Share

CHAPTER 10

     TINANGGAP ni Luke ang inuming ibinigay ni Logan sa kaniya. Sinubaybayan niya ang kilos ng lalaki. Mula sa kalmado nitong pag-upo sa silya hanggang sa marahang pag-inom ng alak sa harap ng kalangitang puno ng tala. Hindi na bagsak ang balikat nito. Sa katunayan ay mas naging magaan ang bawat galaw ni Logan. Wala na ang madalas na napapansin niyang bigat sa bawat hakbang nito.

"Hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yong ideya nilang may interes ako kay Jasmine kahit wala naman." Pumikit ito. "Hindi ko maintindihan."

"Mga bata lang sila. Kung ano ang sabi ng matatanda, natural na papaniwalaan nila."

Hinilot-hilot ni Logan ang sintido. Wala na ang salamin nito sa mata kaya doble ang lamig na nadarama ni Luke sa bawat titig nito. Nakasuot ng simpleng t-shirt at pajama si Logan. Gayunpaman ay hindi nababawasan ang sinsero nitong awra. Ang intense pa rin nito kahit anong gawin.

"Tingin mo, anong mainam na gawin?"

Sinimsim ni Luke ang mapait n

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status