Chapter 7: Ang Nakaraan (2)

*still a flashback*

Lexxeignne's POV

Umupo ako sa upuan at humihigop ng dala kong kape. Ang lamig ng simoy ng hangin. May tumabi naman sa akin.

"Pasensiya kana sa tirahan ko ah? Mahirap lang kasi kami." Napalingon naman ako kay Yasmin. Siya yung babaeng tinulungan ko.

"Hindi naman ako namimili ng tirahan. Mabuti pa nga dito eh ramdam ko ang katahimikan. Hindi tulad sa mundo kong puno ng pait na mga alaala. Mayaman ka nga pero hindi naman masaya. Mas gustuhin ko pang maging mahirap dahil mas ramdam ko pa ang pagmamahal ng mga magulang sa kanyang anak. Ang swerte mo sa mga magulang mo Yas kaya wag mo silang bigyan ng sakit ng ulo ha? Nakita kong mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Naiinggit ako sayo, alam mo ba." Nakita kong ngumiti siya.

"Akala ko kapag mayaman ay masaya. Nagkakamali pala ako. Mabuti nalang pala at naging mahirap ako."

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status