NANIGAS ang buong katawan ko nang sandaling makita ko ang dugo sa sahig.
Hindi… Hindi maaari…
Unti-unting nanlabo ang aking mga mata habang patuloy kong naririnig ang malalakas na hiyawan ng mga tao sa aking paligid.
“Anong ginagawa niyo? Pigilan niyo siya!”
“Kunin niyo ang baril sa kanya!”
“Hulihin niyo siya!”
Dinig ko ang mga malalakas na tinig at utos ng mga matataas na opisyal na katabi ni Heneral Dionisio sa mga Guardia Civil. Ngunit wala roon ang aking atensyon kun’di na kay Joaquin.
“Joaquin, hindi!” nanghihina kong sigaw. Ngunit lahat ng hindi ko maipaliwanag na damdamin nang sandaling iyon ay naglaho ng hawakan niya ako sa aking mukha at magsalita siya.
“Ayos ka lang ba, mahal?” tanong niya sa aking na labis ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
“Ayos ka lang ba?” pagbabalik kong tanong sa kanya.
“Ayos
MABILIS ang mga pangyayari at ang mga nagdaang mga araw na halos hindi namin naramdaman na naggdaang pasko dahil sa labis na dami ng naganap hindi lang sa akin kun'di para sa aming lahat. Napatunayan na rin sa wakas na walang sala at hindi ang rebelde ang Pamilyang Perez dahilan para ibalik sa kanila ang lahat ng ari-arian kinumpiska ng pamahalaan sa kanila at unti-unting bumalik sa ayos ang kanilang buhay. Matapos ang lahat na nangyari ay nanumbalik na rin sa sariling katinuan si Doña Celestina nang mismong araw na komprontahin niya si Don Raul at labis ko ‘yon na ipinasasalamat. Ang hindi pagkakaunawaan at sama ng loob ni Mateo kay Don Emilio ay naayos na rin at buo niya na ring tinanggap si Teresa bilang kapatid niya. Sinabi ko rin sa kanila kung ano ang tunay na kalagayan ni Teresa kung kaya nagpasyahan nila na ipadala ito sa Espanya para doon ay ipagamot para sa ikabubuti nito. Ang mga binihag ni Don Raul ay aking pinasalamatan at tinulungan na makabalik sa kanilang probinsya a
ANG LAKAS ng kabog ng aking dibdib habang pinagmamasdan ko ang puting sobre na nasa aking kamay. Binabalot ako ng samu't saring emosyon na hindi ko na malaman kung ano. Habang pilit kong kinukumpas ang aking sarili ay hindi ko na namalayan na ang pagkalas ni Doña Celestina sa aking mga braso dahilan para mapatingin ako nang wala sa huwisyo sa kanya direksyon.“Sandali lang, anak, basahin mo muna ‘yan sundan ko lang sila Dionisio,” paalam ni Doña Celestina at mabilis na sumunod kina Don Emilio. “Emilio, sandali!” tawag niya rito.Pinagmasdan ko ang pag-alis ni Doña Celestina sa kawalan na pati huwisyo ko ay nawawala.“Ate Helena, ayos ka lang po ba?” Narinig kong tanong ni Nina sa akin ngunit wala ako sa huwisyo na sagutin siya sobrang nilalamon ng emosyon ang aking isipan.“Ate He—”Pinutol ni Joaquin ang pagsasalita ni Nina. “Ako na bahala sa kanya, Nina. Dito m
LUMIPAS ang mga araw hanggang sa ‘di namin namalayan na sumapit na ang Pebrero at habang tumatagal ay unti-unti na kaming nakaka-adjust sa mga nangyari sa amin. Sina Lola Nilda, Mang Prospero, Rafaelito, Manang Miling at Rosa ay naninirahan sa dating naming tahanan. Actually, ibinigay na namin sa kanila ang bahay na iyon para makalimutan na rin namin ang masasalimoot na naganap at kasinungalingang nabuo sa pamamahay na iyon. Ginawa rin namin iyon para sila na rin ang mamahala sa buong hacienda. Sa mga nakalipas na mga araw din ay nagkaayos na rin ang magkapatid na sina Don Carlos at Don Emilio well, hindi totally ayos pero at least nasa step one na sila at tuloy-tuloy na magkakaayos. Ang biruang naganap kina Doña Celestina at Heneral Dionisio ay nauwi nga talaga sa ligawan na sobrang nakakatuwa. Ngunit si Doña Celestina nga lang itong nag-aalangan gawa ng nangyari kina Don Roman at Don Raul. Iniisip niya baka masama ang maidulot ng kanilang relasyon lalo na sa mg
AKALA ko ay tuloy-tuloy na ang magagandang pangyayari sa buhay namin pero sa mga nagdaang mga araw ay napapansin kong parang may mali kay Joaquin patuloy siya sa panghihina at namumutla.“Mahal, ayos ka lang ba?” nag-aalala kong tanong sa kanya.“Ayos lang ako, mahal. Huwag mo akong alalahanin masyado,” wika ni Joaquin at hinawakan niya ang aking kamay nang mahigpit. “Ang kailangan mong alalahanin ay ang iyong nalalapit na panganganak. Kabuwanan mo na at kailangang hindi ka masyadong nag-aalala sa mga bagay-bagay baka masama pa ang idulot nito sa iyo at sa anak natin.” Dagdag niya.“Nag-aalala lang naman ako sa ‘yo, mahal kasi matagal na rin na masama ang kalagayan mo mas makakabuti kung magpatingin tayo sa manggagamot o kaya kung ayaw mo ako na lang susuri sa ‘yo. Manggagamot din naman ako—”“Mahal, ayaw kitang mag-aalala sa akin. Ayos lang ako kaya sana ‘wag ka na mag-aalala,
Los Angeles, California 2100H“Dr. Rosario!”Kalalabas ko lang ng OR nang may tumawag sa akin dahilan para makuha ang aking atensyon. Inalis ko ang suot kong surgical cap nilingon ko ito ngunit napakunot-noo ako nang makita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na suit.“Yes? What can I do for you, mister…?” nag-aalangang tanong ko dahil hindi ko alam kung sino at kung anong pangalan ng lalaking kausap ko. In-extend niya ang kan’yang kamay kung kaya nakipag-kamay ako sa kan’ya.“Atty. Giovanni Lopez,” maikling pakilala niya.“May I know why an attorney like you looking for me?” nalilitong tanong ko matapos kong bawiin ang kamay ko sa kan’ya.“I am the divorce lawyer hired by your husband, Dr. Salvador to serve this divorce paper to you, Dr. Rosario.” At binuksan nito ang attaché case na dala niya at kinuha ang isang white envelope at inabot iyon sa akin.“Wait! I can’t cope up with what you are saying? Divorce paper? For real?” Hin
“Binibini, may gumugulo po ba sa inyong isipan?” tanong ng dalaga sa aking harapan.“Yes, there’s a lot to think of! Why every thing in here seems to be old? Nasa variety show o isang game show ba ako para maging ganito ang set up? Or this is a prank? Bakit ganito ang lahat?” tanong ko in deep exasperation on what the hell is happening. I keep on wandering but every thing is really much like in the historic era. A very simple way of living. The native hut that I usually saw on books when I was in elementary is here in the middle of wide grass field. Is this a dream? There’s no way it would still exist especially nowadays that every town already embrace by civilization, how come place like this exist?Ibinalik ko ang tingin ko sa dalaga na ngayon ay nakayuko. “Paumanhin, binibini ngunit hindi ko lubos na maunawaan ang inyong sinasabi. Wala akong sapat na kaalaman tulad ng sainyo para kayo’y aking maintindihan,” nakayukong paghingi niya ng dispensa.The heck! Her way
“Ako po si Lita.” Aniya. “Lagi niyo na lang po nakalilimutan ang aking pangalan, binibini,” nahihiyang dagdag niya.Napatawa ako ng hilaw. “Gano’n ba? Pagpasens’yahan mo na ako, Lita,” wika ko kahit hindi naman talaga ako makalilimutin. As a doctor, I can’t forget important things especially the information regarding to my patients. Sasakyan ko na lang lahat ng sasabihin niya para hindi na siya malito sa akin at hindi niya mapansin na ibang Helena ang nasa kan’yang harapan.“Lita? Tama ba?” paninigurong tanong ko. Tumango lang siya bilang tugon.“Anong petsa na ba ngayon?” segway kong tanong. Gusto ko lang makasiguro na nagkakamali lang ako sa aking hinala.“Ika-tatlongpu't isa po ng Marso.”March 31? Hindi ba April 1 na bago ako umalis ng L.A? 9 pm ako umalis doon plus 15 hours na biyahe…dumating ako sa Pilipinas ng 1 pm ng tanghali? Dapat April 3 na ngayon! Bakit March 31 pa lang?Napatingin ako kay Lita. “Anong taon ngayon, Lita?”“Isang
Hindi ko namalayan na nakarating na kami ng mansyon dahil sa napasarap ang aming usapan at tawanan. Hindi naman pala mahirap hanapin ang mansyon hindi tulad ng inaakala ko. Hinatid ako ni Lita hanggang sa makarating kami sa sala at doon ko nakita ang isang lalaki na nasa middle age, I think? Nakaupo at nagbabasa ng isang letter.“Siya na ba si Don Raul?” tanong ko sa aking sarili.“Don Raul, narito na po si Binibining Helena,” nakayukong sabi ni Lita.Inalis nito ang kan’yang tingin sa binabasa at itinuon ang atensyon sa akin.“Makakaalis ka na Lita,” saad ni Don Raul. Tahimik na umalis si Lita at iniwan ako kasama ng aking ama.Shit! Anong klaseng ama ba si Don Raul? Anong gagawin ko? Lita! Bakit mo ko iniwan dito mag-isa? Mukhang masungit pa ata ‘to kung tignan naman ako nito para ‘yong mga superiors ko sa ospital na halos mangangain na ng buhay kapag nagkamali lang ako ng kilos o ng sasabihin. Hindi lang naman sa akin sila gano’n, halos sa lahat na m