Share

Chapter 2

"Ayon! nakikita ko na si Franki." Wika ni Angela. "Mang Isko paki-start na po 'yong sasakyan."

Sumunod naman si Mang Isko sabay start na nga ng kotse.

Natanaw ni Franki ang kotse nang kuya ni Angela. Ito ang malimit gamitin ng kaibigan niya noong nag aaral pa sila sa kolehiyo.

Patakbong sinalubong ni Franki ang papalapit na kotse, pero nasa gilid naman siya ng kalsada.

"Franki!" tawag ni Angela sa kanya. Sumilip ito sa may bintana ng kotse.

Mabilis naman na binuksan ni Franki ang pinto ng sasakyan sa may likuran at agad na sumakay. Bumaba naman si Angela para lumipat ng puwesto at tumabi ito sa kanya.

"Thank you so much!" Wika ni Franki. Sabay yakap at h***k niya sa pisngi ng kaibigan. "You are always my savior!"

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Angela sa kanya. Kumawala ito sa yakap niya.

"Angela, baka naman puwedeng sainyo muna ako mag palipas ng gabi kahit ngayon lang?" Aniya sa kaibigan sa pinalungkot na mukha.

Binatukan naman ni Angela ang kaibigan.

"Aray naman!" reklamo ni Franki sabay kamot sa tinamaan ng batok ng kaibigan.

"Sanay na ako sa ganyang gesture mo noh, paawa effect ka pa diyan." Tila sermon nito sa kanya. "Kahit naman hindi mo itanong saakin yan, your always welcome naman sa bahay. Tamang-tama out of town parents ko, kami lang ni kuya ang nasa bahay."

"Thank you talaga. Mamaya, sasabihin ko sayo ang problema ko pagdating natin sa bahay ninyo."

"Okay sige," sagot ni Angela. "Tara na Mang Isko bumalik na po tayo ng bahay."

Sumunod naman ang matanda. Mabilis na pinasibad na nito ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

PAGDATING sa bahay na pag mamay-ari ng pamilya ni Angela, dumiretso na agad sila sa kuwarto ng kaibigan.

"Dito ka muna sa kuwarto ko, kukuha lang ako ng makakain natin." Paalam ni Angela kay Franki.

"Angela, baka puwede huwag mo mabanggit sa kuya mo na naandito ako ngayon sa inyo." Pakiusap niya sa kaibigan.

"Bakit naman?" takang tanong ni Angela sa kanya.

Napatayo si Franki mula sa kinauupuan na kama ng kaibigan.

"Kapag nalaman ng parents ko na wala ako sa bahay panigurado dito sila unang pupunta sa bahay ninyo para hanapin ako." Paliwanag niya sa kaibigan.

"O sige." Sang-ayon ni Angela. "Kukuha lang ako ng pagkain natin, tapus sabihin mo sakin ang dahilan mo kung bakit ka nag layas."

Tumango si Franki bilang tugon sa sinabi ng kaibigan. Tumalikod na nga si Angela at lumabas na ng kuwarto.

Naiwan naman si Franki na nakatayo malapit sa may bintana, nakatingala habang pinag mamasdan ang mga bituin na kumikislap sa langit.

Napabungtong hininga ang dalaga, kailangan na niyang makapag isip ng susunod niyang gagawin para hindi siya makita ng mga magulang niya. Kailangan niya ng ibang matutuluyan dahil hindi siya puwedeng mag stay sa bahay ng kaibigan. Nakakahiya naman kung pati ang bestfriend niya ay madamay pa sa problemang kinakaharap niya.

Kailangan niyang makahanap ng mapapasukan na trabaho kahit na ano, basta malayo sa mga magulang niya. Paninindigan niya ang paglalayas, huwag lang siyang maikasal sa lalaking hindi niya mahal, over her dead body!

Napalingon si Franki sa bandang likuran niya nang marinig ang langitngit ng pinto. Iniluwa niyon si Angela na may dalang isang malaking tray, nasa likod naman nito ang isang kasambahay na may dala din na isang tray.

"Sabel, wala kang nakita ha? Kunwari hindi mo nakita sa kuwarto ko ang kaibigan ko na si Franki. Kapag may nag tanong sayo, sabihin mo wala kang alam o wala kang nakita." Bilin ni Angela sa kasambahay na mas mukhang bata sa kanya at bago pa lang namamasukan sa bahay nila.

"Yes po Mam," magalang nitong sagot. Inilapag sa side table ang dala nitong tray.

"Sige, iwan muna kami. Tatawagin na lang kita mamaya kung may iuutos pa ako sayo." Ani Angela.

Tumalikod na ang kasambahay, hawak na nito ang door knob ng muli itong tawagin ni Angela. "Sandali lang Sabel!"

"Bakit po Mam?"

"Kapag dumating si kuya Arth, huwag mo mabanggit na may magandang bisita ako. Pakisabihan mo na din ang mga kasama mo. Salamat." Muling bilin dito ni Angela.

"Opo Mam," muling sagot ng kasambahay at tuluyan na itong lumabas ng kuwarto.

Humakbang si Franki palapit sa kama kung saan naandoon ang kaibigan na si Angela. Inaayos nito ang mga pagkain na dala nito.

"Andami mo naman dinalang pagkain, para na tayo nitong bibitayin." Natatawang puna niya, naupo siya sa tabi nito.

May maliit na sofa bed sa loob ng kuwarto ni Angela. Doon sila pumuwesto para kainin ang mga dala nitong pagkain.

"Matagal na din nating hindi ginagawa ang ganito. Noong nag aaral pa tayo, wala pa nga sa kalahati ng pagkain na dala ko ang kinakain natin." Sagot ni Angela.

Natawa si Franki sa sinabi ng kaibigan. Tama naman ito, food is life nga ang motto nilang dalawa dahil kapag lagi silang mag kasama hindi nawawalan ng pagkain ang mga bibig nila.

"Here's your spoon and fork."

"Thanks," sagot niya sabay abot sa kutsara at tinidor na bigay nito. "Ang sarap ng foods, tamang-tama nabitin ako kanina sa hapunan namin sa bahay."

Menudo, chopsuey at rice ang nakahain sa harapan nilang mag kaibigan, tapus may dalawang slice pa ng chocolate cake at dalawang can ng soda.

"Kumain na muna tayo," ani Angela.

"Mabuti pa nga, dahil kapag nauna ang kuwento ko baka mawalan ako ng ganang kumain." Sagot ni Franki at sumandok na ng menudo at inilagay sa ibabaw ng kanin na nasa plato niya.

Pinagsaluhan nga ng mag kaibigan ang dalang pagkain ni Angela. Pilit naman na iwinaksi muna ni Franki ang kanyang problema, gusto niyang eenjoy ang pagkain na kasama ang matalik na kaibigan.

Napaka suwerte niya talaga sa kaibigan na si Angela, lagi niya itong naasahan. Lagi itong handang tumulong sa kanya at ganoon din naman siya dito. Kung titignan ang kaibigan niya, iisipin ng kahit sino na maarte at mataray ito dahil na din sa klase ng pananamit at pananalita nito. Pero kung alam lang ng lahat ang totoong ugali nito tiyak na maraming maiinggit sa kanya, dahil siya ang best friend nito. Mayaman, sosyalera pero down to earth naman ito.

PAGKATAPOS kumain nang magkaibigan ay nag simula ng mag tanong si Angela kay Franki.

"Ngayon, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit ka nag layas?"

Bumuntong hininga si Franki bago mag salita. "Si Dad kasi,"

"Ano naman si tito?" usisa ni Angela.

"Gusto niya ng arrange marriage. Ako at anak daw ng ka kumpare nito." Kuwento niya.

"What?" Parang gulat na bulalas ni Angela.  "Totoo ba ang sinasabi mo friend?"

"Mukha ba akong nag sisinungaling?" Tinuro niya ang sarili. "Tatalon ba ako mula sa bintana ng kuwarto ko, makatakas lang ako ng bahay?"

"P-pero bakit naman gagawin ni tito 'yon, may dahilan ba siya?"

"Hindi ko alam, wala siyang sinabi. Basta ang gusto niya mag pakasal ako sa anak ng kumpare niya, ayoko ng ideyang ikakasal ako sa lalaking hindi ko pa nga nakikita, nakikilala at nakakausap." Mahabang sabi niya.

Tumayo sa pagkakaupo si Angela at nag pabalik-balik ito ng lakad sa harapan niya. Mukhang ito pa yata ang ikakasal dahil sa ikinikilos nito.

"Baka naman dahil sa business?" pang huhula ni Angela.

"Maupo ka nga, nahihilo ako sayo." Sita niya sa kaibigan.

Umupo sa tabi niya si Angela, kasalukuyan na nasa kama na sila.

"Alam ba ni tita at ng ate mo ang plano ng dad mo?"

"Yes!" Mabilis niyang sagot. "Wala din naman silang magagawa, dahil si dad ang ang nasusunod sa bahay. Siya ang batas. Kaya nga nakakainis, alam mo iyong parang si dad na ang nag papatakbo ng mga buhay namin."

"Kawawa ka naman pala friend. Kung gusto mo, dito kana muna tumira sa bahay. Matatagalan pa bago makabalik ng pilipinas parents namin. Si kuya Arth naman, busy sa kompanya. Laging gabi na kung umuwi." Alok na tulong sa kanya ni Angela.

Nakakatuksong tanggapin niya ang alok na tulong ng kaibigan, pero hindi siya puwedeng manatili sa bahay ng mga ito dahil panigurado na susunduin siya ng pamilya niya para maiuwi.

"Hindi puwede friend," tanggi niya sa alok nito. "Ang kailangan ko ay trabaho."

"Tamang-tama, fresh graduate ka. Kailangan ni kuya ng secretary sa company namin." Muling alok nito.

"Hindi puwede friend," muling tanggi niya sa kaibigan.

"Pambihira ka naman, ikaw na nga ang tinutulungan tinatanggihan mo pa." Sermon nito sa kanya.

"Kasi nga kapag nalaman ng dad ko na naandito ako sa bahay ninyo o kaya ay nag tatrabaho ako sa kompanya ninyo, tiyak na pipilitin niya akong bumalik ng bahay." Paliwanag niya sa kaibigan. "Gusto kong tanggapin ang inaalok mo na tulong, pero mas kailangan ko ang trabaho na malayo sa pamilya ko 'yong hindi nila ako makikita."

Nakita niya ang pag taasan ng mga kilay ng kaibigan.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Angela.

Kumibit - balikat si Franki.

"Akala mo ba, madali lang mag hanap ng trabaho lalo na at wala ka pang experience sa work." Gagad ni Angela. "Ayaw mo, na makita ka ng pamilya mo. Anong gusto mong trabaho, kasambahay?" Biro lang naman iyon para kay Angela pero nagustuhan ni Franki ang sinabi ng kaibigan.

"Tama!" tila nag liwanag ang mukha ni Franki. "Puwede na ang kasambahay saakin."

"What?" Hindi makapaniwalang reaksiyon ni Angela. Napatayo ito mula sa kinauupuan na kama. "Hindi ka lang siguro nasisiraan ng ulo, nababaliw ka na! Despirada lang?"

Hinatak niya ang mga kamay ng kaibigan at muling pinaupo sa gilid ng kama sa tapat niya.

"Friend, kapag pumasok ako na kasambahay ibig sabihin lagi lang ako nasa bahay. Imposibleng mahanap pa ako ni dad!"

"Graduate ka nga ng college pero kung mag isip ka ga -munggo!" Prangkang sabi ni Angela sa kanya. Hndi naman siya nainis sa sinabi nito. "Gusto mo maging kasambahay, samantalang ikaw ang pinag sisilbihan ng kasambahay sa inyo. Ano naman ang alam mo sa bahay aber?"

"Marunong naman ako mag luto at alam mo 'yan!" Tila pagyayabang pa niyang sagot. Isang mabilis na irap naman ang binigay sa kanya ng kaibigan. "Iyong pag lilinis madali lang 'yon, walis-walis lang naman."

"Akala mo siguro madali lang ang trabahong katulong, sa hitsura mo na 'yan tingin mo may tatanggap sayo? baka nga magmukha ka pa na amo sa bahay na papasukan mo."

Sinipat siya ng kaibigan mula ulo hanggang paa.

"Grabe ka naman friend, hindi ba ako katanggap-tanggap?"

"Hindi naman sa ganun. Pero, sa ganda mo na yan at kutis porcelana tingin mo ba may maniniwala sayo na katulong ang aaplayan mo?" Sabi pa nito na tinapik-tapik ang kanang pisngi ni Franki. "Tsaka tingin mo ba, hindi ka matutunton nina tito kapag pinakalat na nila ang mga picture mo. May nakasulat pa na missing person Franki Avella blah! blah! blah!"

"Eh di mag di-disguise ako!" Wala sa loob na sagot niya.

"Tsk! Kapag kalokohan napaka brilliant mo mag isip!" disgusto pa din sa plano niya si Angela.

Knock! knock! knock! katok mula sa labas ng kuwarto ni Angela.

"Angie!" boses ng kuya nito ang narinig nila.

Nagkatinginan silang mag kaibigan. Taranta na agad na nag hanap ang dalawa ng matataguan ni Franki.

"Under my bed," pabulong na sabi ni Angela sa kanya.

"Bak---" hindi na niya natapos ang sasabihin ng takpan ni Angela ang kanyang bibig.

"Malinis ang ilalim ng kama ko. Sige na mag tago kana, kung ayaw mo na maabutan ni kuya dito sa loob ng kuwarto ko." Muling bulong nito sa kanya.

"Okay!" Mariin niyang sagot at nag simula na nga siyang gumapang pailalim sa kama ng kaibigan.

Saktong nakapasok siya sa ilalim ng kama ng bigla naman bumukas ang pinto ng kuwarto ni Angela.

Parang tumatahip ang d****b ni Franki sa kaba sa takot na baka makita siya ng kuya ni Angela. Nangangamba din siya na baka may makita siyang insekto sa ilalim ng kama, lalo na kung ipis o butiki dahil takot siya sa mga ito.

Nag kunwari naman si Angela na nag aayos siya ng kama.

"Kanina pa ako kumakatok sa labas ng pinto, hindi mo ba naririnig?"

"Ikaw pala kuya!" Bati ni Angela.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status