Share

Chapter 8

Lumipas ang dalawang araw na laging wala sa sarili si Maria, balisa at laging lutang. Napapansin na rin ng mga kasama niya sa Mansyon pati na ang Tita Olga niya.

"Maria, kumusta na ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Olga sa pamangkin. Kasama niya ito ngayon, dahil araw ng linggo magtutungo sila sa simbahan. Hindi umimik si Maria, nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse.

Napabuntong hininga nalang si Olga saka ginagap ang isang kamay ng pamangkin at masuyong hinaplos ito. Inasikaso na niya ang pagluwas nito pa-Maynila. Gusto niya na ring makaalis ang pamangkin sa Mansyon dahil may kakaiba rin siyang nararamdaman na hindi maganda.

Noong kaarawan nito pagkatapos ng selebrasyon, madaling araw ay lumabas ito ng silid at nagtungo sa harden. Sa mga oras na iyon ay nasa kusina siya pabalik na sana sa taas ng mapansin niya si Maria kaya palihim niya itong sinundan.

Nag-aalala siyang nakatingin sa pamangkin na tila ba may kinakausap na palinga-linga sa paligid. Nakangiti at masaya ang nakikita ko sa mukha nito.

"Nandito na tayo hija." Nakangiting pahayag ni Olga sa tahimik na pamangkin. Nauna siyang bumaba sa kotse, hinihintay niya si Maria na para bang atubiling bumaba, pero kalauna'y bumaba na rin ito. Nang papasok na kami sa simbahan ay napahinto ito.

"Maria? Masama pa ba ang pakiramdam mo hija? Ayaw mo bang pumasok?" Nag-aalalang tanong ni Olga sa pamangkin. Pilit na ngumiti si Maria sa tiyahin.

"Mabuti na ang pakiramdam ko tita, pumasok na po tayo," aniya.

Sa totoo lang ay takot pumasok si Maria dahil kasama niya si Azereal sa kotse, ayaw siya nitong papasukin sa simbahan. Ngayong nasa loob na siya, alam na niya kung bakit. Hindi ito nakakapasok sa loob. Panandalian ay nagkaroon siya ng katahimikan hanggang sa matapos ang misa ni Padre Antonio. Nanatili si Maria sa upuan kahit nagsialisan na ang lahat ng tao.

"Dito ka muna hija, kakausapin ko lang si Sister Linda." Sabi ni Olga kay Maria na ang tinutukoy ay ang kaibigang madre. Tumango lang si Maria.

"Ang lalim ng iniisip mo hija." Ani Padre Antonio na hindi man lang napansin ni Maria na nakalapit na pala sa kanya. Tinabihan siya nito ng upo.

"Kayo po pala Padre Antonio." Mahinang usal ni Maria. Kilala ni Padre Antonio ang pamilya niya, halos lahat namang nakatira sa bayan ay kilala sila.

"Huwag kang mag-alala hija, ligtas ka rito. Hindi ka niya masusundan." Malumanay na saad ni Padre Antonio na siyang ikinalingon ni Maria rito.

"Hindi ko po kayo maintindihan." Pagdadahilan niya kay Padre Antonio pero alam niya kung ano o sino ang tinutukoy nito. Ngumiti lamang si Padre Antonio.

"Alam ko hija may naghihintay saiyo sa labas, nag-alaga ka ng demonyo sa mahabang panahon."

Nanlaki ang mga mata ni Maria sa sinabi nito, nasindak siya dahil alam nito. Gusto niyang maiyak dahil sa sinabi ni Padre Antonio. Kahit papaano ay may nakakaalam sa nangyayari sa kanya.

"N-natatakot po ako Padre Antonio..." Usal niya sa nanginginig na boses. Ngumiti lang si Padre Antonio.

"Huwag kang matakot hija mas malakas ang Diyos natin kaysa sa kanya. Manalig at magtiwala ka lang."

Tumango siya sa sinabi ni Padre Antonio pero ang takot na nararamdaman niya ay unti-unting nilalamon ang sarili niya. Parang ayaw niya ng umalis sa simbahan.

"Maiwan na kita hija." Ngumiti si Padre Antonio bago umalis. Napansin niya ang isang papel na nakalapag sa gilid ng upuan. Naisip ni Maria na baka kay Padre Antonio, naiwan. Pero napakunot ang noo niya ng may nakasulat na pangalan sa nakatuping papel.

Nakasulat ang pangalan niya kaya binuklat niya. Isa itong maikling liham.

Hija, huwag

kang matakot

dahil

tutulungan

kita. Bumalik

ka

rito

sa

susunod na linggo. Manatili

ka

rito at may tao akong

tatawagin para makatulong

sa

sitwasyon mo. Hindi ko masabi

saiyo

kanina

dahil

nakikinig

siya

sa

pinag-uusapan

natin. Ang demonyo ay nakakabasa ng isipan ng tao at kahit

gaano

kalayo

ang

distansya ay naririnig

niya ang pinag-uusapan natin. Pero hindi siya

nakakabasa. Malapit na niyang

masakop

ang

pagkatao mo kaya manalig ka

sa

Diyos

hija.

–Padre Antonio

Agad niyang itiniklop ang liham ni Padre Antonio, namumuo ang luha sa mga mata niya. Nabalot siya ng takot pero kailangan niyang labanan. Hindi niya akalaing nag-aalaga siya ng isang demonyo! Natutop niya ang sariling bibig.

"Maria, tara na." Ang Tita Olga niya na nakangiting naghihintay sa kanya. Sumunod na rin siya rito.

Ang planong pagbalik ni Maria sa Simbahan ay naudlot ng may mangyaring hindi maganda.

"Ano po ang nangyari Tiya Olga?" Nahintatakutang tanong ni Maria sa tiyahin nitong halata ang takot at pag-aalala sa mukha.

"A-ang driver natin ay natagpuang patay kaninang madaling araw. Pugot ang ulo–"

Hindi na natapos ni Olga ang sasabihin dahil napaiyak na ito. Nanginginig itong niyakap ni Maria.

"Diyos ko po! Sino po ang walang awang gumawa sa driver natin ng ganoon?!" Naggilalas na usal ni Maria. Matagal ng naninilbihan ang driver sa kanilang pamilya. Bata pa lang siya ay ito na ang driver ng pamilya.

Nanatili nalang sa silid si Maria habang madaming tao ang pumunta sa Mansyon lalo na ang mga awtoridad para imbestigahan ang nangyari. Naging busy ang lahat. Habang siya naman ay hindi mapakali sa sariling silid.

"Akala ko ba'y aalis ka para magsimba ngayon,Maria."

Ang baritonong boses ni Azi, kung dati ay hindi siya kinikilabutan sa boses nito puwes ngayon lahat ng balahibo sa katawan niya ay nagsitayuan. Napalunok siya at pilit kinalma ang sarili.

"M-may nangyaring hindi maganda. P-pinatay ang driver namin." Nauutal na usal ni Maria, kumakabog ang dibdib niya lalo na ng lumapit sa kanya si Azreal at hinawakan siya sa magkabilaang balikat. Inilapat nito ang bibig sa tainga niya.

Nararamdaman ni Maria ang mainit na hininga nito at naaamoy niya ang kakaibang amoy nito.

"Hindi lang iyan ang kaya kong gawin Maria, mas higit pa riyan ang gagawin ko kapag sinuway mo ako. Lalo na kapag iniwan mo ako."

Nakakakilabot na bulong ni Azi kay Maria. Nanlaki naman ang mga mata niya at nabalot ng takot dahil alam na niya kung ano ang ibig nitong sabihin.

"I-ikaw ang may kagagawan ng pagkamatay ng driver namin?" Hindi makapaniwalang usal ni Maria. Ngumisi lamang si Azi na para bang demonyo o mas tamang sabihin demonyo nga.

"Kaya sumunod ka sa lahat ng sasabihin ko saiyo." Kalmante nitong sabi kay Maria.

"P-paano mo nagawa iyon? I-isa ka ng kaluluwa! Isa kang demonyo!!" Asik ni Maria rito sabay tutop sa sariling bibig. Nanlilisik ang mga matang binalingan siya ni Azreal at sinakal.

"Oo! Isa akong demonyo kaya matakot ka! Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng isang demonyo!"

Humihigpit ang pagkakasakal nito sa kanya. Pakiwari niya'y bumakat ang mga daliri nito sa leeg niya. Inihagis siya nito sa kama, umuubo siyang hinimas ang leeg at pinilit na makabangon.

"A-Azi, bakit nagkakaganyan ka na? Bakit?" Naiiyak na usal ni Maria rito. Biglang lumambot ang anyo ng mukha nito.

"Dahil ayaw kong iwan mo ako Maria hanggang sa huli ay magsasama tayo. Sa akin ka lang!"

Pagkasabi'y bigla itong naglaho, naiwang umiiyak si Maria. Naisip niya na kailangan na niyang lumuwas pa-Maynila sa lalong madaling panahon.

~•~

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status