Two years later...
"Congratulations son, we are so proud of you "
Halos magkasabay na turan nina Talia at Daniel kay Thaddeus. Dumating ang mag-asawa kahapon mula sa Pilipinas para um-attend sa photo exhibit ni Thaddeus na ginanap nito mismo sa Gallery Studio sa New York City.
Ang daming mga dumalo, halos ang iba ay mga celebrities at mga kilalang tao. Ngumiti si Thaddeus sa kanyang mommy at daddy.
Nagka-ayos na ang mga magulang niya, last year lang ay nag-renew ng vows ang dalawa. Masaya siya para sa mga magulang.
"Thank you mom and dad, maglibot muna kayo baka may mga portraits kayong magustuhan." Sabi ni Thaddeus sa mga ito saka kumindat.
Sa loob ng dalawang taon ay ginugol ni Thaddeus ang sarili sa pagkuha ng mga litratro na galing sa iba't ibang bansa. May mga kuha rin siyang magagandang portraits.
Naiwan si Thaddeus sa
Year 1946Isa sa pinakamayaman na pamilya ang mga Ibañez sa Legazpi Albay. May malaking Rice Mill ang mag asawang Senyora Erlinda at Senyor Luis Ibañez na siyang pangkabuhayan nila. At bukod pa sa Rice Mill ay may malaki rin silang palaisdaan sa seaport ng Legazpi. Ang pamilya nila ang nag eexport ng mga isda sa iba't ibang kalapit lungsod sa Albay at Bicol.Sila lang din ang may pinakamalaki, pinakamalawak at pinakamagandang tahanan sa lugar nila.Bitbit ni Erlinda ang isang malaking bouquet ng mga pulang rosas pagkalabas niya sa kanyang silid. Dahan dahan siyang bumaba sa enggrandeng hagdanan, may nakalatag na pulang carpet sa gitna ng bawat baitang ng hagdan simula sa taas hanggang sa baba.
Present TimeYear 2018"Dad,please listen to me, why are you forcing me to go back there in the Philippines?" Iritableng turan ni Thaddeus sa ama, ilang beses na siyang tinatawagan nito, kung hindi raw siya uuwi ay pupuntahan daw siya rito sa New York."Dad, ang layo ng Legazpi Albay, bakit hindi nalang ikaw ang pumunta? At ikaw ang mag asikaso sa mga papers ng Mansyon na iyon? O kaya ibenta nalang." Nakasimangot na sagot ni Thaddeus sa ama ng magpumilit ulit itong pauwiin siya. Mas lalong wala siyang planong manirahan sa Mansyon na sinasabi nito, bukod sa luma na ito ang layo pa saka maayos na siya rito sa New York kasama ang mommy niya.
Nag-aasaran sina Tobias at Thaddeus na parang bata sa hapag-kainan, samantalang si Talia naman ay panay ang irap kay Daniel dahil sa ibinibigay nitong malalagkit na tingin sa kanya, kumikindat pa ito sa kanya."Puwede ba Daniel Ambrosio! Tumigil ka!" Asik ni Talia sa dating asawa, ngumisi lamang ito, napatigil naman sina Tobias at Thaddeus at ngayon ay napatingin na sa dalawa."What? Masama bang titigan ang asawa ko? 5 years din tayong hindi nagkita in person, Talia. Wala ka pa ring pinabago." "Correction,i am now your ex wife Daniel! And stop flirting with me dahil wala ng nararamdaman ang puson ko!" Asik ni Talia, sabay pa silang tatlo na nagtawanan kaya mas lalong umirap si Talia sa mga ito."Mom, relax. Hindi ka na nasanay kay daddy eh, alam mo namang napaka joker niya." Sabi ni Thaddeus sa naiinis na ina."Whatever Thaddeus Ambrosio! Magsama kayo ng ama mo! Anyway, busog na ako, mauna na
Huminto ang van na sinasakyan nila sa harapan ng malaking gate. Sabay sabay pang nagsibabaan ang tatlo sa loob ng van dahil nakasarado ang gate.Napansin ni Thaddeus ang kaliwang sementong pader na may nakasulat na Belle Veu Manor. Nakalimutan na niya talaga ang lugar na ito, hindi na niya maalala."Wow! Gate pa lang bigatin na oh!" Saad ni Tobias, sinuri pa nito ang gintong disenyo ng gate, na naka design sa ibaba at itaas na bahagi ng gate."Hindi ba nila alam na darating tayo ngayon, Mang Carding?" Si Thaddeus, nagawa niya pang magtanong habang panay ang click ng camera niya, kinukuhanan niya ng litrato ang malaking gate."Alam ko na inform na sila ni Sir Daniel kahapon e, baka walang tao sa loob. Minsan kasi ang mga care taker dito hindi nag e stay." Sagot ni Mang Carding."Ang hirap nito, wala pa namang doorbell saka wala pa akong nasisilip na Mansyon sa loob oh." Sabi ni Tobias
Nagpasya na rin ang mga katiwala sa Mansyon na mag stay ng one week hanggang sa makaalis sina Thaddeus.Umakyat na sa taas sina Thaddeus at Tobias para pumili ng silid na matutulugan."Magtabi nalang kaya tayong matulog? Ano sa tingin mo?" Nakangising tanong ni Tobias kay Thaddeus, tiningnan ito ng masamang tingin ni Thaddeus."Takot ka ba?" Sabi ni Thaddeus sa nanunudyong boses."Ako? Matatakot? Hindi ah, walang kinakatakutan si Tobias ano!" Pagmamayabang nito na ikinatawa ni Thaddeus.Una nilang pinuntahan ang kuwartong katapat ng harden, ang kuwartong may terrace."Wow! Ang ganda naman ng silid na ito,Thad. Makakalanghap ka ng fresh air oh tapos ang ganda ng view dahil matatanaw mo ang harden." Sabi ni Tobias habang iniikot ang buong silid.Smantalang si Thaddeus naman ay lumapit sa malaking bookshelve na nakapuwesto sa harapan ng kama. Napansin niya
Kinabukasan maagang gumising si Thaddeus para mag jogging nilibot niya ang buong Belle Veu Manor, mas lalo pa siyang namangha sa sobrang lawak ng paligid, bulwagan pa lang sa may entrance ay puwede ka ng magpa-party, kasya siguro ang 300 persons dahil sa sobrang laki at lawak.Hindi namalayan ni Thaddeus na nakarating na siya sa malaking main gate, napakunot ang noo niya ng may mapansin siyang tila taong nakatayo sa labas ng gate at pasilip silip sa loob.Wala sa loob na binuksan niyan ang gate at nanlaki ang mga mata biya ng mabungaran sa labas ang matandang binigyan niya ng isangdaan kahapon, nakangisi itong nakaharap sa kanya. Napalunok tuloy si Thaddeus at bahagyang napaatras dahil papalapit ang matanda sa kanya."Nagkita na ba kayo?" Nakangising tanong ng matanda sa kanya na ams lalobg ikinakunot ng noo niya."Po?sino?" Takang tanong ni Thaddeus dito,imbes na sagutin siya ng matanda ay nagpalinga l
Flashback Year 1959"Senyorita Maria! Nasaan ka ba?" Tawag ni Terry kay Maria, nagtatakbo na naman kasi ito paakyat sa taas, kagagaling lang nila galing sa bayan, sumama si Maria sa kanilang mamili ng mga kakailanganin dito sa Mansyon."Senyorita?" Muling tawag ni Terry kay Maria, nakaakyat na siya sa taas at naririnig niya ang masayang tawa ni Maria, napapailing nalang siya ng maabutan niya itong nakasandal sa pinto ng katapat na silid nito. "Mag ayos na po kayo Senyorita dahil mamaya darating na ang mga panauhin dito sa Manor para sa kaarawan mo." Sabi ni Terry, nakita niya ang pagbala
"Ako na po ang bahala rito."Nahintakutang usal ni Maria sa lahat ng mga katiwalang nasa labas ng silid niya. Nanlaki ang mga mata ng mga ito ng walang kahirap-hirap na binuksan ni Maria ang sariling silid at pumasok. Sinugurado ni Maria na nai-lock niya ang pinto ng silid. Hindi makapaniwala si Maria sa nakikita niya ngayon, parang dinaanan ng bagyo ang loob ng silid niya, napunit ang kumot, ang punda ng unan, ang kurtina ng terrace at madami pang iba. Natutop ni Maria ang bibig at nanlaki ang mga matang napatingin sa kaibigan nitong si Azreal. Puno ng galit ang nakikita niya sa mga mata nito, nakatiim bagang na wari niya'y parang gustong pumatay ng tao. Nalilito siya kung bakit nagawa ito ng kaibigan."A-Azi... " Usal ni Maria sa nanginginig na boses. "Anong ginawa mo?" Dagdag pa ni Maria na halos naitulos sa kinatatayuan. Hindi siya halos makahakbang at lahat ng