Share

Kabanata Five

Sunod-sunod na pagtilaok ng manok ang aking narinig kasabay ng katok sa pinto ng aking k’warto. Kahit antok pa ay bumangon ako sa aking pagkakahiga at pikit-matang dinampot ang puting tela at sinuot iyon sa aking katawan at mabilis na naglakad patungo sa pinto.

“What happened? Is there something happened to the patient?” Sunod-sunod kong tanong na nanatiling nakapikit ang aking mga mata. Naglakad akong palabas ngunit bigla akong napatigil at napamulat ng aking mga mata nang wala akong naririnig na sumasagot sa aking mga tanong.

“Intern! Why you are not---

Napatigil ako sa aking sasabihin nang makita ko ang mga titig ni Lita na naguguluhan sa aking ikinikilos dahilan para mabilis akong napasapo sa aking noo ng mag-sink na ang lahat na ginawa ko. Shit! Ano na namang kapalpakan ang ginawa mo Helen? Dammit! Sa tagal ko ng nagtatrabaho sa ospital halos ultimong paghinga ko alam na kung ano ang gagawin ko sa araw-araw.  Mabilis akong hinila ni Lita sa aking k’warto at isinara ang pinto sabay kinuha ang kumot na nakapatong sa aking mga balikat. Wait, how did that blanket wrap around my shoulders?

Walang imik na tinupi ni Lita ang kumot at nilagay ito sa kama. Humarap si Lita na may pag-aalala sa kan’yang mukha. “Binibining Helena, ayos lang po ba kayo?” tanong niya na labis ang pag-aalala ang gumuhit sa kan’yang mukha.

Napakunot-noo ako ngunit mabilis na inalis iyon at pinalitan ng isang ngiti. “Oo naman, Lita,” nakangiti kong pagpapanggap. Ngunit hindi naalis ang pag-aalala sa mukha ni Lita at hinawakan ang aking mga kamay.

“Sigurado po ba kayo? Hindi po kaya mas makabubuti na sabihin na natin kina Don Raul at Doña Celestina ang katotohanan?” saad ni Lita.

Anong katotohan ang sinasabi ni Lita? May nalalaman ba siya tungkol sa ginagawa ni Helena? Shit! Ano bang nangyayari? Ano pa kaya ang nalalaman ni Lita kay Helena? Kailangan kong magpanggap at i-drive out siya ng malaman ko ang ibig niyang sabihin.

“Hindi na kailangan, Lita. Hindi naman mahalaga na malaman nila ama at ina ang nangyayari,” kunwaring pagtatanggi ko. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng kan’yang pagkakahawak sa aking mga kamay.

“Binibini, alam kong nagmamalasakit ka sa ating mga kababayan ngunit tama na, pagpinagpatuloy mo pa rin ang lahat ito malalagay ang buhay mo sa panganib,” nag-aalalang wika ni Lita.

Panganib? Anong ibig sabihin ni Lita?

Akmang magtatanong na ako nang biglang may kumatok sa pinto. “Lita, tapos na ba magbihis si Binibining Helena?” tanong ng babaeng nasa labas ng pinto.

“Sandali na lamang, Rosa.” Pagsisinungaling sagot ni Lita.

“Sige, bilisan niyo lang ng binibini at naghihintay na sina Don Raul at Doña Celestina sa hapag-kainan,” wika nito.

“Sige, Rosa.”  Tipid na sagot niya.

“Lita, anong i---

Mabilis akong pinutol ni Lita sa aking pagtatanong. “Ipapaliwanag ko po sa ‘yo ang lahat mamaya, binibini. Sa ngayon, kailangam mo munang magbihis at naghihintay na sina Don Raul at Doña Celestina.” Aniya at inayos niya ang aking itsura at pinagpalit ng damit.

“Lita…” tawag ko na sobrang kinakain na ng curiosity.

“Mamaya, binibini.” Aniya at dinala niya na ako sa hapag-kainan na kung nasaan naghihintay na nakaupo sina Don Raul at Doña Celestina at may mga ngiti sa labi.

“Kumusta ang tulog mo anak?” tanong ni Doña Celestina ng nakangiti.

“Maayos naman po, ina,” sagot ko ngunit hindi ko magawang alisin ang tingin ko kay Lita.

Anong alam ni Lita kay Helena? May kinalaman ba siya kung paano ako napunta rito? Pero, bakit hindi niya sa akin sinabi noong una palang? Alam niyang kakaiba na ang aking kinikilos bakit nanahimik lang siya? Patuloy na napuno ng mga katanungan ang aking isipan. Sino ba si Lita at ano ang nalalaman niya? Hindi ako mapakali, gustong-gusto ko ng malaman ang tinatago niya sa akin. Ngunit biglang naagaw ang aking atensyon ng hawakan ni ama ang aking kamay.

“Helena, may problema ka ba? Kanina pa kita kinakausap ngunit mukhang ang lalim ng iyong iniisip. May bumabagabag ba saiyo?” tanong ni Don Raul.

“Patawad po ama,” paghingi ko ng despensa at tumawa ng bahagya. “Medyo napapaisip lang po ako sa aking binasa kagabi kung kaya po pagpasens’yahan mo na po ako sa aking maling inasal,” pagdadahilan ko.

Napatawa si Don Raul nang buong lakas. “Naku, mahal ang ating anak ay siyang nagmana nga sa akin na puno ng kuryusidad sa mga bagay-bagay.”

“Siyang iyong sinabi aking asawa. Ang ating anak ay labis na kamangha-mangha,” pagdagdag ni Doña Celestina na sumabay sa tawa ni Don Raul. Nakitawa na lang ako at sinubukang iwaglit sa aking isipan ang mga katanungan sa aking isipan hanggang sa matapos naming kumain.

Dali-dali akong pumunta ng kusina para kulitin si Lita ngunit busy ito sa paghuhugas ng mga pinggan. Hinintay ko siya matapos ngunit hindi ko na matagalan ang paghihintay kung kaya hinatak ko ito.

“Rosa, I need Lita so take in charge there!” mabilis  kong ani.

Gumuhit sa mukha ni Rosa ang pagkalito ngunit hindi na ako nag-explain mas kailangan kong malaman ang nalalaman ni Lita tungkol sa akin. Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin basta hinatak ko siya palabas ng mansyon at naglakad hanggang sa makarating sa lugar na kung saan walang tao na makakrinig sa amin. Iginala ko ang aking mga mata at nang masiguro ko ng walang taong naroon ay dinala ko siya sa lilim ng puno ng acacia. Mabilis kong binatawan ang kan’yang kamay at hinarap ito.

“Now, tell me Lita what’s going on?” atat tanong ko.

Huminga ng malalim si Lita. “Binibini, alam kong marami kang katanungan ngunit hindi tayo magkakaintindihan kung gagamitan mo ako ng banyagang salita,” anas ni Lita.

“Shit! I forgot! Oh, fu--- ay ano ba!” sabay tampal sa aking bibig. “Go back to your senses!”

Umiling ako ng ilang beses para ibalik ang aking huwisyo sabay sampal sa magkabila kong pisngi.

“Game!” sigaw ko. Labis na nabigla si Lita sa aking ginawa at gumuhit ang pag-aalala sa kan’yang mukha.

“Ayos ka lang ba, binbini?” nag-aalalang tanong nito.

“Ok---” Tumikhim ako bago ipagpatuloy ang aking sasabihin. “Ayos lang ako, Lita. Ngayon, sabihin mo sa akin, ano ba ang nangyayari?” mahinahong tanong ko.

“Hindi ko po alam kung kailan nagsimula ang lahat, binibini ngunit mas makabubuti na tigilan mo na po ang inyong ginagawa, malalagay ka lamang po sa panganib,” pagmamakaawang saad ni Lita.

“Panganib? Ano ba ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ko.

“Binibini, habang patuloy kang nanaliksik tungkol sa medisina inilalagay mo lang sa bingit ng kamatayan ang inyong buhay,” pakiusap ni Lita na magkadaop ang mga palad.

“Ano bang pinagsasabi mo, Lita? P’wede bang diretsahin mo na lang ako? Naguguluhan na ako sa mga sinasabi mo!”

Hinawakan ni Lita ang magkabilang mga kamay ko at tinitigan ako sa aking mga mata na hindi nawawala ang labis na pag-aalala sa mga mata nito.

“Ang lahat po na inyong nalalaman tungkol sa medisina ay siyang inyong ikamamatay, binibini. Hindi ko alam kung paano pero base sa aking nakikita at napapansin noong una ay nagiging makalimutin ka lang ngunit habang tumatagal, unti-unti niyo ng nakalilimutan ang ilang mga bagay tulad ng kung saan ka nakatira, kung nasaan ka, pati ang inyong mga magulang ay inyo na ring nakalilimutan. Maraming bagay ang inyong nakalilimutan habang tumatagal, binibini.” Humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Lita. “Parang awa mo na, binibini, nakikiusap ako itigil niyo na ito. Hindi lang para sa inyong sarili kun’di pati na rin sainyong mga magulang,” pakiusap ni Lita na labis ang pag-aalala.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status