Share

Kabanata 4

Ilang beses kong pinagdikit ang mga palad ko at pinagkuskos iyon, Muli akong napatingin sa wall clock na nasa itaas ng black board, 3:15 PM!

Sabi sa akin ni Aivan kanina: Dapat daw ay naroon na ako sa gymnasium ng alas-tres ng hapon. 

Hindi naman naka-attend si Aivan sa klase dahil excuse siya ngayong araw, "Okay, class dismissed." Sabi ng aming Guro na si Ma'am Mandaue.

Paglabas ng aming guro ay tumayo na ako, lumapit naman sa pwesto ko si Lizette. "Ano girl? Tara na? Late na tayo sa practice!" Sabi niya.

Kanina kasi, sinabi ko sa kanya na kung pwede ay samahan niya ako sa practice game nila Aivan.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na kami mula sa classroom.

Dumaan muna kami sa canteen para bumili ng inumin at pagkain ni Aivan, baka kasi wala siyang tubig na dala.

Ewan ko ba, kung bakit habang papalapit kami sa gymnasium ay nakararamdam ako ng kaba. Hindi ko alam, siguro ay dahil alam kong late na ako. Kaya nga lakad-takbo na ang ginagawa namin ni Liz.

Nang makarating kami sa may entrance ng gymnasium ay muli kong narinig ang mga malalakas na sigawan. Tinignan ko ang court at may naglalaro na, pero si Aivan? Hindi ko naman siya makita na naglalaro sa court.

Nasaan kaya ang lalaking iyon?

"Saan tayo pepwesto, Avy? Mukhang puno na kasi ang mga bleachers." Sabi sa akin ni Liz.

Muli kong tinignan ang paligid.

Puno na nga ng mga manunuod ang gymnasium, "Avygail!" Agad akong napatingin sa tumawag sa amin. Si Zach, kaibigan ni Aivan.

Lumapit sa amin si Zach na pawisan, at ramdam na ramdam ko na si Lizette na katabi ko ay malapit ng himatayin dahil alam ko naman na crush niya si Zach, alam ko iyon matagal na. Sinabi niya rin kasi sa akin ang tungkol sa bagay na iyon.

"Kanina ka pa hinihintay ni Aivan! Ang init nga ng ulo, eh!" Sabi niya, "Puntahan mo na, kanina pa nagmumukmok ang lokong iyon."

Si Zach ay matalik na kaibigan ni Aivan, kaibigan ko na rin siya kung tutuusin. Matagal na rin kaming magkakilala, dahil minsan pa nga ay pumupunta siya sa bahay namin para lang makapaglaro sila ni Aivan.

Sumunod kami ni Liz kay Zach na ngayon ay nauuna nang maglakad sa amin, Pagdating namin sa harapan. Agad kong nakita si Aivan na seryosong naka-upo na mukhang masama nga ang lagay.

"Bro!" Tawag ni Zach kay Aivan.

Nang mapatingin si Aivan sa amin, ay tinignan lang niya si Zach pero alam ko naman na nakita na niya ako dahil nasa may likuran lang naman ako ni Zach.

Bakit naman kaya nagbago na naman ang mood ng lalaking iyon?

Umupo na si Liz sa pwesto namin na itinuro ni Zach, habang ako,naman ay lumapit kay Aivan na hanggang ngayon ay seryosong nakatingin sa mga naglalaro na tila badtrip na badtrip.

"Ang tagal mo." Masungit niyang sabi sa akin.

"Ngayon lang kasi natapos ang klase ni Ma'am. Tapos... Binilhan din kita ng tubig at fries..." Sabi ko sa kanya sabay abot ng paper bag na hawak ko sa kanya.

Kinuha niya naman iyon at tinignan ang laman, "Subuan mo ako."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, Napatingin din ako sa mga babaeng nasa likuran lang ng kinape-pwestuhan namin. "Subuan mo na ako." Pagpupumilit niya at tinapik ang katabing upuan niya, "Dito ka umupo sa tabi ko."

Wala na akong nagawa pa kung hindi subuan siya ng fries, "Oo nga pala, bakit hindi ka pa naglalaro?" Tanong ko sa kanya.

"Juniors pa lang ang nagpa-practice. Mayamaya pa kami." Sabi n'ya.

Sa tanang buhay ko ay ngayon lang kami nagka-usap ng ganito. 'Yung walang awayan.

Hindi na ako umimik sa sinabi niya, Wala naman kasi akong masabi. At isa pa, kanina ko pa nagpaparinig ang mga babaeng nasa likuran namin.

"Samahan mo ako mamaya sa mall?" Tanong niya pa sa akin, "Sige na? May bibilhin lang ako."

Tumango ako, at mayamaya lamang ay tinawag na siya ng coach nila.

Tumayo si Aivan at lumapit sa coach nila, may sinasabi ang coach pero hindi ko naman marinig dahil sa ingay.

Matapos kausapin ng coach ang team ni Aivan ay lumapit siya sa akin. May kinuha siya sa bulsa niya at nang makita ko ay cellphone pala at pati wallet niya, "Hawakan mo muna." Sabi niya at umalis na.

Nang maiwanan ako ay saka naman tumabi sa akin si Liz, "Hoy! Nakakaloka! First time yata na hindi ka inaway ni Aivan?!" May halong pagtatakha sa sinabi niya.

"Oo nga eh."

Napatingin ako sa hawak kong cellphone. Ito 'yung cellphone na ibinigay sa akin ni Daddy na kinuha ni Aivan sa akin. Hindi naman din akong nagtangka na buksan ang cellphone at pati wallet.

"Akin na 'yung wallet ko." Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko si Aivan na nasa harapan ko na pala.

Halos wala ako sa sariling ibinigay ang wallet niya, at nakita ko na may tinanggal siyang wallet size na picture, at inilagay niya iyon sa may brief?? Brief niya?? At iyon ang dahilan kung bakit mas lalong nagsigawan ang mga babae sa likuran namin.

Sino naman kaya ang nasa picture at kailangan niya pang itago?

If I know, girlfriend niya lang iyon.

Nang magsimula ang practice game ng seniors ay mas lalong dumagundong ang gymnasium sa ingay. 1st quarter pa lang pero si Aivan ay masiglang-masigla talaga sa paglalaro, at sa tuwing nakakapuntos siya ay kumakaway siya sa mga kababaihan at kinikindatan ang mga iyon.

"Ang gwapo talaga ni Zach!" Ani Lizette na kinikilig-kilig pa sa tabi ko.

Pagkatapos ng first quarter ay tinawag sila ng coach nila. Tinignan ko ang score board, 32 — 30 at ang lamang ay ang team nila Aivan.

Pagkatapos kausapin ni coach ay lumapit sa akin si Aivan, pawis na pawis kaya kinuha ko ang towel sa bag niya at inabot iyon. 'Yung tubig naman na binili ko sa kanya ay iniabot ko din sa kanya.

"Ayos ba?" Tanong niya sa akin at ngumisi.

Halos mapatulala ako sa kanya, hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na hindi na ako inaasar o inaaway ni Aivan ngayon. "O—Oo... Ang galing mo nga, eh.."

Nang magsimula ulit ang game ay tuloy-tuloy na naman ang mga sigawan at tilian, Hanggang sa mag-final quarter na, halos dikit na rin ang laban at apat na puntos lang ang lamang ng team nila Aivan, pero mukhang humahabol ang kalaban kaya hayon at nalamangan na sila Aivan ng isang puntos.

Napapansin ko na rin ang unti-unting pagsimangot ni Aivan, "Hoy! Lamang na ang kalaban! Jusko!" Ani Lizette.

Nananatiling nakatitig lang ako sa mga naglalaro partikular na kay Aivan na ngayon ay seryosong-seryoso sa paglalaro.

10 seconds na lang at hawak ni Aivan ang bola, at nang maka-pwesto ng maayos ay agad niyang ipina-ere ang bola. Nasa kanya na lang nakasalalay ang pagkapanalo ng team nila, kahit na practice game lang naman iyon.

"Gonzales, for three!"

At hayon, sigawan ang mga tao.

Napatingin ako kay Aivan na ngayon ay nagmamayabang sa mga ka-team niya. Nagsisimula namring magsilapitan ang mga babaeng tagahanga ni Aivan, maraming nagpapa-picture sa kanya pero isa lang ang nakapukaw sa aking pansin.

"Hala? Nagbalikan na pala sila?" Ani Liz na nakatitig din sa pwesto nila Aivan at nang babaeng pamilyar sa akin.

Sigurado akong hindi senior ang babaeng kaakbay ni Aivan, dahil nakasuot iyon ng uniform ng pang-college.

"Iba na naman pala ang girlfriend niya?" Sabi ko.

"Ano ka ba! Long time girlfriend niya 'yan si Dana! Hindi mo ba alam? Nag-cool off lang sila dahil nahuli ni Dana si Aivan na may kaakbay na ibang babae.."

Agad kong ibinalik sa loob ng paper bag ang tubig na hawak ko nang makita kong papalapit sa kinaroroonan namin si Aivan na hanggang ngayon ay nakangiti.

"Babe, siya si Avy... Ampon ng Papa ko."

Napayuko at mariing napapikit nang marinig ko ang sinabi niyang iyon, "Ah... Siya pala iyon?? Hi Avy... Ako si Dana." Sabi niya.

Tumingin naman ako sa kamay niyang nakalahad sa harapan ko at inabot iyon, "H—Hello.."

"Akin na 'yung cellphone at wallet ko." Sabi ni Aivan sabay lahat ng kamay niya, nang maibigay ko iyon ay agad rin siyang nagsalita, "H'wag mo na pala akong samahan, kasama ko na ang girlfriend ko, eh." Sabi niya at umalis na sila.

"What?? Ginamit ka lang ba ni Aivan para pagselosin 'yung girlfriend niya?!" Tanong sa akin ni Liz, "Ang gagong Aivan na iyon! Akala ko naman nagbago na!"

"H—Hindi ko alam."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status