Chapter 1

Present Time

Year 2018

"Dad,please listen to me, why are you forcing me to go back there in the Philippines?"

Iritableng turan ni Thaddeus sa ama, ilang beses na siyang tinatawagan nito, kung hindi raw siya uuwi ay pupuntahan daw siya rito sa New York.

"Dad, ang layo ng Legazpi Albay, bakit hindi nalang ikaw ang pumunta? At ikaw ang mag asikaso sa mga papers ng Mansyon na iyon? O kaya ibenta nalang." Nakasimangot na sagot ni Thaddeus sa ama ng magpumilit ulit itong pauwiin siya.

Mas lalong wala siyang planong manirahan sa Mansyon na sinasabi nito, bukod sa luma na ito ang layo pa saka maayos na siya rito sa New York kasama ang mommy niya.

His dad and his mom are already separated, college pa lang siya ay hiwalay na ang mga magulang, hindi kasi mag-kasundo ang mga ito about sa career nila at pareho pang mga ma pride.

Si mommy naman ay ayaw e give up ang career niya bilang isang supermodel, until now at the age of 48 ay parang 40 pa rin itong tingnan saka tingin ni Thaddeus sa ina ay habang tumataas ang edad nito ay bumabata ito. Iba talaga ang nagagawa ng mga beauty products ngayon.

Samantalang ang ama niya naman ay gusto ng patigilin ang ina sa pagmomodel at manirahan nalang sa Pilipinas na hindi sinang-ayunan ni mommy kaya ayon nag-divorced din ang mga ito.

Pero kapwa hindi naman nakitaan ni Thaddeus ang mga magulang na may ibang kinakasama o may mga ka date, naka focus lang ang mga ito sa kanya kanyang mga career nila.

"Okay,fine!" Saad ni Thaddeus sa kabilang linya, napabuntong hininga pa siya. Total naman summer ngayon sa Pilipinas, bakit hindi niya nalang sulitin na magbakasyon din siya roon?

Kung bakit ba kasi sa kanya ipinamana ng grandmother niya ang Mansyon na iyon, sabi ni daddy ang katwiran daw ng lola niya ay siya lang daw ang nag iisang apo kaya siya raw dapat mag mana.

Isang beses lang siyang nakapunta sa Mansyon na iyon, 8 years old pa yata siya at magmula noon ay hindi na siya nakabalik pa. Hindi na niya matandaan kung anong hitsura ngayon.

Hinintay niya ang ina na makauwi para kausapin, kasalukuyan siyang nasa bahay nila ngayon. May sarili na siyang apartment pero minsan talaga mas gusto niyang mag stay sa bahay nila lalo na kapag free time niya. Hanggang sa makatulog nalang siya.

"Shut up, Imee! My son's sleeping!"

Narinig  na agad ni Thaddeus ang matinis na boses ng ina, palibhasa'y sa sala siya nakatulog. Si Imee ang tinutukoy nito ay ang bestfriend nitong half Filipina. Nagtatawanan pa ang dalawa ng makarating pero ng mapansin siya ng ina ay agad din silang tumahimik.

"Mom?" Usal ni Thaddeus, bumangon na ito mula sa pagkakahiga, nag inat pa ito ng mga braso.

"Hey son, kumain ka na ba?" Tanong ng mommy niya, fluent itong magsalita ng Filipino language kahit pa lumaki ito rito sa New York.

"Hi,Thaddeus, ang guwapo mo talaga. Pumayag ka na kasi na e date ang apo ko." Natutuwang sabi ni Imee, napangiwi siya sa sinabi nito, inaamin niya na pihikan talaga siya pagdating sa mga babae kaya hanggang ngayon wala pa siyang girlfriend.

"No,thanks Imee." Tanggi nito kay Imee, hindi niya pa nakikita ang apo nito pero ayaw niya. Kaedad lang ito ni mommy pero may apo na, napapailing nalang siya.

"Ikaw rin baka magsisi ka kapag nakilala mo ang apo ko, naku talaga baka mamalayan ko nalang girlfriend mo na pala ang apo ko." Tumatawang sabi ni Imee.

No way! Sigaw ni Thaddeus sa isipan.

"What do you want guys? Mag o-order nalang ako ng foods natin." Sabi ni Talia,ang mommy ni Thaddeus.

"Huwag na ako sis, i have to go na. See you tomorrow sa event. Bye!"

Paalam ni Imee, bago pa ito umalis nakipagbeso beso pa ito kay mommy, napapailing nalang siya.

"How about you my handsome son?" Nakangiting tanong ni Talia sa anak, natitigan niya ng mabuti ang anak, talaga namang guwapo ang anak niya, madaming kababaihan ang nahuhumaling dito pero sadyang pihikan talaga ang anak niyang ito.

Puro ang camera nalang nito ang inaatupag at ang studio at gallery. Wala na itong ginawa kundi mag focus nalang doon. Sinubukan niyang e blind date ito, ayon umuwi lang ang babae na luhaan.

"Mom, we need to talk."

Napapitlag si Talia sa sinabi ng anak, nawala tuloy siya sa iniisip niya dahil sa boses ni seryosong boses ni Thaddeus.

"Yes, what it is?" Nakataas kilay na tanong ni Talia sa anak, mukhang problemado ito.

"Dad wants me to go back to the Philippines as soon as possible."

Mas lalong tumaas ang kilay niya.

"So?"

"So, i need to go. Ayaw mo bang sumama? Summer na rin ngayon sa Pilipinas. May pag uusapan lang kami ni daddy habang ikaw puwede ka naman magbakasyon doon, magbeach o gumala." Suhestiyon ni Thaddeus sa ina, gusto niya rin kasing magpahinga ito sa kaka trabaho. Kahit sikat na supermodel ang mommy niya napaka down to earth pa rin nito at namuhay lang ng simple.

Hindi sumagot si Talia sa sinabi ng anak, sa totoo lang ayaw niya pang makita si Daniel Ambrosio, ang daddy ni Thaddeus at ang nag iisang lalaking minahal niya.

"I don't know son, i'll think about it." Tanging nasabi ni Talia sa anak.

"Come on mom! Magbakasyon tayo para naman may bonding tayong magpapamilya." Ungot ni Thaddeus, na mimiss niya na rin ang daddy niya, kahit naghiwalay na ang parents niya hindi naman ito nagkulang bilang ama sa kanya.

Huminga ng malalim si Talia bago tumango, bakit may pakiramdam siya na may hindi magandang mangyayari sa pag uwi nila? Pero iwinaksi niya nalang iyon sa isipan.

NAIA  PHILIPPINES

"Mom, are you okay?" Tanong ni Thaddeus sa ina, kanina pa ito kinakabahan, kahit nasa biyahe pa sila ay napapansin na niyang kinakabahan ang ina. Isang linggo ang lumipas at heto na nga sila nagpasya ng magtravel papunta sa Pilipinas.

"Yes,son. I'm just nervous." Sabi ni Talia sa anak, kinakabahan naman talaga siya.

"Baka excited ka lang na makita si daddy." Biro ni Thaddeus dito, pinandilatan siya ng mga mata nito kaya napatawa siya.

"Don't start with me son." Pagtataray ni Talia sa anak. Inayos niya ang suot na dark shades at ang white scarf na nakapulupot sa leeg. Habang si Thaddeus naman ay busy sa kakalagay ng mga bagahe nila sa baggage cart, nasa baggage area na sila ngayon kinukuha ang mga bagahe.

"Who will fetch us?" Tanong ni Talia sa anak na ngayon ay nagtutulak na ng cart pa exit patungo sa arrival area.

"Why mom? Gusto mo na ba talagang makita si dad?" Pang iinis ni Thaddeus sa ina, sinapak siya nito.

"Tigil tigilan mo ako ha Thaddeus! Baka nakakalimutan mo sumama lang ako dahil nangako ka na magba bonding tayo sa Palawan or Boracay!" Inis na asik ni Talia kay Thaddeus, kung titingnan ang dalawa ay para lang magkapatid ang mga ito.

"Yes,mom, you don't have to be so violent." Natatawang sabi nito sa ina, nasisiyahan siya kapag inaasar ito.

"Anyway, si Tobias ang susundo sa atin." Sagot ni Thaddeus sa tanong ng ina. Si Tobias ay pinsan niya, bestfriend niya ito noong college hanggang ngayon din naman, kapag pumupunta ito ng Amerika hindi ito nakakalimot na dalawin siya sa New York para kumustahin o dalhan ng pasalubong.

"Iyang daddy mo talaga puro business ang inaatupag maski sunduin man lang tayo ay hindi magawa!" Pagtatalak ng mommy niya, hindi niya alam kung na disappoint ba ito dahil hindi ito ang susundo sa kanila o sadayang may kinikimkim lang itong galit sa ama.

"Mom, hayaan niyo na po baka may importanteng inasikaso."

Sagot ni Thaddeus sa ina, paglabas nila sa exit ng Arrival area nakita na ni Thaddeus na kumakaway si Tobias, tulad pa rin ito ng dati may nakakalokong personalidad.

"Thad!" Masayang sigaw ni Tobias sa kanya, agad itong lumapit at niyakap siya ng mahigpit, itinulak niya naman ito, para kasi itong babae kung makayakap, inaasar pa yata siya.

"Aba ang arte mo na ah!" Tatawa tawa nitong sabi kay Thaddeus saka bumaling sa tita Talia niya, hanggang ngayon humahanga pa rin siya sa ganda ng mommy ni Thaddeus.

"Hello po tita Talia, welcome to the Philippines!" Masayang turan ni Tobias, tinawanan lang siya ni Talia.

"Thank you hijo. Let's go? Masyado ng mainit." Reklamo ni Talia, naiinitan na rin talaga siya lalo na sa suot niya ngayon na halos balot na balot siya.

Tinulungan ni Tobias si Thaddeus sa mga maletang dala, agad na rin silang nagtungo sa sasakyang van nito.

"May pasalubong ka ba sa akin?" Pangungulit ni Tobias dito. Kakasakay lang nila sa van tapos unang bungad nito ay pasalubong na agad.

"Wala,nakalimutan ko." Nakasimangot na sagot ni Thaddeus sa pinsan, alam niya kasing kinukulit lang siya nito.

"Ang sama mo talaga sa akin! Kapag ako nagtungo sa New York, lagi kang may pasalubong, napakakuripot mo talaga Thaddeus! Kaya hindi ka nagkaka girlfriend eh!" Litanya ni Tobias dito, ngumisi lang si Thaddeus saka inakbayan ito since magkatabi lang naman sila sa passenger's seat at ang mommy niya ay nasa front seat katabi ang driver.

"Ikaw pa ba makakalimutan ko? Syempre may pasalubong  ako sayo Toby boy." Nakangising sabi ni Thaddeus na ngayon ay pinipilipit na ang leeg ng pinsan.

"Don't call me that Thaddeus Ambrosio!" Asik ni Tobias sa kanya, alam niyang naiinis ito kapag tinatawag niya itong Toby.

"Shhh! Tumahimik nga kayong dalawa riyan, matutulog ako " Sita ni Talia sa dalawang nagkukulitan, gusto niyang matulog habang nasa biyahe.

"Ikaw kasi ang ingay mo,sino na bang girlfriend mo ngayon?" Si Thaddeus.

"Syempre si Tracy pa rin, ano. Stick to one kaya ako." Mayabang na sagot ni Tobias sa kanya kaya natawa siya. Hindi siya makapaniwala na nag steady na ito ngayon sa iisang babae.

"Talaga lang ha, ang alam ko kasi every week may babae ka."

"Tsismoso ka talaga Thaddeus, saan mo naman nasasagap iyan?" Pinandilatan siya ng mga mata ni Tobias, tinawanan niya lang ito.

"Of course, i have my sources." Tipid na sagot ni Thaddeus sa pinsan, naka cross arm pa siya at ngumisi ng nakakaloko rito.

"Ewan ko saiyo Thaddeus." Pinandilatan ito ng mga mata ni Tobias.

Ilang oras ang lumipas nakarating na rin sila sa Corinthians Homes sa Quezon City . Isa itong malaking subdivision na halos mga mayayaman lang ang mga nakatira. Malalaki rin ang mga bahay sa loob.

May nagbukas na ng gate sa loob ng bahay kaya derederetso ng pumasok ang van.

"Finally, nakarating na rin." Bulong ni Talia sa sarili, nauna na siyang bumaba sa van, hindi na niya tinulungan sina Thaddeus at Tobias sa pagbaba ng mga maleta sa sasakyan. Inayos niya ang damit at nauna ng pumasok sa loob ng bahay, alam niya namang wala si Daniel pero laking gulat niya ng sumalubong ito sa kanya.

The nerve of this man!

Nakangisi pa ito, kahit nasa 50's na ito ay hindi pa rin halata, matikas pa rin ang pangangatawan nito at mas lalo itong naging guwapo sa paningin niya.

"Oh my darling Talia! I'm glad you came. I miss you!" Masayang salubong nito sa kanya na akma pa siyang yayakapin pero itinaas niya ang dalawang kamay para hindi ito makayakap.

"Stop right there Daniel." Nakataas ang kilay na sabi niya, mas lalo lang lumapad ang pagkakangisi nito dahilan para mas lalo siyang mainis dito.

"Don't you miss me?"

"No, nandito lang ako para kay Thaddeus." Mariin niyang sagot dito, nagkunwari pa itong nasasaktan.

"Ouch! You hurt my feelings Talia."

"So funny Daniel! I need to rest, nakahanda na ba ang guest room?"

"My room is ready for you darling." Sagot ni Daniel sa kanya, kinindatan pa siya nito, pinandilatan niya lang ito ng mga maya.

Hindi siya makapaniwala na ganoon pa rin ang epekto ng dati niyang asawa sa kanya, nagwawala pa at na eexcite ang puso niya kapag nakikita ito o napapalapit sa kanya.

"Dad!"

Nakahinga ng maluwang si Talia ng marinig niya ang boses ng anak, at least nakuha nito ang atensyon ni Daniel.

"Hey son, i miss you!" Masayang nilapitan ni Daniel ang anak at niyakap.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status