Chapter 2: Ang Pangit Niya

Lexxeignne's POV


Lakad takbo ang ginawa ko papuntang garahe ng sasakyan kung nasaan ang motor ko. Sh*t! Malelate na ako! Bakit kasi ang tagal kong nagising. Aisshh!

*pitpitpipit*

Agad namang binuksan ni manong ang gate pagkakita sa akin.

*broommm*

Pinasibad ko na ng takbo ang motor ko. Langya! Nalimutan kong kumaen. P*ta! Naiwan ko din ang baon ko. Aisshh! Binilisan ko na ang pagpapatakbo. Nakarating na din ako ng school sa wakas.

*St. Agustin Academy*

Basa ko sa nakasulat sa gate. Naghanap na ako ng parking space at nakahanap naman ako. Dali dali akong pumasok ng school. Time check: 6:50 am. May time pa ako para hanapin ang room ko. Sh*t, 10 minutes na lang.

Nagtanong ako sa teacher na nakasalubong ko kung saan makikita ang room ko. Hindi na ako nagtanong sa mga kapwa ko estudyante baka bigyan lang nila ako ng maling info. Tinuro naman ng teacher kung nasaan yung room ko.

"Salamat po ma'am!" Ngumiti naman ito at hinanap ko ang room ko. Sinunod ko ang tinuro niyang direksyon. Deritso, pakanan, akyat hagdan, pakaliwa at hanap ng room number.

"Room 11.. 12... 13.. at.. ayun! Room 14!" Masaya kong sabi ng makita ito. Pagtingin ko sa oras ay... sh*t! 3 minutes na akong late! Kumatok na ako sa nakasaradong pinto. Bumukas naman ito at bumungad sa akin ang isang nilalang na nakakunot ang noo. Paktay! Mukhang stricto pa ang panot na teacher na ito.

"You're 3 minutes late! And you expect that I will let you in!" Nakataas na kilay nitong sabi. Kumunot ang noo ko.

"Yes. I'm late because I had a hard time looking for this room and obviously I'm a transferee. So whether you like it or not! You will let me in. And I know I'm 3 minutes late. So you don't need to say it." I said that made his jaw dropped. Since wala siyang balak papasukin ako ay ako na ang kusang pumasok. Naiiling itong sumunod sa akin. Nakita ko naman ang mga magiging kaklase ko na nakanganga. Mayamaya pa ay tumawa ang mga ito.

"Langya! Akala ko ang ganda niya! Eh ang galing mag-english eh! Nyeta! Nosebleed ako dun ah hahaha" sabay tawanan ng mga ito. Nakatingin lang ako sa kanila na nakataas ang kilay.

"Ang pangit niya... hahaha"

"Oo nga! May katulad pa pala niya? Hahaha ew!"

"Class quite!" Sigaw nung teacher na panot. Tumahimik naman bigla.

"Okay, please introduce yourself miss. And sorry kanina pantakot ko lang yun sa mga nalelate hehe" binulong nalang nito sa akin ang huling sentence niya. Tsk. Hahaha hanep! Napaniwala ako dun ah. I smirk. Mabait naman pala ang panot na ito.

"Ehem. I'm Lexxeignne Morales, Lex for short. 19 years old." Pinipigil naman ng mga ito ang kanilang mga tawa.

"Okay, yun lang?" Tinignan ko lang ang panot at mukhang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin.

"Okay, I'm John Cruz and you may take your seats now Ms. Morales, wherever you want." Pagkasabi nito ay humanap na ako ng mauupuan. Umupo ako sa pinakalast na row katabi nung isang babae na nakasalamin din pero hindi siya mukhang nerd tignan. Maganda ito.

Nagsimula naman nang magturo yung panot na teacher. Ang boring naman. Eh alam ko na yung mga tinuro niya. Hanggang sa magring na yung bell. Tapos na ang unang klase. Lumabas naman na yung panot. Recess time na pala. 15 minutes lang. Buti naman gutom na talaga ako. Tumayo na ako at lalabas na sana ng room. Hindi pa man ako tuluyang nakalabas ng room ay hinarangan na ng mga kaklase ko ang pinto. Napahinto naman ako.

"Get out of my way kids" sabi ko sa kanila at tumaas naman ang kilay ng mga ito.

"Kids? You called us kids? Hahaha dinig niyo yun guys?" Nagtawanan naman sila.

"Why? Aren't you? What you're doing right now is for kids act. So can you move away now?" Sabi ko na nakapagpainis sa kanila.

"How dare you?" Sabi ng babaeng mukhang clown. Ang kakapal ng make-up. Akmang sasampalin ako nito pero napigilan ko ang kamay nito.

"Yes, I dare you. And please? Don't ever lay your filthy hands in me, I bet you! You will regret what will happen next." sabi ko at binitawan na ang mga kamay nito at umalis na ng room at pumunta na sa cafeteria.

Pagdating ko ay umorder na ako ng pagkaen. Mabilis naman sinerve yung order ko. Hindi pa ako nakapalahati ng kinaen ko ay may biglang tumayo sa tapat ko. Pagtingin ko ay yung seatmate ko pala kanina.

"Uhm, hi? Pwede bang maki-share?" Paalam nito at tumango ako kasi puno pa bibig ko. Kumaen na din ito. Fudgee bar at tubig lang ang kinaen nito.

"Ahm, ako nga pala si Samantha Aguilar. Lexxeignne Morales, right?" Biglang sabi ng kaharap ko.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Yes. Ahm, nice to meet you! So, I'll go first it's nearly time." sabi ko at akmang tatayo na.

"Wait! Sabay na ako sayo!" Sabi nito at tumayo na ako. Sumunod naman siya at sumabay sa akin sa paglalakad. Wala kaming imikan. No one dared to talk. Hanggang sa dumating na kami sa room. Nakita ko naman yung mga babaeng clown na humarang sa akin kanina na ang sama ng tingin sa akin. Lampake! Umupo na ako sa seat ko. Wala pang teacher kaya ang ingay ng room.

"Ahm, Lex! Sabay tayong maglunch ah? Please?" sabi ni Samantha.

"Uhm, ok." sagot ko nalang.

"Yes! Salamat! May makakasabay na din akong kumaen!" Excited na turan nito.

"What do you mean?" Tanong ko dito. Ngumiti naman ito.

"Wala pa kasi akong friends dito kaya wala akong kasabay kumaen." Malungkot na sabi nito. "Pwede ba kitang maging friend Lex? Please?!" Pakiusap nito habang nakapuppy look. Langya! Anong akala niya sa sarili niya aso? Hayy, sige na nga tutal wala din akong friend.

"Okay..."

"Yay! Wala ng bawian ah? Friends na tayo!" Sabi nito habang nakangiti ng malapad. Napangiti na lamang ako.

"Good morning, Class!" Nabaling naman ang tingin ko sa unahan. Nandiyan na pala yung teacher.

"Good morning, Ms. Dela Cerna!" Bati ng mga kaklase ko.

Nagsimula agad itong magdiscuss. Math pala ang itinuro niya. It's all about statistics. The mean, median, and mode. Tsk. Ang easy.

Nagbigay ito ng pagsusulit pagkatapos niyang magdiscuss. After 10 minutes tapos na ako at ako ang unang nagpasa ng papel. Nagulat naman si ma'am. Hindi siguro niya enexpect na may magpapasa ng ganon kaaga. Bumalik na ako sa upuan ko at umub-ob. Mayamaya kinulbit naman ako ni Sam. Tapos na pala ang lahat at may sinasabi si ma'am.

"Ok class. See you next meeting! Class dismissed!" Pagkatapos nitong sabihin iyon ay umalis na si ma'am. Nag-ingay naman sila.

"Tara na Lex! Lunch na! punta na tayong cafeteria!" Aya nito sa akin. Tumayo naman ako at sinuot ang backpack ko. Lumabas na kami ng room.

Pagdating namin sa cafeteria ay ang daming tao at ang ingay ingay.

"Waahhh! Ang gwapo niya talaga!" Irit ng mga babaeng malandi. Tsk. Kairita.

"Excuse me." sabi ko dun sa nagblock ng daanan. After how many years ay nakarating din sa may cashier. Grabe bakit dumami bigla ang tao? Pagkaorder namin ni Sam ay humanap na kami ng table habang dala ang aming pagkaen.

On my way, biglang may pumatid sa akin dahilan para matapon ang pagkaen ko sa mga kumakaen. Napasinghap naman ang mga tao at biglang tumahimik.

Napataas ang kilay ko. Anong nangyare? Tsk. Dahan dahan lumingon yong taong natapunan ko ng pagkaen ko. Galit itong tumingin sa akin. Teka! Namumukhaan ko siya. Siya yong guy na nakasabayan ko ng motor papuntang mall. Hah! What a small world!

"You again! Look what you did!? Sh*t! Alam mo bang magkano itong damit ko hah?" Umuusok sa galit na tanong nito sa akin habang nakaturo sa damit na namantsahan. Seriously? He did ask me that? I smirk.

"Yes, I do. It's worth 2 thousand pesos." sabi ko sa kanya at tumawa naman yung nanonood.

"What?! You don't have any idea how much it's cost, do you? It's worth hella 10 thousand pesos! And you'll gonna pay for this! You ugly creature!" Galit na sabi nito. Hah! What a jerk! Ang hambog lang. Tignan natin ngayon kung makakapagsalita ka pa.

"Well, I know how much it cost, I saw that shirt in the mall and it really cost 2 thousand pesos. Want some proof?" Sabi ko dito habang may nang-uuyam na ngisi. Namutla naman ito. At biglang nagalit ulit.

"What?! You're unbelievable!"

"Yes, I am. If I were you, I'll go get change my clothes now because you stink!" Hahaha ppfft! Nakakatawa naman siya. Yung reaksyon niya? It's priceless. Hahaha sininghot pa nito ang damit niya. And guess what? Pft! Nabahuan nga. Tumawa naman ang manonood. Inis na inis itong bumaling sa akin.

"We're not done yet, stupid ugly creature!" Sabi nito sabay lakad paalis. Tsk. I'm always ready jerk.

Napuno ng halakhakan ang buong cafeteria. Binaling ko ang tingin ko sa babaeng pumatid sa akin. Namutla naman ito.

"W-what?!" Nauutal na sabi nito.

"You did that on purpose, did you?" Mas lalo itong namutla. Bigla naman tumahimik ang kaninang maingay.

"S-so what if I am? You're so ugly! That's why pinatid kita!" Tinignan ko siya ng disgusted look.

"That's it? So childish of you. What's your name?" Tanong ko dito.

"I'm Amor Dela Vega." Sabi nito habang nakangisi. Hah! Tignan natin ngayon kung makakangisi ka pa. Hindi porket pangit ay ibubully na agad?

"Do you know the sayings, do not judge the book by its cover?" Tanong ko dito habang nakangisi.

"Of course! Anong akala mo sa akin bobo?! Stupid b*tch!" Aba! Napupuno na ako sa mabahong bunganga nitong babaeng to ah!

"Yun naman pala eh! You knew. So, please tell your father Ms. Dela Vega, that starting today I will pull out all my investment to your company. Oh! For your info! Half of the shares is mine. So, goodluck! Bye!" Sabi ko at akmang aalis na. Napasinghap naman ang lahat. Bigla naman nanlaki ang mga mata nito.

"P-please... don't do that! I'm sorry Miss.." sabi nito at biglang lumuhod sa harap ko that made everyone gasps.

"Please... I'm begging you! I promise hindi ko na uulitin! Huhuhu just don't take all of your investment. Huhuhu please! Mapapagalitan ako ng papa ko!" Umiiyak na turan nito. Hindi naman ako kasing sama ng iniisip niya.

"Okay, but in one conditon," napatigil ito sa pag-iyak at tumingin sa akin.

"A-ano yun? Gagawin ko lahat ng ipapagawa mo. Please!" Pagmamakaawa nito at napabuntong hininga naman ako.

"Just don't do that to others again and if I saw you bullied someone in this premises. I will not think twice and you know what will happen." sabi ko at humakbang na paalis sumunod naman sa akin si Sam. Nawalan na ako ng ganang kumaen. Pati si Sam nadamay.

"Sam huwag ka nang sumunod sa akin. Kumaen ka na doon." Sabi ko sa kanya habang naglalakad palabas.

"Hindi na Lex. Nawalan na din ako ng gana. Pumunta nalang tayong room." Sagot nito at pumunta na nga kaming room.

Kami palang ang nasa room. Siguro nandoon pa sa cafeteria yung mga kaklase namin. Umub-ob nalang ako sa desk.

"Alam mo Lex. Humanga talaga ako sayo kanina dahil ang tapang tapang mo! Ang sama talaga ng mga ugali ng kabataan ngayon. Isa pa yung jerk na Aki na yon! Hindi naman ito taga high school department at napadpad doon! Ang layo ng cafeteria ng mga college students, talagang nag-effort pa siyang pumunta dito! Hmmmp kainis yung gagong yun." Naiinis na wika ni Sam. Aki? Aki pala ang pangalan ng gago. Makikita mo jerk!

Naramdaman kong unti unti ng pumasok ang mga kaklase ko. Tahimik ang mga ito. Pagtaas ko ng ulo ko ay nakatingin sila sa akin. Bigla naman nagsipang-iwas ng tingin ang mga ito. Tsk. Walang kahit isa ang nag-ingay.

Pumasok naman na yung teacher. Filipino ang itinuro nito. Nagdiscuss lang ito ng nagdiscuss.

Lumipas ang hapon na puro discussions lang ang nangyare. I'm so bored. Sana pala nagdala nalang ako ng libro para may mabasa ako. Hayy!

*kriinnnggg*

Sa wakas! Uwian na! Dali dali akong tumayo at sinuot ang backpack ko. Tumayo na din si Sam. Sabay kaming lumabas ng room. Pinagtitinginan kami ng mga classmates namin at paglabas namin ay ganoon din.

"Sam why are they looking at us?" Tanong ko kay Sam habang patuloy padin kaming naglalakad.

"Well, siguro dahil yun sa naganap kanina sa cafeteria" nakakibit balikat na ani ni Sam.

"Tsk."

"Well. Well. Well. Look who's here?" Napatigil kami sa pagbaba ng hagdan ng may nagsalita sa harapan namin sa baba ng hagdan. Guess they are the mean students, the way they looks.

Nagpatuloy naman ako sa pagbaba. Napa-atras naman ito ng mapansin niya na hindi ako huminto sa paglalakad. Bigla naman nitong hinablot ang braso ko. Napatigil ako ganon din si Sam. Nakita kong napalibutan kami ng mga estudyante. They want a show. Tsk. This b*tch!

Tinignan ko sila ng masama.

"Oh! I'm scared?! Hahaha you wish!" Sabi nung nakahawak sa akin. I give her a bored look.

"What's your problem? Can you see that I'm in a hurry? So please! my time is precious and it's a waste of time talking to your nonsense act." Sabi ko dito at sabay kuha ng braso ko sa pagkakahawak niya, na nagpanganga sa kanya at sa mga nanonood.

"You b*tch! How dare you!" Akmang sasampalin ako nito ng pinigilan ko ang kamay niya at pinilipit ito. Humiyaw naman ito sa sakit.

"What's your problem? I did nothing to you to treat me like this?! Stay where you are!" Sabi ko ng akmang lalapit yung mga alipores ng babaeng hawak ko.

"Ugggh! You stupid! Iginanti lang namin si Aki! Sa pagpapahiya na ginawa mo sa kanya kanina!" Sabi nito kahit namimilipit sa sakit. Mas hinigpitan ko ito at sumigaw na ito sa sakit. Binitawan ko na ito. Eww lang! Basa pa ang mga kamay nito. Kadiri!

"He deserve that for insulting me."sabi ko at tuluyan ng umalis sa crowd.

"Lex! wait!" Tawag sa akin ni Sam. Hindi na ako lumingon alam ko namang sumunod siya.

Pagdating ko sa parking lot ay dumiritso na ako kung saan nakapark ang motor ko. Nakita kong ganon din si Sam.

"Cool! Nakamotor ka din pala Lex? At magkatabi pa tayo sa pagkapark! We're really meant to meet this day!" Masayang sabi niya.

Siguro nga. Akalaen mong magkatabi kami sa room pati ba naman sa pagpark ng motor? Sa laki ng parking space?

Pinaandar na namin ang aming mga motor. At sinuot ang helmet.

"See you tomorrow Lex! Bye!" Sabi nito.

"Yeah! See you too! Bye!" Sabi ko din at kumaway na kami sa isa't isa at pinatunog ang horn at sabay na kaming umalis ng school. Pareho pala kami ng way. Mas nauna lang siya ng ilang blocks mula sa bahay. Magkapitbahay pala kami.

Pagkadating ko sa bahay ay agad kong pinark ang motor ko at pumasok na sa loob. Napaupo agad ako sa sofa. What a tough day I had! First day palang may nakaaway na agad ako. Siguro hindi ko na susuotin ang disguised look ko.

Pumunta na akong kwarto at nagbihis. Tinanggal ko na ang mga nakalagay sa mukha ko pati braces. Tumingin ako sa salamin. Siguro panahon na para harapin ko ang katotohanan.

Sapat na siguro ang dalawang taon na pagtatago ko sa kanila. Namiss ko din ang mukha kong to. Hindi naman sa pagmamayabang ay maganda talaga ako. I have perfect long nose, magandang curves ng lips, pantay pantay na ngipin at mapuputi ito. Maayos na pagkaporma ng kilay kahit walang eyebrow ay maganda itong tignan at makinis din ang balat ko. And I have also a sexy body. Hindi ito nakikita sa usual get up ko

dahil nakaloose ako na pants at damit lage. Nakakasawa din pala ang pangit na get up ko. Hayy! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status