Chapter 02

Chapter Two- Engage

-

We're very rich, both of my parents family are rich that's why we are rich talaga. My dad own the famous luxurious model of cars in the Philippines na kami rin ang gumagawa ng mga parts, meron na rin kaming branches nito sa Italy, Japan and Thailand. Well magbubukas pa lang kasi yung branch namin sa Korea. Ang pamilya naman ni mommy ay ang may ari ng mga iba't-ibang famous beaches in this country and also sa labas rin ng bansa tulad ng sa Korea and Japan, well nagbabalak si daddy na bilhin ang isa sa mga bigating resort sa Italy.

Lahat iyon ay pag-aari ng pamilya namin na si daddy na lang at ako ang nag ma-manage kasi patay na si mommy na only child, saka patay na rin ang mga parents ni mommy. Si daddy naman ay only child din at si Mamitz na lang ang buhay na magulang ni daddy.

Pinalaki ako ni daddy na mulat na sa pagpapatakbo ng business at kung paano ang paghandle nito. Natuto rin akong kumilatis ng tao well maraming nakikipagkaibigan at nanliligaw sa akin kasi mayaman ako at ang habol lang naman nila ay ang yaman ko tss kaya no way I preferred to be a lone kesa may mga kaibigan naman ako na gagawin lang akong atm card but ibang usapan na si Mia, kakaiba ang babaeng 'yan. Mia's family are also rich pero 'di kasing yaman namin at saka si Mia lang talaga ang nakakalait sa akin at siya lang ang taong hinayaan kong lait-laitin ako tss!

"Yes papa I'm here na po... Oo naman po deritsyo na ako dito sa restaurant pakatapos ng klase namin... Okay see you."

Binaba ko na 'yung tawag at lumabas na ng kotse ko then tinahak na 'yung way papasok ng restaurant.

"Are you, Ms. Chievez?" tanong ng waitress, I nodded.

"This way ma'am..." magalang niyang sabi then naglakad hanggang sa makarating kami sa isang VIP na room and there he is, my papa.

"Papa!" I greeted him then hugged him and kissed him in his cheeks

"Oh andito na kana iha... Siya nga pala si Mr. Oriez, Kumpare this is my only daughter... Rosalisa Chievez." Pagpapakilala niya sa akin doon sa nakabusiness suit na nakaupo sa harapan namin, ngumuso na lang ako sa pagbanggit niya ng buong pangalan ko.

"Lisa na lang po," nahihiya kong sabi at nakipagkamay sa kanya, he just give me a slight smile.

"Nice to meet you Lisa just call me Tito Kenneth," he said that made me nod by agreeing what he said.

"Oh ayan na pala ang anak ko," sabi niya kaya automatically naman akong bumaling sa tinitingnan niya and...

ANONG GINAGAWA DITO NG SPONGEBOB BOY NA ITO?!

"Dad," he greeted his father and faced us.

"Good evening po tito," magalang niyang bati at tumingin sa akin na nakanguso na parang iniisip kung bakit ako nandito.

"Good evening rin maupo ka," aya ni daddy at tinuro yung nasa harapan ko na katabing upuan ni Tito Kenneth.

Inosente naman siyang umupo doon at inilapag sa kabilang upuan ang spongebob na bag niya.

"By the way anak, ito ang inaanak kong si Kurt, Kurt this is Lisa my daughter." Pagpapakilala ni papa sa akin sa kanya.

"So let's eat while discussing our agenda." Si papa na kinasangayon naman namin.

"So how school iha, I heard your taking PolSci... Mag a-attorney ka ba or may balak ka bang pumasok sa politika?" tanong ni Tito Kenneth.

I swallowed my foods before answering what he asked, "Yes Tito... I am taking Polsci, pangarap ko po kasing maging attorney," nakangiting sagot ko.

"Ohhh that's nice," komento nito na kinangiti ko.

Actually pangarap ko talaga iyon pero syempre may extra classes ako sa Business Ad sa bahay kasi kailangan ko iyon and yes dalawang course ang pinapasukan ko.

"Dalawang course ang pinagsasabay nitong si Lisa," pagmamalaki ni papa.

"Oh? Really? What course is it?"

"She also taking Business Ad."

Tumingin sa akin si tito na parang manghang-mangha. Naman tito ganyan ang mga matatalino at magaganda err!

"How about itong inaanak ko?" tanong ni papa at tumingin kay Spongebob boy na tumigil sa pagnguya at iniangat yung mukha niya, uminom muna siya ng tubig bago nagsalita.

"I am taking architect course po," inosenteng may galang sagot niya na kinatango naman ni papa saka siya bumalik sa pagkain.

"Ohh right, makakatulong ang course mo sa business niyo."

"Ahm yeah mahilig rin po kasi ako mag drawing," si Spongebob boy ulit.

"Hmmm right."

"So what's the matter, why you called us here?" I asked that make them stop from eating.

Basa ko na ang mga galaw nila at alam ko ring hindi lang pangangamusta ang dahilan kung bakit nakipagdinner kami sa mga Oriez.

I already know Tito Kenneth pero hindi ang anak niya. They owns the biggest company na siyang gumagawa at nagtatayo ng different houses, buildings and condos sa loob at sa labas ng bansa in short mayaman rin sila pero hindi kasing yaman namin. I guess?

"Actually it's very serious matter..." si Tito Kenth

"Yes it is... Your already 18 Lisa and Kurt is 19 now..."

"So what?" naguguluhang tanong ko, what if deritsyuhin na nila kami---ako.

"You both need to get marry as soon as possible," Tito Kenneth said.

'Di agad ako makapagreact at kumurap-kurap na tumingin kay Spongebob boy na nakaconfused look rin.

"W-what?!" Thanks I burst out.

"It's one of the last will of your both mothers." Si papa at nilabas ang isang folder at inilahad sa akin, ganon din si tito kay Spongebob boy na agad na tiningnan at binasa ang nakasulat.

I can't believe this mommy! Bakit siya pa?! Huhu!

I read na the whole content at isa sa last will ni mommy ay ang pagpapakasal ko sa anak ng Oriez pagtumuntong ako ng 18. It was her agreement to Tita Mommy.

"Your both mothers are bestfriends kaya siguro kaya ganyan ang last will nila." Si tito na nagkibit-balikat pa.

"No, No, No! I can't believe this! Gosh papa bakit 'di mo agad sa akin sinasabi ito para naman 'di ako gulat na gulat ngayon!" luging-lugi na maktol ko.

"Of course hindi ko 'yan sasabihin sayo ng maaga... Kasi kilala kita." Yeah kilala mo nga ako papa big deal sa akin ang kasal at saka alam mo rin na kung anong gagawin ko kapag sinabi mo 'yan sa akin ng maaga, alam mong maglalayas ako errr.

Luging-lugi akong bumaling kay Spongebob boy na inosenteng nakatingin na rin sa akin.

"So let's disscuss about the wedding... Son, asan na 'yung pinabibili ko sayo?" Tanong ni Tito Kenneth, nagkalkal naman si Kurt sa bag niya at inilabas ang maliit na box doon.

"Here, dad." Ibinigay niya 'yon kay tito na kinuha naman at inilagay ito sa lamesa at inilahad sa akin.

Kinuha ko naman ito at binuksan. It's a ring... A simple ring but elegant.

"That's your engagement ring iha..."

I bite my lower lips and sighef. Labag sa loob na kinuha ko ito at isinuot sa ring finger ko. Kung ito ang gusto ni mommy then I will agree kahit labag sa loob ko.

Ngumiti naman si papa at tito ng isuot ko while si Spongebob boy ay nakakunot-noong nakatingin sa pagkain niya.

**

Umalis na muna si tito kasi may emergency call ito while papa is in comfort room.

"So..." panimula ko.

Tiningnan niya naman ako.

"Ano sa tingin mo?"

"Ang alin?" he asked inocently, I just rolled my eyes.

"This... Were engage, your my fiance and I'm your fiancee," nahihirapang sabi ko.

Timingin-tumingin naman siya sa paligid na parang nag-iisip.

"Ano ba dapat sabihin ko?" I face palmed.

"Like duh! We're getting married kaya! So ibig sabihin matatali na ako sayo at matatali ka na sa akin," inis kong sabi.

"Hindi naman kita itatali ahh... Teka itatali mo ako?" I closed my eyes, pigilan niyo ako makakasakal ako ng wala sa oras!

"Of course not!" gigil kong sabi 'di niya ba alam ang Idioms?! As idiomatic expression?!

Ngumuso siya, "Sabi mo kasi matatali ako sayo kaya akala ko tatalian mo'ko."

Nanlaki ako sa sinabi, gosh! Stop mind ang bastos mo!

"H-hindi nga! Idiom yung sinabi ko as in Idiomatic expression!"

Mas ngumuso siya, "Ba't ka sumisigaw?"

Napapahilot na lang ako sa sintido ko. Mabilis akong tatanda pagkasama ko siya grrrr my curly hair! Tumutuwid na talaga siya huhuh!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status