Share

Chapter Two

"Hija, may bisita ka." Nakangiting bungad ni Manang Berta kay Calla. Ang all-around maid na kasama niya mula pa noong nakaraang araw. 

Kababalik lang ni Calla mula sa Crimson Summit Territory ilang araw ang nakakalipas. Calla was living at Crimson Summit since she was sent away by her parents. She was a well-known fashion designer in Crimson Summit Territory and she was just here for a month of vacation. Pakiramdam niya ay may kailangan siyang gawin pero wala siyang ideya kung ano. Something was pulling her back to the place where she grew up till she reached seven—before her parents sent her away from home. Ang lugar kung saan puno ng masaya, malungkot, masakit at mapait na mga alaala. And, it took her too much courage to return home. 

"Calla, patutuluyin ko ba?" Tanong ni Manang Berta kay Calla na siyang gumising sa ilang saglit niyang pagkatulala at pagbalik-tanaw. 

Lumingon si Calla mula sa pagkakayuko sa kaharap na laptop at nakangiting tumango. "Ah, yes, Manang, please." Turan niya bago muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa. She was on her vacation but it doesn't feel like really on it because she's still working. She's busy sending new designs through e-mails while talking to people whose related to her works.

Calla saved her newest design and decided to continue doing it later. Kailangan niya munang unahing harapin ang  kanyang mga kaibigan. At, kung hindi siya nagkakamali ay tiyak na dadalhin na naman siya ng mga ito sa kung saan. Knowing her friends... 

Calla rolled her eyes as she remembered her friends. She exactly knew how outgoing her two friends are. And, both of them are her exact opposite. Si Calla ang tipo ng babaeng mas gusto pang ubusin ang maghapon sa loob ng kuwarto habang nagbabasa o natutulog kaysa pagurin ang sarili sa labas. And, she really do not know how they end up being her friends. 

Ilang saglit pa ay lumitaw na ang dalawa sa salas ng bahay niya. Her house was built four hours drive away from her former pack. Ang teritoryong dati ang pinamumunuan ng mga magulang niya. 

Muli ay hindi napigilan ni Calla ang pagsalakay ng sakit at pait mula sa sulok na bahagi ng puso niya. Sadness filled her hazel brown eyes as she once again remembered her parents. Damang-dama niya pa rin ang sakit na dala ng mapait na nakaraang kahit anong pilit niyang kalimutan ay hindi niya pa rin magawa. Tila iyon time bomb na ano mang oras ay p'wedeng sumabog kapag hindi maagap na napigilan. The thought of losing them while she was not around added to the pain that she was bearing for years. She wasn't even given the chance to protect them. And the most painful thing is that the thought of her not capable of protecting her parents even if she's beside them felt like a hell of torture. 

Calla took a deep breath as she forced a smile on her lips. Bahagya niyang ikinurap ang mga mata bago humakbang para salubungin ang dalawang kaibigan na parehong nakatingin sa kanya at kapwa pa nakataas ang mga kilay. 

"What?" Wala sa loob na tanong ni Calla sa dalawa na ang mga mata ay palipat-lipat kina Dev Annie at Nirel. 

"Anong 'what'? For your information, pur dearest Calla, kanina pa kami nagsasalita rito pero wala kaming nakuhang sagot mula sa'yo! It was as if your soul was stuck or should I say, your thoughts are way too far from us and you got stuck somewhere out there. Girl, are you with us?!" Nakasimangot na tugon ng isa na sinabayan ng pag-upo sa sofa kasunod si Nirel. 

"I'm sorry, may naalala lang ako. But I'm perfectly fine." Tugon niya bago itinabi ang ilang gamit na nakakalat. 

"Yeah, right." Naka-ismid na sabi ng isa. "Akala ko ba, bakasyon mo kaya ka umuwi rito after years of running away from—"

"Dev, stop!" Putol na saway ni Nirel sa sasabihin ng katabi. "You are being insensitive again." Nakairap na dugtong nito kay, Dev Annie. 

"It's okay, Nirel. Tinatapos ko lang iyong huling design tapos magpapahinga na ako." Kaagad na sabad ni Calla sa dalawa bago pa man magtalo ang mga ito. 

Sa tuwing magkasama sila ay hindi natatapos ang araw na walang bangayang nagaganap sa pagitan nina Dev Annie at Nirel pero nanatili pa rin namang magkaibigan ang mga ito sa kabila ng hindi mabilang na pagtatalo. Mas naging malapit pa nga sila sa isa't-isa at sa huli ang naging matalik na magkaibigan. 

"At, pagkatapos ay magkukulong ka rito sa bahay mo buong araw habang kaulyaw iyong mga libro at kama mo, ganoon ba?" Naninitang turan ni Nirel sa kay Calla. "Come on, Calla, let's go out and have some fun!" Patuloy nitong biglang nangislap anv mga mata dahil sa tuwa. 

"True!" Dev Annie agreed as she nodded her head repeatedly. "Mag-barhopping kaya tayo?" She suggested. Excitement filled her round blue eyes. 

"I think, that's a better idea. So, saan tayo?" Mabilis na sang-ayon ni Nirel na sinabayan pa nito ng palakpak.

Hindi naman halatang exited ito at tuwang-tuwa. 

"Quantum Leap!" 

Napatanga si Calla nang marinig ang pamilyar na pangalan ng isang bar na binanggit ni, Dev Anne. 

Quantum Leap... 

Tila sirang plakang paulit-ulit na umalingawngaw sa loob ng ulo ni Calla ang salitang iyon. 

That place... 

"Hey, Calla, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Nirel nang marahil ay mapansin nito ang ilang saglit na pagkatulala ni Calla. 

"I'm fine." Sagot niyang matipid na ngumiti. "Pero p'wede bang sa ibang lugar na lang tayo?" Tanong ni Calla sa kabadong tinig. 

Kung bakit naman kasi sa dinami-dami ng lugar ay doon pa naisipan ng dalawa na pumunta?. 

"Doon muna tayo, Calla. Madaming hot na boylet doon. Huwag ka nang kumontra. Kailangan mo nang matutong makihalubilo sa opposite sex para magka-love life ka na." Ayaw paawat na turan ni Dev Annie kay Calla. 

Napabuntong-hininga na lamang si Calla. Seems like she won't have any choice but to agree. 

Pagkaraan ng ilang sandaling k'wentohan ay nagpasya na si Calla na tumayo para mag-ayos ng sarili. Malayo-layo rin ang Quantum Leap mula sa bahay niya dahil nasa Black Forest territory pa ito.

Bumuga ng hangin si Calla bago nakangiwing nagpaalam sa dalawang kaibigan para mag-ayos. Hindi niya alam kung tama ba itong desisyon niyang sumama kina Nirel at Dev Annie na sumama sa Quantom Leap pero bahala na. 

Like what they've said... 

What comes around, comes around! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status