Chapter 4: The Youngest Multi-Billionaire In Town?!

Lexxeignne's POV

  

  

"Wow! Is this your house?" Sabi ni Sam habang nakanganga. Yun agad ang bungad niya pagkapasok ng gate ng  bahay. Pagkatapos ng klase kanina ay dumeritso na kami dito. Hindi na dumaan si Sam sa bahay nila dahil malapit lang daw ito kung uuwi na siya mamaya.

"Actually, before it is not mine but now it is already" sagot ko naman sa kanya at napakunot ang noo nito.

"Hindi ko gets?" Naguguluhang sabi nito habang nakakunot ang noo.

"I'll tell yah' later, Sam. Pasok muna tayo sa bahay" sumunod naman siya sa akin at nakita naman ako ni Nanay Fe at bumati ito sa akin na sinuklian ko ng ngiti.

"Nanay Fe! Ito po si Sam, bestfriend ko!" Sabi ko kay Nanay Fe ng nakalapit ito sa amin habang may dala-dalang inumin.

"Hi! po! Nanay Fe!" Bati ni Sam kay Nanay Fe.

"Hello din Sam! Oh siya! Maiwan ko muna kayo at may mga gagawin pa ako. Tawagin niyo lang ako kung may kailangan kayo ha?" Sabi nito habang nakangiti sa amin ni Sam. Lalong lalo na sa akin.

"Opo, Nanay Fe!" Sabay na sabi namin ni Sam at nagtawanan naman kami. Umalis na si Nanay Fe at naiwan na kami ni Sam sa may Sala. Nagtingin-tingin ito ng mga litrato na nakadisplay sa pader.

"Is this Vanessa Crisostomo? Diba patay na siya? " Tanong nito habang nakatingin sa painting na malaki at tumingin naman ito sa akin ng naguguluhan. I motioned her to sit accross me.

"Yes, Sam. She is Vanessa Crisostomo. The owner of the Crisostomo Group of Companies at marami pang iba. Yes, she died 1 year ago because of a car accident." hindi ko maiwasan ang malungkot ng maalala ko si ma'am Vanessa.

"Then, what is your relationship to her? Are you her sister? Cousin? Relatives?" Sunod sunod nitong tanong. Umiiling naman ako.

"No. We're not blood related. I'm just her personal assistant slash maid 2 years ago when I runaway from home." Napabuntong hininga ako. At nagulat naman si Sam sa nalaman niya.

"Wait! Naguguluhan ako Lex." I take a deep breath and close my eyes for a sec.

"Okay, I'll start from the very beginning." I pause and then continue talking. "3 years ago, I runaway from my real home. My family hates me to death, so I decided to runaway because I can't take their hatred towards me. One day I thought I will be starved to death but Ma'am Vanessa help me when she saw how pity I am. Then I beg her to take me kahit na maging katulong niya ako. And I'm so lucky dahil naghahanap pala siya ng bagong katulong dahil nag-asawa na daw ang naging katulong niya. Ayun nga! Naging katulong niya at personal assistant na din niya ako." I heaved a sighed at nagpatuloy na ako sa pagkukwento. Nakikinig naman ng mabuti si Sam.

"Hanggang sa isang araw nangyari ang isang aksidente na nagpabago ng buhay ko. Ng namatay si ma'am Vanessa dahil sa car accident ay naiwan sa akin ang lahat ng ari-arian niya. Sa akin napunta lahat dahil wala na siyang kamag-anak. Nag-iisa nalang siya sa buhay. Bago siya namatay ng araw na iyon ay sinabi niya sa Attorney niya na sa akin niya ibibigay ang lahat ng pagmamay-ari niya" napanganga naman si Sam. Natatawa ako sa pagmumukha niya. It's priceless! Hahaha. Nawala ang lungkot ko dahil sa kanya.

"Oh! My! God! Beshhhh! I can't believe it! So, it's means? You're the youngest multi-billionaire in town?!!" Sabi nito na nakanganga habang nanlalaki ang mga mata. Napatayo pa ito. Tinawanan ko naman siya sa naging reaksyon niya.

"Grabe! You're one hell of a lucky girl! Biruin mo? Isang kisap mata lang? Boom! Billionaire ka na? OMG! Am I dreaming? Please slap me!" Dahil sa sinabi niya ay ayun! I slap her face.

*pak!*

"Ouch! Mashakit!! Why did you slap me beshy!?" Sabi nito na naka pout habang hinihimas ang nasaktang pisngi. Natawa naman ako and I pinch her cheeks. Ang cute nito kapag nakapout. Hahaha hindi siya mukhang pato! Promise! Hahaha

"Well, you wish for it!" Natatawang sabi ko. Mas lalo itong napapout.

"Sam, thank you ah? Dahil sayo nakakangiti na ako na hindi ko naman ginagawa noon. Dahil sayo naging magaan na ang bigat sa dibdib ko---" naputol ang sinabi ko ng sumabat si Sam.

"Bakit? May dibdib ka ba?" Sabi nito na natatawa. Pinandilatan ko naman ito ng mga mata.

"Hahaha ok. Ok. Continue." Natatawa pa rin at mayamaya ay sumeryoso.

"Yun nga! I'm very thankful na nakilala kita. Ngayon ko lang nasasabi ang tungkol sa buhay ko. Alam mo, noon? Naisipan kong magpatiwakal nalang dahil ano pa ang silbi ko kung lahat galit sa akin? Pero ng makilala ko si ma'am Vanessa ay nagbago ang pananaw ko. Ginawa kong inspiration ang kabutihan niya sa akin. Kahit na minsan ay masungit siya, alam kong pinahalagahan niya ako." Taimtim lang na nakikinig si Sam.

"Pero biglang nawalan ng kulay ang mundo ko ng mawala siya. Para akong binagsakan ng langit at lupa. Gusto kong mawala na din ng mga oras na iyon pero nangako ako sa kanya na aalagaan ko ang mga pagmamay-ari niya. Yun nalang ang tanging motivation ko para ipagpatuloy ang aking buhay." Ngumiti ako sa kanya.

"At ngayon ay nadagdagan ang motivation ko at ikaw iyon Sam. Sayo ko lang naramdaman ang pagtanggap sa tulad ko kahit pangit na mukha ang una mong nakilala. Dun ko nakita na mabait ka Sam. Hindi ka kagaya ng iba na pinandidirihan ako. Tanging ikaw lang ang umapproach sa akin. Kaya, salamat Sam." Sabi ko sa kanya at naiyak naman ito. Bigla itong lumapit sa akin at yinakap ako.

"Oh, Lex! Baby! How could you make me cry! Huhuhu Salamat din. You are my one and only bestfriend! And your secrets are safe with me! I promise!" Naluluhang sabi nito at naiiyak din ako sa inasta niya.

"I know you would, Sam." Sagot ko habang nakayakap parin sa kanya.

"So, bestfriend forever?!" Sam said and raise her pinky finger.

"Bestfriend forever!" Natatawang sabi ko at pinagsalikop namin ang aming pinky finger tanda ng aming promise.

"By the way, Lex. Pwede bang Lexxy baby nalang tawag ko sayo?" nakangiting sabi nito.

"No. Lex will do."

"Please? Plueessseee? Pretty please? It's kinda cute! Please? And you can call me Sammy baby too! Please?" nakapout na wika nito. Ang kulit lang. Kinurot ko ang pisngi niya.

"Ouchy!" sabi nito at hinihimas ang pisnging kinurot ko.

"Ok, Sammy baby!"

"Waaahhhh! Talaga?! OMG! Thank you! Thank you! Lexxy baby!!" Tumalon talon pa ito at sumayaw ng bodots. Hahaha It's funny! Napuno ng halakhakan ang buong kwarto ng sinabayan ko siya sa pagsayaw. Hahaha ^_________^


KANINA pa nakauwi si Sam. Dito na siya nagdinner dahil hindi ko siya pinayagan na umuwi ng hindi pa nakakain.

Nakahiga na ako ngayon sa bed ko. It's already 10 pm and yet I'm still awake. Matagal talaga akong makatulog, minsan ay inaabot na ako ng ala una ng madaling araw.

Dahil hindi ako makatulog ay nag open nalang ako ng Facebook account ko. Pagkaopen ko ay napakaraming notification ang sumalubong sa akin. Seriously?! I have 1,540 notifications, 1,002 messages and 5,970 friend request. Ganito kadami?!

Napamulagat naman ang mga mata ko. There are plenty of pictures of me. May mga pangit na photos ko at yung magandang ako. Mostly ay stolen shots. Gumawa pa sila ng page ko. Hanep! May mga fans agad ako?! Bigla namang may nagpop up na notif. Pagtingin ko ay 'Samantha Aguilar(yxes) send you a friend request. Agad ko naman itong inaccept.

Hindi ko na pinag-aksayahan ng oras ang ibang notifications. Sobrang dami nito and for sure, it will take me two whole day to read those. Ghadd! Isang araw lang ay ganon na kadami ang nag-add sa akin? Nakaka-amaze but at the same time creepy! Napangiwi ako sa naisip ko.

Agad ko namang ni log-out ang FB ko pagkatapos kong gawing private ito. Nakakaloka naman! Napagpasyahan kong matulog nalang.

  

~~~~~

Akihiro's POV

    

Hi! I'm Akihiro Zohann De Vera, 20 years old. Short for AZ or Aki.

"Wow bro! Ang ganda ng chix! Sikat na siya ngayon sa FB! She's a Goddess!" Biglang sabi ni AA short for Azzan Andrei, habang nakatingin sa cellphone niya. Nakitanaw naman si AX short for Aaron Xiann.

"Sh*t! Tama ka bro! She's perfect! And those lips looks yummy!" Sabi ni AX habang sumisipol.

"Tsk. Hindi manlang ako inaccept! Grabe! from nerd to a goddess! Tignan mo pare kung gaano siya kapangit dito!" Sabay pakita nito kay AX.

Medyo nacurios naman ako sa tinatanaw nila. Lumapit ako sa mga ito.

"Ano yan?" Curious na tanong ko at pinakita naman nito ang isang picture ng babae. Natulala naman ako. Sh*t! A-ang ganda niya!

"Oh,? Ano pareng AZ? Nagandahan ka sa kanya noh? Alam mo ba na pangit ito noon pero disguise lang pala niya ito?" Sabi ni AA. Mas lalo akong nacurious sa sinabi niya. Hiningi ko ang FB name nito at nag-open ako ng FB account ko.

I search her name 'Lex Morales (ngitpa)'

Nahanap ko naman ito at nangingiti ako habang tinitignan ang profile picture niya. She's so damn beautiful! Ghaadd! I scroll down and my jaw dropped. Another sh*t! This can't be! How?! Y-yung pangit na yun?! Siya yung babaeng maganda?! Can't believe this! F*ck! She's so damn beautiful, sexy and hot! Nagsisisi tuloy akong inaway ko siya! I save her picture on my phone.

SUMISIPOL akong naglalakad papasok ng school, sa high school department ako dumaan, maaga pa naman. Maraming high school students naman ang tumitili pagkapasok ko. Nginitian ko naman sila at kinikilig naman ang mga ito. Biglang tumahimik naman sila at parang may tinitignan sa labas ng gate.

"Ayan na siyaaa!!" Kinikilig na sabi ng mga ito.

"Waahhh! Ihanda niyo na ang tarpaulin daliii!"

Anong meron? May artista ba? Mas gwapo sa akin? Nah! Kung sino man siya ay mas gwapo pa rin ako sa kanya.

"Kyaaahhhh! Ms. Lex! Ang ganda ganda niyo po!"

"Idol! Lodi! Accept mo naman ako sa FB! Waaahhh! Ang ganda ganda mo po!"

Agad nagpanting ang tenga ko pagkarinig sa sinabi ng crowd. Napalingon ako sa likod ko. At napatulala naman ako. Nakita ko siyang nakangiti sa lahat. Isa ba siyang anghel? Kung maganda siya sa  picture ay mas maganda naman ito sa personal. Kinuyog ito ng mga fans niya, hindi naman ito artista pero ang daming nagpafansign sa kaniya.

"Grabe! Ang ganda mo talaga lodi! I'm your number 1 fan po" dinig kong sabi nung bata, I think first year ito.

"Ah, hehehe hindi naman ako artista upang kuyugin niyo. Pasensiya na kayo ah? Hindi kasi ako sanay na maraming pumapansin sa akin." sabi nito na nakangiti. F*ck! Mas lalo siyang gumanda sa mga ngiti niya. Kung nakakamatay lang ang ganda, siguro kanina pa ako nawalan ng hininga. At masarap sa pandinig ang boses niya. She have an angelic voice.

Lumapit ako palapit sa crowd. Hindi ako nito napansin. Bigla ko siyang hinigit paalis doon at tumakbo. Napatakbo naman siya. Natulala naman ang manonood sa nakita at mayamaya pa ay nadinig kong sumigaw ang mga ito.

"Kyaaahhh! Bagay silaaa!"

"Oo nga! Kyaaahhh! AKILEX!"

"AKILEX FOREVER! Kyaahhhh!"

Takbo parin kami ng takbo hanggang sa hindi ko na narinig ang sigawan nila. Hinila naman ni Lex ang kamay niya na hawak ko.

"You jerk! What are you doin'? Why did you take me here?! *huffed*" sabi nito habang huminga ng malalim. Humarap naman ako sa kanya.

"Y-you!? Hah!!" Hindi makapaniwalang sabi nito.

"What comes in your mind to take me here? Huh? You really are jerk! Is this your revenge huh? You're planning something? Oh! C'mon! Are we playing around here?" Nakakunot noong sabi nito. Hindi ko magawang sumagot sa kanya. Napaurong ata ang dila ko. I was really captured with her beauty. Ang ganda parin nito kahit na nakapants at t-shirt lang siya. Her face is perfect, hindi ito nakakasawang tignan.

"Yes, partly right. But I'm here to say sorry for what I've done the other day. Mainit kasi ulo ko noon kaya ganoon yung inasta ko. Hindi ko naman alam na maganda ka pala. Sorry!" Sabi ko habang nakatingin deritso sa mga mata niya.

"So, If I'm not beautiful then you wouldn't say sorry to me if I'm ugly? Is that it? Hah! Boys will be always boys. Tsk. You're just wasting my time! Bye" sabi nito at akmang aalis siya ng hinawakan ko ang braso niya.

"I really mean it. Even if you are ugly, I would do the same." Seryosong sabi ko sa kanya. Nakatingin lang ito sa akin. Nagkatitigan naman kami. Napatingin ako sa mga labi niya. Mapupula ang mga ito kahit walang bahid ng lipstick. Sh*t! Nakakatempt halikan ng mga labi niya! Umiwas na ito ng tingin saka hinablot ang mga braso niya na hawak ko. Saka naman ito tumakbo. Napangiti ako sa inasta niya. She's so cute. Umalis na din ako sa lugar na iyon at pumunta na ng college department. Sumisipol pa ako habang nalakad. Para akong baliw na nakangiting mag-isa.

    

~~~~~

Lexxeignne's POV

  

"Lexxy baby! Ok ka lang ba? Hindi ka ba sinaktan ng gagong Aki? Ha? Tell me?! Lagot talaga siya sa akin kung may ginawa siya sayo" Natatarantang sabi ni Sam. Natatawa naman ako sa reaksyon niya.

"Oo nga, Lexxy baby! Sabihin mo lang sa amin kung may ginawa ang gagong Aki at talagang reresbakan namin yun!" Sabi naman ni Mara.

"Yeah! Walang pwedeng manakit sa Lexxy baby namin!" Sabi din ni Andrea habang nakataas pa ang kilay. Hahaha patawa talaga sila kahit kailan.

"Hey! Ano ba kayo! Nagsorry lang yung tao noh!" Sabi ko naman sa kanila at nanlaki ang mga mata nila.

"Weehhh?! Totoo?! Si Akihiro Zohann De Vera? Humingi ng sorry? You must be kidding me? Eh? Never pang nanghingi ng sorry yun noh! Ang dami kaya niyang binully!" Camila said. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. So? He's just faking it? Tsk. Ang ayoko sa lahat ay yung mga manloloko. Hindi siya sincere sa paghingi ng sorry niya? Tsk. Akala ko pa naman ay talagang sincere ito. Paano ba naman kasi eh, ang seryoso niya pagkasabi noon. Tsk.

Pero king ina! Ang gwapo niya! Hehe para talaga itong babae, ang kinis eh! Napangiti ako sa isip ko ng naalala ko ang pagtitigan namin kanina. Bigla nalang ako tumakbo dahil parang gusto niya akong halikan. Tsk. Kahit gwapo siya, ayokong siya ang magiging first kiss ko. And hindi dapat ganoong eksena mangyayari ang first kiss ko. Dapat sa mga romantic place, hindi dito sa school. Tsk.

"Lexxxxxxx! Hey earth to you Lexxy babyyyyy!"

"Ouch! What the heck! Why are you shouting at me?! Gasshh! My ears! I'm gonna be deaf because of you! Damn!" Sumigaw ba naman ng pagkalakas lakas sa tenga ko. Sabihin niyo! Sabihin niyong hindi ako nabingi doon. Apat. Apat na taong sumigaw sa  tenga ko. F*ck!

"Hala! Sorry! Sorry na Lexxy baby! Ikaw naman kasi eh! Kanina ka pa namin tinatawag eh ayaw mong matinag! Ano bang iniisip mo at natulala ka?!"

Talaga bang natulala ako? Seriously?!

"Waaahhh! Nababaliw na ba ang Lexxy baby natin?" What?!

"Aray! Ano ba? Bakit ka nambabatok jan?! Huhuhu" ayan nabatukan tuloy.

"Hindi baliw ang Lexxy baby natin noh! Baka ikaw Mara baby nababaliw na! Tignan mo yang sarili mo para kang loka loka!" Makasabi ng loka loka Andrea?!

Nakita kong napapout si Mara. "Waahhh! Thuthumbong kita kay Lethie baby! Hmmp! Lethhie baby oh! Niaaway ako ni Andrea baby!" Parang batang sabi ni Mara. Jusko! Bakit naging kaibigan ko ang mga isip bata na ito. Natatawa naman sila Sam, Andrea at Camila sa pagiging childish ni Mara.

"Hindi naman kita niaaway Mara baby! Thinathabi ko lang na loka loka ka. Kathi totoo naman. Di ba Thammy baby?! Lethie baby? Camila baby?" Hahaha bigla kaming humagalpak ng tawa nina Sam at Camila. Wala na. Talagang kinarer nila ang pagiging bata. Hahaha langya! Ang sakit ng tiyan ko!

"Hindi eh! Niaaway mo ako Andrea baby! Kathi binatukan mo ako tha batok ko! Ang thakit kaya!" Nakapout pa nitong sabi.

"Mathakit ba Mara baby?! Thaan? Gutho mo imamathahe ko?!"

"Bwahahahaha" hagalpakan naming tatlo. Ang sakit na talaga ng tiyan ko!

"Dito oh! *sabay turo sa batok*" nakapout pa rin ito.

"Dito ba?" Tanong ni Andrea dito habang minasahe ang batok ni Mara. Tumango naman ang huli.

"Arayyyy! Huhuhu hindi mo na ako love Andrea baby! You're tho bad!"

"Bwahahahahahaha" kasi naman biglang diniinan ni Andrea ang pagpisil sa batok niya hahaha

"Oh please will you stop it two? Pramis! Parang sasabog na ang tiyan ko katatawa! Hahaha" tawang tawa parin na pagkakasabi ni Sam.

"Ehem." Napalingon naman kami sa tumikhim. At nanlaki naman bigla ang mga mata namin.

"Ma'am S-santos?"

"Ahm. Hello po ma'am!" Sabay naming bati na lima.

"Pwede ko bang malaman kung nasaan kayo ngayon?" Tanong nito.

"Syempre naman ma'am! Nasa school! Patawa talaga kayo ma'am!" Paktay! Sana pala binusalan na namin ang bibig ni Mara. Pahamak talaga ito.

"Alam ko stupid! What I mean is, this is a school and not a park. Sa lakas ng boses niyo ay talagang umabot pa talaga sa principal's office na malayo layo dito. At tignan niyo! You're disturbing other classes! Wala ba kayong klase ha? Bat nandito kayo sa garden?" Paktay! napalakas ata boses namin. Tsk. Namumutla naman ang apat.

"Sorry ma'am Santos. We didn't know that our voice getting loud. Also, we don't have a class right now because our teacher for this time is not around. This won't happen again. We're really apologize." Sincere kong ani rito. Please sana umipekto!

"Tsk. This is a warning. If this will happen again, sa detention ang bagsak niyo. Naiintindihan?"

"Opo!"

"Tsk. Mga kabataan nga naman ngayon!" Mahinang sabi ni ma'am santos habang nailing pa. At umalis na ito.

Napabungisngis naman kaming lima. Imba talaga ang trip ng mga loka loka kong kaibigan. Napailing nalang ako.

Comments (6)
goodnovel comment avatar
Cheng Cablinda Gablinez
mglog out nlng ako...
goodnovel comment avatar
Jai Na Lyn
Hindi aku gagastos pra lang mabasa kita kung pwdi nmn humanap ng ibang full hahahha
goodnovel comment avatar
Maria Victoria Padel Belmonte
ang ganda ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

DMCA.com Protection Status