Natigalgal ako sa lahat ng sinabi ni Lita. Nawawala ang mga alaala? Kaya ba hindi siya nabigla nang magtanong ako ng mga bagay na hindi ko alam kasi alam niyang nawawala na naman ang aking alaala? Kaya ba hindi niya ako pinagduduhan na hindi ako ang Helena na kilala niya?
“Lita, may nalalaman ka pa ba na hindi mo pa nasasabi?”
“Wala na po akong nalalaman, binibini. Lahat ng aking nasabi ay iyon lamang po ang tangi kong nalalaman at kung may nais ka pa po na malaman ang lahat ng sagot ay nasa inyong silid at nasa inyong sarili lamang.” Aniya.
What is this? What did Helena do to lose her memories? Her memory is slowly deteriorating… does it mean she suffer from Alzheimer? But, she’s too young.
“Lita, maliban sa unti-unting pagkawala ng aking alaala ano pa ang iyong napansin?’ seryosong tanong ko.
Binitawan ni Lita ang aking mga kamay at bahagyang napaisip. “Iyon lamang, binibini.”
“Kailan mo napansin na nagsimula naging makalilimutin ako? Gaano na katagal?” Sunod-sunod kong tanong.
“Halos isang buwan na po ngunit kahapon muli nangyari na nakalimutan niyo kung nasaan, anong lugar ito at maging ang inyong ama ay hindi niyo nakilala. Ito ang pangalawang beses na nangyari muli ito, binibini.” Paliwanag ni Lita.
“That’s because I’m not her,” mahina kong usal.
But…how did she forget things that’s very common? Kasisimula pa lang ng sintomas pero bakit ang bilis lumala ang kondisyon?
“Does---Crap! Hindi ba ako nahirapan magsalita? Pabago-bago ng emosyon tipong magagallit bigla tapos mamaya ayos na? O kaya ayaw ko makahalubilo sa mga tao?” paninigurong tanong ko.
“Hindi, binibini. Wala sa mga inyong nabanggit ang ni minsan na inyong ginawa,” sagot ni Lita.
If she hasn’t suffered from any those symptoms, probably it’s not Alzheimer. But, what could be the reason for her to affect her condition like that? Imposible naman dahil sa gamot dahil sa panahong ito sapagkat natural medicine pa lang treatment na ibinibigay sa tao lalo na kung hindi naman malala ang kondisyon nito, at tanging sa ospital lamang makakakuha ng mga synthetic na gamot. So how did she get this kind of condition if walang pinagmulan? I can’t even diagnose her dahil wala siya. Hindi naman p’wede na ang sarili ko ang i-diagnose ko ‘pagkat katawan ko ito at hindi kan’ya. We may look the same but katawan ko pa rin ang napunta sa panahon na ito. Hindi ko alam kung nasaan siya o kahit ang katawan niya.
“Damn! What I’m going to do?” I asked myself in frustration.
“Patawad, binibini, kung wala akong maitulong para masagot ang iba niyo pang katanungan,” paghingi ng dispensa ni Lita.
“No, no, no! It’s not your fault!--- Oh, crap!” sabay sapo sa aking noo. “Ayos lang, Lita, hindi mo kailangan humingi ng tawad wala kang ginawang mali. Malaking tulong na ang lahat ng sinabi mo sa akin ang kailangan ko lang ay alamin kung ano ba ang nangyayari sa akin at hindi mo na ‘yon problema, Lita,” nakangiti kong saad.
Ngunit bakas pa rin sa mukha nito ang guilt kung kaya niyakap ko ito dahilan para magulat ito.
“Ayos lang talaga, Lita. Huwag mo masyadong damdamin ang lahat na nangyayari sa akin ngayon.” Inalis ko ang aking pagkakayakap at tinitigan ito sa kan’yang mga mata. “Bata ka pa para mamoblema dapat nga ay nagsasaya,” nakangiti kong sabi.
“Salamat, binibini. Salamat sa lahat na kabutihang inyong pinapakita sa akin ngunit ang isang tulad ko na mahirap ay hindi maari magsaya. Ang tanging kasiyahang maari naming maramdaman ay ang magkaroon ng sapat na pera upang makakain ng tatlong beses sa isang araw at ilan sa aming pangangailangan.” Ngumiti ito ng may pait na siyang nagbigay kirot sa aking puso. “Mga tulad niyong pinanganak na mayaman at may kapangyarihanan ang siya lamang ang may karapatan para makaranas ng kasiyahang inyong sinasabi, binibini.”
“Hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo na---
Pinutol ni Lita ang aking sasabihin at muling ngumiti. “Nauunawaan ko ang inyong malinis na intensyon, binibini, ngunit hindi lahat ng tao ay ganoon. Karamihan sa mga tulad niyong mayayaman ang tingin sa amin ay alipin, utusan, at isang hamak na hampaslupa na pera lamang ninyo ang habol ng mga tulad kong mahirap.”
“Pe---
“Binibini, ayos lang po. Hindi mo po kailangan maawa sa akin, bata man ako sainyong paningin ngunit, matagal ko na rin po nakita at naranasan ang pait ng aming kapalaran,” matatag na wika ni Lita.
“Lita…” mahina kong usal.
Muli siyang ngumiti. “Tara na, binibini. Hindi ba’t ngayon ang araw na kukunin niyo ang k’wardernong pinagawa niyo po kay Ginoong Huseng.”
“K’waderno?” kunot-noong tanong kay Lita.
Napabuntong-hininga si Lita at hinawakan ang aking kaliwang kamay. “Ayos lang ‘yan, binibini. Habang hindi pa nanunumbalik ang inyong mga alaala ay ako po ang siyang tutulong at gagabay sa inyo hanggang sa maalala niyo na muli ang lahat,” nakangiting saad ni Lita at bahagyang lumapit sa aking tainga. “At mananatiling sekreto ang tungkol sa inyong kondisyon.” Sabay layo at tinignan niya ako sa aking mga mata. “Ngunit, ipangako niyo sa akin na mag-iingat kayo parati at ‘wag kayo gagawa ng anumang bagay na ikalalagay niyo sa panganib.”
Napangiti ako sa mga sinabi ni Lita. Bagamat siya’y bata pa ay may sapat na itong kaisipan para mag-isip tulad sa matanda.
“Hindi ako mangangako, Lita…
“Binibini---
Inilagay ko ang aking daliri sa kan’yang labi para mapatigil ang kan’yang pagproprotesta. “Hindi ako mangangako ngunit, gagawin ko ang lahat para hindi ka mag-alala o maging sina ama at ina,” nakangiti kong pagpapakalma sa kan’ya.
Napahugot ng hininga si Lita. “Hay naku, binibini kahit kailan ang hirap mong mangako.”
“Kasi ayaw ko mangako baka hindi ko matupad mas masaktan ko pa ang taong pinangakuan ko. Kaya gagawin ko na lang ang lahat makakaya ko, at least wala akong napaasa,” nakangiti kong paliwanag.
“Kahit hindi ko alam ang ibang salita na inyong sinabi ay naintindihan ko naman ang nais niyong iparating, binibini.”
“Opss! Sorry, Lita,” paghingi ko ng dispensa ngunit nanlaki ang aking mga mata nang mag-sink in ang aking sinabi. Kung kaya napatawa si Lita dahilan para mapatawa na rin ako sa aking naging aksyon.
Ang tanga ko rin talaga minsan hindi ko na nagagawang mag-isip hinahayaan ko na lang ang sub-conscious kong kumilos ayon sa gusto nila. Pero at least, may isang tao ako na hindi ko na kailangang papaniwalain sa kung sino ako. Kahit papaano hindi niya ako paghihinalaan na hindi ako si Helena dahil alam niyang nawawala ang aking alaala. Higit sa lahat, may tao akong mapagtatanungan kung ano at sino ba talaga si Helena Montecielo.
Gaya ng sinabi ni Lita ay ngayon ang araw kung kailan ko kukunin ang k’wadernong ipinasadya ko kay Ginoong Huseng kaya nagpaalam ako kina Amang Don Raul at Inang Doña Celestina para pumunta ng bayan. Madali naman nila akong pinayagan ‘pagkat alam na nila na iyon din ang araw na pinag-usapan namin ng ginoo. Habang sakay ng kalesa ay pinagmasdan ko ang luntiang kapaligaran kung saan ang mga malalaking puno ang naroon at malawak na palayan na malayong-malayo sa nakasanayan kong lasangang puno ng mga gusali at sementadong bahay. Nakaka-refresh ng pakiramdam ang ganitong tanawin.Muli kong nilanghap ang sariwang hangin at napangiti. “Ang sarap naman manirahan dito. Lahat ng malalanghap at makakain ay sariwa.”“Binibini talaga, parang hindi ka na nasanay,” nakangiting sambit ni Lita.If you only knew, Lita. Ito ang unang beses na makakalahanghap ako ng sariwang hangin sa tanang buhay ko. Hindi na lamang ako umimik at pinagpatuloy ako pagmamasid sa aming dinaraanan.
Bigla akong nanlumo sa inasal ni Lita. Hahayaan niya lang talagang saktan ng mga taong iyan ang isang taong wala naman ginagawa sa kanilang masama? Anong mali ang nagawa niya? Wala naman, ‘di ba? Bakit siya pinaparusahan ng gan’yan? Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakahawak ni Lita sa aking kamay. Ibinalik ko ang aking mga tingin sa binatang patuloy pa rin na binubugbog ng mga guwardiya sibil hanggang sa dumugo ang pisngi nito maging ang mga labi nito. Hindi ko maatim ang kanilang ginagawa rito. Bakit hindi siya lumaban? Bakit hinahayaan niya lang na saktan siya ng mga baliw na guwardiya sibil?“Ayusin mo ang trabaho mo, Señorito Joaquin!” sabay ngisi nito ng nakaiinsulto.Señorito? Anong ginagawa ng isang anak ng may kapangyarihan para gawin ang mabigat na gawain na ginagawa niya at pagmalabisan ng mga guwardiya sibil na walang ginagawa kun’di ang yurakan ang kan’yang pagkatao? Napakunot-noo ako sa aking narinig. Pinagmasdan ko ang kawawang binata na tinawag nil
Huminga nang malalim si Ginoong Huseng bago nagsalita. “Napakabait ng mga Perez, halos lahat ng tao rito sa bayan ay mahal na mahal sila. Lahat ng mga nangangailangan ay kanilang tinutulungan. Maging si Señorito Joaquin ay labis na napakabukal ang puso tulad ng kan’yang ama na si Don Arturo. Sa kabila ng kanilang pagiging makapangyarihan at salaping meron sila ay nakikisalamuha sa mga mahihirap na tulad namin si Señorito Joaquin. Itinuturing nila kami na pareho ang aming antas sa lipunan sa kanila,” nakangiting saad ni Ginoong Huseng.“Kung gano’n ang pamilya niya at maging si Señorito Joaquin, bakit siya inaalipin? Bakit ganoon na lamang siya insultuhin ng mga guwardiya sibil?” Sunod-sunod kong tanong.Gumuhit ang mga lungkot sa mga mukha ni Lita at Ginoong Huseng. Ilang segundo rin silang nanahimik ngunit si Lita ang bumasag noon.“Wala silang ibang ginawa kun’di tumulong sa mga kapos-palad na tulad namin ngunit hindi namin alam ang buong dahilan kung bakit sila
Napapalatak ako sa labis na inis at pagkadismaya. “They are really disgusting! Paano nila nagagawa ang ganoon? Napakahalang ng mga kaluluwa ng mga hayop!” Mura kong paghihimutok.Ngunit natauhan ako nang hindi ko namalayan na nakarating ako sa likod ng simbahan sa labis na lalim ng aking iniisip. Napalingon ako sa aking paligid at walang tao roon kung kaya doon na ako nagbuhos ng sama ng loob.“Bullshit! Hypocrite! Mga bahagi kayo ng kasaysayan pero ano ang ginagawa niyo? Akala ko may basura pa sa kasalukuyang pamahalaan ngunit mas bulok at makasarili ang mga namamahala rito!” gigil kong paghihimutok sabay palatak at namaywangan. “Kaya hindi na rin ako magtataka kung bakit basura ang namanang paraan sa pamahalaan sa nagdaang henerasyon, bulok din pala ang pinagsimulan!” sarkastiko kong saad sa hangin.Napahalukipkip ako bigla ng sumagi sa aking isipan ang mga napag-aralan ko noong elementary at high school ako at napabunga ng may pagkasiphayo. “Ang galing! Ha-ha-ha
Humugot ako nang malalim na paghinga bago siya hinarap. “Maupo ka lang d’yan at babalik ako. Huwag na huwag kang aalis hangga’t hindi pa ako nakababalik.” Ani ko.“Hindi ka pa rin talaga nagbabago, tulad ka pa rin ng dati.” Aniya ngunit hindi ko na pinansin ang kan’yang sinabi at mabilis na naglakad papaalis sa kan’ya.Mabilis akong naghanap ng pharmacy ngunit hindi ko alam kung ano ang itsura ng pharmacy sa panahong ito.“Where the hell I find pharmacy here?” I cursed under my breath.Iginala ko ang aking mga mata ngunit wala akong makita.“Hinahanap mo ba ang dispensaryo, binibini?”Napakunot-noo akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang boses ng isang matandang babae ngunit natigalgal ako nang makita ko ang mukha nito.“Lola Linda…” mahina kong usal.“Naroon ang bilihan ng gamot, binibini,” wika nito sabay turo sa gawing kanan. “Doon mo mabibili ang kailangan mo.” Dagdag niya pa at nagsimulang maglakad papalayo.
“Binibini, oras na po ng hapunan!” tawag sa akin ni Lita sabay katok sa aking pintuan. “Bini---Malaking mga ngiti ang gumuhit sa aking labi at mabilis akong lumabas ng k’warto at patakbong pumunta sa hapag-kainan kung nasaan na nakaupo na sina Don Raul at Doña Celestina.“Don Raul! Doña Celesti—este ama! Ina!” masaya kong tawag sa kanila.Napatawa nang malakas si Don Raul sa akin. “Ano ba ‘yon, anak? Anong meron para malagyan ng masayang ngiti ang iyong mukha?” tanong ni ama sa akin.Naupo ako saka masayang humarap kay ama. “Ama, maaari mo po ba akong bilhan ng gamit sa pang-gagamot?” masaya kong sabi. I know it’s a shame to asked Helena’s father to buy medical instruments for me even I’m not her real daughter. It’s still hurts my ego whenever it refreshes of what did those annoying guardia civil to Joaquin. I know Joaquin is not only the person who suffer from maltreatment, there are a lot of people who can’t fight back against them because they are full of
Matapos namin kumain ay umalis si Don Raul dahil sa may gagawin daw ito sa bayan samantala naman si Doña Celestina ay abala sa pamamahala ng kabahayan kaya ako na walang magawa ay napagpasyahan na libutin ang buong hacienda para na rin maging pamilyar sa pasikot-sikot dito. Halos malula ako sa laki ng hacienda nang libutin ko ito maraming mga tanim na kung saan ay iyon na ang nagsisilbing supply ng mga pangangailangan nila Don Raul.“How lucky she is? They will not go hungry even once a day because of these sources they have!” anas ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang hekta-ektaryang taniman ng palay, mais at iba pang gulay maging ang mga namumungang niyog at mangga ay meron din sila. Andami! Halos lahat na ata ng nasa bahay-kubo ay maroon silang tanim maging ang local fruits na p’wede mabuhay sa Pilipinas ay meron sila.Nagpatuloy ako sa pag-iikot hanggang sa nakarating ako sa isang shade na gawa sa nipa at may upuan na gawa sa kawayan na sa tingin ko ay pahingah
Lumipas ang mga araw ngunit wala pa rin akong naririnig kay Amang Raul dahilan para mapabuntong-hininga ako nang malalim.“Mukhang nagkamali ata ako sa pagkakakilala kay Don Raul.” At muli akong napabuntong-hininga nang malalim.“Mukhang ang lalim ng iyong iniisip, binibini,” saad ni Lita na biglang sumulpot sa aking tabi.“Well, I won’t deny it, Lita,” ani ko at napangalumbaba sa aking pagkakaupo sa ilalim ng malaking puno ng acacia.Napakamot ng ulo si Lita sa labis na pagkalito. “Kahit anong gawin ko, binibini, hindi ko talaga labis na maunawaan ang inyong sinasabi.” Wika ni Lita na bakas pa rin ang pagkalito sa kan’yang mukha.Napatayo ako sa aking pagkakaupo at pinagpagpag ang suot kong saya. Nakaramdam na ako ng panlalagkit ng katawan kung kaya napag-isipan kong maligo.“Lita, gusto kong maligo,” wika ko kay Lita at nagsimulang maglakad pabalik sa mansyon ngunit sa