Share

Chapter Three

CLAWS AND ARROWS UNITED, HEADQUARTER

"So, it's already settled?" Tanong ni Jessica, ang ika-pitong member ng CAU. Isa ring lady general na na naka-assign sa West branch Hunters Cavalry.

Tumango si Priam. "Yeah." Tugon nito bago ibinaba ang hawak na envelope kung saan nakalagay ang ilang report tungkol sa isang grupo ng rebeldeng taong-lobo na nanggugulo sa isang teritoryo sa kanluran. Kasama rin sa report ang request for assistance mula sa CAU. "Daecon will surely be perfect for this assignment." Dugtong nito.

"Speaking of that devil," sabi naman ni Zypher, ang alpha ng Dashwood territory." Ano'ng oras ba darating iyon?" Tanong nito.

"He'll be here in a minute, for sure."

It was Alec. Isa ring hunter na naka-assign naman sa East Branch Hunters Cavalry.

"Hey, Jean," tawag ni Austin sa babaeng abala sa pagkalikot sa string ng hawak nitong crossbow. "Did you tell him to tag Bianca along?" Tanong nito.

"Yah..." Jean answered without even taking a single glance at Austin. Eyes still focused on the string of her bow.

Austin smiled. Excitement filled his ocean blue eyes. "Iyon!" He exclaimed. "Sa wakas, makakatikim na uli ako ng luto ni Bianca." Dugtong nitong bahagya pang dinilaan ang pang-ibabang labi.

"Magpapaturo din akong magluto ng kare-kare." Turan naman ni Bona na nilalaro sa mga daliri ang maliit at kulay itim na dagger.

"Oh?" Sabad ni Akila na bahagyang nakataas ang kilay. "Kapag ba tinuruan ka ni Bianca, magagawa mo naman kaya nang maayos? Iyong lutong kayang tanggapin ng tiyan naming lahat." Nakangising dugtong nito na kaagad namang sinang-ayunan ng iba.

"Oo nga, Bona. Mas edible pa ang luto ko kaysa sa luto mo, eh." Gatong ni Alec.

Lukot ang mukhang parehong tiningnan ni Bona ang magkatabing sina Alec at Akila. Umaalog pa ang balikat ng dalawa dahil sa katatawa.

"Paki-ulit ng sinabi ninyong dalawa..." Mariing sabi ni Bon sabay tutok ng hawak na dagger sa dalawa.

"Sabi ni Alec—"

"Alalahanin ninyong dalawa, walang ibang magluluto para sa inyo kapag nandito kayo sa headquarter. Aalis si Jean sa susunod na araw para sa isang misyon. Wala kayong choice kundi pagtiisan ang luto ni Bona." Sabad ni Caelan habang yakap ang espada nitong mas mahal pa yata nito kaysa sa sariling buhay.

Sabay-sabay na umungol sina Alec, Akila at Austin. Halata rin sa mukha ng mga ito ang matinding pagkadismaya.

"Wow, ha...ang sarap ninyong batuhin nitong hawak kong dagger. Buwiset iyang mga reaction ninyo, eh. " Naka-ismid na sabi ni Bona. Sanay na siya sa mga kasama lalo na kina Akec at Akila na parehong buskador.

"Bona, utang na loob," napapangiwi pang sabi ni Austin. "Tandaan mong maigi ang ituturo sa iyo ni Bianca. Maawa ka sa tiyan namin. Baka pumila na naman kami sa CR nito." Tila nasa binggit ng kamatayang turan pa nito.

Si Austin ang pinakamahilig kumain sa kanilang lahat kaya ito rin ang pinakareklamador kapag hindi masarap ang luto.

Naagaw ang atensiyon ng lahat nang biglang bumukas ang pinto ng conference room at mula roon ay bumungad si Daecon na nakasuot ng itim na T-shirt at itim ding pantalon. Hawak nito sa kaliwang kamay ang itim ding helmet habang sinusuklay naman ng isa pang kamay ang buhok nitong alon-alon at may kahabaan.

Ngunit sa halip na batiin ito ng mga kasama ay mas nauna pang pinansin nina Austin at Bona si Bianca na nakasunod naman kay Daecon.

"Bianca!" Tuwang sabi ni Austin na tumayo pq para salubungin ang babae. "So glad that you're finally here. Did you bring something for us?" Kaagad na tanong nito bago dumako ang tingin sa paper bag na hawak ni Bianca.

"Bunso, juskomiyo! Salamat naman at nandito ka na. Kailangan mo akong turuang magluto ng kare-kare. Promise, gagalingan ko na this time. Niloloko ako nitong sina Austin, eh. Nakakasira raw ng tiyan ang luto ko." Mahabang sabi ni Bona na lukot ang mukha.

Mabilis din itong tumayo at kumapit pa sa braso ng natatawang si Bianca.

"Sure, Ate Bona." Kaagad na tugon ni Bianca bago inabot kay Austin ang hawak na paper bag. "Gumawa ako ng fruit cake kagabi, Kuya Austin. Nagdala ako para matikman ninyo." Nakangiting baling nito sa alpha ng Grimwood.

Kaagad na nangislap ang mga mata ni Austin at mas lalong lumapad ang ngiti. Sinilip nito ang laman ng paper bag at kaagad na napadila sa pang-ibabang labi, patunay na natatakam na ito.

"P'wede bang magtake home nito, bunso?" Tanong pa ni Austin at tumingin kay Bianca na tila nagpapaawa.

"Kapal talaga ng mukha mo basta pagkain, Austin!" Naiiling na sabi ni Ezra na kanina ay tahimik lang sa isang tabi.

"Siyempre, pagkain iyan, eh." Tila proud pang sagot ni Austin kay Ezra.

"Teka, sino ba ang thirteenth brother ninyo? Hindi ba ako? Bakit mas una ninyong pinansin si Bianca?" Reklamo ni Daecon bago inilapag sa isang tabi ang dalang helmet.

"Huwag ka nang umasang mas una kang papansinin ni Austin, Daecon. Maliban na lang kung masarap kang magluto. Ang problema, kagaya niya, kain lang din ang talent mo. At siyempre, si Bona——una kang babatiin niyan kapag may kakayahan ka nang turuan daw....daw, ha——siyang magluto." Mahabang sabi ni Tobias.

"Gusto ko na tuloy magtampo minsan. Mas mabait pa sila kay Bianca kaysa sa akin." Naka-ismid na sabi ni Daecon.

"Okay na iyan kahit hindi ikaw ang una naming binabati. Ang mahalaga, araw-araw kang nakakatikim ng luto ni Bianca." Sagot ni Austin bago isa-isang nilabas ang laman ng paper bag. "Itatabi ko na itong isa. Naipagpaalam ko na ito kay Bunso." Dugtong nitong ikina-iling na lang ng iba pang member ng CAU.

Austin loved to eat kaya sana lang ay magaling magluto ang mapapangasawa nito.

"Iba ka talaga, Gibbethon..." Naiiling na sabi ni Jessica kay Austin.

"Hindi baleng walang jowa basta may pagkaing masarap palagi." Sabi naman ni Jean.

"Hindi baleng walang jowa basta madaming asawa." Kontra ni Jessica sa sinabi ni Jean sabay irap. "Aminin mo..." Ani pa nito.

"Sus, eh pareho naman kayong walang jowa, eh." Sabad ni Bona.

"Bakit, ikaw? May jowa ka?! " Halos sabay pang asik ng dalawa kay Bona na kaagad namang napanguso.

"Sabi ko nga——wala..." Sagot nito bago hinila si Bianca. "Tara na, bunso. Doon na tayo sa kitchen." Ani nito.

"Kukuha ako ng platito at bread knife." Sabi naman ni Austin. "Sino ang gusto ng fruit cake?" Tanong nito sa mga kasamang tila naman iisa ang bibig na halos pare-pareho ang sagot.

"Ako!" Nakataas pa ang kamay na sabi ni Akila. "Saka si Alec din." Dugtong pa nito sabay hawak sa kamay ni Alec para itaas.

"Me, of course!" Kaagad na sagot ni Jessica. "And, Jean also." Dagdag nitong sandaling sumulyap kay Jean na tumango lang.

"Tinatanong pa ba iyan?" Caelan answered in a serious tone.

"Me too." Tipid na sabi naman ni Priam na sandali lang sumulyap kay Austin at muli ring ibinalik ang atensyon sa kaharap na si Daecon. "You have to be there as soon as you can." Sabi nito sa alpha ng Frostwood na kaagad namang tumango.

"I'll leave the day after tommorow. I have to talk to Topher first." Tumatangong sabi ni Daecon na ang tinutukoy ay ang beta nito.

"Good." Sabi ni Priam bago bumaling kay Caelan. "Bud, give me the envelope, please." Ani nito.

Kaagad namang dinampot ni Caelan ang envelope na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at inabot iyon kay Priam.

"Here..."

"Thanks!"

Ibinigay naman ni Priam ang envelope kay Daecon. "Pag-aralan mo ang report. At, ang sabi riyan sa request ay may makakapartner ka sa misyon. Hindi lang binanggit kung sino." Imporma ni Priam.

Umangat ang kilay ni Daecon. "Partner?" Tila diskumpiyadong turan nito. "Why would they give me a partner? Do I look like I need one?" Kunot-noong tanong ni Daecon. Bakas sa mukha niya ang pagtutol.

Daecon was used to do his mission alone and having a partner is not his thing.

Priam sighed. "They might have their own reason why. Hayaan mo na lang." Sabi nito.

"O, katulad ng iba——wala rin silang tiwala sa CAU? If that's the case, they shouldn't asked for our help then." Daecon said. His olive green eyes hardened.

May iilan kasing walang tiwala sa CAU.

Kilala nito si Daecon. He was impatient and he do not care if he's already breaking some rules as long as he knew that he was right. Daecon's temperament is his biggest problem.

His name alone means trouble.

"Let's just do what we should ought to do. And, make sure that you do less trouble this time, Daecon. Control your temperament."

Daecon hissed.

"Useless wretch!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status