Cadmus was so busy reading the documents his table when he got interrupted by the loud noise coming from the phone that was on the other side of his table. Naroon siya sa loob ng kanyang opisina na nasa ikalawang palapag ng kanyang mansyon sa Black Forest Territory. Bumuntong-hininga siya at ipinasyang huwag nang pansinin ang maingay na telepono.
Muling itinuon ni Cadmus ang buong pansin sa kanyang binabasa ngunit tila wala yatang balak na tumigil sa pagtunog ang telepono dahil patuloy iyon sa pag-ingay. At, masyadong masakit sa tenga ang tunog niyon kaya bago pa man tuluyang mairita ay ipinasya na ni Cadmus na sagutin ang tawag.
Kunot-noong dinampot niya ang telepono mula sa lalagyan at itinapat iyon sa tenga para lamang mabulabog ng matinis na boses mula sa kabilang linya.
Seriously? Does she have to shout?
"Kuya!" Malakas ang boses na bungad ni Cristina habang tila mga bubuyog na nagbu-bulungan ang tatlong makukulit na bubwit sa kanyang tabi.
Bagot na hinilot ni Cadmus ang sentidong mas lalo pa yatang nadagdagan ang kirot dahil sa ingay ng triplets ng kapatid niya.
"Do you have to shout, Cristina?" Malamig ang boses na tanong niya sa kapatid na tumawa lang.
Gusto niyang magsisi kung bakit hinayaan niya pa itong magpakasal kay Shade. Simula yata nang maikasal ito sa kaibigan niya ay mas lalo pang lumalala ang kapatid niya.
"Kuya, can you come over, please?" Tanong ni Cristina kay Cadmus mula sa kabilang linya pagkaraan ng ilang saglit. "Wala kasi si Shade rito, eh. Wala kaming ibang kasama rito sa bahay bukod kay Cordelia." Dugtong nitong ang tinutukoy ay ang tagapag-alaga sa triplets.
"Bakit, nasaan ang asawa mo?" Tanong niya bago sumandal sa swivel chair para i-unat ang nangangawit na likod.
"Wala nga kasi siya rito. Sige na, please!" Pakiusap ni Cristina kay Cadmus. "At saka, nami-miss ka na rin ng mga bata, eh." Dugtong pa nito bago walang paalam na ibinaba ang telepono.
Nalukot ang ilong ni Cadmus at awang ang mga labing napatitig na lamang sa hawak na telepono. Did she just hang up on him?
Laglag ang pangang ibinalik ni Cadmus ang telepono sa lalagyan nito at napa-iling na lang. Mukhang naisahan na naman siya ng kapatid niya. Alam na alam talaga nito kung kailan gagamiting pang-uto ang mga anak para pumayag siya.
Napatingin si Cadmus sa suot na relong pambisig para lang matigilan. It's already past three in the afternoon and he still has to drive for a couple of hours before he could arrive at Gray Shadow Territory, the pack that Shade Umbra rules.
Napapa-iling na lamang na dinampot ni Cadmus ang leather jacket na nakapatong sa sandalan ng swivel chair. Isinabit niya iyon sa kaliwang balikat at ipinasyang lumabas na ng opisina. He went directly to the driveway and walked towards his car. Pasakay na siya nang biglang may tumawag sa kanya.
"Alpha!"
Tumigil sa akmang pagbukas ng pinto ng kotse si Cadmus at lumingon sa pinanggagalingan ng boses. It was Finn, his beta.
"Yes?"
"Aalis ka?" Tanong nito sa kanya na bahagya pang ngumuso sa sasakyan niya.
"I'll be going to Gray Shadow kaya ikaw na muna ang bahala rito." Aniya bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse at tuloy-tuloy nang pumasok sa loob ng sasakyan. He started the engine and didn't bother to wait for his answer. He leaves without saying anything, living his beta shrugging his shoulders.
Cadmus was the exact opposite of his sister. Christina was always noisy to the point that she already seemed like she never runs out of words while he was the serious type. He talks less. Nang mamatay ang mga magulang nila ni Cristina ay siya na ang umako ng lahat ng responsibilidad na mapalaki ang kapatid niya. Cadmus went through so many ups and downs before he finally got everything that he wanted. From becoming a mother and father to Cristina to reclaiming the Black Forest down to—
Naipilig ni Cadmus ang ulo nang magsimula na namang dumaloy sa kanyang alaala ang nakaraan. Ang nakaraang ayaw na niyang balikan dahil sa walang kapantay na sakit na ibinigay sa kanila ni Cristina at ang nakaraang nagturo sa kanya kung paano maging matatag at lumaban. Cadmus' hands tightened its grip on the steering wheel as he tried his best to shook off the memories from his head. Ipinasya niyang itabi muna ang sasakyan sa gilid at binuksan ang bintana para suminghot ng sariwang hangin.
Pagkaraan ng ilang sandali ay muli niyang itinuloy ang pagmamaneho. He still has a long way to go. He opened his car stereo and started to listen to his favorite song.
Halos tatlong oras na siyang nagmamaneho nang biglang tumunog ang cellphone niyang nakapatong sa dashboard ng kotse. Dumukwang si Cadmus para abutin ang cellphone. Napakunot-noo siya nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hey..." He greeted after tapping the answer button.
"Nasaan ka? Tumawag ako sa mansyon mo pero ang sabi ni Finn ay umalis ks raw."
Napaismid si Cadmus. "Hindi niya rin ba sinabi sa iyo kung saan ako pupunta?" Bagot na tanong niya sa kausap.
It was Seventh D'Seven. Ang pinuno ng Seventhstone Territory.
Narinig ni Cadmus ang pag-alpas ng malakas na tawa nito mula sa kabilang linya dahilan para malukot ang mukha niya. That was weird. Seventh was once known for being ruthless. The feared beast of Seventhstone.
Not until he met his Luna.
"C'mon, man...relax and have some fun, okay?" Ani nito sa pagitan ng patuloy na pagtawa. "Anyway, we'll be in Quantum Leap tonight. Care to join us?" Tanong nito kay Cadmus.
Umangat ang kilay ni Cadmus nang marinig ang sinabi ni Seventh. "I don't think, I can, Seventh. I'm on my way to Gray Shadow now—in case you don't know." Turan niyang ang mga mata ay nakatutok sa harapan habang patuloy na nagmamaneho.
"Slow down a little, man. Bakit ba napakasungit mo?" Natatawang tanong ni Seventh kay Cadmus. "I'm telling you, I was once an alpha like you, dude and it ain't no good. Just wait 'til you meet your woman." Dugtong pa nitong ikinatigil ni Cadmus.
And, in just a blink of an eye, a girl with a sweet and innocent smile appeared at the back of his mind. Cadmus' eyes dimmed as he remembered the girl that he met years ago.
"Hey man, are you still there?"
Cadmus snapped back on his senses as he heard Seventh's voice from the other line.
"Okay, but I can't promise." Tugon niya bago ipinilig ang ulo para pilit na alisin sa isip ang babae.
"Oh, that's good!" Tuwang sabi ni Seventh. "See you there, then. And, hey! Sun and Chann will be joining us too." Dugtong nito bago tuluyang nagpaalam.
Pagkatapos ibalik sa ibabaw ng dashboard ang cellphone ay muling itinuon ni Cadmus ang atensyon sa kalsada. Ngunit hindi pa man nakakalipas ang ilang minuto ay muli na naman iyong tumunog. Tiningnan niya ang screen para alamin kung sino ang tumatawag at hindi niya mapigilang hindi mapangiwi. It was his good sister.
Cadmus tapped the answer button and turned on the speaker. It is better to be safe than to be sorry. Baka tuluyan na siyang mabingi dahil sa matinis na boses ng magaling niyang kapatid.
"I'm on my way now, Cristina." Kaagad niyang turan na tinugon lang nito ng tawa. Cadmus hissed. "What?!" He exclaimed.
"Kuya, you can go back home already. Pauwi na si Shade. Hindi raw kasi natuloy ang business deal niya." Tila walang anumang sabi nito.
Cadmus unconsciously hit the break out of shock. Kung kailan malapit na siya sa Gray Shadow?! Seryoso ba talaga ito?
"Are freaking making fun of me, Cristina?!" He asked, almost snarling.
"No, Kuya..."
Cadmus heave a deep sigh and growl softly. "Okay, fine!" Gigil niyang turan bago mabilis na tinapos ang usapan.
Damn it but it feels like he's having a headache right now because of his good sister.
Cadmus released a sigh before he decided to take a U-Turn, going back to the Black Forest. Pupunta na lang siya sa Quantum Leap.
And yes, he owns the club.
"Hija, may bisita ka." Nakangiting bungad ni Manang Berta kay Calla. Ang all-around maid na kasama niya mula pa noong nakaraang araw.Kababalik lang ni Calla mula sa Crimson Summit Territory ilang araw ang nakakalipas. Calla was living at Crimson Summit since she was sent away by her parents. She was a well-known fashion designer in Crimson Summit Territory and she was just here for a month of vacation. Pakiramdam niya ay may kailangan siyang gawin pero wala siyang ideya kung ano. Something was pulling her back to the place where she grew up till she reached seven—before her parents sent her away from home. Ang lugar kung saan puno ng masaya, malungkot, masakit at mapait na mga alaala. And, it took her too much courage to return home."Calla, patutuluyin ko ba?" Tanong ni Manang Berta kay Calla na siyang gumising sa ilang saglit niyang pagkatulala at pagbalik-tanaw.Lumingon si Calla mula sa pagkakayuko sa kaharap na laptop at nakangiting tumango.
Pagkarating sa Quantum Leap ay kaagad na ipinarada ni Cadmus ang dating sasakyan sa parking space na nakareserba para sa kanya bago mabilis na bumaba at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng pag-aaring bar. Wala pang gaanong sasakyan sa labas kaya maluwag pa ang parking area.Ang Quantum Leap ay isang kilala at eksklusibong bar na nasa bukana ng Black Forest Territory. Walang sinumang nakakapasok rito na hindi registered member ng Quantum Leap. There are certain methods and standards to be able to get a membership card in the bar. And all of its clients are high-profiled people in society that's why Cadmus always makes sure that the service in his bar is good. His employees are all well-trained and so far, he hasn't heard any bad complain yet.Malayong-malayo na ang Quantum Leap sa dati nitong anyo. Nang mapunta kay Cadmus ang pamamahala sa bar ay halos palubog na ito. Cadmus did his best to rebuild the bar and made it out of the well-known luxury bar in the Bl
Six years ago...Hunt's Mansion, Black Forest Territory"Congratulations, Cad!" Masayang bati ni Sev kay Cadmus sa masayang tinig habang hawak sa kamay ang kopitang may lamang alak."Salamat!" Malapad ang ngiting tugon ni Cadmus dito bago binalingan si Tyrone na katabi si Riva.Pinuno ng Grimstone pack si Tyrone samantalang si Riva naman sa Orione Stone.Isang buwan na rin ang nakakalipas mula nang muling mabawi ni Cadmus ang Black Forest mula sa traidor na beta ng pumanaw niyang ama. Si Amado Spear.Amado Spear was the most trusted beta of his father, Crizole Hunt. That's what they thought until that supposed to be a great and memorable night that turned into a nightmare.It was his younger sister, Maria Cristina's third birthday when they got surprised by the sudden attacked of rogues. His father did his best to protect them and ordered his beta to take care of them. Cadmus was
"Hey, man," dinig ni Cadmus na tawag sa kanya ni Seventh na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Napatigil siya pagbabalik-tanaw. "You're spacing out. Are you with us?" Dugtong pa nitong may kasamang panunukso sa boses.Napakurap si Cadmus at wala sa loob na binawi ang tingin sa babaeng kasalukuyan nang nakaupo kasama nila. Damn but this is torture!"I'm sorry." Usal niyang pailalim na muling sinulyapan ang babaeng nakatingin din sa kanya. "What was that again?" Tanong niya kay Seventh.Shit, but how the hell could he ever forget that beautiful face that haunted him for years? He just couldn't believe what he's seeing right at this moment. Is he seeing her for real or this is just another part of his dream...again?"Man, stop throwing her those wild gazes. Why don't you talk to her if you like her?" Bulong ni Sun sa kanya na katabi niyang nakaupo.Cadmus hissed and glanced at him annoyingly. "Shut the hell up!" Singha
Huh! Calla let out a deep sigh as she wiped the tears that rushed out of her eyes but she couldn't just stop it from falling. Napahikbi siya habang hawak-hawak ang isang larawan kung saan kasama niya ang kanyang mga magulang. Kuha iyon noong bago siya umalis patungo sa Crimson Summit Territory."Mommy, Daddy," pahikbing usal ni Calla habang nakatitig sa larawan at masuyong hinahaplos ang mukha ng dalawa sa pinakamahalagang nilalang sa buhay niya. "sana pala ay hindi na lang ako pumayag sa gusto ninyo. Pero kung sakaling nandito nga ako noong mangyari sa inyo iyon, may magawa ko naman kaya kayong ipagtanggol?" Patuloy niya habang ang mga luha ay walang tigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata nang bigla siyang may maalala. Umahon ang walang katumbas na galit mula sa pinakasulok na bahagi mg puso niya hanggang sa punuin niyon ang buo niyang pagkatao.Cadmus Hunt.The man with a dangerous yet irresistible look popped out at the corner of her hea
A knock got Cadmus' attention while he was so busy reading some papers. He got a pile of important papers and deals that needs his full attention. He has to sign it by tomorrow.He sniffed on the air as he smells the familiar scent of his beta, Finn and a fresh scent of newly picked flowers. It lingered through his nose down to his nostrils.Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Cadmus.Flowers?"Come in," bagamat nakangiti ay kunot ang noong ani ni Cadmus kasabay ng pagbukas ng pinto ng kanyang opisina.Mula roon ay bumungad si Finn na may hawak na pumpon ng mga bulaklak. It was white lilies mixed with some chrysanthemums and baby's breath."What's that?" Tanong niya bago isinandal ang likod sa swivel chair.Obviously, it was flowers but he wanted to know why Finn is still holding it. As far as he knew, he should be given it to Calla."Alpha, hindi niya tinanggap ang mga
It's six o'clock in the evening at kasalukuyang nakahiga si Calla sa kanyang kama habang nagbabasa ng women's magazine nang makarinig siya ng sunod-sunod na katok mula sa pinto."Tuloy," aniya bago ibinaba ang binabasang magazine sa isang tabi, kasabay ng pagbungad ni Aling Berta."Hija, may bisita ka," nangi-ngiting ani nito kay Calla na kaagad namang kumunot ang noo.Wala naman siyang inaasahang bibisita sa kanya ngayong araw. At, wala rin silang usapan ng mga kaibigan niya na magkikita."Sino po?" Takang tanong ni Calla."Ang alpha ng Black Forest Territory." Tugon nitong ikinalukot ng mukha ni Calla.Kailan ba siya titigilan ng lalaki? Wala yatang araw na hindi siya kinukulit ng beta nito at ngayon ay ang walang-hiyang lalaki na mismo ang pumunta.Yamot na bumangon si Calla mula sa kama at halos padabog na tumayo. Nagma-martsang humakbang siya palabas ng kanyang silid at hind
Abala si Calla sa kinakaing pizza na siyang pinakapaborito niyang pagkain nang biglang magsalita si Dev. Napatigil siya sa tangkang pagsubo at napatingin sa kaibigan. Kumunot ang kanyang noo."So, how was your date with Alpha Cadmus?" Tanong nito sa pagitan ng pagnguya ng pizza na nasa loob ng bibig nito.Umangat ang kilay ni Calla. Sa pagka-ka-alam niya ay wala naman siyang binanggit dito o kahit kay Nirel tungkol sa pagyaya sa kanya ng alpha ng Black Forest na lumabas.Inabot niya ang baso ng juice at uminom bago sinagot ang tanong ni Dev. "Hindi ako sumama," walang pakialam na tugon niya sabay subo sa hawak na pizza at bale-wala iyong nginuya habang abala sa pagkalikot sa hawak niyang cellphone.Sabay na napatingin kay Calla ang dalawang kaibigan."Bakit naman?" Tanong ni Nirel na puno ng pagtataka sa tinig. Napatigil pa ito sa pagnguya ng kinakaing pizza.Calla rolled her eyes and shrugge