Share

Chapter 4

#CollisionKab4

I woke up early the next day. Usually, one hour lang ang naco-consume ko sa paghahanda. I showered for 20 minutes and dried my hair. Nagsuot ako ng white long-sleeve na may ruffles sa gilid. Nag-black skinny jeans na lang ako. I also wore nude heels pero hindi din siya masyadong mataas. 

Pinainit ko na lang 'yung pagkain ko kahapon at inilagay sa tupperware. Sa headquarters na lang ako kakain ng breakfast. Dadalhin ko rin 'yung Consti ko at ibang materials para sa class mamayang gabi. Kaunti na lang naman ang gagawin ko sa trabaho ngayon, I hope Macky doesn't mind me studying during work hours. I put all my personal stuff sa black backpack ko. Pati na rin ang laptop ko. 'Yung mga reviewer at codal ko naman, nilagay ko sa isang tote bag. I was about to head out nang may nagdoor bell sa unit ko.

I opened the door and a smiling Luke Austin Rivera is standing outside.

"Hi!" masigla niyang sabi. Parang bata na binigyan ng lollipop.

"Hey," I breathlessly said. Nawalan talaga ako ng hininga. He was wearing black skinny jeans and a white silky polo. Nagmistula siyang model ng Gucci. Mas humaba na rin ang buhok niya at mas evident ang pagka-curly nito. He was fiddling with his car keys habang naglalakad kami papuntang elevator.

"Uhm, ako na lang magbuhat niyan. Parang mabigat..." he offered. I gave him the tote bag and he swung it on his shoulder. Mukha siyang galing sa palengke. Muntik na akong natawa kaya napangiti na lang ako. What the hell?

We reached the parking lot and went to his car. Whoa, white na Tesla ang sasakyan niya. Minsan lang ako makakakita ng ganong sasakyan dito sa Metro Manila. I think one of my cousins own one too. Nakita ko lang noong nag-reunion kami sa Spain. Austin must be filthy rich to own one here.

I sat in the shotgun seat at nilagay naman ni Austin ang bag ko sa likod. I opened my phone and went through my social medias to make our situation less awkward. Ano bang pwedeng pag-usapan? I was busy thinking of a topic while scrolling through my phone nang nagsalita si Austin.

"So, what law school do you go to?" he asked.

"SIU Law." I replied. He nodded and continued driving.

"Why did you want to study law?"

"Ano 'to? Job interview?" tanong ko. Humalakhak si Austin. "Seryoso nga kasi! Parang job interview,"

"I didn't know what to ask." Natatawang sabi ni Austin, gusto kong sapakin! Lagi na lang 'to natutuwa 'pag kasama ako. Ewan ko lang!

"So bakit mo nga ginusto mag-law?" inulit ni Austin ang tanong, mas serysoso naman.

"Wala lang. I just wanted to." I lied. I don't think I'm ready to open up to him.

Tinaasan ko ng kilay 'tong gago pero nakatingin lang sa daan. Buti naman at baka madisgrasya pa kami.

"You must be hella smart to take that up. I'm guessing, Latin Honors?" he asked, glancing at me. I nodded.

"Wow, smartypants..." Inikot ko ang mga mata ko "...I never went to college." Austin continued.

"Really?" nagtataka kong tanong. Mamaya binobola lang pala ako! But I realized he's serious. He's not wearing that deceiving smile. Huh, hindi siya nagcollege pero ang yaman niya ngayon. Sikat pa.

"You never went to college, and now you're successful. That's a start..." I said. I also realized, marami pang artista ang hindi nakapagtapos ngunit nakaahon sa buhay. Maybe, school or academics isn't really the only way for success. 'Yung iba, sa eskwelahan lang pinaghuhugutan ang lakas ngunit doon pa lumulubog. Unfair ang mundo, ano?

"Macky took me under his wing when I was in high school. I was peforming in a resto and he happened to be there. Then next thing I knew, I was signed in Galaxy Records." sinabi ni Austin, na parang sanay na siya ikwento ito sa iba.

"You must be very lucky. Not everyone gets that opportunity," ani ko.

"Yeah, I guess. Ikaw rin, not everyone has the opportunity to study law,"

"Yeah." he's right. I'm also lucky. "I guess we just have to do our best in our fields, you know. Para hindi sayang." wala sa isip kong sabi. Kasi kung hindi, sayang nga naman. Nandito na ako, hindi ko na pwedeng balewalain. Pinili ko rin 'to. Dapat panindigan ko.

The rest of the ride, we talked about random things about Galaxy Records. Austin parked the car at sabay kaming pumasok sa headquarters. Hawak niya parin ang tote bag ko. Hinatid niya ako sa station ko at nilagay sa table 'yung bag.

"I guess I'll see you later," he said and smiled.

"See you."

Umalis na siya at inayos ko na ang gamit ko sa table. Muntik ko nang mahulog 'yung phone ko dahil ginulat ako ni Daisy.

"Hoy! Ano 'yung nakita ko kanina, ha?" she said with a mischievous look. Hininaan niya ang boses niya dahil paalis pa lang si Austin sa room. Tinaasan ako ng kilay ni Daisy. Mukhang maho-hot seat ako sa kanila ni Renz mamaya!

"Wala 'yon," paliwanag ko. "Sabay lang kaming pumasok para hindi sayang gas. Tutal, same building kami."

"Same condo building! Grabe! Hindi nga?" halos pasigaw na sinabi ni Daisy. Ang ingay niya! Baka may makarinig!

"Shhh! Tumahimik ka nga..."

Patuloy ang pagiging OA at pag-uusisa ni Daisy samin ni Austin. Napailing na lang ako at inirapan siya. Nagsimula na akong magtrabaho. After an hour or three, natapos ko na ang mga kailangang gawin for today. Hindi ko rin napansin ang bilis ng daloy ng oras. Nag-ayos lang naman ako ng mga documents at nag-answer ng emails para ordering ng merchandise. Kaya naman inilabas ko na ang isang codal at nagsimulang magmemorize ng provisions. Ilang minuto pa lang ako sa pagbabasa at naramdaman kong may mainit na kapeng natapon sa kamay ko.

"Shit!" ang sakit sa balat! Tinaas ko ang aking pangingin at nakita ko si Austin na hawak ang baso ng natapon na kape.

"Oh, god. I'm sorry. Sorry..." agap niya. What the...

Agad siyang kumuha ng panyo mula sa bulsa niya at pinahiran ang kamay kong natapunan ng kape.

"Hindi ko sinasadya, nabigla lang 'yung paglagay ko sa table mo. Shit, sorry..." pagpapatuloy niya.

Oh my god! 'Yung codal ko! Tinanggal ko ang panyo niya sa kamay ko at hinawakan ko 'yung libro. Kaunti lang ang kape na natapon sa kamay ko, pero halos nabuhos pala lahat iyon sa libro! Oh my fucking god.

Kita na basang-basa ang kalahati ng libro! Hindi ko na 'to magagamit! Alam ba ni Austin kung gaano kamahal ang isang codal?

I am speechless right now. Shit talaga. Hindi naman sinasadya ni Austin, pero 'yung libro talaga. Sayang...may mga na-highlight at na-annotate na notes doon. Sayang talaga! Pinaghirapan ko 'yon. Napasapo ako sa noo ko at bahagyang ipinikit ang mga mata. Naramdaman ko si Austin sa likod ko, nakadungaw sa kung anong ginagawa ko. I sighed exasperatedly. Nasasayangan talaga ako.

"Sorry, I'll replace your book..." sabi ni Austin habang nakatayo parin malapit sa table ko. It's no use. Wala na 'yung mga annotation at highlights.

"'Wag mo nang palitan. Hindi mo naman sinasadya. Just...just leave me alone for a second. I need to think." I said. Walang nasabi si Austin at binigyan niya ako ng space. He probably knew na sobrang importante ng librong iyon. He better!

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Bibili kaya ako ng bago after class? Wala lang din kung bibili ako before recit kasi hindi naman ipapagamit sa amin iyon. Makikireview na lang ako kay Nic.

***

Nandito ako ngayon sa isang resto kasama si Daisy, Renz at Eileen. Tapos na kami kumain at nagkwe-kwentuhan na sila. I wasn't in the mood dahil sa libro ko. Napansin ata nila kaya hindi muna sila nagchikahan tungkol sa amin ni Austin. Nakita kasi ni Eileen ang sabay naming pagpasok. 

We finally went out of the resto at may nagtext sa akin.

[1 message]

Mom: Rosie, all of your brothers will be back home next week Sunday. We'll have a family dinner.

Miss ko na sila. I want to come home.

Rosie: Yes, mom. I love you. Take care.

After lunch time, sinundo ako ni Nic para sabay kaming pumunta sa school. I didn't bring my car with me since sabay kami ni Austin kanina sa sasakyan niya. Pero 'yon nga, natapon ang kape sa codal ko. Iniisip ko ba kung minamalas ako sa buhay ever since nakilala ko si Austin.

***

It's a Sunday morning and I heard a knock on my door. Ang aga pa at kagigising ko lang. Binuksan ko ang pinto at nasilayan ko si Austin na may hawak na codal. Kumunot ang noo ko. I noticed na medyo halatang nagka-eyebags siya pero gwapo parin. Rosie, what the hell. He also has a small stuble on his chin. He's wearing a white YSL shirt and black sweatpants. His messy hair made him look really good, with the curls all over the place. Stop it, Rosie.

"Sorry to wake you up, but I think you need this," sabi niya sabay abot ng...codal? Same codal ito sa natapunan niya ng kape pero...

"It's not the same, but thank you." I sincerely said. I appreciate his effort to buy me a new one. Pero iba parin 'yung dati kong codal na may highlights at annotations. Kinuha ko ang libro mula sa kamay niya at pansin ko na hindi parin siya umaalis. He smiled at me. Isasara ko na sana 'yung pinto...

"Open it," he said. I looked at him skeptically. Nevertheless, I opened the book.

Oh my god...

I almost teared up. Naroon ang same annotations, highlights, sticky notes at page flags. Pati 'yung mga kulay, pareho! I looked at him, dumbfounded. He just smiled at me, na parang may napalanunan siyang prize sa kiddie party.

"Austin what the hell?!"

His smile faded, like he realized something. "Bakit parang galit ka na naman? Lahat ata ng ginagawa ko nagagalit ka?" his brows knitted and scratched his head.

I stared at the codal in my hands and pouted my lips. Nakakainis nga! Hindi ko inexpect na gagawin niya ito! Kahit natapunan yung dating codal, medyo nakikita parin 'yung dating highlights pero hindi masyadong mabasa ang texts. Still, what Austin did is beyond words.

I can't help but ask...

"Austin, be honest please. What's your motive?" I looked at him in the eye. He didn't falter.

"My motive? Anong motive?" inilagay niya ang isang kamay sa pader sa aking likod at tiningnan din ang mga mata ko nang deretsahan. I was trapped between him and the wall, but I didn't care.

"Bakit ba lagi kang nagpapapansin?" kabado kong tanong.

Austin moved his head a bit more downwards to face me. I looked away. "We're friends, right?" ani niya.

"I'm serious, what's your motive?" I turned back at his honey-dew eyes, turning a shade darker.

"Well, I like you..."

"Ha?"

What?!

"You heard me." he licked his lips and smiled, 'yung ngising nakakaloko na naman. Binobola kaya ako nito? Napakunot ang noo ko.

"Bakit naman?" nagtataka kong tanong.

Austin freed me from our position and placed his hands on his hips while looking away. I can tell he's serious. Or is he?

"You're really feisty and cute. Not to mention, smart and pretty, hmm? You're being hard to get, Rosie. And that just made me more attached...it's making me feel like I need to be around you more," he said and looked at my eyes again, waiting for a response. 

I don't know how to feel about this. Kaya ba hindi niya ako mabigyan ng katahimikan? Kasi gusto niya ako?

"Okay," I sighed.

"Okay?" tanong niya, na parang hindi siya kontento sa sinabi ko.

His brows furrowed, arms crossed on his chest.

"Austin hindi ako nakikipagbiruan sayo, kaya 'wag ngayon." I honestly said. Feel ko niloloko lang ako nito, e!

Pero 'yung codal na binigay niya...

"I'm serious, Rosie."

Tinitigan ko siya habang hinahawakan ng mahigpit ang codal. I looked down, unable to say anything. Hindi ako handa para sa ganito! Kakakilala ko pa lang sa kanya. Tahimik dapat buhay ko, pero umepal 'to, e!

"Pag-iisipan ko..." iyon ang tanging nasabi ko.

"Take time to sort out your feelings, love. I can wait."

My heart skipped a bit. Love. Tinanguan ko siya at mabilis na pumasok muli sa unit. Sinandal ko ang sarili sa pinto habang hawak-hawak ang codal. Hindi parin makapaniwala sa nangyari.

***

After Austin's little confession, lagi na lang siya 'yung iniisip ko. Nananahimik lang ako tapos nanggulo siya. I don't mean it in a bad way, though. I just still don't believe that he likes me. And naco-confuse din ako sa feelings ko sa kanya. Our set up continued - picking me up at my unit and going to work together. Dinadalhan niya rin ako ng kape sa station ko at nagtetext siya randomly.

[2 messages]

Austin: Lmao I need some music inspo.

Austin: U busy?

"Sure ka ba na hindi pa kayo niyan?" tanong ni Renz. Nandito kami sa roof deck ng headquarters at kitang kita ko ang view ng siyudad. Nagpa-deliver si Renz ng lunch dahil tinatamad siyang lumabas. Ewan ko ba dyan.

It's been a few months. Ewan ko ba kung nagsasawa na si Austin sa paghatid-hatid sa akin. In return naman, I suggested na sa unit ko na siya magbreakfast, but he declined. I also think it's too much. Minsan naman, kay Nic ako sumasabay kapag busy si Austin. Madami siyang interviews at may bago siyang single na palabas. Hindi pala natuloy ang family dinner dahil may inasikaso ang mga kapatid ko sa ibang bansa. Pumupunta naman ako sa bahay, kaso minsan si Mom lang nandon. Minsan naman, si Dad lang. Sobrang hirap na rin ng school. Ang daming readings. I feel like I'm failing. Malapit na akong masigawan ng prof dahil lagi akong late magpass sa kanya.

Hindi ko na yata kakayanin.

I'm tired.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status