The Youngest Multi-Billionaire
The Youngest Multi-Billionaire
Author: LorreignneScarr

Prologue

Lexxeignne's POV

    

"Ayos na ba lahat?"

"Opo, Ma'am! Everything were all set!" Sagot ko.

"Ok. Good. I'll be there an hour. Gotta go"

"Ok po Ma'am!" Pagkababa ko sa aking telepono ay nagmamadali na akong magligpit ng mga kalat. Tinignan ko muna ang inayos at hinanda ko. Ang ganda! sigurado akong matutuwa si Ma'am Vanessa nito.

By the way, my name is Lexxeignne Morales, Lex for short.

Inutusan ako ni ma'am Vanessa na magset up ng romantic dinner sa may garden ng mansion. Anniversary nila ngayon at susurpresahin ni ma'am Vanessa si sir Troy. Magdedate sila ng long time boyfriend niya. 7 years na din sila ma'am Vanessa at sir Troy. Hayy, kainggit si ma'am Vanessa kasi nahanap na niya ang ka forever niya. Ako kaya kailan?

Habang naghihintay kay ma'am Vanessa ay umupo muna ako sa bench na nasa may puno. Nagselfie muna ako.

*click*

*smile*

*click*

*pa cute post*

*click*

Hayy, ang ganda ko talaga! Hehe inupload ko ito sa facebook and boom! viola! Madami agad ang naglikes at nagloves. Pero joke lang! Walang ni isa ang nag likes sa pictures ko. Kalungkot!

Paano ba naman kasi ay nakasuot ako ng big eyeglasses at may braces pa ako plus may bangs pa na ala dora the explorer! Tapos ang oily pa ng mukha ko! Tsk. Ang pangit ko talaga! Kung hindi lang... naku! Nevermind! Hehehe

Pinapak na ako ng mga lamok pero wala pa din sila ma'am Vanessa. Ano ba yan!

*riinngggg*

Ay! Pasnea ka!

Muntik ng nahulog ang telepono ko. Sino ba naman ang hindi magugulat kung biglang nagriring phone ko eh ang tahimik ng paligid?! Sino ba itong tumawag?

*riinnggg*

Ma'am Vanessa Maganda calling....

Ay! Si ma'am Vanessa! Dali dali kong sinagot ang call ni madam.

"Hello ma'am! Malapit na po ba kay---" napatigil ako bigla ng makarinig ako ng iyak sa kabilang linya. Nag-alala naman ako kung napano ito.

"Ma'am ok lang po kayo?" Nag-aalalang tanong ko. Sa tanong ko ay mas lumakas ang iyak nito.

"Hindi ako ok! Sinong gaga ang magiging ok! Kung niloko ka ng boyfriend mo? Hah? Sino? Huhuhuhu *sob* c-cancel all the surprises now! D-dapat pagdating ko sa bahay wala na ang mga iyan! Nakuha mo ba!?" umiiyak na sabi nito.

"O-opo!" Napangiwi ako sa inasta ni ma'am Vanessa. Kasasabi ko lang na may forever sila, biglang naging whatever?! Hay naku! Pinaghirapan ko pa naman lahat ng ito.

Niligpit ko na lahat ng inayos ko kanina. Naiiyak ako. Yung pinaghirapan kong ayusin ng ilang oras ay napupunta lang pala sa wala? Huhuhu. Saklap besh! Tapos ang ending ay masasayang lang ang ibang pagkain?

Naayos ko na lahat lahat at walang ni isa mang kalat na makikita ay hindi pa rin dumating si ma'am Vanessa!

Nasaan na kaya yun? Alas onse y media na pero wala pa rin siya. Natatakot na ako dito sa mansion. Ang tahimik. Waahhh! I hate being alone! Bakit kasi hindi kumuha ng isa pang katulong si ma'am Vanessa disin sanay may kasama ako ngayon. Huhuhu. Wer na u ma'am?

Napatalon naman ako sa gulat ng biglang tumunog ang telepono ko. Si ma'am Vanessa! Excited ko itong sinagot.

"Ma'am Vanessa! Nasaan ka na po?! Nag-aalala na po ako sa inyo!" Bungad ko dito pero nabigla ako ng hindi si ma'am Vanessa ang sumagot.

"Kaano-ano niyo po si Ms. Vanessa Crisostomo?" Tanong nito at boses lalaki. Nangunot ang noo ko pero sumagot pa din ako.

"Personal assistant slash katulong niya po ako! Bakit po nasa inyo ang telepono niya? May nangyari po ba? Oh my gash! Ano pong nangyari? Sabihin niyo!--" naghi-hysterical kong sagot. Bigla akong kinabahan.

"Huwag po kayong magpanic ma'am! Na-accidente po si Ms. Vanessa Crisostomo. At pumunta na lang po kayo dito sa St. Luke Hospital. Dito na po natin ididiscuss ang nangyari" pagkasabi nito ay binaba na nito ang telepono. Napatulala naman ako.

Anong nangyari kay ma'am Vanessa?

Dali dali akong nagbihis at lumabas ng bahay. Ni lock ko muna ito ng mabuti.

Pumara agad ako ng taxi at sinabi ang address na pupuntahan ko. Kagat kagat ko ang kuko ko sa kamay. Kinakabahan ako. Sana walang nangyaring masama kay ma'am Vanessa.

Ano na lang ang mangyayari sa akin kung mawala si ma'am Vanessa? Huhuhu.

"Nandito na po tayo ma'am" pagkasabi ng driver ay agad ko na itong binayaran at hindi na hinintay ang sukli. Dali dali akong pumasok ng hospital.

"Miss nurse! Saan po ang room ni Vanessa Crisostomo?" Kinakabahang tanong ko.

"Kaano ano niyo po ang pasyente ma'am?" Tanong nito at nairita naman ako.

"Pwede bang sabihin mo na lang! Kita ng nag-aalala na ako nakuha mo pang magtanong! Bilis ano na!" Nafufrustrate kong sabi.

"Sorry po! Nasa ICU pa po siya ngayon ma'am!" Sagot nito.

"Thanks!" Tumakbo na ako at hindi ko pala alam kung nasaan ang ICU. Tanga lang! Bumalik naman ako at nagtanong.

"Nasaan pala ang ICU?" Tanong ko dun sa nurse kanina.

"Deretso lang po kayo ma'am at pakaliwa po" pagkatapos nitong sabihin yun ay nagpasalamat ako at  sinunod ko ang sinabi niya.

Nakita ko naman ang ICU. Napaupo ako sa upuan na nakahilera sa may labas ng mga kwarto dahil hinihingal ako sa pagtakbo. Nakita kong may pulis na kinausap yung manong na may mga dugo. Lumapit ako dito.

"Excuse me po! Mamang pulis! Sino po ang nandiyan sa loob ng ICU?"

"Si Ms. Vanessa Crisostomo ma'am. Bakit?" Totoo nga! Napaupo naman ako. Halos pinagsakluban ako ng langit at lupa.

Lord, huwag niyo naman pong kunin sa akin si ma'am Vanessa. Siya nalang po ang meron ako ngayon.

"A-ano pong n-nangyare sa k-kanya? Huhuhu mamang pulis! Sabihin niyo po! Huhuhu" naluluhang tanong ko dito. Hindi na ako mapakali dahil sa kabang nararamdaman ko.

"Kung ganon ikaw yung kausap ko kanina sa telepono?" Tanong nito.

"Obvious po ba? Huhuhu ano ba talagang nangyari?" Umiiyak na ako.

"Naaksidente po ang sinasakyan niyang kotse. Ayon sa mga nakasaksi ay pagewang gewang daw ang kotse nito sa gitna ng kalsada at may nakasalubong daw itong truck. Sa bilis ng mga pangyayari ay biglang nagsalpukan ang dalawang sasakyan. Halos sira sira na ang kotse na sinasakyan ni Ms. Vanessa dahil sa lakas ng impact nito. Nakita iyon ni mang Oscar kaya agad siyang humingi ng saklolo. Agad niyang dinala dito si Ms. Vanessa dahil nagbabasakali siyang buhay pa ito. At kasalukuyan po siyang inooperahan ngayon dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya" paliwanag ng mamang pulis. Natulala ako. Kanina lang ay nag-uusap pa kami. Huhuhu.

"Salamat po mang Oscar sa pagdala kay ma'am Vanessa dito" baling ko sa mamang kausap ng mamang pulis kanina.

"Wala iyon hija! Sana mabuhay pa siya" sabi nito at ngumiti.

Ilang oras na akong naghihintay sa labas ng ICU habang nananatiling nagdadasal. Samu't saring emosyon ang naramdaman ko ngayon.

Palagi nalang akong nasa hospital.

Biglang bumukas ang pinto ng ICU at iniluwa nito ang doctor. Agad akong lumapit dito habang kinakabahan.

"Sino ang pamilya ni Ms. Vanessa Crisostomo?" Tanong nito pagkakuha sa mask.

"Doc! Katulong niya po ako kasi nag-iisa nalang po si ma'am Vanessa sa buhay kaya ako nalang po ang pamilya niya! Kamusta na po si ma'am Vanessa? Ok na po ba siya? Gising na ba?" Natatarantang tanong ko. Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita.

"We did our best to save her but I'm sorry. She didn't make it. She lost a lot of blood and got brain damage. I'm so sorry. Condolence!" Pagkasabi nito ay umalis na ito agad.

Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi ng doktor. Halos hindi ito magsink in sa isip ko.

Hindi. Hindi ito totoo. Panaginip lang ang lahat ng ito.

Bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Bakit? Bakit ganun? Lahat nalang ba mawawala sa akin? Umiyak ako ng umiyak. Kahit masungit si ma'am Vanessa ay minahal ko siya na parang tunay kong Ate. Hindi man niya alam pero pinapahalagahan ko siya. Paano na ako ngayon ma'am Vanessa? Huhuhu.

Pumasok ako sa ICU. Nakita ko ang isang tao na nakabalot sa puting kumot. Dahan dahan ko itong binuksan habang nanginginig ang aking mga kamay. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking mga luha. Ang sakit.

Parang tumigil ang mundo ko pagkakita sa mukha nitong ang putla at wala ng dugo.

"Huhuhu ma'am Vanessaaaaaa!! Please don't leave me! Paano na ako ngayon? Huhuhuhu please... wake up! Wake up please...." niyugyog ko ang katawan nito habang niyayakap.

Yung mga memories na kasama ko siya ay nagfaflash lahat sa isip ko.

Bakit ba lahat nalang ay iniiwan ako? Una, ang kambal ko, si kuya, si Lola at ngayon naman si ma'am Vanessa? Bakit ang unfair?

Parang sirang gripo ang mga mata ko dahil hindi pa rin humihinto ang aking mga luha.

Bakit lahat ng taong pinahahalagahan ko ay iniiwan ako?

Ganito na ba talaga ako kamalas?

"Ma'am tama na po. Ililipat na po sa morgue ang katawan ng pasyente."

Tumingin ako sa nurse at tumango. 

Agad kong kinuha ang telepono ko at dinial ang numero ni sir Troy. Ring lang ito ng ring. Please pick-up the phone!? Dial lang ako ng dial pero hindi nito sinagot. Naiiyak na naman ako. Huhuhu. Itetext ko nalang siya.

To: Sir Troy - boyfriend ni Ma'am Vanessa

Sir Troy! Wala na si Ma'am Vanessa huhuhu wala na siya...

-Lex

Naiiyak na naman ako. Tulo pa rin ng tulo yung luha ko.

Kausap lang kita kanina ma'am Vanessa? Kung alam ko lang na mawawala ka dapat pala hindi ko na hinayaan na sorpresahin ang manloloko mong boyfriend! Huhuhu.

Umuwi muna ako sa mansion. Umaga na pala. Nakatulala lang ako. Ano ang gagawin ko? Paano itong bahay? Ang mga negosyo ni ma'am? Wala naman siyang kamag-anak? Huhuhu Lord! Please help me! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Huhuhu.

*tottot*

1 message received.

From: Sir Troy - boyfriend ni Ma'am Vanessa

No! You're kidding right? Anong nangyari sa kanya? Tell me?!

Ilang segundo lang ay nagring bigla ang telepono ko.

Sir Troy - boyfriend ni Ma'am Vanessa calling.....

"Hello?" Sagot ko na pinipigil na humikbi.

"Lex! Tell me you're kidding right?!"

"Kidding? Sa tingin mo ba magagawa kong mag joke ng ganitong bagay? Ha?"

"A-anong nangyari?"

"S-she's gone! And it's all because of you! Bakit? B-bakit...." hindi ko na napigilan ang sarili ko na sisihin siya. Iyak nalang ang nadidinig ko mula sa akin.

"No! No... no... hindi.. hindi ito totoo." nafufrustrate na sabi nito.

"....."

"N-nasaan siya?" Garalgal na boses na tanong nito. Parang pinipigilan nitong umiyak.

"Nasa morgue na siya." sagot ko at pinatay na ang tawag. Padausdos akong umupo sa sofa.

Life is really unfair...

I can't accept this.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status