CHAPTER 3: GRIEF AND HATRED

A/N: This is a work of fiction. Names of characters, places and events are made by the author's imagination.

3rd Person's POV

Nang makatungtong si Sera sa high school ay isang trahedya naman ang susubok sa katatagan ng pamilya Hollis. Unti-unting nakaramdam si Aster ng panghihina ng katawan dahil sa kondisyon sa kanyang puso. Mayroon siyang "Cardiomyopathy" at ito'y hereditary o namamana sa mga kadugo. Aminado si Aster na possible siyang magkaroon nito kaya hindi na siya nagulat pa nang makumpirma ito.

Binigyan siya ng doctor ng gamutan para dito at lagging pinagdarasal nina Sera na gumaling ang kanyang ina. Higit na nag-aalala si Aster sa bunsong anak dahil paano pag nawala na siya? Sino ang mag-aalaga sa kanyang mga anak at asawa? Nagresign si Aster sa trabaho upang magpahinga na lamang at iniiwasang mapagod ng husto. Hinikayat siya ng asawa na huminto na sa trabaho para makapagbonding rin sila ng mga anak.

Sina Alarick at Sera naman ay todo alaga sa ina bagaman abala sa pag-aaral ay nagbibigay sila ng panahon para makasama ang kanilang ina. Si Morgan ay abala sa pagtatrabaho 24 oras upang maibigay ang mga pangangailangan ng pamilya. Kahit pagod na pagod na ay mas pinipili ni Morgan na alagaan rin ang asawa hanggang sa gumaling ito.

Naisipan ni Morgan ang magbakasyon kasama ang pamilya sa isang island malapit sa kanilang tahanan sa Palawan.

"Honey" tawag ni Aster sa asawa "Wag na wag mong pababayaan ang mga anak natin ah? Give them all. Support them on their passion. Gabayan mo sila sa lahat ng oras. Lalo na pag wala na ako." Nagitla si Morgan sa sinabi ng asawa, kinutuban ito ngunit kanyang binalewala.

"A-Ano bang sinasabi mo? You will not die this early. You will heal, and you will witness the success of our son and daughter."

"R-Ramdam k-ko n-na Morgan... M-Malapit na akong... mawala"

"Stop saying those things, Aster. Mabubuhay ka pa ng matagal. Gagaling ka pa." tanging ngiti lamang ang tugon ni Aster sa asawa. Hinang-hina na sya at nais na nitong magpahinga ngunit nag-aalala siya na sa batang edad nina Sera, ay kanya itong iiwanan.

"C-Can you please call them? I-I have something to s-say." Kinakabahan man ay tinawag ni Morgan ang mga anak. Sa oras na iyon ay nararamdaman niya na may hindi magandang mangyayari sa gabing iyon. Ayaw niya mang isipin ngunit iyon ang nag-uudyok sa kanya para mangamba.

Pinalapit ni Aster ang mga anak at marahang hinawakan ang mga kamay nito. "My children, my life, my happiness. You don't know how much happiness we felt when you came to us. We're so lucky that we have..." hinaplos niya ang mukha ni Alarick "...a protective son, promise me that you will take care of your father and your sister. Okay?"

"Of course mom, we will take care of them especially Sera, right?" napatingin siya sa ama at tila nagtatanong ang mga titig nito, nagtataka.

"S-Sera..." tawag niya sa bunso "You are always making us proud, you and your kuya. Just promise me one thing..."

"W-What is it, mom?"

"Pursue your dreams. Do your best to become successful. Wag magpasaway kay kuya at daddy mo, okay?"

"Y-Yes M-Mom"

"A-Alagaan mo ang p-puso m-mo..." hindi man maintindihan ay tumango nalang si Sera sa sinambit ng ina. "Alagaan ang puso ko? Bakit?" isang tanong ang pumasok sa kanyang isipan

"M-Mahal na m-mahal k-ko k-ka—arghhhh!!!" nataranta sila nang makaramdam si Aster ng hirap sa paghinga. Hawak hawak nito ang dibdib at hirap na hirap sa sakit na nadarama.

"M-Mommy!!!" tinig ni Sera na nagpapanic at nag-aalinlangang hawakan ang ina

"Dito muna kayo. Alalayan nyo ang mommy nyo. I'll call for help." Ani Morgan at kumaripas ng takbo upang tumawag ng tulong.

"I-I c-can't... b-breathe" humahangos na sambit ni Aster

Maya maya pa ay dumating ang ambulansya at isinakay si Aster sa loob kasama nina Morgan, Alarick at Sera. Iyak ng iyak si Sera habang pinagmamasdan ang ina. Masakit para sa kanya ang nangyayari at natatakot siyang mawalay ito sa kanila. Si Alarick naman ay tahimik lamang. Pinipigilang tumulo ang luhang kanina pa nagbabadya. Ayaw niyang ipakita sa ama at kapatid na sa ganitong panahon, ay panghihinaan rin siya ng loob.

Na ang mga taong matitibay, ay nawawalan rin ng pag-asa.

Lalo na sa panahong ito, na kailangang kailangan sila ng kanyang ina. Hindi pa man nakararating sa ospital ay muling nagsalita si Aster.

"T-Tandaan n-nyo... a-ang m-mga s-sinabi k-ko... m-mga a-anak..."

"M-Mahal n-na m-mahal... k-ko k-kayo..."

"M-Mommy... wag kana po magsalita... gagaling ka" – Sera

"H-Hon... papunta na tayo sa ospital... kapit ka lang ha? M-Mahal na mahal kita" – Morgan

"H-Hanggang d-dito n-nalang a-ako... s-salamat d-dahil b-binigyan a-ako n-ng p-pagkakataon n-na... m-makasama k-kayo..."

"K-Kahit s-sa s-sandaling... p-panahon l-lang..." tumunog ang machine sa tabi nito hudyat na huminto na sa pagtibok ang puso ni Aster. Napuno ng iyakan at paghihinagpis sa loob ng ambulansya. Hindi nila inaasahan na ang gabing iyon ang pinakamasakit na mangyayari sa kanilang pamilya at uuwing hindi kasama ang ilaw ng tahanan.

Dineklarang "cardiac arrest" ang ikinamatay ni Aster na mayroong history ng cardiomyopathy at matagal niya itong itinago maging kay Marlon. Ngayon lamang niya nakausap ang doctor ng asawa at ipinakita ang lahat ng medical records nito. Sumailalim na pala ito sa gamutan noon pa at madalas itong atakihin ngunit mas pinili niyang itago para hindi mag-alala ang asawa.

"K-Kung alam ko lang noon pa, edi sana..."

"Sinulit ko lahat ng araw na kasama kita... maging ng mga anak natin..."

"Kahit kalian hindi ko pinagsisihan na minahal kita... at mamahalin parin kita kahit wala ka na..."

"Hindi ko magawang magalit sayo dahil sa itinago mo sa akin ang tunay na kondisyon mo... dahil sa kabila ng sakit mo... kami parin ang inisip mo."

"Wala kang katulad, Aster...

"Mananatili ka rito sa puso ko"

"Mahal na mahal kita." Ani Morgan at inilagay ang pinakahuling bulaklak sa libing nito.

Napakabilis nang pangyayari para sa pamilya Hollis. Ang masaya nilang pagsasama ay tila nalanta ito sa sobrang lungkot at paghihinagpis. Ilang araw sa burol ay hindi mo makakausap si Sera, halos ayaw rin nito kumain kung hindi pipilitin ng kapatid. Sina Morgan at Alarick ang halos nag asikaso sa mga bisita katulong ng mga Smith. Sina Ryder at Rylander ang laging nakabantay kay Sera. Nangangamba sila dahil napakatahimik nito at hindi na naiyak na kadalasan niyang ginagawa sa tuwing siya ay nasasaktan.

Mga puyat at halos walang pahinga limang araw bago ang libing. Maging sa libing ay walang reaksyon si Sera, nananatiling tahimik at nasa isang tabi lamang. Hanggang sa makauwi ay walang imik ang pamilya. Mabuti na lamang at napagbigyan si Morgan sa trabaho na magleave muna upang maasikaso ang mga anak at ang pag-aaral nito. Nahirapan silang dalawa ni Alarick sa paghahandle kay Sera. Nagbago ang ugali nito. Mas lalong tumindi ang pagiging cold nito at naging iritable. Ayaw na rin pumasok nito sa school at nais na huminto na lamang. Nanganganib na rin na bumagsak ang mga grades niya kung ipagpapatuloy niya ang ganitong akto. Masasayang ang pinaghirapan niya at maaaring maging repeater siya pag nagkataon.

Pinakiusapan ni Morgan ang kanyang teacher na bigyan pa ng palugit si Sera upang kanyang makumpleto ang lahat ng kulang sa school. Mabuti at pumayag ang teacher ngunit nagkaroon sila ng kasunduan na kapag hindi nakumpleto ito sa tamang araw at oras ay maaaring siyang maexpelled or maging repeater.

"I said, I don't want to go to school!" pagmamaktol ni Sera "I want to rest dad! Ano bang hindi nyo maintindihan don?!!"

"Anak, the most important is your studies... I know it's hard for us to adjust but we have to live with it. Your mom is gone. As your father, I am responsible to give you a better life. So please anak, be cooperate."

"Mom is still here! Hindi niya tayo iiwan! Nangako siya sa akin!"

"Anak---"

"No! I don't want to go to school! I want to stop! I wish, m-mom i-is h-here..." hindi na niya napigilang mapaiyak sa harap ng ama. Sobrang lakas ng kanyang hagulgol na ngayon lamang nailabas mula nang unang araw na mamatay ang ina.

"D-Daddy..." tawag niya sa ama habang hinahagkan siya nito. Hindi napigilang mapaiyak ni Morgan habang nakikita ang anak na naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang ina. Napakasakit sa kanyang makita na nasasaktan ang anak sa mga nangyari. Ngayon niya napagtanto kung bakit nakatulala lamang siya nung mga oras na nasa burol at libing sila.

"Shhhh... stop crying. Mommy will see you cry and she doesn't want it." Pag-aalo niya sa anak.

"Is mommy a guardian angel?" inosenteng tanong ng anak. Tumango si Morgan. "Yes. She wants to take care of ourselves eventhough she's not here with us."

"R-Really?"

"Yes. So you better fix yourself, and focus on your studies."

"B-But---"

"No buts. Come here." Muli niyang niyakap ang anak. "I promised that I will take care of you. Maybe mom's not here, but I will be the best father for you both. Malalagpasan din natin ito anak ha?"

"I love you dad."

"I love you too"

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alarick habang pinagmamasdan ang mag-ama. Naniniwala siya na lilipas ang panahon ay matatanggap nila ng buo ang pagkawala ng ina at nangako siya sa sarili na hindi niya pababayaan ang pamilya.

Matapos ang pag-uusap ng mag-ama ay nakumbinsi nito si Sera na tapusin sa takdang panahon ang mga gawain sa paaralan upang makabawi sa mga araw na nakaligtaan niya. Kasama ang bestfriend na si Ryder, pinagpatuloy niya ang pag-aaral at muling nakakakuha ng matataas na marka.

"How are you?" baling ni Ryder kay Sera. Magkasama sila ngayon sa bahay ng mga Smith upang tapusin ang mga projects and assignments nila.

"Who?" aniya habang abala sa pagsusulat.

"You. Are you okay?"

"Y-Yeah. I'm always okay. I need to be okay... for them." Tukoy niya sa ama at kapatid.

"It's good... and I'm happy that you also want to hang out with me."

"You know... you're always there for me... ever since. I should pay back to you. Look, I'm sorry for being arrogant, aggressive and irritable person."

"Nah... don't feel sorry. I'm lucky because I have you... as a bestfriend."

"Me too"

Nagsimulang umayos ang pakikitungo ni Sera kay Ryder at maging sa mga taong nakapaligid sa kanya. Nagtataka man ang karamihan at hindi sanay sa ipinapakita ngunit masaya sila dahil unti-unti nilang nakikilala ang isang Astazia Seraphine. Lalong dumami ang kanyang kaibigan sa eskwelahan ganon din ang mga taong naiinggit dito. At laking pasasalamat niya na nabawasan ang pambubully sa kanya ng mga estudyante di kagaya noon.

Heto ang akala niya...

Hindi niya inaasahan na iiwan rin siya ng kaisa-isang taong kausap at kasama niya.

"Sera..." mahigpit siyang niyakap ni Ryder. "Mamimiss kita" agad na kumalas si Sera sa yakap at taas kilay niya itong tinignan.

"I'm leaving."

"W-What?"

"My parents decided to migrate in U.S. They want me to continue my studies there."

"You will leave also? Iiwan mo rin ako?"

"No... We can talk thru chat... its modern technology anyway."

"NO. I want my bestfriend here!"

"Sera..."

"D-Don't leave please?"

"T-The decision is final. I-I'm sorry."

"So, you finally made your decision... without asking if it's okay with me."

"That's not it..."

"Yes it is! You already chose to leave me rather than stay. Am I really your bestfriend?"

"Yes I am! You're my one and only bestfriend. You know it right?"

"I-I will talk to tita Xarie." Isang hakbang palang ay nagawa na itong pigilan ni Ryder

"You know her, right? Her decisions are really meant for dad. No one can stop her. Even you."

"I-I'm a-afraid to lose s-someone I love." Natawa ito ng bahagya. "When will you leave?"

"Tomorrow morning."

"Fine. Have a safe trip then." Bakas sa kanyang tono ang panlalamig. Iniwan niya si Ryder mag-isa sa clubhouse na madalas nilang tambayan,

Hindi akalain ni Sera na iiwan rin siya ni Ryder. Nang makauwi sa bahay ay dumiretso ito sa kwarto at doon binuhos ang mga luhang kanina pa gustong magbadya. Patuloy lang ito sa paghikbi hanggang sa ito'y makatulog.

Kinabukasan, nakahanda na ang pamilya Smith papuntang airport. Pilit na tinatanaw ni Ryder ang bahay ng mga Hollis ngunit walang Sera na nagpakita sa kanya. Malungkot siyang sumakay sa kotse at walang nagawa kundi pagmasdan ang lugar kung saan siya lumaki at nakagisnan. Paniguradong marami siya mamimiss rito kasama na ang pinakaisa-isa niyang bestfriend.

Mula nang umalis sina Ryder ay nagsimula ring magbago ang buhay ni Sera sa loob ng eskwelahan. Ang mga inaakala niyang kaibigan ay sinisiraan pala siya patalikod at gumagawa pa ng mga istorya dahil para dumami ang mambully sa kanya. Pilit na nagtitiis si Sera sa lahat ng mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya. Isang araw ay mayroong humablot sa kanyang buhok at patuloy na sinaktan ng pisikal.

"Halika dito!" nasasaktan man ay hindi ito pumalag at sinalo lahat ng masasakit na salita maging sa pisikal.

"Ang kapal ng mukha mo! Nagkaroon kayo ng affair ng boyfriend ko?!!!"

"W-Wala a-akong a-alam... sa s-sinasabi mo"

"Wala kang alam?!!! Kalat na ang balita sa buong campus!!! You slept with my boyfriend! Bitch!" naiyak si Sera sa binanggit ng babae. Alam niya sa sariling hindi totoo iyon. Gawa-gawa lamang ng mga "so-called friends" na ubod niyang pinagkatiwalaan ngunit pinagtaksilan siya.

"H-Hindi totoo iyon!"

"Hindi totoo?!!! You want proofs? Hah! Here!" pinakita ng babae ang video at mga pictures na obviously, edited. At mukhang hindi iyon pansin ng babae at ng mga alagad nito.

"Hindi ako yan! Gumagawa lang sila ng paraan para sira---" natigil siya sa pagsasalita nang sipain siya nito dahilan upang tuluyan siyang bumagsak sa lupa

"Prrrrttt!!! Hoy ano yan!" sigaw ng isang security guard na nakabantay malapit sa lugar. Nang matapos ang klase ay nagmamadaling umuwi si Sera ngunit nang makalabas sa campus ay kinaladkad siya ng grupo ng babae at paulit ulit na siyang sinaktan ng mga ito.

Agad na nataranta ang mga babae nang marinig ang sigaw ng guard. Kumaripas ang mga ito ng takbo at iniwan si Sera na duguan at walang malay.

Nang magising si Sera ay nasa ospital na ito. Mayroong pulis na tila nag iimbestiga kausap ang ama habang si Alarick naman ay nakaupo sa silya malapit sa kanyang higaan.

"N-Nasaan ako? K-Kuya..."

"Sera..." nilapitan niya ang kapatid. "Are you okay? Who made this?" umiling siya

"S-Sinet-up nila ako sa kasalanang hindi ko naman g-ginawa."

"Sino?!!! Sabihin mo sa akin! Sino may gawa nito?!!!" maging ang mga pulis ay napatingin sa gawi nila nang mapalakas ang sigaw ng kapatid.

"I-I don't know t-them... but they're my schoolmates."

"What kind of false accusations they accused you?"

"They said I-I... s-slept with someone's b-boyfriend." Hikbi niyang sagot.

"Did you have a history of bullying inside the campus?" tanong ng pulis

Marahan siyang tumango.

"Since when?!! Ha? Sera?!!!"

"Anak, bakit hindi mo sinabi sa amin?"

"Noon... hindi ganito kalala ang sitwasyon ko... Ayos lang sa akin dahil wala naman akong pakialam kung laitin nila ako... Si Ryder madalas ang kasama ko noon kaya hindi nila ako mapagbuhatan ng kamay at nagkaroon ako ng maraming kaibigan ngunit..."

"Simula nang mawala si Ryder sa campus, nagsimula rin akong siraan ng mga itinuring kong kaibigan. I-I thought, maayos na ang lahat..."

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?"

"S-Sorry."

"Uhmm... excuse me po. Good thing na may nakakita sa pangyayari at ayon sa guard na nagdala sayo dito sa ospital, kilala niya ang mga kabataang gumawa sayo niyan... Actually, narito ang mga magulang ng mga bata upang kumustahin ang kalagayan mo." Aniya ng pulis. Agad naming tumanggi sina Morgan at Alarick na makita si Sera at napagdesisyonan na ituloy ang reklamo sa mga bata.

"We need to move somewhere far. Away from this place... para sa ikatatahimik ni Sera." – Morgan

"For her safety also... we need to transfer her to another school, dad."

"Yes. For the meantime... samahan mo muna si Sera dito sa bahay at kakausapin ko ang may-ari ng eskwelahan. They said those teenagers will acquire a punishment. I will request for expulsion."

"Dad! No need to do that besides, we will leave this place and don't come back anymore." Kontra ni Sera sa pasya ng ama.

"I agree with Sera, dad. They already gave them a suspension. It's enough. Don't worry, I will protect her as much as I can. I promise."

"Okay. After I settle the expenses and comply all your documents, we will leave Palawan for good."

"Okay dad."

Dalawang linggo matapos ang insidenteng nangyari ay nagpasya si Morgan na iwan ang kinagisnang lugar at magtungo sa siyudad ng Maynila. Masakit man para sa kanya ngunit ito ang naiisip niyang dahilan upang makapagsimula ng bagong buhay. Nahihirapan mang mag-adjust ay walang nagawa ang magkapatid kundi pagbutihan ang kanilang pag-aaral. Habang tumatagal ay unti-unting nasasanay ang pamilya Hollis sa pamumuhay sa siyudad.

Nang makapagtapos si Alarick sa kolehiyo ay nakahanap agad ito ng magandang trabaho na makakatulong sa kanilang pamilya. Bukod sa pagiging Real Estate Agent nito sa isang kompanya sa Makati, sa ibang araw ay isa siyang Financial Advisor sa isang Insurance Company. Malaking ito dahil siya na ang nagpapaaral kay Sera sa kolehiyo. Si Morgan naman ay nakahanap ng trabaho sa isang construction site. Si Sera ay pumapasok sa isang University malapit sa kanilang tinitirhan. College na siya ngayon, first year college. Business Administration student, kagaya ng kanyang kapatid.

Nakahanap rin siya ng kaibigang maaasahan at mapagkakatiwalaan. Hindi rin siya binubully sa unibersidad, malayong-malayo sa naging buhay niya roon sa Palawan. Dahil don, nakahanap siya ng paraan upang maging mapayapa at masaya muli ang kanilang pamilya. Ngunit hindi maitatangging may kulang dahil wala na ang kaisa-isang taong pinakamamahal nila.

Walang iba, kundi si Aster.

A/N: PLAGIARISM IS PROHIBITED. SORRY FOR GRAMMATICAL ERRORS.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status