Share

Chapter 03

Chapter Three- Kuto

-

Days has passed ng maengage ako at hindi pa alam 'yon ni Stick, ngayon ko palang planong sabihin sa kanya ang tungkol dito grr!

"Ms. Chivez!"

"Yes sir?" I automatically stand up.

Andito pala ako ngayon sa klase ni Sir Panot huhu!

"What is the political system?!" kunot-noong tanong niya na nasa likuran ang mga kamay.

"Political system defines the process for making official government decisions. It is usually compared to the legal system, economic system, cultural system, and other social system. However, this is a very simplified view of a much more complex system of categories involving the questions of who should have authority and what the government influence on its people and economy should," I answered and bite my lower lips. Thanks kay google nabasa ko kasi iyan doon hehe.

Pinagsingkitan naman ako ng mata ni Sir Panot bago sinenyasan na maupo. Bumaling ako ng tingin si Mia na nasa isang row, tinaasan niya ako na kinairap ko at tumingin na ulit sa harapan ko.

Kring!!!

"Sa wakas..." Bulong ko at inantay na makalabas si Sir Panot pssh.

"Oyy!"

"Ouch!" daing ko ng hampasin ako ng babaeng ito.

"May sekreto kang tinatago sa'kin 'no?!" Automatikong ngumuso ako.

"Tss, tss, tss... Mamaya ka sa canteen," sabi niya na at inakbayan ako saka naglakad kami papunta sa canteen.

**

"So..." maningit-singkit na sabi ni Mia na parang nasa hot seat ako at isang malaking kasalanan ang paglihim sa kanya err.

"What is that ring?" Siya at tinuro yung suot kong singsing, "Hindi ka mahilig magsuot ng singsing..."

I pouted then ipinagsiklop ko yung kamay ko na ipinatong sa lamesa.

"I am engage..." ngiwing sabi ko.

"Ahhh engage----What?! Kanino?! How?!" sunod-sunod na tanong niya na nanlalaki pa ang mata.

"Kay Spongebob boy..." nguso kong sagot.

"Whoa! Seriously?)?! How?!"

"Last will ni mama pati ng mama niya..." nakangusong pa ring sagot ko.

"Whoa!" manghang sabi niya bago ngumisi, "meant to be kayo Nit!"

"Shut up eww!"

"Paano na si Baby Cendrix mo?"

Kinagat ko muna ang dila ko bago nagsalita, "Siya pa rin gusto ko saka sa papel lang kaming mag-asawa ng abnormal na lalaking 'yon."

"Nit ang gwapo kaya ng soon to be husband mo." Pabulong niyang sabi na kinairap ko sa kanya at sumubo na ng pagkain ko.

"Tsk isip bata naman," sabi ko habang nakayuko, tumahimik naman si Stick kaya inangat ko 'yung mukha ko.

"Paupo ako ahh," nakangusong sabi nito at ang walang hiya tumabi sa akin.

"What are you doing here?" Taas kilay kong tanong.

Inosente niya akong tiningnan, "Kakain... Hindi naman C.R. 'to para umihi.."

Sakalin ko na kaya siya? Chop-Chopin ganon?

"Alam kong canteen 'to ang ibig sabihin ko kung bakit dito ka sa table namin uupo eh may bakante naman na table doon," mataray kong sabi.

"Diba sabi ni papa sabay daw tayo mag lunch," sagot niya ulit na ngayon ay nagsisimula ng kumain habang si Stick naman ay nanunuod at nakikinig sa amin.

"Papa?"

"Oo papa... Si papa mo."

"At bakit tinatawag mong papa ang papa ko?!" inis kong tanong.

"'Yun ang gusto ni Mr. Cheivez eh saka sabi ni dad tawagin mo rin daw siyang dad," sagot niya na tumingin na ulit sa akin.

"Grrrr kainis! Nakakainis kang kausap." Napapakamot sa ulo kong sabi at huminga ng malalim. Relax 'di tayo pumapatol sa mga kagaya niya, maganda tayo whoo relax!

"Nakakainis ba ako?" nakangusong tanong nitong lalaki na ito kay Mia na namula naman err!

"N-no comment..." ngiti sabi ni Mia na kinakunot-noo naman nitong mukhang spongebob na ito na binalik din ang atensyon niya sa pagkain.

"Nit, baka gusto mo ake ipekelele sekenye." Kunot-noo akong tumingin kay Mia na nagpabebe tone pa at inilagay ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya. Ang landi err!

"Spongebob Boy 'yan si Mia Kaye Zamora, kaibigan ko. Mia this is Spongebob boy... Fiance ko psh."

"Nice to meet you." si Mia na pebebe pang kumaway kay Spongebob boy.

"Spongebob boy is not my name..." nakangusong sabi nito.

"Eh 'yon ang gusto ko itawag sayo ba't ba?! Err."

"Kurt Uno Takahashi Oriez, 'yon ang full name ko," sabi niya na humarap sa akin bago kay Mia. "You can call me Kurt."

Siningkit ko ang mata ko, K-U-T-O? Right Kuto hahah 'yon na ang itatawag ko sa kanya.

"Kung ayaw mo ng Spongebob boy edi Kuto hahaha!" asar kong sabi na kinakunot-noo naman niya.

"Tamang-tama Lisà ka Nit tas ito si Kuto, bagay! Hmmm ano magandang loveteam? KuSa? Kusang magkakadevelopan ganon? Or LiTo? Lito muna sa una pero sa huli kayo ang forever? Whaaaa!" si Mia, ngumiwi ako sa mga pinagsasabi niya err ke't ano naman ang naiimagine eh.

"Shut up Mia," seryusong sabi ko, tinawag ko na kasi siya sa true name niya.

"Yhieee magkakadevelopan na 'yan!"

Sinamaan ko siya ng tingin at nagsimula na ulit kumain. So digusting err!

**

"Bumalik kana kasi sa room niyo! I can handle myself!" inis 'kong sabi kay Kuto na kasama namin sa paglakad.

"Same ang way natin papunta sa building ko," inosenteng sabi niya na hawak-hawak ang strap ng bag niyang spongebob.

"Pfffft---" pigil tawang si Mia, binalingan ko siya ng masamang tingin. She just mouted me 'assuming', akmang babatukan ko itong si Mia na tumago agad sa likod nitong si Kuto.

"Luh? Ba't ka nagtatago?" inosenteng tanong ni Kuto

"Che! Magsama kayo!" inis kung sabi at inis na naglakad papasok sa room ko. Kainis siya!

At the middle of the dicussion of our prof, my phone rings.

"Ms. Chievez..." malumanay na sambit ni prof sa apilyedo ko.

"Sorry prof..." Pinatay ko naman yung phone at inihawi ang buhok ko nang...

🎶Love me, love me say that you love--- 🎶

Pinatay ko ulit ito hanggang sa tumunog ulit ito, napapikit naman ako sa kahihiyan.

"You can go outside Ms. Cheivez." malumanay na sabi ni prof, nakayuko naman akong kinuha yung bag ko at lumabas ng classroom.

🎶Love me, love me say that you love--- 🎶

"Who are you and what is your problem?!" gigil kong sagot sa tawag. Unknown number kasi.

"Ba't ka sumisigaw?" sagot ng nasa kabilang linya. I bite my nails at automatikong kumunot ang noo ko.

"Kuto?!" gigil kong sabi.

"Kurt Uno ang pangalan ko hindi Kuto... Ang bad mo sumbong kita kay Spongebob at Patrick," sabi niya alam kong nakanguso ngayon.

"Tss alam mo bang nasa gitna kami ng discussion at napalabas ako ng prof namin dahil sa pagtawag mo?!" gigil na sabi ko at kinagat ko pa ang lower lips ko.

"Hindi."

Aba?! Gusto niya bang ipapatay ko na siya?! Marami kaming pera! Kailangan na naming magbawas at magbabawas ako para maipapatay lang siya! Grrr!

"Bwesit ka! Bakit ka napatawag?!"

"Wala naman ako sayong ginagawang ikakainis mo ahhh."

"Ano nga ang kailangan mo?!"

"Magdate daw tayo sabi ni papa at dad."

"So what?!" Taas kilay kong usal then I start to curl my hair using my index finger.

"Let's have date."

"What if I say no... I don't want to date with you." Ngisi kong sabi na alam kong napanguso na naman siya ngayon. Bakit ko ba kasi naiimagine ang pagnguguso niya err!

"Isusumbong kita kay papa para kunin niya 'yung car and credit cards mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"At sino may sabi na gagawin 'yan ni papa sa akin?!"

"Your papa, sinabi niya sa akin kapag 'di ka daw pumayag sabihin ko lang sa kanya tapos ayon ang gagawin niya," parang batang sagot niya.

"Who are you para paniwalaan ko?!"

"Okay, sure ka na sa sagot mo kanina? Ayaw mo makipagdate sige sasabihin ko na kay papa---"

"Oo na!" agputol ko sa sinasabi niya, "makikipag date na ako sayong Kutong lupa ka grrr."

"Hindi nga kasi ako Kuto eh!" maktol niya.

"Kuto, Kuto, Kuto!" pang-aasar ko

"Hindi nga!"

I rolled my eyes.

"So kailan at saan tayo magde-date?!"

"After my class... Susunduin kita sa bahay niyo para makapagbihis ka... Manunuod tayo tas kakain, diba iyon ang ginagawa ng mag de-date?" inosenteng sagot at tanong niya.

"Yes...? So  saan ang exact place natin, manunuod tayo ng sine? Dapat masarap ang pagkain, hmm masarap ang Korean foods pwede rin Italian foods or maybe Japanese foods nag cra-crave ako ng shusi eh," I said while checking my nailpolish.

Syempre dapat alam ko ang exact place para makapag-ayos ako, that was a date at kahit mongoloid si Kuto dapat presentable akong tingin kasi may itsurang itong si Kuto at baka magmukha akong manang sa date kuno namin duh Hindi ako papayag!

"Huh? Japanese foods? Sige..."

"So saan nga ang venue?! Ano panunuorin natin?!" tinatanong ko kasi ng exact place di sumasagot grrr.

"Sa bahay na lang..."

"What?! Eh ano naman ang panunuorin natin sa bahay niyo?!"

"Spongebob squarepants." I faceplamed to what he said.

Pigilan niyo'ko masasakal ko na 'to!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status