CHAPTER 1: A NEW START, A NEW CHAPTER

A/N: This is a work of fiction. Names of characters, places and events are made by the author's imagination.

Sera's POV

Nagising ako sa ingay ng aking alarm clock. Tila ipinapahiwatig sa akin ang bagong buhay na kahaharapin ko. Bagong araw kung saan mabubuhay ng isang normal na tao. Not literally, dahil hindi na ako mamumuhay bilang estudyante ngayon. Tumingin ako sa table na nasa gilid ko. Napangiti ako nang makita ang bagay na nakalagay roon. Ang aking mga diploma simula preschool hanggang kolehiyo. Maging ang mga medals na nakasabit sa bawat frame ng mga diploma ko. Tinitigan ko rin ang aking mga graduation pictures na nakasabit sa pader ng aking kwarto. Napakasarap sa pakiramdam ang makita lahat ng pinaghirapan mo at natupad na ang isa sa mga pinapangarap ko.

ANG MAKAPAGTAPOS SA PAG-AARAL.

Nang nabubuhay pa si mama ay isa ito sa mga pangarap niya para sa amin ni kuya. Ngunit maaga siyang kinuha sa amin sa kadahilanang may sakit ito sa puso. Napakasakit mawalan ng ina ngunit alam naming mas masakit iyon kay papa dahil nawala ang taong pinakamamahal niya. Ilang beses ko rin binalak na huminto sa pag-aaral at magtrabaho nalang muna ngunit hindi pumayag sina papa at kuya. Pinangako ko rin kay mama at maging sa sarili kona tutuparin ko lahat ng mga pangarap ko ano pa man ang mga pagsubok na kaharapin ko at ng aming pamilya.

Ang aking ama naman ang patuloy na sumusuporta sa aming dalawa ni kuya ngayong wala na aming ina. Marangal ang kanyang trabaho at may kalakihan rin ang sweldo kaya kami ay nakararaos sa araw-araw. Katulong ni kuya na isa ngayong Real Estate Agent sa isang Real Estate Company at Financial Advisor sa isang Insurance Company. Sa tulong nilang dalawa, ngayon ay isa na akong ganap na degree holder.

Hindi pa pala ako nakakapagpakilala sainyo. By the way, I am Astazia Seraphine Hollis. 20 years old. I'm a Business Management Graduate. The only daughter of Morgan Hollis and the only little sister of Alarick Zayn Hollis.

I have this attitude na kapag nilait-lait mo ang pagkatao ko at hindi maayos ang trato mo sa akin kahit isa ka pang boss...

HINDI KITA UURUNGAN!

Pinalaki ako ng magulang ko na may takot sa diyos and at the same time, lumaban sa mga taong inaalipusta ako pati ang pamilya ko.

SO. DON'T. YOU. DARE. MESS. WITH. ME.

Pero may taglay rin naman akong kabaitan. Syempre, maganda tayo kaya dapat maayos ang attitude natin paminsan-minsan.

AM I RIGHT?

"SERA! Bumangon ka na riyan! Baka malate ka sa job interview mo!" sigaw ng aking butihing kapatid na nagsisilbing alarm clock ko sa umaga.

Oh diba? Mahal na mahal nila ako?!

Agaran akong bumangon at inayos ang aking kama bago bumaba patungo sa dining area.

"Asan si papa?" nagtatakang tanong ko dahil siya lang mag-isa ang naghahanda ng aming agahan ngayon

"Maaga siyang pumasok. Ibinilin ka niya sa akin na gisingin ka dahil may job interview ka raw." Nagkamali ako ron. Hindi pala sya ang alarm clock ko dahil ibinilin lang siya sa akin ng butihing amain.

WALA NGA PALA TALAGA AKONG TAGA GISING!

"Thanks to me, mukhang hindi ka malalate sa job interview mo ngayon. Oh... Eat your breakfast. Do it faster. Time is running." Kinuha niya ang kanyang bag at akmang aalis na.

"By the way..."

"Highway?" singit ko

"Tsk.. Goodluck sweetie" hinalikan niya ako sa pisngi. Napakasweet talaga ng kuya ko kahit kalian. Napakasupportive pa. Sana makahanap rin ako ng lalaking katulad niya.

"Hay nako Sera, manahimik ka nga. Hindi ka pa pwedeng magkaroon ng boyfriend hanggat di ka pa successful, okay?" sabi ko sa sarili ko at tinapos ang pagkain.

Matapos kumain at maligo ay inihanda ko ang aking susuotin. Isang kulay puting buttoned blouse, itim na palda, 2-inch heeled shoes at ang aking coat na kulay skintone. Naglagay rin ako ng light make-up. Sinuklay ko ang aking medium brown hair na bumagay sa aking semi-rounded face. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at gumawa ng iba't ibang pose.

"Perfect!" pagpupuri sa aking sarili. Kinuha ko ang aking bag at sinarado ng maigi ang bahay bago tuluyang magtungo sa kompanyang aapplyan.

--

S.I MANUFACTURING COMPANY

Halos hindi ako makahinga nang makatungtong ako sa building nitong kompanya. Tutuloy pa ba ako? Syempre, oo! Dala dala ang brown envelope na ang laman ay mga requirements ko para sa job interview. Papasok na ako nang harangin ako ng isang guard.

"Ano pong sadya nila ma'am?"

"Nandito ako para sa job interview."

"Ahh. Para po sa mga mag-aapply ng trabaho?" obviously, kuya. Tumango ako.

"Sandali lang po ma'am." Ang tagal naman magpapasok nito! Tinignan ko ang oras.

9:15 am

Late nako!

Sa wakas at pabalik na si kuya mula doon sa kausap niya na staff din.

"Kuya, papasukin niyo na po ako. Late na ako ng 15 minutes." Nanginginig na sambit ko sa kaba dahil alam ko sa sarili ko na late na ako!

"I'm sorry po ma'am ngunit hindi na pwedeng magpapasok ng kahit sinong aplikante oras na lumagpas ng 9 am. Pasensya na po."

"A-Ano?!!! P-Pero..." hindi pa ako nakakapagsalita ay pilit na akong kinakaladkad ng guard palabas. Teka! Di naman ata tama yon!

"S-Sandali nga ho! Bakit nyo ho ako pinapaalis kaagad?!" kinalas ko ang mga kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Wala na pong dahilan para manatili kayo rito ma'am."

"Tama ho bang kaladkarin nalang ako basta?!! May mga paa ho ako! Saka hindi ho ba talaga pwedeng humabol?" yare ako kay papa at kuya pag nalaman nilang nalate ako dito sa job interview! Aish! Kainis!

"Hindi po talaga pwede Miss. Pasensya na." naiiyak na ako! Nakakainis! Huhuhuhuh. Hanggang dito ba naman nalate ako? Siguro mag-iikot nalang muna ako dito sa Makati baka may iba pang kompanya rito na kailangan ng office staff or secretary.

Umalis na ako sa kompanyang iyon at nagsimulang maglibot dito sa siyudad. Maraming naglalakihang mga buildings maging ang mga malls. Mukhang pangmayaman ang lugar na ito. Sana all!

Saan naman kaya ako pupunta nito? Ayoko pang umuwi sa bahay dahil ako lang mag-isa roon. Saan kaya? Hmmm...

Aha!

Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at nagtipa ng number. Tatawagan ko si kuya baka pwedeng doon muna ako pansamantala.

Ringing....

"Hello?"

"Kuya!"

"Yes, sweetie? Kumusta ang interview mo?"

"Hay nako kuya nakakainis lang! Pwede ba muna ko magstay dyan sa work mo?"

"Why? Oh sure! Drop by ka na muna rito. May ikekwento ka sa akin."

"Aish. Fine, kuya. I will be there in 30 minutes."

"Okay. Take care. Love you."

"Love you too, kuya. I'll hang up na. Bye"

"Nakakainis talaga yung guard kuya! Imagine, kinakaladkad niya ang maganda mong kapatid doon dahil lang sa nalate ako sa interview! Aish! Kainis!" angil ko nang makarating sa opisina ni kuya. Financial Advisor pala siya ngayong araw.

"Then why are you late all of a sudden?" taas-kilay niyang tanong. Napanguso ako.

"Nahirapan kasi akong maghanap ng susuotin tapos traffic pa."

"Blame yourself not that guard."

"Kuya!"

"Yes, Sera? How many times do I have to tell you that you're an adult now? You should know what things you should prioritize are! Palagi kang late!"

"Look, I'm sorry. I will prioritize things from now on." *puppy eyes*

"You should tell it to dad not me." napapailing niyang sambit

Napabuntong hininga ako. "Fine"

*knock knock*

Napatingin kami parehas sa pinto nang may kumatok. Tumayo si kuya at binuksan iyon.

"Good morning." bati ng isang ginang na nasa edad 30-anyos. "Are you the financial advisor?" tanong niya.

"Yes Ma'am. Please come in." sagot niya. Umalis ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa pantry ng kanyang office. Mula rito ay malinaw ko pa rin na naririnig ang usapan nilang dalawa at napapahanga ako ni kuya sa bawat pagsagot niya sa mga tanong nito.

"What do you want to discuss, Ma'am?" taray ni kuya! English spokening dollar! Kumuha ako ng isang tasa at kape upang magtimpla ng inumin. Nagugutom na ako. Habang umiinom ay patuloy akong nakikinig sa usapan nila.

"How can I become financially stable?" tanong ng babae

"The first thing you must do to become financially stable is to make your finances personal. It doesn't mean personal in the sense that you can't talk anyone about your money. It important because nowadays, we live in a culture where we constantly compare ourselves to others and we need to live a certain lifestyle because that's how successful people live."

"Second thing is to understand that your most important invest is yourself. You may invest time, energy and money to teach yourself the skills you need and wanted to do. At the same time, your health is vital for your success. Have a balanced diet with regular sleep and exercise can give you a long life. It's also limiting your stress."

"Third thing is, you must earn income by doing something you enjoy. If you're thinking about financial stability, the best place to start is to build a job that pays you a steady income. Doing work that you really wanted will make things easier. So, you better think of it."

"Wait, what work would you suggest to me?" ay? Pati ba iyon related sa trabaho ni kuya? Nanatili akong nakinig sa usapan nilang dalawa.

"Uhh... About that, you should consider the type of industry you want like, food industry, fashion industry and so on... You may start on building a small business with a low capital but has a big profit." Ang galing galing ni kuya!

"Ang lapad ng ngiti natin ah"

"Ahhh!"

*cough cough cough* "Ano ba?! Sino ka ba?!" naibuga ko ang iniinom na kape nang may biglang sumulpot sa aking likuran. Inangat ko ang paningin ko upang tignan kung sino ang lapastangang nanggulat sa akin! Nagulat ako sa tumambad sa akin.

"Miss me?" OMG! Ang gwapo niyaaa! Napakaamo ng mukha! Napakakinis! Napakaformal ng datingan! Waaaahhh! Ang kapal ng kilay, ang tangos ng ilong!

Napakadako ang aking tingin sa kanyang labi.

Mamula-mula.

Parang ang sarap halikan!

"Sera!"

"Ay ang sarap! Kuya naman!" bumalik ang diwa ko sa reyalidad nang marinig ang sigaw ni kuya. Napasilip ako sa mesa niya at wala nang tao roon meaning umalis na ang kliyente niya.

"T-Tapos na kayo? Hehe." Kamot ulong tanong ko

"Stop fantasizing your bestfriend. Tss."

"What? Bestfriend? Sino?" bestfriend? Meron pala ako non?

"Him." Turo niya sa lalaking nanggulat sa akin. Eeh?

"I guess, you don't remember me anymore." Umupo siya sa silyang kaharap ng akin. "Ryder..." inilahad niya ang kamay niya sa akin "Your childhood bestfriend, your knight in shining armor. Nandyan kapag iyong kailangan." *wink*

"Pfffttt." – kuya

Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. "S-Smith? Ryder Smith?" tumango siya

"OMG! I didn't recognize you! Waaaaahhh! Huhuhuhu!" nagitla silang dalawa nang bigla akong lumapit kay Ryder at niyakap siya ng mahigpit.

"Maiwan ko na muna kayo. I have to call someone to deliver our foods. Excuse me." Nang makaalis si kuya naiwan kaming dalawa ni Ryder sa pantry. I shooked my head and realized that the man in front of me is my bestfriend.

GOSH! PANO KO NAKALIMUTAN ANG LALAKING TAGAPAGLIGTAS KO SA MGA BULLIES NOON?

"Uhhh... I'm sorry if I didn't recognize you. By the way... Are you working here?" tanong ko nang mapansin ang kanyang suot na parehas kay kuya

"Ah! Yes. I am working as a financial advisor in the morning and I am managing my own coffee shop near this building." Oh! He's successful!

"Ohh! It's nice! So, you're seeing kuya all this time?" tumango siya

"I'm also surprised when we saw each other here. It's a small world since I left on our town years ago." Bigla akong nalungkot nang maalala ang biglaan niyang pag-alis noon patungong America upang doon na mag-aral.

"Yeah. Tuwing naaalala ko iyon, bumabalik ang mga masasakit na nangyari sa akin mula nung umalis ka." Napakunot ang kanyang noo. "Why?"

Nais ko mang ikwento sa kanya noon ay hindi ko ginawa. Hindi pa ako handang balikan lahat. "Nothing. Don't mind."

"P-Pero..." magpoprotesta pa sana siya nang dumating na si kuya dala dala ang mga pagkaing pinadeliver niya.

"Let's eat before we could go home." Ginawa nga namin ang sinabi niya dahil gutom na gutom na ako!

"Thank you so much for your treat, Larck." Pasasalamat niya

"No worries. See you tomorrow."

"Yeah. Sera... I hope we can hang out sooner. I'm happy to see you after years." Nabigla ako nang halikan niya ako sa pisngi. "Uhh... Yeah. I'm happy too. I hope so." Ngumiti ako ng tipid.

"I gotta go! Ahh! By the way, can you drop by first on my coffee shop?"

"Why?" agarang tanong ko

"I'll treat you both. C'mon! Let's go!"

AROMATIZERS COFFEE SHOP

"What do you want, Sera?" tanong ni Ryder habang ako ay nakatingin parin sa menu.

WALA AKONG MAINTINDIHAN!

"Uhh... Anything coffee without cinnamon then pakiadd ng milk. Oo ayon nalang. Thank you."

"Pfffttt..." – kuya

"What kuya?"

"It sounds like you don't know what inside the menu."

"So what?! It's my first time in a coffee shop." Inirapan ko siya

"HAHAHAHAHAHAHAHAH!" sabay silang tumawa ni Ryder. Don't tell me....

NARINIG NIYA?!!!

"HAHAHAH! You're not a coffee lover do you?" tanong sa akin ni Ryder

"NO NO NO RYDER! She always drinks coffee but only 3in1. I told you, she's really one of a kind, a low-key person." - kuya

"I guess she is."

"Geez! Shut up both of you! You're pissing me off!" sigaw ko dahilan upang mapatingin ang ibang mga customers sa pwesto naming

"Fine! Fine!"

"Thank you so much for this, Ryder. We appreciated it."

"No problem! You can drop by any time when you're free especially Sera." Binalingan niya ako ng tingin. Di ko siya pinansin.

"Let's go Sera. Dad is waiting for us to come home." Speaking of dad, nabanggit na kaya sa kanya ni kuya ang nangyari kaninang umaga?!! Aish! Wag naman sana! Pero sa pagkakakilala k okay kuya,

MALAMANG NAISUMBONG NA AKO NON!

"You should tell dad what happened." Sabi niya. Hindi niya pa ba nababanggit?

"I thought..."

"I haven't told him yet. I want you to tell him and apologize."

"W-What?" sinamaan niya ako ng tingin

"Fine" napabuntong hininga nalang ako sa kaba

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na kami sa bahay. Agad agad akong pumasok at nakita ko si papa na nagluluto nang hapunan.

"Hi pa." bati ko

"Ohh! Bat ngayon ka lang? Magkasama ba kayo ng kuya mo?"

"Opo. Nagkita nga po pala kami ni Ryder."

"Ryder? Smith? Aba hindi ko pa nakikita ang batang iyon simula nang piliin niyang umalis ng bansa upang doon mag-aral. Kumusta naman siya anak?"

"Bago mo kumustahin si Ryder pa, yang anak mo muna ang kumustahin mo." Nilingon ko si kuya at sinamaan ng tingin. Dumila lang siya at umakyat na sa kwarto.

AISH!

"Kumusta ang job interview mo?" heto na nga!

"Uhhh..."

"Don't worry... I know what happened. The guard didn't let you enter the building because you're late, right?"

"Opo. I-I'm sorry."

"Anak, alam ko dalaga kana at may sarili ka nang pag-iisip, and you should prioritize things now. You want to be successful right? So start changing your routines and have plans as you reach your goals in life, okay?"

"Yes, pa. Sorry po ulit."

"Halika nga dito anak." Lumapit ako at niyakap siya.

"Nangako ako sa mama ninyo na hinding-hindi ko kayo pababayaan. At gagawin ko ang lahat mapabuti lang kayo. Mahal na mahal ko kayong mga anak ko." Ako rin pa. Nangako rin ako kay mama na tutulungan ko kayo ni kuya at tutuparin ko mga pangarap nating tatlo. Kahit wala na siya.

A/N: PLAGIARISM IS PROHIBITED. SORRY FOR GRAMMATICAL ERRORS.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status