Chapter 5

Kinabukasan maagang gumising si Thaddeus para mag jogging nilibot niya ang buong Belle Veu Manor, mas lalo pa siyang namangha sa sobrang lawak ng paligid, bulwagan pa lang sa may entrance ay puwede ka ng magpa-party, kasya siguro ang 300 persons dahil sa sobrang laki at lawak.

Hindi namalayan ni Thaddeus na nakarating na siya sa malaking main gate, napakunot ang noo niya ng may mapansin siyang tila taong nakatayo sa labas ng gate at pasilip silip sa loob.

Wala sa loob na binuksan niyan ang gate at nanlaki ang mga mata biya ng mabungaran sa labas ang matandang binigyan niya ng isangdaan kahapon, nakangisi itong nakaharap sa kanya. Napalunok tuloy si Thaddeus at bahagyang napaatras dahil papalapit ang matanda sa kanya.

"Nagkita na ba kayo?" Nakangising tanong ng matanda sa kanya na ams lalobg ikinakunot ng noo niya.

"Po?sino?" Takang tanong ni Thaddeus dito,imbes na sagutin siya ng matanda ay nagpalinga linga ito sa paligid at inilapat ang hintuturo sa bibig.

"Shhhh...! Huwag kang maingay, bawal banggitin ang pangalan niya rito." Mahinang sabi ng matanda na mas lalong ikinalito ni Thaddeus.

"Lola, taga saan po ba kayo? Ihahatid ko po kayo." Magalang na sabi ni Thaddeus dito.

"Taga dito ako hijo, hali ka pasok na tayo sa loob." Nakangisi nitong sabi sa kanya,nauna pa itong naglakad patungo sa loob ng Belle Veu Manor. Hinabol naman ito ni Thaddeus.

"Sandali po,lola!" Pinigilan niya ito baka kasi naligaw lang pero ng makita niyang tumatakbong papalapit si Manang Caridad sa kanila galing sa mansyon.

"Lola! Diyos ko po! Saan ba kayo nanggaling?!" Worried na sigaw ni Manang Caridad habang papalapit sa kanila, pagkalapit ay niyakap nito ang matandang gusgusin.

"Naku , ang dumi mo na naman." Savi ni Manang saka binalingan si Thaddeus na hanggang ngayon ay naguguluhan.

"Pasensya na sir, naabala kayo ng lola ko." Hinging paumanhin ni Caridad sa kanya, ngumit lang si Thaddeus at iniwan na ang mga ito, hindi siya makapaniwala na lola nito ang matanda.

Pagkarating ni Thaddeus sa Mansyon naabutan niya si Tobias na nagkakape sa sala.

"Morning Thad, how's your sleep?" Pasimpleng bati sa kanya ni Tobias.

"Okay lang." Tipid na sagot ni Thaddeus pero ang totoo niyan hindi na siya nakatulog, hindi kasi mawala sa isipan niya ang daing at iyak ng babaeng narinig niya kaninang madaling araw.

"Okay lang? Nangangalukmata ka." Sita sa kanya ni Tobias, napabuntong hininga nalang siya.

"Mag shower muna ako." Paalam ni Thaddeus dito saka nagmamadali ng umakyat sa taas.

Pagkatapos niyang mag shower at magbihis ay bumaba na siya para mag breakfast.

Nagtungo si Thaddeus sa harden pagkatapos mag breakfast, nauna na nga siyang kumain sa mga ito. Naabutan niya roon ang lola ni Manang Caridad, malinis na itong tingnan.

"Kumain na po ba kayo?" Tanong ni Thaddeus dito, ngumiti ito sa kanya.

"Oo kumain na ako. Hali ka hijo, may ikukwento ako sayo." Nakangiting sabi ng matanda na hanggang ngayon ay hindi niya pa alam ang pangalan. Tinabihan niya rin ito sa pagkakaupo.

"Alam mo ba na noong unang panahon itong Mansyon na ito ay pagmamay ari ng isang mayamang pamilya? At may nag iisa silang anak na babae, napakagandang babae." Panimula ng matanda, napatango nalang si Thaddeus habang nakikinig, hindi naman siya interesado dahil sinaunang panahon na iyon pero nanatili siyang tahimik.

"Dating katiwala rito sa Mansyon ang lola ng lola ng lola ko." Pagpapatuloy nito, napakunot ang noo ni Thaddeus saka napatingin dito, nalito siya sa lola ng lola ng lola nito, binilang niya sa isipan kung ilang dekada na ba ang nagdaan. Ngumisi lamang ito sa kanya.

"At ang kuwento ng anak nilang babae ay nagpasalin salin na sa henerasyon namin hanggang ngayon. Pero may iba dinagdagan at ang iba naman binawasan."

Muling napatango si Thaddeus dito saka nagkibit balikat, ayaw niyang maging rude kaya nanatili siya sa tabi nito at nakinig sa sinasabi nito.

"Gusto mo bang malaman ang storya niya?"

"Sino po?" Takang tanong ni Thaddeus.

"Iyong anak ng nagmamay ari nitong Belle Veu Manor."

Gusto niyang tumanggi dahil hindi naman siya interesado sa kuwento ng mga unang taong nagmamay ari dito sa Belle Veu Manor, matagal na panahon na iyon.

"Ito isuot mo." Napakislot si Thaddeus ng may kung anong isinuot sa palapulsuhan niya ang matanda. Pagtingin niya ay isa itong bracelet, may mga bilog na beads na kulay itim.

"Pangontra rin iyan hijo, malalaman mo rin sa tamang panahon. Matagal na kitang hinihintay." Sabi ng matanda sa kanya na ginagap pa ang kamay niya, napipilitang ngumiti si Thaddeus, gusto na niyang tanggalin ang bracelet dahil pakiramdam niya ay parang napapaso ang balat niya rito.

"Ano pong pangalan ninyo?" Wala sa loob na tanong ni Thaddeus.

"Teresa." Tipid na sagot nito sa kanya saka muling ngumiti at humihimig ng isang kanta. Tiningnan ni Thaddeus ng mariin ang matandang si Teresa, nakatingin naman ito sa kawalan at nangingiti.

Hinihintay ni Thaddeus na magkuwento pa ito pero hindi na ito umimik kaya nagpaalam na siya rito na papasok sa loob. Nakalimutan na niya ang bracelet na suot kaya hindi na niya ito natanggal pa.

Si Linda lang ang naabutan ni Thaddeus sa loob ng Mansyon, sinabi nito sa kanya na nag grocery raw sina Mang Alberto at Manang Caridad kasama si Tobias at ang driver nilang si Mang Carding, si Karen naman ay nasa School pa raw.

Sabay na napapitlag sina Thaddeus at Linda ng marinig nila ang sigaw ni lola Teresa, may isinisigaw itong pangalan.

"MARIA! MARIA!"

Tanging iyon ang narinig nila na sigaw ni lola Teresa na animo'y nagpapanic. Akma na sana itong babalikan ni Thaddeus dahil nag alala siya na baka napaano na ito pero pinigilan siya ni Linda.

"Ako na po ang pupunta, sir. Pasensya na kayo sa kanya." Nahihiyang paumanhin ni Linda. Tumango na lamang si Thaddeus.

Hustong pag alis ni Linda papuntang harden ay may narinig na malakas na kalabog si Thaddeus sa taas, para bang lahat ng gamit sa isang silid ay nawasak o natumba lahat. Nagmamadali siyang umakyat sa taas para tingnan kung anong nangyari. Sa silid ni Tobias nanggagaling ang tunog.

Bumuwelo pa siya bago pumasok, mas mabuti ng handa baka kasi may nakapasok na magnanakaw. Mabilisan niyang binuksan ang pinto at itinaas pa niya ang kamao na akmang may susuntukin pero natigilan siya ng makapasok.

Ni isang gamit doon ay walang nabasag o nawasak maliban sa isang black notes or libro ba ito na nahulog yata mula sa bookshelve. Napapailing si Thaddeus na pinulot ang nahulog na kulay black na manipis na libro, tinitimbang niya pa ito sa kamay niya na animo'y baliw dahil hindi niya talaga matanggap na itong libro na ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng malakas na kalabog kanina.

"Mas magaan pa ito sa hangin ah..." Bulong ni Thaddeus sa sarili niya, napapailing nalang siya at akma ng ibabalik ang libro ng makita niya ang nakasulat dito, muling napakunot ang noo niya.

Kahapon nakita niya rin ang libro na ito na may nakasulat na pangalang Maria. Imbes na ibalik ay wala sa loob na binuklat niya ang bawat pahina.

Natigilan siya dahil sulat kamay ang nakasulat doon,isa pala itong notes o mas tamang sabihin na diary, akala niya libro ito.Hindi naman siguro tama na magbasa siya ng diary ng iba,hindi ba? Sa isip isip ni Thaddeus.

Gusto na niya itong ibalik sa bookshelve pero parang may pumipigil sa kanya, napahigpit tuloy ang hawak niya sa diary. Hanggang sa namalayan niya nalang na sinisimulan na niyang basahin ang Talaarawan ni Maria, sa kalagitnaan na siya nagsimula dahil iyon ang unang nahagip ng paningin niya. Ang April 19. April 18 kasi ang birthday niya kaya na curious siya dahil magkasunod ang petsa.

April 19, 1959

06:00 AM

Kahapon  ay ipinagdiwang ko ang ika- labinwalong kaarawan ko. Simula kahapon at hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang pagdating ng mga magulang ko. Umaasa ako na buhay pa sila at babalikan nila ako lalo na si Mama na nangako sa akin na babalikan niya ako.

Marangya ang naganap na pagdiriwang ng aking kaarawan, ang daming mga panauhin ng tiyahin ko, ang iba ay mga kasosyo nina Mama at Papa sa negosyo.

Kahit nakangiti akong nakaharap sa kanila ang totoo ay nalulungkot ako. Ang daming nagbigay sa akin ng mga regalo, mga alahas na ginto, perlas at marami pang iba.

Pero ang tanging regalong hinihintay ko ay ang mga magulang ko. Anim na taong gulang pa lang ako ng huling makita sina Mama at Papa kaya nakakalungkot na mag isa nalang ako sa buhay.

Kaninang alas dos ng madaling araw ay binigyan ako ng magandang regalo ng kaibigan kong si Azrael, nagtungo ako sa bahay niya, sa malaking puno sa harden. Napapalibutan ito ng mga alitaptap na walang sawang lumilipad. Sobrang ganda dahil nagliwanag ang buong paligid. Kapag nalulungkot ako ng sobra siya lagi ang takbuhan ko. Masaya siya dahil tumuntong na ako sa edad na desiotso . Sabi niya malaya na daw naming gawin ang aming ninanais.

Gusto niya na lagi kong suot ang kuwentas na ibinigay niya sa akin noong ako ay anim na taong gulang pa lamang. Hindi ko naman siya binigo dahil lagi ko nga itong suot.

Guwapo si Azreal, matangkad, matikas at malaki ang pangangatawan. Siguro lahat ng mga babae ay maghahabol rito pero nakakalungkot nga lang dahil tanging ako lang ang nakakakita sa kanya at ako lang ang nakakasalamuha niya.

Ang sikretong bagay na tanging ako lang ang nakakaalam. Ako lang ang nakakaalam na may isa akong kaibigan na sobrang guwapo na kahit saan ako magpunta ay nakasunod ito sa akin.

Si Azreal ay isang sundalong namatay noon sa unang giyera na nangyari rito sa Pilipinas. Hinihintay niya raw ang babaeng tinatangi ng puso niya pero ng dumating daw ako ay lahat ng hinagpis at pagod sa kakahintay niya ay napawi lahat. Hindi ko siya maintindihan pero masaya ako na naging kaibigan ko siya, nakakasama at nakakasalamuha.

Tanging ako lang din ang nakakausap niya at tanging ako lang ang nakakakita sa kanya. Sobrang bait niya kaya hindi ako natatakot sa kanya. Madalas kasama ko siya sa School kahit pa sabihing nanghihina siya kapag umaalis siya sa Belle Veu Manor. Hindi ko alam kong anong klaseng tao o lalaki si Azreal basta ang alam ko lang kaibigan ko siya simula ng maliit pa ako.

Wala akong masyadong mga kaibigan dahil na rin naiilang sila sa katayuan ng buhay na meron ako. Masyado raw akong mayaman, ganoon lagi ang dinadahilan nila. Kaya natuto akong mag isa na mas lalong nakadagdag sa lungkot ko.

Mahal ako ng mga katiwala rito sa Mansyon, lalo na si tita Olga, ang nag iisang kapatid ni Mama, isa na itong matandang dalaga dahil hindi ito nagkaasawaLahat naman ginawa nila para mapasaya ako pero may kulang talaga sa puso ko, nangungulila ako sa mga magulang ko.

Parang gusto kong umalis sa lugar na ito para kalimutan ang lahat, gusto kong umalis dahil nalulungkot ako sa pagkawala ng mga magulang ko, pero paano si Azreal?

Sasabihin ko rin sa kanya na sa Manila ako magpapatuloy ng kolehiyo, sigurado ako maiintindihan niya. Mabait siya at napakamaintindihin na tao. Alam kong magiging masaya siya para sa akin.

Hanggang dito nalang muna ang talaarawan ko dahil mamaya maaga pa akong papasok sa paaralan.

Maria

Napatigil sa pagbabasa si Thaddeus, bigla siyang napaisip at muling tiningnan ang taon kung kailan ito isinulat, hindi siya makapaniwala na ilang taon na ang nakalipas tapos nandito pa rin ang diary na ito.

And to think of it, ka birthday niya pa ang Maria na ito, April 18 ang birthday. Muling nagbuklat ng ilang pahina si Thaddeus, ang iba ay nilakdawan niya hanggang sa mapadako siya sa isang pahina kung saan mas nakaagaw sa kanyang atensyon.

Napatiim bagang siya at mas lalong napahigpit ang hawak niya sa Talaarawan ni Maria.

Nakasulat kasi sa Talaarawan ni Maria kung anong ginawa ng sinasabi nitong kaibigan na si Azreal sa kanya.

Ayaw na niya itong basahin pa, hindi niya alam kung bakit apektado siya kung tutuusin ay matagal ng panahon  ang nakalipas pero hindi kinaya ng konsensya ni Thaddeus, he wanted to know what really happened to Maria kaya ipinagpatuloy niya ang pagbabasa.

~•~


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status