Share

Chapter 23

"Hanggang dito na lang po tayo Señorita." Ani ng driver sa sasakyan ng ihinto sila sa may bukana ng bundok, papasok ito at madaming puno sa gilid ng daanan. May mga iba't-ibang klaseng damuhan at halaman.

"Salamat po." Pasasalamat ni Maria rito. Sabay sila ni Thaddeus na bumaba sa sasakyan.

"Mag-iingat po kayo." Sabi ng driver sa kanila, nginitian niya lang ito bilabg tugon sa sinabi nito.

Muling hinawakan ni Thaddeus ang kamay niya saka sabay na silang naglakad papasok sa bukana ng bundok.

Alam ni Maria na madalang lang ang mga umaakyat sa bundok Himalaya, ang iba ay kapag nagpapadasal ang mga ito o kaya ay nagpapagamot. Tahimik ang buong paligid, tanging huni ng ibon at mga tuyong damo na naapakan nila ang naririnig nilang ingay.

Tahimik lang din sila ni Thaddeus at kapwang mabibilis ang mga hakbang nila na para bang takot na maabutan ng gabi sa daan.

Bawat malalaki

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status