Pinilit kong ipinapa-intindi kay Aivan kung ano ba ang nararapat niyang gawin. Nakikinig naman siya sa mga sinasabi ko habang nagsasalita ako, pero ipinagpipilitan niya rin naman sa akin na hindi naman daw siya ang tunay na Ama ng bata, eh inamin na nga niya sa akin kani-kanina lang na ex-girlfriend niya pala ang babaeng nagdadalang tao ngayon, Stacey ang pangalan at nasa Amerika. Iyon ang dahilan kung bakit napauwi pala sa Pilipinas si Aivan— para lang matakasan niya ang responsibilidad niya.
"Tulad nga ng sinabi mo sa akin... Walang ibang naging ex-boyfriend si Stacey maliban sa'yo. Ano naman sa tingin mo ang dahilan kung paanong hindi ikaw
Napalalim ang tulog ko, hindi ko namalayan na alas-nuebe na pala ng umaga. Ngayon ay araw ng sabado kaya walang pasok. Nandito ako ngayon sa bahay, si Papa naman ay nasa hospital ngayon. Mamayamaya lang din naman ay pupunta na ako sa hospital para bantayan ang Mama ko at para naman makapagpahinga na rin muna si Papa.Matapos kong magsipilyo ay bumaba na ako sa kusina para sana ihanda ang umagahan ko pero halos lumuwa ang mata ko nang makita ko si Aivan na kakamot-kamot sa ulo habang tinititigan ang isang pagkaing nakahanda na.Pritong itlog lang ang nakita ko at sinangag. Hindi lang basta pritong itlog,
Hawak-hawak ko ang cellphone ni Aivan at kasalukuyan ko 'yong iniinspeksyon. Binuksan ko ang inbox at wala naman akong nakita na iba niyang ka-text maliban sa akin at kay Tita Cassandra.Napa-irap tuloy ako, sabay baling ng tingin kay Aivan na ngayon ay ngingiti-ngiti habang kumakain ng fries."Sabi ko naman sa'yo, wala kang mababasa diyan..... Ayaw mo namang maniwala na wala akong babae." Aniya pa habang ngumunguya ng paborito niyang fries.
"Wait?! What?! Nababaliw ka na ba, Avygail?!" Ani Liz at halos nanlalaki ang matang nakaharap sa akin.Nandito kami ngayon sa bahay ni Zach. Katunayan ay kanina pa kami narito ni Aivan.... And speaking of Aivan. Naroon siya ngayon sa hardin ng bahay nila Zach, magkakasama silang magto-tropa at umiinom ng alak.Kanina, bago kami makarating dito sa bahay ni Zach ay paulit-ulit ko pang pinaalalahanan si Aivan na huwag masyadong maglasing. Mahirap na— kung uuwi siyang lasing mamaya, lalo na't ako ang kasama. Baka mamaya sa sobrang inis ko sa kanya ay iwanan ko pa siya dito.
Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko nang imulat ko ang mga mata ko. Inilubot ko ang paningin ko sa kung nasaan man ako ngayon. Naramdaman ko na tila may mabigat na nakapatong sa tiyan ko at nang balingan ko kung sino ang nakayakap ay si Aivan pala.Naririnig ko pa ang mahihinang paghilik niya sa tabi ko at nang maramdaman niya na gising na ako ay agad siyang bumangon."Sa wakas, gising ka na." Malumanay na sabi niya sa akin, "Anong nararamdaman mo? May masakit ba sa'yo? Kamusta ka?"
Hindi ko alam kung kailan matatapos itong problemang nararanasan ko. Sunod-sunod at tila walang pumipigil."Ikaw na lang ang bahalang magsabi kay Aivan.. Alam kong makikinig siya sa'yo." Sabi pa ni Daddy sa akin.Marahan akong tumango at pinipigilan ang pagluha, "Opo, Daddy."Nang maka-alis sila Daddy at Tita Cassandra ay sakto naman ang paglapit ni Aivan sa pwesto ko, hinawakan niya ang kam
“Ate.. Hindi ka sasama sa amin mamaya?” Tanong ni Allen sa akin.Nasa kwarto ako ngayon at pinuntahan ako ni Allen, ayoko namang lumabas ng kwarto dahil baka makita ko na naman si Aivan. Kanina kasi nang lumabas ako ng kwarto ay nagkasalubong kami ni Aiavan sa may sala, hindi naman sinadya iyon.. Ewan ko ba pero nadadala ako sa mga titig niya, hindi ko naman masigurado sa sarili ko kung galit siya o kung ano man ang nararamdaman niya sa akin.Ngayon naman ay iniiwasan kong lumabas ng kwarto dahil sa tuwing nakikita ko si Aivan ay mas lalo lang akong nasasaktan.
Paggising ko pa lang ay agad ko nang naalala ang ginawa sa akin ng Aivan na iyon! Hanggang ngayon kasi, pakiramdam ko ay kumapit sa balat ko ang..... Hay nako!Bumangon ako at nagtungo na sa banyo ng kwato ko upang maghilamos at nagtoothbrush, ginawa ko na rin ang everyday routine ko tuwing umaga.Pagkatapos ay saka naman ako lumabas ng kwarto para sana kumain pero pababa pa lang ako ay narinig ko na ang boses ni Aivan at sa tingin ko ay hindi siya nag-iisa."Shit! Ang sarap!
"Malapit na ba?" Tanong ni Aivan.Siya kasi ang nagmamaneho sa aming dalawa. Napag-usapan kasi namin na ngayong araw na namin pupuntahan si Papa.Binasa ko ang text sa akin ni Papa kanina, "Uhm, kaliwa pa... Tapos kapag may nakita kang black na gate iyon na iyon."Ilang oras din kasi kaming bumyahe kaya paniguradong gutom na si Aivan. Hindi lang siya makapag-reklamo dahil wala na naman siyang magagawa.