Share

Kabanata 8

Magsasalita pa sana ako pero dahil narinig namin ang tunog ng katok mula sa pintuan ay napatigil kaming dalawa. Parehas kaming napatingin sa pinto.

"Avy?" Boses iyon ni Daddy!

Nagpalitan kami ng tingin ni Aivan na ngayon ay paulit-ulit na napapalunok.

"Avy?! Nandiyan ka ba? Si Aivan ay wala sa kwarto niya." Si Daddy ulit iyon, "Yaya Marina, Kunin mo ang spare key ng kwarto ni Avy!"

Agad kong binalingan si Aivan nang tingin, nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa kanya. Tumayo ako at agad na tinignan ang ilalim ng kama ko, nang masigurado kong walang laman iyon ay agad kong itinuro iyon kay Aivan.

"Dito ka sa ilalim.." Kinakabahang sabi ko sa kanya.

Mabilis rin naman niyang isinunod iyon, pumailalim siya sa kama habang ako naman ay bumalik sa pagkakahiga at nagpanggap na lamang na tulog.

Ipinikit ko ang mata ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto, "Avy?"

Pinilit kong magpanggap na tulog pero habang ginagawa ko iyon ay sobra ang kabang nararamdaman ko, dahil paano nalang kaya kung makita ni Daddy si Aivan sa ilalim ng kama ko? Tiyak na pagagalitan rin ako.

"Eh tulog naman pala si Avy, Sir..." Rinig kong sabi ni Yaya, "Si Aivan lang pala ang wala.... Naku! Ang batang iyon, saan naman kaya pumunta."

"Huwag na nating istorbohin si Avy dahil mukhang mahimbing naman ang pagkakatulog niya." Sabi ni Daddy.

Paglabas nila ng kwarto, sinigurado ko muna na wala na talaga sila bago ako tumayo mula sa pagkakahiga at tinignan si Aivan na ngayon ay tahimik na nakatago sa ilalim ng kama ko.

Paglabas niya mula sa kinatataguan ay napaupo siya sa kama ko, kinuha niya ang kumot ko at ipinunas iyon sa pawis niya.

Napailing na lamang ako sa ginawa niya.

Pagkatapos niyang magpunas ng pawis ay binalingan niya ako ng tingin na may tila pagpapaawa pa ang mukha niya, "Hindi ka ba talaga sasama sa akin? May pera naman ako, eh. Mag-aaral ka pa rin naman, lalayo lang tayo dito."

Agad akong umiling bilang sagot.

Pansin ko ang pagbagsak ng balikat niya sa pag-iling ko, "Okay sige.... Ganito na lang." Sabi niya at inihila ang kamay ko paupo sa tabi niya.

Napalunok ako sa ginawa niya, para bang awtomatiko akong naging sunud-sunuran sa ginawa niya. Nananatili pa ring nakahawak ang kamay niya sa kamay ko hanggang sa muli siya magsalita.

"Ano?" Tanong ko sa kanya.

Napalabi siya bago magsimula, para bang nahihiya siya na ewan... Siguro dahil mukhang napiilitan lang siya — Hindi ko alam. "I—Ito na lang kasi ang naiisip ko para manatili dito."

"Ano?" Tanong kong muli sa kanya.

Napakamot naman siya sa batok niya at napakagat sa labi, "Bubuntisin kita, Kapalit non ay——" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya dahil biglang may lumanding na kamao sa mukha ni Aivan.

Sobra ang gulat ko nang makita ko si Daddy na ngayon ay galit na galit na nasa harapan namin. "Gago ka talaga! Alam mo ba kung ano 'yang pinagsasasabi mo ha?! Hindi mo na naisip!"

Lumapit ako kay Daddy at inawat siya, "T—Tama na po...."

Tila nahimasmasan naman si Daddy sa ginawa niya kay Aivan. "Yaya, ihatid mo si Avy sa kwarto namin ni Cassandra." Sabi ni Daddy kay Yaya sabay baling ng tingin sa akin, "Avy... Sa kwarto ka namin matulog."

Tumango ako, "Opo."

Hindi ko na nagawang tingnan pa si Aivan. Naglakad na ako pero bago pa kami makalabas ni Yaya ay muling nagsalita si Daddy.

"Yaya, pagkatapos mong ihatid si Avy... Puntahan mo si Ryan, sabihin mo ay ihanda na ang sasakyan at ihahatid na namin si Aivan sa airport."

Sa puntong iyon ay tuluyan na akong napatingin kay Aivan na umiiyak na pala, nakatingin pala siya sa akin habang panay sa pagtulo ang luha niya. "Aivan, may kasama ka naman patungong Amerika, H'wag na 'wag kong susubukan na takasan ang ipapasama ko sa'yo."

Hindi na ako naka-imik pa hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng kwarto, Ewan ko ba... pero parang nag-iba ang pakiramdam ko noong narinig ko na ngayong araw na pala aalis si Aivan... mukha napa-aga. 

"AVY!! Nakatulala ka na naman diyan?!"

Napa-ayos ako ng upo nang marinig ko ang boses ni Lizette. Katabi ko siya ngayon sa canteen ng aming paaralan, "Siguro tumawag na naman sa'yo 'yang Tita Emilyn mo noh? Nagwawala na naman si Aivan?"

Napabuntong-hinga ako kasabay ng aking pagtango, "Ewan ko ba kung paano nalaman ni Aivan na nililigawan ako ni Daniel... Kaya hayon at tumawag sa akin si Tita Emilyn kanina, sabi niya sa akin ay galit na galit daw si Aivan, binasag pa nga raw 'yung flat screen television sa bahay nila.."

Apat na taon na ang nakalilipas nang huli kaming magkita ni Aivan, natuloy kasi siya sa Amerika, pero sa apat na taong nagdaan ay walang araw na hindi pa rin ako niririndi o ginugulo ni Aivan.

Pinayagan kasi ni Daddy si Aivan na pwede naman akong kausapin ni Aivan, kaya hayon at tinatawagan niya ako araw-araw. Hindi ko nga siya maintindihan kung bakit sa araw-araw na pag-uusap namin ay araw-araw rin niya akong minamandohan na tila siya ang boss ko.

Naalala ko tuloy, noong 18th birthday ko na ginanap sa isang hotel sa Pasay. Oo masaya pero hindi kumpleto ang birthday ko dahil kay Aivan... Nang malaman kasi ni Aivan magkakaroon ako ng escort sa debut ko ay naglayas si Aivan sa bahay nila sa Amerika, dalawang araw siyang hindi umuwi. Hindi rin niya ako tinatawagan, kaya hayon napag-usapan namin nila Mama Cassie at Daddy na hindi na lang ako magkakaroon ng escort, Hindi tuloy 18 roses ang naganap kung hindi 17 roses lang dahil 'yung isa na last dance ko dapat ay naka-reserve para kay Aivan.

Bwisit! Kaya noong araw na birthday ko, mukha akong baliw na kasayaw 'yung iPad. Tumawag kasi si Aivan sa facetime, isa pa sa ikinabi-bwisit ko dahil habang kasayaw ko 'yung iPad ay nakabusangot pa rin ang mukha niya sa screen!

Bumalik din sa isipan ko last year, tumawag sa akin si Aivan habang nasa kalagitnaan ako ng klase ko. Eh di, syempre ay hindi ko sinagot. pero pag-uwi ko sa bahay, sabi sa akin ni Mama Cassandra ay binasag daw ni Aivan ang iPhone 13 niya. Nakakaloka lang di ba?

At mayroon pang pinakamalupet sa lahat, last month lang ito nangyari. Birthday party ng kapatid ni Daddy na si Tito Allan, May asawa si Tito Allan, sobrang bait nga, eh. Si Tita Mirabella, may anak na rin silang apat na taong gulang.

Nasa may pool ako non nang tawagin ako ni Tito Allan selfie lang daw kami, in-upload niya iyon sa facebook at naka-tag ako.

Pero kinagabihan, pag-uwi namin sa bahay—pagbukas ko ng messenger ko ay pangalan kaagad ni Aivan ang nabasa ko sa screen ng cellphone ko, at wala siyang ibang isinend sa akin kung hindi puro mura, puro bad words. Galit na galit siya! Minura niya ako ng walang dahilan.

Kinagabihan din noong araw na iyon nang may tumawag kay Daddy, Si Tito Allan daw! At ang sabi pa ay tumawag daw si Aivan sa asawa ni Tito Allan na si Tita Mirabella at ang sabi ay nililigawan daw ako ni Tito Allan! Diyos ko! Sobra ang gulat ko noong malaman ko 'yon, Wala akong kaalam-alam sa ibinibintang ni Aivan... Kaya hayon at nag-away si Tito Allan at Tita Mirabella pero nang maliwanagan si Tita Mirabella ay nagbati rin naman sila at nagsorry naman sa akin si Tita Mirabella at Tito Allan, nag-sorry din namn ako.

Galit na galit ako kay Aivan noon— Selfie lang with Tito Allan pati iyon ay pinapakialamanan niya!

May naalala din ako—Concert ni Justin Bieber dito sa pilipinas at nagkaroon ako ng meet and greet passes, syempre dahil crush na crush ko si Justin, tuwang-tuwa ako nang hinalikan niya ako sa pisngi habang nakikipag-selfie ako sa kanya, Ang ganda ng picture namin! Mukha kaming mag-jowa! My gosh!

In-upload ko 'yong picture namin sa facebook at syempre ay ini-hide ko na kay Aivan ang post kong iyon dahil tiyak ako na kapag nakita ni Aivan ang picture ko with Justin ay magwawala na naman ang lokong iyon.

Pero what the hell? Pag-upload na pag-upload ko ng picture ko with Justin ay may nag-comment naviA 'BhoSxcz Pogi' selaznoG, oo nga pala! Nakalimutan ko na may 2nd account si Aivan at friend din kami! Tanga ko, bwiset!

Hindi niya ako tinantanan noon, sabi niya sa akin ay kailangan ko daw ipakita sa kanya ang pagkuskos ko ng towel sa parte kung saan ako hinalikan ni Justin, at ako naman si uto-uto ay gumawa nga ng video habang pinupunasan ko ang pisngi ko at isinend sa kanya.

Hindi lang iyon, dahil nabalitaan ko kay Tita Emelyn na sumali si Aivan sa isang patimpalak sa school nila at ang kinanta pa talaga ni Aivan ay ang kanta ni Justin na 'Baby' at nang i-send sa akin ni Tita Emelyn ang video ni Aivan ay hagalpak ang tawa ko dahil pumipiyok-piyok pa siya at feeling Justin nga ang loko! Hayyyy! Talagang hindi siya magpapatalo.

Marami pang nangyari na sobrang nakakainis. Hindi ko alam kung talaga bang may problema na sa pag-iisip ang lokong Aivan na 'yon.

"Ano ba, Avy?! Nakakinis ka na! Kanina pa ako nagke-kwento, hindi ka naman pala nakikinig."

Agad akong napabalik sa pag-iisip ko nang hampasin ako ni Lizette. "Ano ba?! Kamusta na kayo ni Daniel? Alam mo bang kinikilig ako? Gaga ka! Nakabingwit ka pa ng artista! Paano nangyaring niligawan ka ng isang Daniel Padilla?!"

Napatikhim ako. "Ewan ko sa'yo Liz."

Dalawang linggo na kasi akong nililigawan ni Daniel Padilla, araw-araw niya hinahatid-sundo dito sa school ko. Talagang grabeng pagsisikreto nga ang ginawa ko para lang hindi malaman ni Aivan pero hindi ko alam kung anong mayroong powers si Auvan at pati ang panliligaw sa akin ni Daniel ay nalaman niya!

"So... anong nangyari kay Aivan? Kwento mo dali.."

Napalabi naman ako, "'Yon nga, tumawag sa akin si Tita Emelyn, sabi niya ay binasag daw ni Aivan ang television nila doon nang makita ni Aivan na nanonood sa TFC si Tita at nakita ang mukha ni Daniel."

Napatawa naman si Liz, "Gaga ka kasi! Bakit ba ang haba-haba ng hair mo?! Biruin mo, ha?! Jackpot ka girl! Daniel Padilla at isang Aivan Gonzales?! Emerghed, bes! Kung pwede lang kitang ipakulam gagawin ko na, charot!"

Napa-iling na lamang ako, "Grabe ha!"

Nang matapos ang klase namin ay umuwi na rin naman ako sa dorm ko. Binili na kasi ako nila Daddy ng isang unit ng dorm dahil para hindi na rin ako mahirapan sa pagbiyahe pauwi at papasok sa paaralan. 3rd year college na nga pala ako, at ang kursong kinukuha ko ay Tourism Management, si Aivan naman ay nag-aaral sa University of California at ang kursong kinukuha naman niya ay Civil Engineering.

Pagpasok ko pa lamang sa dorm ay humiga na agad ako sa kama. Nakakapagod na kasi at nakaka-stress ang araw na ito.

Pero minuto lang ay tumunog na naman ang cellphone ko at nang makita ko kung sinong tumatawag, Si Aivan na naman.

"Bakit ka na naman napatawag?" Bungad ko sa kanya.

"Babalik na ako ng Pilipinas, pinayagan na ako ni Papa na diyan ako mag-aral." Sabi ni Aivan kaya napa-upo ako mula sa pagkakahiga dala ng matinding gulat.

What the hell?!

Babalik na naman siya?! Ibig sabihin, tuluyan nang masisira ang mga araw ko?!

"K."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status