Share

Chapter 5

NAG mamadaling inayos ng mag kaibigan ang mga dadalhin na gamit ni Franki. Muling nag yakap ng mahigpit ang mag kaibigan bago tuluyan na lumabas ng kuwarto ni Angela.

"FRANKI ANAK!" Sigaw ni Mabel. Lakad-takbo na inaakyat nito ang mahabang hagdan.

Nakabuntot sa likuran bahagi ni Mabel ang panganay na anak.

"Franki anak!" muling tawag ni Mabel sa pangalan ng anak ng makarating na ito sa tapat ng pinto ng kuwarto.

Agad na binuksan ni Mabel ang pinto at mabilis na pumasok ng kuwarto. Dinampot nito ang puting kumot na nakatakip sa inaakalang katawan ng anak.

Nanlaki ang mga mata ni Mabel nang makita na mga unan lang pala ang nasa ilalim ng kumot. Nanlulumong napaupo ito sa gilid ng kama ng anak.

"Mom!" tawag pansin ni Francine sa ina. Lumapit ang dalaga sa ina na nakaupo na sa gilid ng kama ng kanyang kapatid.

"Ang kapatid mo," garalgal ang boses na sabi ni Mabel. Niyakap nito ang kumot ng anak.

Hindi nag salita si Francine pero nag simula itong hanapin sa loob ng kuwarto ang kapatid. Una nitong sinilip ang banyo ng kapatid, sa labas ng bintana at maging sa ilalim ng kama nito. Huling tinignan ng dalaga ang dresser ng kapatid. Wala din doon ang kapatid pero may napansin ang dalaga. Medyo nag kalat ang loob ng dresser at nawawala ang paborito nitong bag na kung saan ginagamit nito kapag nag out of town silang mag kapatid.

Kung hindi siya nag kakamali nag layas ang kapatid niyang si Franki. Nawawala din kasi ang ilang mga damit nito, maging ang family picture nila na kuha sa boracay na idinikit nito sa salamin na nasa loob ng dresser ay nawawala din.

Malungkot na muling lumapit si Francine sa umiiyak na ina, mahigpit pa din na yakap nito ang kumot ng kanyang kapatid.

"Anak, nag layas ang kapatid mo. At dahil iyon sa amin ng dad mo!" Ani Mabel na inaamoy ang kumot ng anak. Kahit man lang sa paraang iyon ay maamoy niya ang anak. "Kasalanan ko anak, dahil hindi ko man lang siya nagawang ipag tanggol sa makasarili ninyong ama."

Niyakap ni Francine ang ina.

"Ssssshhhh... Huwag mo po sisihin ang sarili mo mom." Pang- aalo ni Francine sa ina, hinalikan niya ito sa noo.

"Kasalanan ko..." Nangilid na ang luha sa mga mata ni Mabel.

"Mom, baka may pinuntahan lang si Franki. Para mag palamig. Nabigla lang 'yon sa mga disisyon ni dad, pero alam ko na babalik siya dito sa bahay." Positibong sabi ni Francine, kilala niya ang kanyang kapatid sobrang malapit ito sa kanilang ina. Hindi ito makakatiis na hindi sila nito makita.

"Nag aalala ako para sa kapatid mo, lalo na at nag kalat na ang mga masasamang tao ngayon. Kapag may masamang nangyari sa kapatid mo baka ikamatay ko pa!"

"Mom naman!" saway ni Francine sa ina. Kinilabutan siya sa sinabi nito. "Hahanapin po natin si Franki. Baka nakituloy muna siya doon sa bestfriend niyang si Angela."

Tila nabuhayan naman ng loob na napatitig si Mabel sa mga mata ng anak.

"Sana nga anak."

"After breakfast, puntahan po natin ang bahay nina Angela. malamang naandoon ang kapatid ko." Mungkahi ng dalaga.

"Paano ako makakakain, kung laman ng isip ko ang kapatid mo." Sagot ni Mabel sa anak. "Bumaba kana muna anak, samahan mo sa kusina ang ama mo. Dito na muna ako sa kuwarto ng kapatid mo, puntahan mo na lamang ako kapag paalis na tayo."

"Pero mom, kailangan mo din po kumain ka-"

"Busog ako anak." Putol ni Mabel sa mga sasabihin pa ng anak. "Sige na, iwan mo na muna ako, basta  pagkatapus mo mag almusal puntahan na natin ang bahay ng kaibigan ng kapatid mo."

Napabungtong hininga si Francine bago tumayo. Hindi na siya nakipag talo sa ina, nag paalam siya dito na bababa na para kumain ng almusal. Dahil kapag walang nakasabay ang ama niya sa hapag kainan panigurado mag - iingay na naman ang bibig nito.

"Sige po mom, mabilis lang po ako." Paalam ni Francine sa ina.

Isang tango lamang ang isinagot ni Mabel sa anak. Muli nitong niyakap ang kumot ng bunsong anak at muling napaiyak.

MULING bumalik sa kusina si Francine upang samahan sa pag aalmusal ang ama.

"O, bakit ikaw lang ang nandito. Nasaan na sila?" tanong ni Frederico sa anak, nag simula na itong mag lagay ng kanin sa plato.

Hindi sumagot si Francine sa  tanong ng ama. Nag lagay ng pan cake sa kanyang plato ang dalaga, iyon na lamang ang kakainin niya sa almusal.

"Teresa, can you please make me a cup of coffee?" utos ng dalaga sa kasambahay na nag titimpla ng orange juice sa isang pitcher.

"Yes po Mam," magalang na sagot ni Teresa.

"Iyong brewed coffe ha," paalala ng dalaga sa kasambahay.

"Tinatanong kita, nasaan ang mommy mo at kapatid mo?"

Tumigil sa pag subo ng hiniwang pan cake ang dalaga.

"Ito na po ang coffee niyo mam," inilapag ni Teresa ang tasa ng kape sa ibabaw ng lamesa sa harap ng dalaga.

"Thank you, Teresa." Ngiting pasasalamat ng dalaga.

Dinampot ni Francine ang tasa ng kape. Hinipan muna nito ang usok ng kape bago ito humigop.

"Ano ba, hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?!" Iretadong muling tanong ni Frederico sa anak na kanina pa siya hindi tinatapunan ng tingin.

"Si mom, nasa kuwarto ni Franki." Tipid na sagot ng dalaga na muling ipinag patuloy ang pagkain.

"Bakit hindi pa sila bumababa para makapag almusal na?"

"Nag layas po si Franki!"

"Ano?!" napahampas ang isang kamao ni Frederico sa ibabaw ng lamesa na hindi na ikinagulat ng dalaga. "Bakit ngayon mo lang sinabi."

"Sorry dad," hinging paumanhin ni Francine sa ama. "Aalis kami ni mom, pupuntahan namin si Franki sa bahay ng kaibigan niya. Baka nag papalamig lang ang kapatid ko dahil masama ang loob niya saiyo!" Pinag diinan pa ng dalaga ang huli niyang sinabi sa ama.

Hindi agad nakapag salita si Frederico dahil sa sinabi ng anak. Marahas itong tumayo.

"Bilisan mo kumain diyan, sasama ako sa inyo ng mommy mo."

"Pero dad, 'diba pupunta kayo ng company ngayon?" Maang na tanong ni Francine sa ama.

"It's saturday, kahit mamayang hapon na ako pumunta ng kompanya. Bilisan mo na diyan, pupuntahan ko ang mommy mo."

"S-sige po dad," maang na sagot ng dalaga.

Nasundan ng tingin ni Francine ang  ama na papalabas ng kusina, himala sa lahat ng himala hindi yata nag humirintado ang kanyang ama. Siguro, aminado ito sa sarili na kasalanan nito kung bakit nag layas ang kanyang kapatid.

SA bahay nang pamilya ni Angela. Palabas na silang mag kaibigan sa pinto nang marinig nila ang boses ng kuya ni Angela. Pababa ang binata ng hagdan.

"Angie!" Tawag nito sa palayaw ni Angela. Tuluyan na itong nakababa ng hagdan.

Natigil sa pag hakbang ang magkaibigan. Hindi sila humarap sa binata.

"Siya na ba iyong kasambahay na mamamasukan sa kaibigan ko?" tanong ni Arth sa kapatid. Tumigil sa pag hakbang ang binata.

"Ahhh eh e o- opo k- kuya," pikit matang sagot ni Angela. Unti-unti itong lumingon sa likuran bahagi na kung saan nakatayo ang kanyang kuya.

"Baka naman puwede ipakilala mo--"

"Nag mamadali po kami kuya, may lakad pa kasi ako mamaya!"  Mabilis na sagot ni Angela, hinawakan nito ang isang kamay ni Franki at pahilang lumabas ng bahay.

"Sandali lang!" Pigil ni Arth sa dalawang dalaga. Pero isang malakas na kalabog ng pinto ang narinig ng binata. "Pambihirang babae yon!" kakamot - kamot sa batok na ipinag patuloy ni Arthur ang pag hakbang papuntang kusina para mag almusal.

KALALABAS lang nang isang kotse sa malaking gate na kung saan ay sakay ang mag kaibigan na Franki at Angela. Isang Maserati GranTurismo na sasakyan naman ang biglang tumigil sa hindi kalayuan.

"Ako na lang po ang bababa." Sabi ni Francine sa mga magulang at binuksan na ang pinto sa gilid nito.

"Sige anak, sana nga nandiyan sa bahay na 'yan ang kapatid mo." Malungkot na sagot ni Mabel. Umaasang makikita at maiuuwi nila ang bunsong anak.

Bumaba na nga ng sasakyan si Francine. Nag lakad ito palapit sa malaking gate. Agad na pinindot ng dalaga ang door bell na nasa gilid ng gate.

Ding dong! ding dong! Maririnig ang tunog ng doorbell sa loob ng malaking bahay.

Natigil sa pag timpla ng kape si Arth. Napakunot-noo ito. Wala naman silang inaasahan na bisita lalo na nga at alas nuebe pa lang ng umaga. Mula sa sulok ng mga mata ng binata, nakita niya ang pagtayo ng bago nilang kasambahay na si Sabel.

"Ako na Sabel!" Pigil ni Arth sa dalaga. "Ituloy mo ang pagkain ng almusal."

"S-sige po Sir," sagot ni Sabel at muling naupo para ipag patuloy ang pagkain.

Muling umalingawngaw ang tunog ng door bell.

Naiiling ang ulo na lumabas ng kusina si Arth. Mukhang may lakad yata ang tao sa labas ng gate, dahil sunod-sunod na ang ginawa nitong pag pindot ng door bell at masakit na iyon sa tenga niya.

"Nandiyan na!" Pasigaw na sabi ni Arth.

Lakad-takbo ang ginawa ng binata upang makalapit sa gate, may nakita siyang isang babaeng nakatalikod. Pinag masdan niya ito mula ulo hanggang paa kahit na nga nakatalikod ito. Simpleng pambahay lang ang suot ng babae.

"Eheeem ! sino po sil-" naputol ang sasabihin ni Arth ng biglang humarap sa kanya ang babae. Para iyong nag slow motion sa kanyang paningin.

"Hello, good morning!" Nakangiting bati ni Francine sa binata na nag bukas ng gate. Lumakad siya palapit dito. "Ako pala si Francine!" Pag papakilala ng dalaga sa sarili.

Hindi agad nakahuma si Arth. Pinagmasdan ng binata ang magandang mukha ng babae.

"Ehem!" Tikhim ni Francine upang kunin ang pansin ng nakatulalang binata.

"Ako pala si Arth." Pakilala ng binata sa sarili at inilahad ang isang kamay sa babaeng kaharap.

"Francine!" muling pakilala ng dalaga na inabot ang kamay ng binata.

Saglit lang nag shake hands ang dalawa.

"Do i know you?" tanong ni Arth sa dalaga.

"Ako ang big sister ni Franki. Ang bestfriend ni Angela." Sagot ng dalaga.

"Pamilyar sakin ang pangalan na Franki, pero hindi ko matandaan ang mukha. Ako ang kuya ni Angela." Nakita ni Arth ang pag lungkot ng mukha ng kaharap na dalaga.

"Nag layas kasi ang kapatid ko, itatanong ko sana kung naandito ba siya."

"Nag layas?" ulit ni Arth.

"Yes. Hindi namin alam kung kagabi pa siya umalis o ngayong umaga lang."

"Pasok ka na muna," yakag ni Arth sa dalaga.

"Hindi, huwag na!" tanggi ni Francine. "Kasama ko kasi parents ko. Itatanong ko lang sana kung nandito ba siya si Franki?"

"Sorry miss, pero wala dito ang hinahanap mo. Actually, kaaalis lang ng kapatid ko para ihatid ang bagong kasambahay para doon sa kaibigan ko." Mahabang sabi ni Arth.

"Ganun ba," malungkot na sabi ni Francine. "Wait lang, may ipapakita ako sayo na picture ng kapatid ko." May dinukot sa kanyang bulsa na suot na maong pants ang dalaga.

"Mamaya tatanungin ko si Angela kapag nakabalik na siya ng bahay." Ani Arth, hindi mapalis ang tingin nito sa magandang mukha ng kaharap.

"Ito pala picture ng kapatid ko." Inabot ni Francine ang isang solo shoot na picture ng kanyang kapatid.

Inabot ni Arth ang picture na hawak ng dalaga, pinag masdan iyon ng mabuti. Infairness maganda din ang kapatid nito, katulad ng babaeng kaharap niya ngayon. Hindi niya maalala ang mukha ng babae sa picture mas madalas kasi na nasa opisina siya kaya hindi niya nakikita ang mga kaibigan ng kapatid.

"Kung okay lang sana saiyo, hiramin ko na muna ang picture na ito para maipakita ko sa mga kasambahay at ng matanong kung nakita ba nila ang kapatid mo dito sa bahay."

"Ah sige, salamat ha. Alis na ako." Paalam ng dalaga sa binata.

Pipigilan pa sana ni Arth ang dalaga pero tumalikod na ito. Nasundan na lang ng tingin ng binata ang nag lalakad na dalaga, nakita niya itong pumasok sa isang magarang sasakyan na naka park sa hindi kalayuan.

Isang Maserati GranTurismo na kotse ang nakita ni Arthur. Hindi biro ang presyo ng kotseng 'yon.

Mga Comments (14)
goodnovel comment avatar
Atelinga B Gunsa
akala koba completed Di nmn pala hahaha..pera2x din pla ......
goodnovel comment avatar
Remy Medrina
ambit nlang hahahahaja
goodnovel comment avatar
Recie Perucho Rasgo-Pimentel
sana tuloy tuloy na mabasa.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status