Share

Chapter 3

#CollisionKab3

"Ms. Mercado, answer me! Nag-aral ka ba?" tanong ni Atty. Sanchez, mala-dragon ang tunog ng boses.

Nakatayo ako ngayon at halatang nahihiya na. Nakakahiya. It took all the strength in my body to not cry. Nag-aral naman ako, e. Nabasa ko 'yung case na tinanong sa akin. But I guess I didn't read enough. Ganon talaga ang buhay. 

Everyone in the room was looking at me with pity. Well, 'yung iba parang nag-eenjoy kasi kilala nila ang pamilya ko. They're probably thinking I deserve this. And particular situation is exactly what I am trying to avoid. Ayaw kong nakikishare sa success ng pamilya ko. Ayaw kong isipin nila na nakakaraos lang ako dahil sa apilyedo ko. Pero ito nga, ginawa ko ang best ko ngunit hindi parin sapat.

"If you don't study harder, you don't deserve to cross the bar. Each case carries its own weight, Ms. Mercado. If hindi mo napanalo ang kaso, may inosenteng makukulong! Patuloy na gagalaw ang mga totoong criminal! Can't you see? If hindi ka nag-aral nang mabuti sa law school, the oppressed will continue to be oppressed! And the oppressors will be safe from jail! Itatak niyo 'yan sa mga kokote ninyo!" Atty. Sanchez said. 

The sermon lasted for 30 more minutes. Which means I stood for 30 more minutes. Malapit na akong umiyak.

Atty. Sanchez was telling us that we should put our own effort in building our careers. That hit me like a truck. Parang ako 'yung pinaparinggan doon. He finally finished talking and stormed out of the class. He has always been a terror prof, but I didn't imagine na sa ganitong paraan niya ako paparangalan. People started going out of the room at inaayos ko ang bag ko, with tears threatening to fall.

"Hey, are you okay?" Nic asked.

Hindi siya tanga at alam niyang hindi ako okay. He sure doesn't know how to comfort me in this situation. Even I myself don't know how to recover from this.

"Tara Greenbelt, libre ko," pagpapatuloy niya.

"Ang layo." sabi ko. Last class namin si Atty. Sanchez at wala naman na akong ibang gagawin. Gusto ko lang umuwi.

"Hindi kaya. Sige na, ililibre kita. Please?" pilit niya parin, tila hinaharangan ang daan ko.

"Kung tungkol 'to sa nangyari kanina, okay lang ako. Don't pity me,"

"Hindi naman sa ganon..."

"Gusto ko nang matulog Nic. Uuwi na ako." I said with a fake yawn. Gusto ko na lang umiyak mamaya sa condo. Hindi na niya ako pinilit at pumunta na ako sa parking lot. Pumasok ako sa sasakyan at nagbuntong-hininga. My hands are shaking. I'm still in trauma. I closed my eyes for a minute before starting the engine. Tears are starting to pool in my eyes, until I heard a notification from my phone.

[1 message]

Unknown number: Hey! Are you still awake?

10 pm pa lang. Of course I'm awake. Biglang nawala ang masamang pakiramdam sa dibdib ko at napalitan ng inis. Nagdadrama ako dito. Sino ba 'to?

Binuksan ko ang phone ko at sinubukang replyan ang nagmessage sa akin.

Rosie: Who are you?

Unknown number: Wow, I definitely got the right number.

Rosie: You didn't answer my question.

Unknown number: Right, I'm your friend (kinda) and your neighbor haha.

Si Austin lang pala. Paano niya nakuha ang number ko? Baka prank 'to. Hindi ko na lang nireplyan at nagmaneho na ako pauwi sa condo, malalim ang iniisip.

***

Nakarating ako sa unit ko at nagtanggal ng sapatos. I showered for what seems like an hour. Anything to get my mind off the situation earlier. I tried to think of something to do pero wala na akong maisip. The only solution is to sleep. Ayaw ko pang mag-aral. I'm not motivated yet. 

Nahiga na ako sa kama at nagtitigan kami ng kisame. Ilang minuto ang nakalipas at sinubukan kong ipikit ang mga mata ko. I still can't sleep. Everything that happened earlier replayed on my mind. Nag-aaral naman ako nang mabuti ah? It's still not enough. I need to do better. I won't succeed in law school if I don't do better. Baka tuluyan na akong mapadpad sa family business.

Naluluha na naman ang mga mata ko. I remember those times noong college. When some of my blocmates said na nanalo ako sa debate dahil kilala ng isang arbitrator 'yung parents ko. Pinaghirapan ko naman 'yon. Nakakapagod lang pakinggan ang mga sinasabi ng ibang tao, even though I try hard to ignore them.

A few tears fell down from my eyes, but my crying stopped when I saw my phone lit up.

[1 message]

Unknown number: Save my number? Please? Nakuha ko kay Macky.

Maybe I should be nicer to Austin. With law school and work, I might just lose my mind if I let him annoy me. And wala naman siyang masyadong nagawang masama, thinking of it right now. Ang OA ko lang talaga sa kanya. I was just not used to that kind of male attention, I guess...

Hindi ko namalayang nakatulog ako kagabi kakaisip kay Austin. Damn. I really need to get my shit together. After showering, I dressed into a grey blouse and white checkered pantsuit. Gusto kong magsandals na lang sa work at magpalit ng heels sa car bago pumunta sa school. Plano pa namin ni Daisy at Renz na maglunch kasama si Eileen.

Nalaman ko na head ng backstage staff si Eileen tuwing may concerts ang mga artist ng Galaxy Records. Madami na siguro siyang na-handle na artists. Kakilala niya kaya si Austin? For sure kilala niya! Teka, bakit ko ba iniisip 'yung lalaking 'yon? Hays...

Nagluto muna ako ng breakfast bago umalis. Bacon and eggs, tapos may rice. Plano ko sanang magsign up sa isang gym pero hindi na kaya ng time ko. Kulang nga yata ang 24 hours sa isang araw! Kumain ako at umalis na sa condo. While driving to the headquarters, I admired the morning scene here in Makati.

Hindi masyadong ma-traffic sa oras na ito. Ang ayos lang tingnan ang mga buildings and ang modern talaga ng dating. I love how the greeneries easily blended with the new architecture. On top of all that, it's a peaceful place to live in sometimes. Maybe Makati really has a special place in my heart. The corporate world will always have a spot in my life.

Nakarating ako sa Galaxy Records at bumungad sa akin ang isang Renz na kumukuha ng kape.

"Hello good morning sis!" bati ni Renz.

"Good morning din. Saya mo ngayon, ah?"

"Excited na akong maglunch sissy! May bagong samgyupsal place dyan sa kabilang street. Nagcre-crave ako!" Renz enthusiastically said.

Ever since nakilala ko si Renz, lagi siyang nagyayaya para kumain sa mga newly-opened restaurants or coffee shops. Parang may bago siyang cravings every week. Sumasama naman kami ni Daisy sa kanya. 'Yung time lang na hindi kami sumama sa kanya ay noong sinabi niyang may gusto siya kainin sa bar. Parang gaga lang, hindi naman pala pagkain ang gusto niyang kainin doon!

Dumiretso na ako sa station ko at nagsimulang magtrabaho. I was in the middle of typing something in my computer nang may naglapag ng kape sa table ko. "May nagpapabigay," sabi ni Eileen. I looked at her questioningly and she just winked. Tiningnan ko ang lalagyanan ng kape at may note na nakadikit.

"Good morning! Hope you saved my number ; )"

Si Austin nga talaga 'yung nagtext sa akin. I sticked my tongue in the insides of my cheeks to stop smiling. What was this for? Medyo sweet 'yung gesture, pero corny! It's nice of him though to bring me some coffee.

I think this is his move in us being friends. I should probably start thinking of mine.

***

Nasa samgyupsal place na kaming apat ni Renz, Eileen at Daisy. Ang aesthetic ng place na 'to. May green plants na nakakabit sa ceiling na may grid design. May mga fairy lights din sa wall at ang cute din ng light bulbs na naka-hang. Overall, this place gives me a pinterest apartment kind of vibe. Nagtsitsismis na sila Renz ngayon tungkol sa mga artista na nakakatrabaho nila. Tahimik lang akong kumakain nang nasama ako sa kanilang usapan.

"Uy Rosie! You didn't tell me you're into Austin pala?" sabi ni Eileen sa akin. Lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Hindi noh! Nakikipagkaibigan lang siya, Eileen."

Malamang nabasa niya ang note sa cup ko kanina. I don't want her to get the wrong idea!

"Really? Siya nga dapat magbibigay ng kape mo pero busy siya. May interview siya sa Channel 1 at busy din sa studio kasi..."

"Just so you know, friends lang talaga," I said. Hindi pa kami gaanong "friends" but we're getting there, I guess?

"Kunwari naniniwala kami. Nakita ko kaya 'yung nangyari sa inyo dati. Last week ba 'yun?" singit ni Daisy. Medyo gulat at kunot ang noo na napatingin si Eileen at Renz sa kanya.

"Omg, girl anong nangyari?" niyuyugyog na ako ni Renz ngayon. Mapilit talaga!

"Walang nangyari..." I casually said. Sana kainin na ako ng lupa.

"Anong wala? Sis, sa gwapo ni Sir Austin, imposibleng walang nangyari! Spill the beans!" ipinagpumilit ni Renz. Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ang halay, jusko! Hindi pa tulog ang mga bata!

"LQ sila sis. Tapos nagkipagbatian. Ang rupok mo din pala, Rosie. Ano bang pinag-awayan niyo?" natatawang sabi ni Daisy. Masaya siguro si Daisy ngayon dahil laging siya ang nahuhuli sa kwentuhan nila. Ngayon siya naman ang unang nakaalam, but her facts are wrong. Hindi kami nag-"LQ" ni Austin!

"Tumigil nga kayo dyan. There's nothing going on between me and Austin." pinal kong sambit sa kanila.

"Whatever you say. Mag-ingat ka lang. Baka i-hunting ka ng battalion ng fangirls niya dito." tumawa si Daisy dahil sa sinabi ni Eileen.

"Mainggit sana sila sa akin. Nahahawakan ko 'yung mukha ni Sir Austin! Wala talaga akong regret sa pagiging makeup artist!" mayabang sa sabi ni Renz. Doon naman ako bahagyang natawa. Itong si Renz talaga!

***

After lunch, dumiretso ako sa school para magreview at pumunta sa class. Surprisingly, walang recit buong gabi. Puro discussion lang. Because of that, hindi ako masyadong na-stress. Pagkauwi ko ng condo, I texted my parents. My mom actually called me para mangamusta. We talked about law school and my brothers. Mahal ko talaga nanay ko dahil hindi niya ako kino-compare sa mga kapatid ko. My dad is nice, but he always encourages me to be competitive.

After the phone call, I started to study. Plano kong mag-aral hanggang hating-gabi. Nagtutok ako sa Civil Law this time. Hindi ako masyadong motivated 'pag inaaral 'to but I need to keep up. Mas gusto ko talaga ang criminal law dahil mas interesting siya.

In the middle of studying, a notification popped up on my phone.

[Messenger]

Xavier Nicolas Mariano sent an attachment.

Binuksan ko 'yun at nakita ko na may reviewers para sa Tax at Civil. Sobrang bait talaga ni Nic. I didn't really ask for reviewers but he sent me some!

Aurora Rose Mercado: Thank you so so so so much : ))). Babawi ako, promise! Libre kita bukas.

Xavier Nicolas Mariano: Just do your best tomorrow. Counting on you.

I was about to say goodnight, but another notification showed up.

[1 message]

Austin: Hey, can we go to work together tomorrow. Para hindi sayang ang gas : )

I guess this is my move.

Rosie: Sure. 7 am ako aalis.

Austin: Great! I'll knock on your door before 7 am.

Rosie: You should sleep na.

Mukha tuloy akong nanay. Kawawa naman kasi kung madudungisan ng eyebags 'yung mukha niya. Ang poreless pa naman.

Austin: Yes ma'am. Goodnight.

Inaral ko muna 'yung reviewers na sinend ni Nic bago ako matulog. Without hesitation, minessage ko ulit si Austin even though tulog na siya. Baka gising pa, hindi ko alam.

Rosie: Goodnight, Austin.

Related chapters

DMCA.com Protection Status