabell sa lalaki.

“Ah sumama lang ako kina Kuya Jared, alam mo naman ang mga iy--- Oh may kasama pa pala kayo? Boyfriend mo Sham?” Sa wakas ay napansin din ng lalaki ang kasama nila.           

“Nope. He’s my bodyguard.”

“Oh! Hi sa’yo bantayan mong mabu---- oh Sir Kai?” Nagulat ito ng makilala ang nasa kaniyang katabi. “Sir pasensiya na hindi kita nakilala agad medyo madilim kasi eh.”

Sir?

“Kumusta Emman? At san ka nakakita ng Bar na maliwanag?”

Tumawa ang lalaki saka nagsalita. “Ay Sir teka tatawagin ko yung iba!” Anito saka nagmamadaling umalis.

Agad naman iyong sinamantala ni Krysta. “Kaiser, bakit Sir ang tawag sa’yo ng isang member ng Octagon Devils?”

“Ah, head security po ako ng grupo nila dati bago ako nagresign sa army.”

“Ano ba Kai wag mo akong i-po, naiilang ako haha...”

Naku! May tama na nga ang mga kasama niya. At kahit siya ay medyo may tama na rin.

“Sir Kai!!”

Narinig nilang sigaw nang papalapit na mga lalaki.

“Sir kumusta ka na? wuahh!! Namimiss ka na namin.” Talak nang isang kasamang lalaki na nakakapit na agad sa braso nang binata.

“Bitaw nga Maikell! Baka masapak na naman tayo ni Sir Kai eh!” Ani pa ng isa.

“Hi girls! Pasensiya na sa gulo namin. Na-miss lang namin itong si Sir Kai. By the way I am Howard the group leader of Octagon Devils.” Anito saka ipinakilala din isa-isa ang mga kasama nito.

Ang dalawa niya namang kaibigan ay tila mga bulateng nabudburan ng asin dahil hindi mapakali sa pagkakaupo.

“Ah, si Ms. Sandler amo ko tsaka mga kaibigan n’ya.” Pagpapakilala sa kanila ni Kaiser sa mga lalaki. Agad na nakipagkamay si Krysta at Lourine sa mga ito, si Ysabell naman ay nanataling tahimik katabi si Emman na tila naguusap ng masinsinan.

At maya-maya pa ay biglang tumayo si Ysabell saka lumabas na agad sinundan ng lalaki. Anong meron? Ang nag-ngangalang Christian at Richard naman ay inayang magsayaw ang dalawa.

“Sir kumusta ka na? It’s been six months since umalis ka sa amin.” Ani Jared, ang kakambal ni Emman.

Ang galing ko talaga, memorize

ko agad sila.

“Sir nakulitan ka na ba sa amin kaya umalis ka?” Ani Maikell na sumingit na sa pagitan nila ni Kaiser.

“Ah hindi naman sa ganoon! Kailangan eh—ah teka bakit parang kulang kayo? Nasaan yung dalawa pa?” ani Kaiser sa mga ito. Luminga-linga pa ang binata na tila may hinahanap. Masyado talaga itong dedicated sa trabaho nito nakikita niya iyon sa simpleng paghahanap nito sa dating mga binabantayan.

“Ah alam mo naman si Czech at Matt Sir allergic sila sa ganitong lugar.”

Nakikinig lamang ang dalaga sa mga pinag-uusapan ng kaniyang mga kasama.

Nakakatuwang makita na masaya ang lalaki sa simpleng pagkikita lamang nito at nang dating mga amo.

“Hi Ms.Sandler nice to meet you.” Bati ni Howard. Marahil ay napansin ang pananahimik niya.

“Hello! Ah can I ask some questions?”

Sabi niya kahit na medyo naiilang sa titig sa kaniya ng bodyguard niya habang nakikipagusap siya kay Howard. Kahit kinakausap ito nina Maikell at Jared ay hindi naaalis ang paningin nito sa dalaga.

“Ah sure Ms. Sandler. Ano ba iyon?.”

“Bakit Sir ang tawag niyo sa bodyguard ko?” Hindi kasi siya satisfied sa isinagot nito kay Krystaleen. “At saka bakit parang takot kayo sa kaniya?”

“Ah head security kasi namin siya since magsimula ang grupo namin. Maybe it’s been 3 years na. And he’s so strict sa pagbabantay kaya medyo nakakakaba siya kaya Sir ang tawag namin sa kaniya.” Paliwanag ng lalaki saka tumawa. “And six months ago nag-resign siya sa’min tapos nalaman namin na nag-resign na rin siya sa army, ngayon na lang ulit kami nagkita ulit.”

“Ah totoo bang nananapak siya?”

Tumawa muna ang kausap bago sumagot. “Si Maikell lang at si Emman ang nakakatikim nun sa kaniya haha.. masyado kasing makukulit ang dalawang iyon.”

Habang nagku-kwentuhan sila ni Howard ay hindi niya namamalayan na napaparami na pala ang naiinom nang dalaga.

Namalayan niya na lamang ng may pumigil sa kaniya. “That’s enough Sham.” Ang bodyguard niya, si Kaiser.

“Oww, first name basis.” Sabat na naman ng makulit na si Maikell. “Akala ko ba Sir, amo mo si Ms.Sandler? Ilang buwan mo na ba siyang binabantayan Sir?.”

Si Jared ang sumagot dito. “Alam mo Maikell manahimik ka na lang. Sir sapakin mo nga ulit yan!”

Kaiser just laugh and look at her. “You wanna go home?”

Umiling siya. “Wala pa kasi sina Ysabell, we’ll wait for them!”

“Naku! Nauna na si Ms. Ysabell umuwi, I’m sure of that, kasama si Emman eh.” Ani Howard.

Tumango si Shamia at nagdesisyon na i-text na lamang ang mga boyfriend ni Krysta at Lourine para ito na ang sumundo sa mga babae.

“Sir yung tanong ko?” Makulit pa rin si Maikell, hindi naman lasing ang lalaki pero makulit lang talaga.

Bumuntong-hininga si Kaiser saka napilitang sumagot. “Five months. Now go!” Taboy ng binata.

Hinila naman ito ng dalawang kasama paalis sa pwesto nila. Hindi na rin ito nakapalag pa.

Nang mapagsolo sila sa table nila ay hindi niya alam ang gagawin kaya napainom na naman siya sa alak na nasa kanilang harapan. Duma-dagundong na naman ang dibdib niya sa kaba lalo na nang maramdaman nang dalaga ang braso nito sa sandalan ng sofa na kinauupuan niya.

“Ang gulo pa rin talaga nila.” May ngiti sa labi na turan ng binata.

Hindi na niya naiintindihan pa ang mga pinagsasasabi nang lalaki dahil napaparami na lalo ang naiinom ni Shamia.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status