Share

Kabanata 5

"Samahan mo na lang ako sa Mall? Maaga pa naman, eh.." Ani Lizette. "Nagpadala kasi yung Tiyahin ko, kaya kailangan kong kunin sa Pera Padala.." Sabi niya habang hinihila ako patungo sa terminal ng jeep.

Pagdating namin sa mall ay nagpasya na muna kami ni Liz na kumain sa KFC. Hindi pa rin kasi kami nagtatanghalian at kanina pa din kumakalam ang sikmura ko dahil sa gutom.

Habang sabay kaming kumakain ni Liz ay may umupong lalaki sa harapan namin, nang makilala ko kung sino iyon ay namilog ang mata ko.

"Oh? Anong ginagawa mo dito?" Mataray na tanong ni Liz kay Zach.

Ngumisi naman si Zach at saka itinuloy ang pagkain niya, "Masama bang maki-upo sa inyo, ha?" Tanong nito.

Hindi ko alam kung bakit parang matagal na silang magkakilala sa isa't-isa. Hindi ko naman kasi napapansin sa school ang pag-uusap nila, o baka hindi ko lang sila nakikita na nag-uusap?

"Saan nga pala ang punta n'yo?" Tanong ni Zach.

Nang mapansin ko na mukhang hindi na sasagot si Lizette sa tanong ni Zach ay ako na ang nagsalita, "May kukunin lang si Liz...." Sagot ko na lang.

Ewan ko, pero simula nang dumating si Zach ay naging tahimik na si Liz. Kaya ngayon; habang naglalakad kami patungo sa Pera Padala ay kaming dalawa lang ang nag-uusap ni Zach.

"Balak ko nga sanang pumunta sa bahay niyo ngayong sabado, kaya lang sabi sa akin ni Aivan.... H'wag na daw ako pumunta, ewan ko ba don sa lalaking iyon at parang ayaw na akong papuntahin sa bahay niyo." Sabi niya.

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa Pera Padala. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay kasama pa namin si Zach.

"Pwede ka namang pumunta sa bahay dahil kilala ka naman nila Tita at Daddy, matagal na..." Sabi ko ng ngunit nang may maisip ay agad ko rin siyang tinanong, "Wala ka bang pupuntahan? Mukha kasing ayaw kang kasama ni Liz." Sabi ko sa kanya.

Napatawa naman siya, "Ganyan lang iyan, pero pag kaming dalawa lang. Gustong-gusto nga niya akong maka-usap at makatabi." Sabi pa niya.

Hindi na ako naka-react pa sa sinabi niya.

"Avy, hintayin mo na lang ako dito ah? Saglit lang ako." Sabi ni Liz sa akin nang makarating kami sa tapat ng Pera Padala.

Naiwan naman kaming dalawa ni Zach. Hindi naman na ako nakaramdam ng kahit na anong pagkailang sa kanya, matagal na rin naman kasi kaming magkakilala. Kinder pa nga lang yata ay magkakilala na kami lalo na nang magkakilala sila ni Aivan noong magtransfer si Aivan sa school namin, dahil madalas siyang pumunta sa bahay para maglaro... Magkaibigan na magkaibigan naman kasi talaga ang dalawang iyon.

Minsan pa nga ay naiinis na ako kay Zach dahil pati siya ay inaasar ako, lalo na sa tuwing magkasama sila ni Aivan.. Nakakainis naman kasi ang lalaking iyon dahil siya ang nagpapasimuno sa mga kalokohan, kaya pati si Zach ay nadadamay.

Habang nag-uusap kami ni Zach ay hindi ko na namalayan na naka-akbay pala siya sa balikat ko, "Sasama ka sa fieldtrip, Avy?" Tanong niya.

Sasagot na sana ako nang makarinig ako ng tikhim malapit sa amin, at nang mapadako ang tingin ko sa gilid ko ay nakita ko si Aivan na malalim ang mga matang nakatitig sa akin.

"Pre! Nandiyan ka pala?!" Ani Zach habang hangang ngayon ay naka-akbay sa akin.

Hindi naman sumagot si Aivan, sa halip ay lumapit pa siyang lalo sa amin habang nakatitig pa rin sa akin, napayuko tuloy ako at dahan-dahang lumayo kay Zach.

"Kasama ko nga pala si Avygail ngayon, Pre.. Kasama niya kasi si Liz, eh... Kaya sinamahan ko na sila." Sabi ni Zach.

Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Aivan. "Nakita ko nga."

Napakagat pa ako sa ibabang labi ko, Nang itaas ko ang aking paningin ay nakita ko na naman si Aivan na ngayon ay may namumula ng mata, kaya muli akong napayuko at napahinga ng malalim.

"Oh.. Mukhang bad mood ka ah? Nasaan nga pala 'yung girlfriend mo?" Rinig kong tanong ni Zach kay Aivan.

"Umuwi na."

Umuwi na? Bakit umuwi na? Ang aga namang umuwi ng girlfriend niya.

"Ah... Mukha kasing badtrip ka, eh." Ani Zach, at pagkatapos ay tumingin naman siya sa akin. "Avy... Sundan ko lang si Liz sa loob ah? Tagal eh, baka kung ano nang nangyari sa kanya."

Tumango naman ako, "Okay."

Pagpasok ni Zach sa Pera Padala ay agad kong naramdaman ang kamay ni Aivan na humila sa kamay ko, palayo sa lugar kung nasaan kami.

"N—Nasasaktan ako..." Sabi ko ngunit hindi naman siya nakinig sa sinabi ko.

Hanggang sa makarating kami sa CR for PWD's, pumasok kaming dalawa doon at ini-lock niya ang pintuan.

Nakaramdam ako ng kaba dahil nakita ko ang mga mata niyang matatalim na nakatitig sa akin. 

Pabagsak niyang binitawan ang kamay ko, "Sabihin mo sa akin ang totoo. Nililigawan ka ba ng gagong Zach na iyon?!" Galit na tanong niya sa akin.

"H—Hindi." Sagot ko.

Hinawakan n'ya ang balikat ko kung saan humawak si Zach kanina, "Eh bakit akbay-akbay ka niya dito?! Ha?!"

Mabilis akong umiling-iling. "H—Hindi naman niya siguro sinasadya iyon... H—Hindi ko din naman kasi namalayan na——" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil mariin niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "A—Aray ko... N—Nasasaktan ako." Sabi ko at kasabay no'n ang pagbagsak ng luha ko.

"H'wag na H'wag ko lang na malalamang may boyfriend ka na, Avy. Malilintikan ka sa akin." Pagbabanta niya habang mariin niyang pisil ang magkabilang pisngi ko, "Katulad ka din ng Nanay mo! Parehas kayong pokpok! Malandi kayong dalawa! Dapat sa'yo pinapalayas sa bahay, eh!"

Sa puntong iyon ay hindi ko na nakayanan pa ang mga sinasabi niya kaya awtomatikong puma-ere ang palad ko at nasampal siya.

"B—Bakit ba lagi mong pinagsususpetsahan lahat ng mga lalaking nakakasama ko? Hindi naman talaga sila nanliligaw sa akin, eh! Wala nang nagtatangka dahil sa'yo 'di ba? Dahil pinagbantaan mo lahat ng schoolmate natin sa school!" Sabi ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko, "At kung ano man ang naging kasalanan ng Mama ko sa'yo. Hindi ko na alam iyon! Wala akong alam sa lahat ng nagawa n'ya. Hindi ko alam kung bakit lagi mo akong inihahalintulad kay Mama! Wala akong alam sa kung anong ginawa niya, at kung gusto mo na mapalayas ako sa bahay niyo. Ako na mismo ang gagawa ng paraan para maka-alis sa inyo, dahil hindi ko na makaya lahat ng mga pinaggagawa at pinagsasasabi mo sa akin!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status