Share

Kabanata 6

Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko at ini-lock ang pintuan. Habang ibinababa ko pa nga ang nga gamit ko sa kama ay siyang tuloy-tuloy na pagbagsak naman ng mga luha ko.

Lagi nalang akong mali sa kanya! Wala naman talaga akong ginagawang tama sa kanya! Lagi niyang iniisip na isa akong malanding babae na tulad ng Nanay ko — na kahit kailan ay hindi ko pa man din nakikita.

Ilang minuto pa ay tumayo ako at saka nagtungo sa harapan ng salamin. Tinignan ko ang braso ko na ngayon ay medyo namumula na at tiyak ako na mamaya-maya lamang ay magkakaroon na rin ako ng mga pasa.

Kanina kasi — habang kinakaladkad ako ni Aivan patungo sa CR for PWD's ay mahigpit niyang hawak-hawak ang braso ko, sobrang sakit. Kahit nagrereklamo na nga ako sa kanya ay tuloy pa rin siya.

Masakit rin ang magkabilang pisngi ko dahil sa mahigpit na pagkakapisil niya kanina.

Hindi naman na ako dapat na magulat pa sa ginawa ni Aivan sa akin. Kung tutuusin ay maraming beses nang naulit ang senaryong iyon sa aming dalawa. Ilang beses na rin niya akong sinasaktan, at hindi pa nga 'yon ang pinakamalala.

Naalala ko noong bakasyon, outing namin sa Zambales. Buong pamilya kami, Gabi noon at si Daddy, Tita Cassandra at Allen ay pumunta muna sa beach habang ako naman ay nagpahinga muna sa kwarto ko, pero si Aivan... Hindi ko inakala na magdadala siya ng babae sa kwarto ko — mismo.

Hindi ko maiwasang magalit sa kanya noon dahil may kwarto naman siyang sarili pero nagulat na lamang ako nang halikan niya 'yung babaeng kasama niya. 15 years old na kami no'n at sa mukha ng babaeng kasama niya sa tingin ko naman ay nasa mahigit 20's na ang babaeng kasama niya.

Nababastusan ako sa ginagawa nila kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at nasabunutan ko ang babae palabas ng kwarto ko. Galit na galit ako sa kanilang dalawa, pinalabas ko sila sa kwarto ko dahil gusto kong makapagpahinga noon dahil masama ang pakiramdam ko.

Akala ko nga ay titigilan na ako ni Aivan, pero noong ilang minuto pa lamang ako sa pagkakahiga ay biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Aivan na may nanlilisik na mga mata, may spare key pala siya ng kwarto.

"Tang ina! Pinahiya mo ako sa girlfriend ko!" Sigaw niya sa akin.

Napalunok ako non sa kaba, "K—Kasi naman, dapat hindi kayo dito sa kwarto ko.." Sagot ko.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon dahil iyon ang unang beses na sinapak niya ako. Literal na sapak, kaya putok ang labi ko. Iyak ako ng iyak non, Kinagabihan nga ay tinanong ako nila Tita at Daddy kung anong nangyari sa akin, hindi ko na nga sinabi ang totoo sa kanila dahil ayoko namang magkagulo pa.

Iyon ang unang beses na sinaktan ako ni Aivan.

Sa kakaisip ko at sa kakabalik-tanaw ng mga nangyari sa akin noon ay hindi ko na namalayan pa ang sarili ko at nakatulog na ako sa sarili kong kama.

Naalimpungatan na lamang ako nang may marinig akong sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Avy! Avy!" Boses iyon ni Yaya.

Naghikab pa ako at napatingin sa bedside clock ko, 11:37 PM! Gabi na pala! Parang kanina lang ay hapon pa. Hindi na rin pala ako nakakain pa ng hapunan kaya kumakalam na ang sikmura ko ngayon.

"Avy! Gumising ka na muna! Buksan mo muna ang pintuan mo!" Si Yaya pa rin.

Napapakamot pa ako sa ulo ko habang naglalakad patungo sa may pintuan.

Pagbukas ko ay sumalubong sa akin si Yaya na pawisan at tila balisa, "Ano po 'yun, Yaya?" Tanong ko sa kanya.

"Ay Jusko Avygail!" Tila kinakabahang sabi niya sabay yapos sa akin, "Si Zach! Tumawag sa akin! Si Aivan daw ay nagpupumilit pumasok sa isang club sa The Fort! Lasing na lasing na! Jusko! Eh kanina ko pa tinatawagan sila Sir pero mukhang busy yata kaya hindi nila masagot ang tawag ko!"

Napahawak ako ng mariin sa noo ko nang marinig ko ang sinabi ni Yaya.

Hindi naman talaga pwedeng pumasok si Aivan sa isang club dahil wala pa siya sa legal age.

Ano naman kayang nakain non at balak pa yatang pumasok sa ganoong lugar?

Napahinto na lamang ako sa pag-iisip nang tumunong ang cellphone ni Yaya, "Avygail, ito si Zach! Tumatawag na naman!" Nag-aatubiling sabi niya.

Kinuha ko ang cellphone, "Hello? Manang? Si Aivan kasi ayaw magpaawat..." Boses iyon ni Zach.

"Si Avygail 'to." Sagot ko, "Pupunta na lang ako diyan, paki-send na lang dito sa cellphone ni Yaya kung saan ang address." Sabi ko.

Binalingan ko naman ng tingin si Yaya, "Yaya.. Pwede ko ho bang mahiram ang cellphone niyo?" Tanong ko sa kanya. "Nasira ho kasi 'yung cellphone ko.... Gagamitin ko lang sana pangtawag kay Zach, pupuntahan ko po kasi ang lugar kung nasaan si Aivan." Sabi ko pa.

"Oo.. Basta't mag-iingat ka."

Bumaba na kami at nakita ko naman si Kuya Ryan na nagsisigarilyo sa may hardin habang tila may ka-text sa cellphone.

"Kuya Ryan... Pahatid po sana ako." Sabi ko sa kanya.

"Oo naman." Sagot niya.

Sumakay na ako sa sasakyan at bago pa mabuksan ni Yaya ang gate ay may natanggap na akong text na galing kay Zach.

From: 092680000000

The Palace, BGC Taguig. — Zach

'Yon lang yung nabasa ko sa text kaya, sinabi ko na kaagad kay Kuya Ryan.

Dahil gabi naman at wala namang traffic ay nakarating rin naman kami kaagad at pagbaba ko pa lamang ng sadakyan ay natatanaw ko na si Aivan na kinakausap na mga bouncer. Mukhang kanina pa nga nagpuoumilit ang isang iyon.

Papalapit ako ng papalapit sa kinaroroonan nila at naririnig ko naman ang boses ni Aivan.

"Sinabi nang ako si Gonzales, Aivan! Anak ni Blake Gonzales na may ari ng Gmalls! Paulit-ulit ba tayo? Ha?!" Sabi ni Aivan sa dalawang bouncer na kaharap niya.

"Sir, pasensya na po talaga. Hindi po pwede ang underage dito."

Noong makita ako ni Zach ay agad siyang lumapit sa akin, "Avy. Mabuti at dumating ka na. Kanina ay nasa grills kami, nagkayayaan lang kaming dalawa na uminom pero hindi ko naman inaakala na maglalasing talaga siya ng sobra, nagpumilit siyang pumunta dito. Nagsuntukan pa nga kami kanina ng gagong iyan!" Sabi ni Zach.

Nakita ko naman ang galos sa may gilid ng labi ni Zach, mukhang nagkaroon nga ng sakitan sa pagitan nilang dalawa, pero alam ko na magbabati rin naman sila. Ilang beses na rin naman kasi silang nag-aaway pero mabilis rin naman silang magbati.

"Ikaw na lang siguro ang makakapagpatigil diyan. Kanina kasi ay ikaw ang bukangbibig niyan ni Aivan." Sabi ni Zach sa akin na ikinagulat ko, "Galit na galit siya sa'yo pero, alam kong makikinig din naman sa'yo yan."

Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya, sa halip ay naglakad na ako palapit kay Aivan na ngayon ay lasing na lasing na.

"Aivan...."

Bahagya akong napayuko nang tumingin sa akin si Aivan. "Anong ginagawa mo dito ha? Bakit ka nandito? Maghahanap ka na naman ng lalaki mo?"

Napa-awang ang labi ko pero hindi ko na ipinahalata pa iyon, "Pumunta ako dito para sunduin ka. Lasing ka na, at kailangan mo nang magpahinga." Sabi ko.

Si Kuya Ryan naman na nasa likod ko ang pilit na umaalalay kay Aivan, "Sir... Umuwi na po kayo... Hindi po matutuwa sina Ma'am at Sir kapag nalaman nila ang ginawa mo."

Nang muli kong balingan ng tingin si Aivan ay nanlaki pa ang mata ko dahil nakita ko ang kanyang pagngiti habang nakatitig sa akin pero saglit lamang iyon

"Samahan mo ako..." Aniya na tila nagtatampo, "Naiihi kasi ako, nahihilo... Hindi ko yata mabubuksan ang zipper ng pantalon ko."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

Tinignan ko si Zach para sana humingi ng tulong pero nakita kong mas nauna pa siyang sumakay sa sasakyan namin, mukhang sa amin pa siya sasabay pauwi.

"Shige na, uy!" Sabi niya, ngunit naalarma ako nang makita kong hindi na maganda ang tipo ng paglalakad niya, halata na kasi sa postura niya ang labis na kalasingan.

Hinawakan niya ang kamay ko at idinantay sa balikat niya, "Tara na, shamahan mo muna ako sa CR..."

Hindi ko alam, pero parang naging awtomatiko ang sarili kong nagsunod-sunuran sa kanya. Nakaka-awa naman kasi ang lagay niya, Lasing na lasing at sa puntong ito: Kapag iniwanan namin siya ay tiyak akong hindi siya makakauwi sa bahay ng may maayos na anyo.

Hanggang sa makarating kami sa CR ay tawa ng tawa si Aivan.. Mukhang ngayon lang mas lalong ume-epekto ang alak sa sarili niya.

Ganito pala siya malasing?

Nagke-kwento pero hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi niya.

Nagpaiwan na lang ako sa labas ng CR pero si Aivan ay nagmumukmok naman. "Huy! Tara! Walang mga tao sa loob.." Sabi niya sabay hila sa akin papasok sa CR for men.

Mariin akong napapapikit at pilit na humiwalay sa pagkakahawak niya. Tinignan ko siya at nakita kong tumapat siya sa isang cubicle, at nanatiling nakatigil.

"Sige na. Hintayin na lang kita dito." Sabi ko sa kanya.

Pero mukhang hindi niya ako pinapakinggan dahil nananatili siyang nakatigil, "Avygail... Ihing-ihi na ako.." Sabi niya sabay lingon sa akin. "Buksan mo na ang zipper ko.." Sabi niya sabay nguso.

Napahinga na lamang ako ng malalim at saka mabilis na naglakad palabas.

Ano akala n'ya sa akin? Uto-uto?! Never! Lasing lang siya kaya niya nagagawang magpa-cute nang ganoon pero sigurado ako na kapag hindi siya nakainom ay mas mabangis pa siya sa tigre.

Akala ba niyang nakalimutan ko lahat ng sinabi niya sa akin kanina? Hindi noh! Sa sobrang sakit nga ng mga iyon, sa tingin ko ay hindi ko na makakalimutan pa ang lahat ng iyon.

Pagbukas ko ng pinto ng CR ay may sumalubong sa aking magandang babae. As in, magandang-maganda. "Hello? Nandiyan ba si Marcus?"

Nang makompirma ko kung sino ang babaeng kaharap ko ay bahagya pang napa-awang ang labi ko.

"Ah.. Oo." Sagot ko kay Dana.

Si Dana ay ang babaeng nakilala ko sa practice game ni Aivan sa school. Ang ganda pala talaga ng girlfriend niya.

"Sige, pasok muna ako. Kakausapin ko lang ang lokong iyon, inaway kasi ako kanina." Sabi niya, at tumango naman ako bilang sagot.

Ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin lumalabas ang dalawa mula sa comfort room, kaya nagpasya ako na pumunta muna sa may sasakyan namin pero bago pa ako tuluyang umalis ay narinig ko na ang boses ni Dana.

"Sana naman, 'wag ka nang magtampo sa akin..." Rinig kong sabi ni Dana kay Aivan na ngayon ay naka-akbay sa kanya, "Sorry na babe..."

Nang lumingon ako sa kanila ay namilog pa ang mata ko sa aking nasaksihan. Naghahalikan kasi silang dalawa.

'Yon lang ang naabutan ko dahil mabilis na akong pumunta sa sasakyan, wala naman kasi akong intensyon na alamin o panuorin ang ginagawa ng dalawa. Siguro kaya nagwawala at nangungulit si Aivan kanina ay dahil sa problema nilang mag-girlfriend at boyfriend.

Malay ko ba sa problema nila?

"Okay na si Aivan?" Tanong sa akin ni Zach na ngayon ay katabi ko sa back seat.

Sasagot na sana ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko, "Anong nangyari dito?" Sabi niya sabay turo sa mga pasa ko.

Napalunok ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Ahm..." Mariin pa akong napapikit bago ako muling magsalita, "Wala 'yan, hindi ko nga alam kung bakit—" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil nagulat ako sa nasaksihan ko!

Sinuntok kasi ni Aivan si Zach!

"Pare! Tinatalo mo ba ang kapatid ko ha?!" Galit na sabi ni Aivan kay Zach, "'Wag na 'wag kang magkakamaling ligawan ang kapatid ko, akin lang 'yan!" Anas niya sabay suntok muli kay Zach na hindi naman naka-bwelo dahil patalikod na sinuntok ni Aivan si Zach.

Ano raw?

Kapatid? Kailan pa ako naging kapatid ni Aivan?

"Alis nga diyan!" Sabi ni Aivan kay Zach, "Don ka sa tabi ni Kuya Ryan!"

Natingin pa ako sa likuran ni Aivan, tinitingnan ko kung hanggang ngayon ay kasama pa niya si Dana pero mukhang wala na ang babae.

Umalis naman si Zach na ngayon ay nadagdagan pa ang bangas sa mukha. Nakasimangot siya na pumunta sa pwesto niya, "Pasalamat ka, nakainom ka. Naiintindihan pa kita." Sabi ni Zach.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at dinama ang lamig ng aircon. Ilang saglit pa ay may naramdaman na akong braso na nakadantay sa balikat ko. Paglingon ko kung sino iyon ay hindi na ako nagulat pa.

"Hindi mo na ako sinamahan kanina..." Pabulong na sabi niya sa akin na tila nagtatampo.

Napakurap-kurap pa ako ng ilang beses.

Naramdaman ko rin na hinaplos niya ang ilang mga pasa ko sa braso ko, "Gagamutin ko na lang sa bahay ito."

Agad naman akong umiling at inialis ang kamay niya sa akin, "H'wag na.. Kaya ko naman ang sarili ko."

Bakit pa niya gagamutin ang mga sugat ko? Eh gusto nga niya na lagi akong nasasaktan.

"Nagsumbong ka na naman ba kila Papa?" Tanong ni Aivan.

Umiling ako, "Hindi naman ako palasumbong." Sabi ko.

Hindi ko na siya pinansin pa sa tabi ko. Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang bigla akong may maalala kaya tinapik ko si Zach na nasa may harapan. "Zach, oo nga pala... Sasama na ako kay Liz, nasabihan ko na siya."

"Ahh talaga? Magkano ang renta ng bahay?" Tanong niya.

"3,000 pero kakausapin ko pa—"

"Aalis ka na?" Singit ni Aivan sa usapan.

Nang lingunin ko siya sa tabi ko ay parang nawala ang kalasingan sa mukha niya, "Aalis ka na?" Ulit pa niya.

Tumango na lang ako bilang sagot.

Katunayan ay hindi pa naman ako siguradong makaka-alis, dahil kailangan ko pang kausapin sila Tita at Daddy, na kung sana ay mapayagan nila ako na maging independent.

Alam kong malaki ang utang na loob ko sa kanila, marami nang nagawa sa akin sila Tita at Daddy kaya sa isip ko ay sobra-sobra na talaga ang lahat ng naitulong nila sa akin.

Isa pa, gusto ko na rin talagang maka-alis sa bahay dahil kay Aivan na halos araw-araw akong pinahihirapan sa bahay.

Pagkatapos non ay hindi ko na narinig pa si Aivan, nang balingan ko kasi siya ay nakatingin na siya sa labas at tila mayroong malalim na iniisip.

Nauna naming ihatid si Zach na malapit lang sa bahay namin, Pagdating namin sa bahay ay hindi ko na nagawang alalayan pa si Aivan dahil nauna pa akong bumaba sa kanya.

Balak ko sanang kausapin si Daddy at Tita ngunit nang makita nila kami na pababa ng sasakyan ay agad na lumapit si Daddy kay Aivan at saka sinapak si Aivan. "Gago ka talaga! Sobrang sakit mo na sa ulo!" Hinila ni Daddy ang kwelyo ni Aivan, "Humanda ka na, tumawag sa akin ang Lola mo. Pumayag na siya na sa Amerika ka na mag-aral at sa kanila ka tumira."

Napa-awang ang labi ko sa aking narinig.

Tama ba ako sa naririnig ko?

"Sa linggo na ang alis mo patungong Amerika. Doon ka na mag-aaral Aivan, pasakit ka lang dito, eh. Puro kalokohan lang ang ginagawa mo dito!"

"Blake—Tama na... Umiiyak na ang anak mo." Awat ni Tita Cassandra.

Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang reaksyon ni Aivan. Nakayuko siya pero alam kong umiiyak siya dahil sa pag-alog ng balikat niya.

"Hindi ako aalis dito kung hindi ko kasama si Avygail.."

Halos mamilog ng tuluyan ang mata ko sa narinig ko? Totoo bang tama ang lahat ng naririnig ko? Bakit pati imposibleng sabihin ni Aivan ay naririnig ko?

"Akala mo ba hindi namin alam lahat ng ginagawa mo kay Avy? Sinasaktan mo siya at araw-araw mong pinapaiyak! Ngayon ko lang din nakita ang mga files sa laptop mo! Kaya hinding-hindi ako papayag na isasama mo si Avygail!" Sigaw ni Daddy kay Aivan at pagkatapos ay sa akin naman tumingin, "Sumunod ka sa akin, Avy. Mag-usap tayo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status