Share

Chapter Six

Huh! Calla let out a deep sigh as she wiped the tears that rushed out of her eyes but she couldn't just stop it from falling. Napahikbi siya habang hawak-hawak ang isang larawan kung saan kasama niya ang kanyang mga magulang. Kuha iyon noong bago siya umalis patungo sa Crimson Summit Territory. 

"Mommy, Daddy," pahikbing usal ni Calla habang nakatitig sa larawan at masuyong hinahaplos ang mukha ng dalawa sa pinakamahalagang nilalang sa buhay niya. "sana pala ay hindi na lang ako pumayag sa gusto ninyo. Pero kung sakaling nandito nga ako noong mangyari sa inyo iyon, may magawa ko naman kaya kayong ipagtanggol?" Patuloy niya habang ang mga luha ay walang tigil sa pagpatak mula sa kanyang mga mata nang bigla siyang may maalala. Umahon ang walang katumbas na galit mula sa pinakasulok na bahagi mg puso niya hanggang sa punuin niyon ang buo niyang pagkatao. 

Cadmus Hunt. 

The man with a dangerous yet irresistible look popped out at the corner of her head. 

Bumalik sa isipan niya ang naging tagpo sa Quantum Leap. 

LIHIM na napaismid si Calla nang mapalingon sa lalaking ngayon ay matiim ang mga matang nakatitig sa kanya. Maliwanag sa gawi nito dahil sa lamp post na nakatayo dalawang dipa ang layo mula sa kinatatayuan nito. 

Calla raised her left brow as she watched him taking his steps close to her while seriously looking at her. And, as he finally reached her, Calla's eyes went wide when he suddenly pull her close to him and claomef her lips without saying anything. Dahil sa labis na pagkabigla ay hindi kaagad nakakilos si Calla. Umawang ang mga labi niya na kaagad namang sinamantala di Cadmus at mabilis na ipinasok ang malikot na dila sa loob ng kanyang bibig. 

No! Sigaw ng utak ni Calla nang makabawi sa pagkabigla at pilit na itinulak ang lalaking tila walang anumang mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng isang kamay sa leeg niya habang ang isa naman ay tila ahas na nakapulupot sa kanyang beywang. Patuloy ito sa marahas na pag-angkin sa mga labi niyang walang kalaban-laban. 

Pumikit ng mariin si Calla bago mariing kinagat ang dila nitong tila mandirigmang pilit na sinasaliksik ang bawat sulok at loob ng kanyang bibig. Kaagad na bumitaw si Cadmus sa kanyan at malakas na napamura.

"Fuck! Damn it!" Sunod-sunod na mura nitong ikinangiwi ni Calla. "Bullshit!" Hirit pa ni Cadmus na napahilamos ng palad sa mukha habang ang mga mata ay matalim na nakatingin sa babaeng biglang namutla habang tila nahihintakutang nakatingin sa pinuno ng Black Forest.

Kaagad na tumalikod si Calls mula dito. Hahakbang na sana siys pabalik sa loob ng bar nang bigla na lamang siyang hinablot ni Cadmus sa braso na ikinasinghap niya. Galit siya nitong isinandal sa kotseng kanina lamang ay sinasandalan niya. Matalim ang mga matang tinitigan ni Cadmus si Calla na hindi naman napigilang mapalunok. Tila noon lamamg siya nakadama ng labis na takot sa tanang buhay niya. This man is indeed dangerous. 

Saglit na natigilan si Calla nang mapansing tila lumambot ang anyo ni Cadmus habang nakatitig sa kanya. Ang kulay abo nitong mga mata ay tila nagkaroon ng kakaibang kislap kaya parang namamalik-matang napakurap si Calla ngunit saglit lang iyon dahil kaagad ding naging blangko ang mukha at mga tingin nito.

"Stop running away from, Calla because you are mine!" Ani nitong muling dumilim ang anyo. "Yes! You hear me?! You are mine!" Halos padaskol na dugtong pa nitong ikinatanga ni Calla. At, bago pa man siya makasagot ay mabilis itong nawala sa tabi niya at naglaho sa dilim.

Ano ang ibig nitong sabihin? Kailan pa siya naging pag-aari ng lalaking ito?

"What?! Did he just said that I'm his? Is he out of his mind?" Usal ni Calla bago tila nanghihinang tinawagan si Dev Annie.

Gusto na niyang umuwi at magpahinga dahil para siyang nawalan ng lakas sa ginawa ng walang hiyang si Cadmus Hunt.

Humugot ng malalim na buntong-hininga si Calla bago tuluyang humakbang patungo sa sasakyan niya. Seems like its not gonna be easy.

Calla snapped back on her thought when she heard the loud ring of her phone. She once again wiped her tears out before she picked up her phone. She looked at the screen to see if who's calling her. 

It was Liam. 

A soft smile went out on the cornet of Calla's lips. She tapped the green button to answer button. 

"Yes, sweetie?"

HINDI napigilan ni Finn na mapahawak sa sariling noo habang ang mga mata ay walang tigil na nakasunod sa bawat galaw ng kaharap na alpha. Kanina pa pabalil-balik na naglalakad sa harap niya si Cadmus at sa totoo lang ay hilong-hilo na siya sa ginagawa nito. Naroon silang dalawa sa loob ng opisina nito dahil tumawag ito sa kanya kaninang nasa kalagitnaan siya ng pag-iikot sa mga hangganan ng teritoryo kasama si Garett. Pagpasok pa lang niya ay kaagad siya nitong pinaupo sa upuang nasa harap ng mesa nito saka ito tumayo at nagsimulang nagpalakad-lakad sa kanyang harapan na para bang lobong hindi makapanganak. 

Bago pa man tuluyang mawalan ng ulirat ang betang si Finn dahil sa pagkahilo ay kinuha na niya ang pansin ng alpha. 

"Alpha, bakit mo nga pala ang tinawag?" Bahagyang nakangiwi na tanong ni Finn kay Cadmus na kaagad namang napatigil sa paglalakad. 

Napabuga ng hangin si Finn namg sa wakas ay tumigil na si Cadmus sa ginagawa nito sadyang nakakasira ng ulo ngunit saglit lang pala iyon. Muling napabuga ng hangin ang beta nang magsimula na namang maglakaf nang walang tigil ang alpha sa harapan niya.

Seryoso ba ito? Sapo ang mukhang tanong ni Finn sa kanyang sarili. 

"You looked so tensed. Why? Maayos naman ang lahat sa pack. Anong problema?" Takang tanong ni Finn na nakakunot ang noo. 

Lihim na nagpasalamat si Finn nang muling tumigil sa paglalakad si Cadmus at nakapameywang na humarap sa kanya. Maya-maya pa ay walang kibong humakbang ito patungo sa upuan at tila pasan ang mundong napasandal sa swivel chair. 

"I found her—no, I mean, we met again." Wala sa sariling turan ni Cadmus na nakatitig sa kawalan. 

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Finn at parang sira-ulong napasunid ang mga mata sa tinitingnan ni Cadmus. 

May nakikita ba ito na hindi niya nakikita? Takang tanong ni Finn sa sarili nang wala namang makita sa parteng tinitingnan ng alpha. 

"Sino?" Tanong na lang ni Finn kay Cadmus na napahawak pa baba nito habang malalim na nag-iisip. 

"Si Calla..."

Napaunat ng upo si Finn at awang ang mga labing napatitig kay Cadmus. This is new! Ito ang unang pagkakataong may binanggit na pangalan ng babae ang alpha na hindi niya kilala. 

"Calla who?" He asked. Brows furrowed. 

"My luna..."

Muntik nang mahulog sa kinauupuan si Finn dahil sa pagkagulat. "Luna?" Ulit niya sa sinabi ni Cadmus. 

Tumingin ang alpha sa kanya bago seryosong tumango. "Yes, " he answered. Eyes filled with excitement. "And, I want her here!" Ani pa ni Cadmus habang ang mga kamay ay nakakuyom. 

"Then court her."

Kumunot ang noo ni Cadmus bago napatitig kay Finn. "Paano ba manligaw?" Parang batang tanong nito na hindi alam kung ano ang dapat gawin. 

Napatanga si Finn dahil sa tanong ng alpha pagkuwa'y napangiwi. "Give her some flowers?" Alanganing turan niya dahil iyon lang din ang alam niya. 

"Flowers?" Tumatango habang nag-iisip na usal ni Cadmus. "Okay then, you may go now." Taboy nito kay Finn na nalukot ang ang ilong. 

Kakamot-kamot sa ulong tumayo si Finn at napapailing na lang na nagpaalam kay Cadmus na mukhang nahulog na naman sa malalim na pag-iisip. At, kung hindi siya nagkakamali ay ang Calla na sinasabi nito ang laman mg isip ng pinuno. 

"Alright, Alpha!" Ani ni Finn. "Goodluck sa panliligaw." Ani pa niya. 

Seems like the fearless Cadmus Hunt has finally found his match, huh.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status