Share

CLAWS AND ARROWS UNITED 1:DAECON SINFIELD
CLAWS AND ARROWS UNITED 1:DAECON SINFIELD
Author: Hiraya Neith

Chapter One

Maingay ang buong paligid. Typical para sa isang pipitsuging club na nakatayo sa kahabaan ng Everett, isang hindi kalakihang baryo sa dulo ng Frostwood Territory.

Humawak sa halos kinakalawang nang barandilya si Daecon at seryosong sinuyod ng tingin ang paligid. Kasalukuyan siyang nakatayo sa second floor ng club kaya kitang-kita niya ang lahat nang naroroon sa loob ng club. Malakas at maharot ang tugtog at mayroon na ring sumasayaw sa gitna. Ang ilan sa mga ito ay magkaparehang nagya-yakapan na habang magaslaw na sumasayaw at magkadikit ang mga labi.

Nalukot ang mukha ni Daecon. These pervert wolves...

Dumako ang mga mata niya sa salaming pinto nang bumukas iyon at mula roon ay bumungad ang isang grupo ng kalalakihan. Apat ang mga ito at malalaki ang mga katawan. Kumuyom ang mga kamay ni Daecon.

"You're so fucking dead, useless wretch!" Daecon cursed under his breath.

"Hi!"

Napalingon si Daecon nang marinig ang malamyos na boses ng isang babae. "Yes?" Seryoso niyang tanong sa babae.

Matangkad ito at payat. Maganda naman sana pero gandang hindi papasa sa panlasa niya.

"Would you like my service?" Tanong nito sa malambing at tila nang-aakit na boses. "Bibigyan kita ng discount." Dugtong pa nitong sinabayan ng paghawak sa braso niya.

Tabingi ang ngiting inalis ni Daecon ang kamay ng babae sa kanyang braso. "No...." May diing sagot niya rito. "And, leave before I throw you out of this useless club!" Mahina ngunit may pagbabantang dugtong pa niya.

Natigilan ang babae at napatitig sa kanya. Maya-maya pa ay sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi nito.

"Napaka-hard to get mo naman. Bibigyan na nga kita ng discount, eh." Sabi nitong nilaro pa ng mga daliri ang ilang hibla ng buhok na bahagyang nakatakip sa mukha nito. "Pero p'wede rin namang libre na lang. Mukha ka namang gwapo kahit hindi ko nakikita ang mukha mo." Ani pa nito.

Daecon's thick brows furrowed.

What the hell is wrong with this woman?

"Get out of my way!" Daecon said in a serious tone.

Natatakpan ng suot niyang sumbrero ang halos kalahati ng kanyang mukha kaya hindi na kataka-takang hindi siya nito nakilala.

"Ang sungit mo naman lib-"

Inalis niya ang suot na sumbrero at deretsong tinitigan ang babae. Daecon's flaming red eyes looked at the woman, giving her a warning.

Nanlaki ang mga mata ng babae nang makilala siya.

"Alpha!" Bulalas nitong biglang namutla.

Hindi naman iyon nakaligtas sa matalas na pandinig ng mga naroroon. Tila iisa ang ulong tumingala ang lahat sa ikalawang palapag ng club.

"The Alpha is here!"

"Alpha Daecon!"

Iba't-ibang reaction ang makikita sa lahat. May ilang natuwa na naroon ang pinuno ng Frostwood territory at may ilan namang natakot dahil isa lang ang ibig sabihin kung bakit naroon si Daecon.

He was there to hunt!

"Useless shit!" Daecon cursed.

Daecon's fiery red eyes darted to the group of men sitting at the table near the window. Nagtama ang paningin nila ng lalaking mahaba ang buhok at tadtad ng tattoo ang braso pati leeg.

Si Sancho, ang leader ng mga rebeldeng taong-lobo na nanloob sa isang malaking department store sa kapitolyo ng Frostwood.

"Are you here to catch me?" Tila walang anumang tanong nito bago isinalpak sa bibig ang hawak na chicharon.

Tumiim ang anyo ni Daecon. Sancho is one of the notorious gang leader na kinatatakutan ng marami. Isa ang pangalan nito ang matagal nang nakapila sa mahabang listahan ng mga nasa death row ng Claws And Arrows United o mas kilala bilang CAU. Pikon na pikon na sila rito lalo na si Priam na isa sa dalawang founder ng CAU at pinuno ng Darkwood Territory.

At, ngayon nga'ng naroon ito sa teritoryo niya ay sisiguraduhin niyang hindi na ito makakalabas ng buhay sa Frostwood.

"Seems like you're already tired of living and you are starting to dig your own grave, kid." Cool na cool at bahagyang nakangisi na sabi naman niya rito.

Kaagad namang nagtayuan ang mga nag-iinuman at maging ang malakas na tugtog ay tumigil. Ramdam na ramdam sa buong paligid ang buong tensyon. Lahat ay nakikiramdam sa susunod na mangyayari.

Bilang isa at pinakabatang miyembro ng kilalang elite group na CAU, kilala si Daecon hindi lang sa Frostwood kundi maging sa mga katabing teritoryo. He was well-known for being a role breaker.

Nagsimula siyang makilala ng marami nang mula sa pagiging isa sa pinakamahinang teritiryo ay nagawa niyang iangat ang Frostwood simula nang mapunta sa kanya ang pamumuno sa teritoryo. At, ngayon nga ay isa na ang Frostwood sa pinakamalakas at kinatatakutang lugar. At, nang makapasa siya bilang pinakahuling member ng CAU ay mas lalo pa siyang nakilala maging ang Frostwood.

Only a fool like Sancho dares to enter his territory without his permission and do some wretched nasty things under his nose.

Sancho is very likely looking for his own doom...

"Oh?" Nakakalokong untag ni Sancho kay Daecon. Walang bakas ng takot sa mukha nito. Dumampot ito ng kapirasong chicharon at isinubo.

"All of you, get your useless ass out of here!" Baling niya sa mga naroroon.

Tila naman iyon lang ang hinihintay ng mga ito dahil sa isang kisap-mata lang ay tila bulang biglang naglaho ang mga ito maging ang babaeng kanina lang ay nangungulit pa kay Daecon.

Napailing si Daecon nang makita ang reaction ng mga nasasakupan niya. Seryoso? Wala talagang kahit isang nagpaiwan? Hindi naman niya kailangan ang tulong ng mga ito pero hindi rin niya inaasahang ganoon kabilis na nawala sa kanyang harapan ang mga ito.

"I think, I need to-"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang makarinig ng pagkabasag ng bintana. Napatingin siya roon at kaagad na nalukot ang mukha nang makita si Bianca na nakasuot ng maluwag na puting t-shirt. May print pa iyong malaking tweety bird sa gitna at lumang jogging pants na kulay itim. Prente itong nakaupo sa isang stool na nasa bar counter at kumindat pa sa kanya.

"Why the hell are you here, woman?!" Daecon asked, almost snarling.

Sinulyapan niya ang bintanang dinaanan nito. Wasak iyon at tiyak niyang siya ang pagbabayarin nito bukas. Damn it but this woman never fail to annoy him even once. If only he could wring that beautiful and proud neck of hers.

"Nakalimutan mo na yata ang usapan natin noon." Nakangusong sabi nito at sandaling sumulyap sa grupo ni Sancho na nakatingin naman sa gawi ni Bianca. Hindi maitago sa mukha ng mga ito ang malaking pagnanasa para sa baba.

"Fuck!" He cursed.

Muli niyang isinuot ang sumbrero. Humawak siya sa kalawanging barandilya at patalong bumaba. Mabilis siyang lumapit kay Bianca at hinawakan ang babae sa braso.

"Get out of here, you crazy woman!"

Umismid ito at sa halip na sagutin siya ay dinampot nito ang bote ng beer na halos kalahati pa lang ang laman. Sandali nito iyong tinitigan at bago pa man siya makapiyok ay ibinato na nito iyon sa grupo ni Sancho.

"You bitch!" Galit na sigaw ng isa sa mga ito.

Ilang sandali pa ay nagtumbahan na ang mga mesa sa loob ng club. Nagkalat sa sahig ang basag na mga bote at may ilang bahagi ng dingding ang nawasak.

"Ready your cash tommorow, Daecon!" Sabi ni Bianca sa kanya. Kagaya niya ay abala rin ito sa pakikipagsapakan sa grupo ni Sancho.

He was facing Sancho and his right man while Bianca is facing the othe one. Patay na ang isa sa mga ito kaya mas lalong umusok sa galit si Sancho.

"I'll kill you!" Madilim ang anyong sigaw nito kay Daecon.

"U-huh..." Daecon mumbled and released a full blow kick.

Tumalsik sa pader ang kasama ni Sancho at dahil sa lakas ng pwersang pinakawalan ni Daecon ay muling nawasak ang pader.

"Fuck you, Sinfield!" Singasing ni Sancho.

Sancho shifted into a big brown wolf and snarled at him.

Deacon smirked. "Okay...let's finish this, once and for all." He said.

Sancho launched his attack and so Daecon jump and shifted into a big black wolf mid-air. His size is twice bigger than Sancho's wolf form.

Sinalubong ni Daecon ang atake ni Sancho at inumang ang matatalas na pangil sa katawan ng kalabang lobo. His powerful jaw locked at Sancho's shoulder as he sank his canine on Sancho's flesh.

Sancho whined, trying his best to struggle from Daecon's powerful jaw.

"Finish him, Daecon!" Sigaw ni Bianca habang tila walang anumang muling umupo sa stool na kinauupuan nito kanina.

Patay na ang kalaban nito.

Daecon growled at her.

"Bilisan mo. Magbibilang pa tayo kung magkano ang aabutin ng damages na babayaran mo bukas."

Fuck this woman! Daecon cursed behind his head.

Using his jaws, Daecon throw Sancho's almost useless body on the air. Tumingala siya at sinundan ng tingin ang humagis na katawan ni Sancho at humanda para sa pangalawang atake nang isang humahagibis na pana ang lumipad sa hangin at bumaon sa katawan ng lalaki. Natigilan si Daecon at napalingon sa pinanggalingan ng pana.

Jean Caroleigh Trevino was standing meters away from Daecon. She was holding a bow on her hand and a dozen of arrows clinging on her back. Isa ito sa labintatlong member ng CAU.

"Ate Jean!" Bati ni Bianca.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Neelhtak Zetroc
hello again Ms.H...
goodnovel comment avatar
Xian Dela Cruz
yes! love you Ms H 😘
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status