Chapter 3: Who Is She?!

Lexxeignne's POV

    

Maaga akong nagising ngayon at may oras pa ako para mag-exercise. Pumunta akong gym dito sa loob ng bahay at nagsimula ng nagpapawis. Dinalhan naman ako ng tubig ni Nanay Fe. Nagpasalamat ako dito.

Bandang mga 5:30 am ay naligo na ako at pagkatapos ay kumaen na ng agahan. Nagdala ako ng panglunch ko.

Time check: 6:30 am

Pumunta na ako sa garahe at sumakay na sa kotse ko. Hindi na ako nagmotor dahil bibili pa ako ng bago. Pinaandar ko na ang kotse ko at lumabas na ng bahay. On my way, nakasabayan ko si Sam. Nakamotor ito. Pinatunog ko ang horn at nakatingin lang ito sa akin. Binaba ko ang car window at ngumiti sa kanya.

"Hey! Sam!" Dumeritso lang ang pagpapaandar nito. Guess hindi niya ako nakilala hahaha.

Pagdating ko sa school ay agad kong pinark ang kotse ko at nakita ko naman si Sam na inayos ang pagkapark sa motor niya. Lumapit ako dito.

"Hi Sam! Sabay na tayo." Sabi ko sa kanya at humarap naman ito sa akin habang nakakunot ang noo.

"Excuse me? Do I know you?" Sabi ko na nga ba eh.

"It's me Sam, Lex." Sabi ko ng nakangiti. Natulala naman ito.

"What?! Nagbubulahan ba tayo dito Miss I-don't-know-who-you-are?" Sabi nito ng naguguluhan. Hahaha

"Samantha Aguilar, it's me Lexxeignne Morales! The one & only ugly!" Sabi ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata nito.

"Hey hey! You're kidding me right? April fools day ba ngayon?" She asked puzzled.

"Hahaha! You're funny Sam! Ako talaga ito si Lex. It's a long story you know but you have to believe me that I'm really Lexxeignne Morales. I will explain to you later, okay?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Tumango naman ito pero nakakunot pa rin ang noo nito. Hindi ko mapigilan ang matawa.

Lumakad na kami papasok.

"How come you're Lex?" Tanong ni Sam habang naglalakad kami.

"Well I have enough of my disguise because first day na first day ko kahapon may nakaaway na din ako. Hayy! At saka napag-isip ko na dalawang taon ko na din suot suot ang ganong get up ko" sagot ko sa tanong niya. Nanlaki ang mga mata nito.

"Ikaw talaga si Lexxeignne Morales! Waahhh! Ang ganda mo! Bakit tinago mo ang ganyang mukha? For sure mas dadami ang kaaway mo niyan!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

"You sure? Sana pala hindi ko na tinanggal ang disguise ko kung ganon nga!" Nagwoworry kong sabi. Pero na wala akong paki. Palaban kaya ako.

"Yeah, I bet you!"

Nahinto ang pag-uusap namin ng may  nagbubulungan pagdaan namin. Biglang tumahimik ang kaninang maingay na mga estudyante. At mayamaya pa ay nagsimula na naman itong magbulong bulongan.

"Who is she? Bakit kasama niya si Samantha?"

"Ang ganda niya!"

"Oo nga! Grabe! Para siyang artista!"

"Mas maganda pa siya sa mga artistang nakita ko!"

"Waaahhh nakakatibo siya! "

"Pero waahhh ang ganda talaga niya! Nganga ang beauty ko!"

"Sira wala kang beauty noh! Bakla ka!"


Hahaha natatawa ako sa mga pinagsasabi nila. Tiyak kong magugulat sila na yung inaaway away nila kahapon ay ako. Hahaha

Nakita kong natatawa din si Sam.

Pagkadating namin sa room ay nagulat ang mga kaklase ko pagkakita sa akin at napanganga. Diritso lang akong papunta sa seat ko kasama si Sam. Napapatingin sa akin ang lahat. Sino ba ang hindi lilingon kung isang dyosa na ang dumaan sa harap nila? Hahaha hambog ko ba masyado? Yae niyo na ngayon lang ito hahaha

Biglang bumukas ang pinto at pumasok na yung teacher na panot, si Sir Jhon Cruz, Physics teacher namin.

"Good morning!" Bati nito at inilibot ang tingin.

"Oh? May bagong student?" Takang tanong nito habang nakatingin sa akin. Napabungisngis naman si Sam. Nagtaka naman silang lahat kung bakit tumatawa si Sam.

"I already introduce myself yesterday, didn't I?" Sagot ko sa teacher at naguluhan naman silang nakatingin sa amin o sa akin.

"Hahaha sorry! I can't contain my laughter anymore!" Sabi ni Sam na natatawa na. Hahaha pft! Yung mukha nila? Priceless!

"Anong nakakatawa Miss Aguilar?" Tanong ni Sir.

"Sorry sir! Hmm actually hindi niya na po kailangan magpakilala dahil nag-introduce na siya kahapon. She's  Lexxeignne Morales!" Proud na sabi ni Sam. Hahaha if I know natatawa din siya sa sarili niya kasi hindi niya din ako nakilala kanina hahaha.

"Pardon?" Nakakunot noo nitong sabi.

"Yes, Sir. I'm Lexxeignne Morales." Sabi ko at ngumiti. Natulala naman ito at napanganga. Pati ang mga kaklase ko. Hahaha

"Okay. Let's now proceed to our discussion." Sabi nito bigla na hindi pa rin makapaniwala.

Minsan lumilingon parin sila sa akin especially yung mga boys.

"What is an atom? Anyone?" Tanong ni Sir at may nagtaas naman ng kamay. At nakasagot naman ito.

"Atom is.... blahh blahhh...." nagpatuloy pa rin ang boring na discussion ni Sir, minsan ay nagtatanong siya at may nakasagot naman. Hanggang sa nagpaalam na ito. Pagkalabas ni Sir ay nagsimula ng nagbubulungan ang mga kaklase ko tungkol sa akin. Pinabayaan ko na lang sila.

"Know what Lex? I still can't believe na ikaw talaga yan! Wala man lang pasabi na magchange look ka! Gaga! Muntik na kitang hindi makilala" sabi nito habang nakapout pa.

"Hahaha eh! Hindi mo naman talaga ako nakilala! Hahaha" natatawa kong sabi sa kanya.

"Waahhh! Ang sama mo! Eh! Kahit sino naman hindi ka makilala noh! Hahaha" tumatawa ding sabi niya. Mayamaya tumayo ito.

"San punta?" Tanong ko dito.

"Cr. Naiihi ako eh. Sama ka?" Sagot nito sa tanong ko at tumango naman ako. Tumayo na ako at sumabay na sa paglakad sa kanya.

Paglabas namin ng room ay pinagtitinginan pa rin nila ako. Wala akong pake though. Pumunta na kaming CR at pumasok na ako at si Sam sa mga cubicles. Mayamaya ay nadinig kong may pumasok mukhang madami sila at sa boses pa lang ay kilala ko na.

"It's true ba talaga gurl na yung ugly b*tch kahapon is have her transformation?"

"I don't know gurl! Hindi pa natin siya nakikita you know?"

"Sabagay tama ka! And know what? They say para daw itong artista?"

"Baka naman nagpaplastic surgery ang bruha hahahaha"

"Oo nga! You heard naman diba na may shares siya sa company nina Amor."

"Oo nga---" biglang naputol yung sinabi ng gaga ng biglang bumukas ang katabing cubicle ko. I guess it's Sam.

"Anong nagpaplastic surgery si Lex? Baka kamo ikaw! Yan ang mukha niyo ang tamang definition ng nagpaplastic surgery! Sa kapal ng make up niyo nagmumukha kayong clown!" Dinig kong sabi ni Sam.

"How dare you make insulto to us!"

"You nerd!"

Bago pa pagtulungan si Sam ay lumabas na ako. Paglabas ko ay akmang sasampalin na nito si Sam.

"Lay a hand to her. And I'll make sure my beautiful hands can taste the bloods of your faces" banta ko sa kanila at huminto naman sa ere ang kamay ng gaga na papasampal sana sa mukha ni Sam na nakapikit. Dumilat naman ng mga mata si Sam at ngumiti ng makita ako.

Nanlaki naman ang mga mata ng mga gaga na umaway sa akin kahapon. Hinead to foot nila ako. I smirk. Napatulala sila sa mukha ko.

Habang nakatulala pa sila ay hinigit ko na si Sam palabas ng CR baka malate pa kami dahil sa mga bruha na yon. Napabungisngis naman si Sam pagkalabas namin.

"Hahaha ang epic ng mga mukha nila grabe! Hahaha! That was really funny!" Tumatawa pa rin ito hanggang sa nakarating kami sa room. Napatawa na rin ako. Umupo na kami sa seats namin. Bigla namang may lumapit sa akin na tatlong babaeng kaklase ko.

"Hi Lexxeignne! Hi Samantha! Ako nga pala si Camila Torres!"

"I'm Andrea Cortez!"

"At ako naman si Mara Soledad!" Pagpakilala ng tatlo habang nakangiti. Tumingin lang kami sa kanila.

"Uh? Hi?" Awkward na sabi ni Sam.

"What do you three need?" Tanong ko sa kanila.

"Ahm, gusto lang namin makipagkaibigan sa inyo!" Sabay na sabi ng tatlo. Nagkatinginan naman kami ni Sam.

"Sige ok lang kung hindi kayo papayag. Naiintindihan namin." Malungkot na sabi ng tatlo. Hindi na kami nakasagot dahil pumasok na ang teacher namin sa English. Nagkatinginan nalang kami ni Sam.

The discussion went well. Nasasagot ko naman ang mga tanong kung ako na ang tinatanong ni ma'am. Nawiwili ata ito sa katatanong sa akin dahil ako nalang palagi ang tinatanong nito. How about the others? Hanggang sa natapos ang discussion ni ma'am na walang ibang ginawa kundi tanong ng tanong sa akin. Natutuwa ata ito kasi nasasagot ko lahat ng mga tanong nito.

*kkrriinnggg*

Lunch time na. Pumunta na kami sa cafeteria. Since may baon ako ay si Sam nalang ang umorder ng pagkain niya. Hinintay ko nalang siya na makapag-order at pagkatapos ay naghanap na kami ng mauupuan. Wala ng vacant except dun sa table ng tatlo, sina Camila, Andrea at Mara. We headed to their table. Nagkatinginan kami ni Sam dahil iisa lang naiisip namin.

Na-aawkward pa rin ako sa mga tingin ng mga tao. Yae na nga!

Pagkadating namin sa table nila Camila ay nakita naming busy ito sa kanilang kinakaen hindi kami nito nakita.

"Ehem." Kunyareng ubo ni Sam. Napalingon naman sila at nanlaki bigla ang mga mata.

"K-kayo pala!" Nauutal na sabi ni Camila.

"Uhm, Can we share to your table?" Tanong ko.

"Y-yeah sure! Upo kayo!" Sabi ng mga ito at inoffer ang vacant na chair. Sakto ang upuan na iyon panglima katao. Umupo naman kami agad.

"Thanks." Sabay na sabi namin ni Sam. At nginitian sila. Kinuha ko na ang baon ko sa lunch box ko.

"Ok lang." Awkward na sabi ng tatlo at nagpatuloy na sa pagkain. Kumain na din kami ni Sam. Mayamaya ay hindi napigilan ni Mara na magsalita.

"Ahm. Excuse me lang ah? Hmm Sam, Lex wag niyo sanang mamasamain ang sasabihin ko ha?" Sabi ni Mara at napatigil naman kami sa pagkain. Siniko naman ito ni Andrea na katabi nito. Pero hindi ito nagpatinag.

"Ano yon?" Tanong ni Sam.

"Bakit ayaw niyong makipagkaibigan sa amin? Sa totoo lang, hindi naman popularity ang sadya namin sa inyo. Gusto lang talaga namin makipagkaibigan kasi alam namin na hindi kayo katulad ng iba. Nakita namin na mabait kayo, lalong lalo na ikaw Lex dahil sa pinakita mo kahapon. Humanga talaga ako sayo non! Sorry ah?! Hindi ko lang talaga mapigilan ang bibig ko hehehe" mahabang sabi ni Mara at napabunghalit naman kami ng tawa ni Sam. Napatawa nadin sila Camila at Andrea.

"Sinong may sabi sa inyo na hindi kami pumayag na maging kaibigan niyo?" Sabi ni Sam at nanlaki naman ang nga mata ng tatlo.

"Bakit hindi ba?" Tanong ni Andrea.

"No. Actually kung hindi lang dumating si Ma'am kanina ay sasagot na sana kami ni Lex. Yun nga hindi na namin nasabi hehehe"

"Talaga?! So friends na tayo?! Waahhh!" Tumango naman kami ni Sam habang nakangiti sa kanila.

"Wala ng bawian ah?" Parang bata na sabi ni Mara. Hahahaha. Nagtawanan naman kami. Pinagpatuloy na namin ang pagkaen habang nagkulitan pa din. Ang kulit lang nilang tatlo.

Pagkatapos namin kumain ay masaya kaming naglalakad patungo sa room. Napatigil naman kami ng nakita namin na parang may nag-aaway sa unahan namin. Hinawi naman namin ang crowd. Good thing pinadaan kami ng mga ito.

Nakita ko ang isang estudyante at yung mga bruha na inaaway yung babae. Hindi ko kilala ang babae dahil nakatalikod ito.

"What's happening here?" Bigla naman silang napalingon at namutla ang mga bruha pagkakita sa akin. Napalingon naman sa akin yung bunully nila. Nagulat ako. What is she doing here? Nagulat din ito pagkakita sa akin. Binaling ko naman ang tingin sa mga bruha.

"I said what's happening here? And It's you again? Hindi pa din ba kayo nadadala?" Sabi ko sa mga bruha.

"Hmmp! Sino ka sa akala mo? Ako? Si Christine Vladimir? Ay natatakot sayo? Hah! Dream on b*tch!" Nakangisi nitong sabi. I guess siya yung leader ng mga bruha.

"Vladimir? Is your father name Rodulfo Vladimir?" Tanong ko dito habang nakasmirk.

"Oh? You know my father?! Grabe ang sikat pala ng father ko kung ganoon!" Hambog na pagkakasabi nito.

"Stupid! Yes, I know your father very well. And just one call away... I can make your company.... bankrupt!" Sabi ko sa kanya ng nakangisi. Namutla naman ito.

"S-sinong tinatakot mo b*tch! At ikaw makapagpadown sa company namin? Bakit? Sino ka ba?" Tanong nito at natahimik naman ang crowd. Nag-aabang sa isasagot ko. Pati 'siya' ay nakatingin sa akin habang nagtatanong ang mga mata. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Simple. You heard about Crisostomo Group of Companies?" Tumango naman ito.

"Of course! How could I not know?! That is the number one company in the Philippines!" Sabi naman nito. I smirk.

"Exactly what you said. Number one. Do you know who is the owner of that company?" Tanong ko at umiling naman ito. Napangisi ako.

"I do b*tch! Because she is my friend and like what I said, just one call away? Boom! Bankrupt!! " Napasinghap naman ang crowd pati 'siya' at mga bagong kaibigan ko.

"Y-you're kidding!" Namumutlang sabi nito.

"I'm not. And one more thing. If I caught you bullied someone again. I will not think twice to get your family out of the business industry. Got that?" Tumango naman ang mga ito. Well, tinakot ko lang naman sila. Because I don't want to see someone being bullied again, lalong lalo na 'siya'. Umalis na ako sa crowd, sumunod naman ang mga kaibigan ko na nakatulala.

Pagdating namin sa room ay umupo na ako sa upuan ko. Hindi ako umiimik. Anong ginagawa niya dito?

"Hindi ka pa talaga namin kilala Lex."napalingon ako kay Sam.

"That was... well, kinda awesome! How did you make friends to the owner of the number one company in the Philippines?" sabi nito.

"Hmm by the way Sam, that is confidential but if you promise me that you will kept it as our secrets, then I will tell you the truth, will you promise?" naghihintay ako sa sagot niya. I'm willing to tell her naman na ako na ang bagong nagmamay-ari ng companya kung mangangako siyang hindi niya ito sasabihin nino man.

Nakita kong nag-iisip siya then ngumiti siya sa akin. Bigla naman itong sumeryoso.

"Kahit kakilala lang natin Lex ay masasabi kong tunay kang kaibigan. Hindi ka fake tulad ng iba. You showed me the real you. Sa totoo lang, I trust you Lex. I never had any friend before except you. Kahit na hindi mo ako ituring na bestfriend mo basta para sa akin ikaw ang bestfriend ko. Hindi ka mahirap mahalin Lex, sa katunayan nga ay magaan ang loob ko sayo. And pangako! Mapagkakatiwalaan mo ako." Seryosong sabi nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. I feel overwhelmed. Buong buhay ko ngayon lang ako sinabihan ng ganito.

"Thank you, Sam! Hindi ko man naiparamdam sayo but I consider you as my bestfriend now." Sabi ko sa kanya at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti kami sa isa't isa.

"After class, in my house?" Offer ko sa kanya at tumango naman ito.

"Ok!"

Nabaling na sa harap ang atensyon namin ng dumating na ang teacher namin sa TLE. At nagdiscuss lang siya ng discuss.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status