Share

Chapter Two

"Bianca, nasaan na ang ipinagmamalaki mong carbonara?!" Pasigaw na tawag ni Daecon.

Nasa pack house na sila kasama si Jean.

"Sandali lang naman!" Pasigaw ding tugon ni Bianca mula sa kusina. "Iniinit ko pa sa microwave." Dagdag pa nito.

"Oh..." Tumatangong usal ni Daecon bago tumingin sa kaharap. Si Jean Caroleigh Trevino, ang ika-limang member ng CAU. A young lady general of North branch hunters cavalry. "Bakit ka nga pala nasa Everett, Ate Jean?" Tanong ni Daecon dito bago isinubo ang hawak na hilaw na mangga.

Napangiwi si Jean at umasim ang mukha. Hindi talaga nito masakyan ang hilig ng pinakabatang member ng CAU sa manggang hilaw. Daecon was eating it like it was the most delicious food on earth.

Lumunok muna ng laway si Jean bago ibinuka ang bibig para magsalita. "Nasa malapit lang ako when I heard from a group of young men from your territory that you were in Everett for a hunt and I remembered  that you informed our headquarter about Sancho's appearance in Frostwood, so I dropped by." Kibit-balikat na turan nito. "Tigilan mo nga muna iyang mangga, Daecon. Nangangasim ang sikmura ko sa ginagawa mo, eh." Saway ni Jean sa alpha ng Frostwood.

Tinapik ni Jean ang kamay ni Deacon nang akmang dadampot na naman ito ng isang hiwang mangga.

Napakamot sa ulo ang alpha ng Frostwood. "Paano mo nalamang nagreport ako sa headquarter ng CAU?" Tanong niya bago inusog ang manggang nakalagay sa maliit na plato. Mahirap na. Baka hindi niya mapigilan ang sariling dumampot ng mangga. Mapipitik pa siya ni Jean ng pana.

Jean grinned."Caelan told me since he knew that I was just nearby." Sagot nito bago lumingon sa pinto nang bumukas iyon. "Iyan na ba ang carbonara, Bianca? Namiss ko ang luto mo." Malapad ang ngiting baling nito sa babae.

Si Caelan ang isa pang founder ng CAU. Kagaya ni Jean ay isa rin itong general. He was the oldest among CAU's thirteen members. Halos magka-edad si Caelan at Priam.

"Ang daldal din talaga ni Kuya Caelan." Naiiling na usal ni Daecon bago ibinaling kay Bianca ang pansin. "Did you get hurt?" Kunot-noong tanong niya rito.

Anak si Bianca ng dating beta ng Daddy ni Daecon. Maliit pa ito nang mamatay sa isang labanan ang ama kaya kinupkop ng Daddy niya si Bianca na noon ay limang taong gulang pa lang. He was five years older than her pero hindi naging hadlang ang agwat ng edad nila para lumaki silang malapit sa isa't-isa. Bianca's mother remained unknown until his father's death. Ang sabi ng Daddy ni Deacon ay bigla na lang umuwi sa Frostwood ang beta nito na may dalang sanggol. They asked him about the baby's mother but he refused to answer. Namatay ang Daddy ni Bianca na walang pinagsasabihan kung sino ang ina nito.

Inilapag ni Bianca sa harap nila ang tray na may lamang tatlong plato, isang bowl ng carbonara at tinidor. "Tsk...ni hindi nga ako pinagpawisan." Mayabang na sagot nito kay Daecon at ipinagpag pa ang dalawang kamay.

Daecon's brows automatically raised." Hindi ka rin talaga mayabang." Naiiling niyang sabi.

Hindi naman siya nag-aalalang masasaktan ito ng isang rebeldeng taong-lobo lang. Bianca was an excellent warrior anyway. He trained her personally kaya malaki ang tiwala niyang hindi ito kayang patumbahin kahit ng tatlong kalaban.

"Wala ka lang tiwala sa akin." Naka-ismid nitong sabi bago umupo sa upuang nasa tapat niya. Kumuha si Bianca ng isang plato para lagyan ng carbonara at inabot iyon sa kanya. "Kumain ka na." Ani pa nito bago ipinagsalin ng orange juice na dala ng isang tagasilbi kanina ang alpha ng Frostwood.

"Yon!" Nakangising sabi ni Daecon. "Hindi ko alam kung mabubuhay ako na wala si Bianca, Ate Jean. Luto lang nito ang kinakain ko, eh." Ani pa nito bago sumubo ng carbonara.

Naroon sila sa terrace kung saan tanaw nila ang nagsisimula nang lumubog na buwan. Alas-dos pa lang ng madaling araw tanging mahihinang huni lamang ng kuliglig ang naririnig nila. Maliwanag ang paligid dahil sa mga lamp post na nakapalibot sa pack house.

"Ako ba, Bianca, hindi mo bibigyan ng juice? Iyang lalaking 'yan lang talaga?" Tila nagtatampong untag ni Jean sabay nguso.

"Ay, siyempre naman, bibigyan kita, ate!"

Mabilis na nagsalin ng juice sa mataas na baso si Bianca at inabot iyon kay Jean.

"Salamat..." Nakangiting ani ni Jean bago bumaling kay Daecon na abala na sa kinakain nito. "Nagbilin nga pala si Bona. Isama mo raw si Bianca sa susunod na punta mo sa headquarter. Magpapaturo raw siyang magluto ng kare-kare. At, saka namimiss na rin daw ni Austin ang luto ni Bianca kaya huwag kang pupunta sa HQ na hindi mo kasama iyan." Mahabang sabi nito na ang tinutukoy ay si Mebonalyn na isa pang babaeng hunter at si Austin na alpha naman ng Grimwood.

Tumango si Daecon bago inibot kay Bianca ang hawak na plato. "Pahingi pa." Ani nito.

Walang reklamong mabilis namang kinuha ni Bianca ang plato at nilagyan ng carbonara.

"Hindi ka kamo kumakain ng luto ng iba, Daecon?" Tanong ni Jean pagkatapos uminom ng juice.

"Yeah..." Sagot ni Daecon sa pagitan ng pagnguya.

Totoo naman. He won't eat anything not unless he was sure that it was Bianca who cooked the food. Alam na alam niya kapag hindi si Bianca ang nagluto dahil sanay na ang dila niya sa lasa ng luto nito.

Umangat ang kilay ni Jean. "Paano kung isa sa inyong dalawa ang mag-asawa na? Or, let us say—paano kung mag-asawa na si Bianca...paano ka, Daecon? Huwag mong sabihing tatawagin mo pa siya para ipagluto ka." Seryosong turan nitong ikinatigil pareho ng dalawa.

Naibaba ni Daecon ang hawak na tinidor at tumingin kay Bianca na napatigil naman sa akmang pag-inom ng juice. Both of them looked surprised of the Jean's sudden questions. They've never think nor talk about it yet.

Daecon's brows furrowed and gazed at Bianca seriously. "Are you going to leave me?" Lukot ang mukhang tanong niya.

Bianca smiled. "No—I mean, not now." Tugon nito. "Not unless you decided to throw me out of your life already. " Mabilis niyang dugtong nang makitang mas lalong nalukot ang mukha ni Daecon.

"Throw you out?" Daecon asked in serious manner. "You, fool! You knew that it will never happen. And, if you happen to marry someone someday, dito dapat kayo titira. Ano, papatayin mo ako sa gutom? Alam mong hindi ako kumakain ng luto ng iba." Paasik na dugtong nito at mahinang pinitik ang noo ni Bianca.

Napailing na lang si Jean. Gusto niyang sabihing imposible ang sinasabi ng mga ito. Pero alam niyang pagdating kay Bianca ay madaling matrigger ang alpha ng Frostwood. He would even kill without blinking for his Bianca. Everyone knew it. Jean shrugged her shoulders and stood up.

"I'm leaving now, Daecon." She said. "Thanks for the food, Bianca. See you again. Sumama ka sa HQ, ha." Baling niya sa babaeng kaagad namang tumango at ngumiti.

Jean hold her bow again and put the arrows on her back.

"Aren't you going to stay here even an hour for a rest, Ate Jean?" Daecon asked as he stood up. "Another glass of juice, Bianca." Baling niya kay Bianca at inabot dito ang baso.

Muling napailing si Jean. She knew it...Daecon will surely be in trouble one of these day.

Kita-kits na lang sa finish line, Daecon.... Jean whispered at the back of her head.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status