Share

CHAPTER 1: The Night Academy

Reveca's POV


"Wag na wag mong kakalimutan lahat ng bilin ko sayo iha." Ulit na naman ni tito Greg sa mga bilin nyang paulit ulit nyang ipanapaalala sa akin.

"Tss" yun lang ang naisagot ko.

"Sumagot ka ng maayos Reveca!"

"Y-yes, don't worry alam ko naman ang gagawin ko don." Mabilis na sagot ko dito dahil ayaw kong makatikim ng sapak sa pag alis ko ngayon.

"Wag na wag kang magkakamali na banggitin ako don dahil pag nagkataon ipapaimbistiga nila ako at kayang kaya nila ako matunton kung gagawin nila yun dahil mga bampira sila" sat sat na naman ni tito Greg. "At marami silang koneksyon sa gobyerno kaya hindi na ako magtataka kung bakit walang nakakaalam sa mga tao na may paaralan palang puro bampira ang nag-aaral." Dugtong pa nito habang malalim ang iniisip.

"Wag kang mag-alala dahil aalamin ko rin lahat ng tungkol sa iba pang bampira na pwedeng may koneksyon sa pagkamatay ni tito at sisiguraduhin ko na mag babayad ang gumawa non sa kanya." Tiim bagang saad ko.

Isa lang ang pwedeng gumawa non sayo tito Dreg, yun yong palagi mo sa akin kinukwento at kahit maling pangalang ang binabanggit mo sa akin ay aalamin ko parin at sisingilin ko sya sa paraan kung paano ka nya tanggalan ng hininga wala akong pake kung gaano pa kalakas ang pesteng bampira na yun basta mapatay ko lang sya.

"Kung tapos kana ibaba kona tong maleta mo." Tumango nalang ako sa sinabi ni tito Greg.

Pagkababa ko ay dumiretso na ako sa labas ng gate kung saan naghihintay doon ang sasakyang maghahatid sa akin sa papasukan kong school.

"Hayaan mo pag nahanap ko na ang formulang ginawa ng tito mo ay ipapaalam ko agad sayo at wag mong kakalimutang uminom ng gamot na binigay ko sayo hayaan mo dahil masasanay rin ang katawan mo dyan." Patango tangong saad ni tito.

Hindi ko na ito sinagot pa at sumakay nalang ako sa sasakyan. Tinignan ko naman ang wrist watch ko at eksaktong mag aalas siyete na ng gabi.

Pagkarating namin sa labas ng school ay agad na akong bumaba, pagkababa ko ay tumingala ako sa taas ng napakalaking gate ng school na papasukan ko.

"Night Academy" basa ko sa nakasulat sa taas ng gate dahil may ilaw na sumusuporta dito.

Sa magkabilang gilid ng gate ay makikita mo ang naka design dito. Sa kanan ay araw sa kaliwa naman ay bwan.

Bago paman ako pumasok sa gate ay tumingin muna ako sa paligid dahil sa mga nararamdaman kong presensya ng isang bampira kaya napangisi nalang ako sa kinatatayuan ko.

Ang academy nato ay matatagpuan sa isang lugar kung saan walang masyadong tao at wala ring masyadong kotse na dumadaan dito at yung naghatid sa akin kanina ay isang katiwala ni tito Greg at alam din ng taong yun ang tungkol sa mga bampira.

Habang papalapit na ako sa gate ay unti unti naman tong bumukas. Pagkarating ko sa gitna ng quadrangle ay nagsilabasan sa dilim ang mga bampira na tila alam na nila na hindi ako katulad nila.

This is my new journey and I will do everything to find who the fuck kill my uncle.

"Paano nangyari na may pumasok na tao dito?"

"Mali sya ng pinasokang school."

"Tao ba sya?"

"Wala akong na aamoy na dugong tao sa kanya."

"Mas wala akong naamoy na dugong bampira sa kanya."

Rinig kong usapan ng mga bampirang naka tingin sa akin.

Pati ang bampira na naramdaman ko sa labas kanina ay nandito rin sila pero nasa likod ngalang.

"Nandyan na si king" Rinig kong sigaw ng isang lalaki pero ako hindi na ako umalis sa kinatatayuan ko dahil wala dapat akong katakutan sa mga to.

"Hoy si king!"

Sigaw ulit ng isang bampira kaya agad silang nag siyukuan sa sinasabi nilang king.

"What are you doing here?" Saad ng lalaking nasa tapat ko.

Ito ang kanilang king?

Dahil sa liwanag ng bwan at kunting ilaw na nagsisilbing liwanag dito sa quadrangle ay makikita ko ang kanyang itsura.

I can describe him by one word....

He's handsome

"I enrolled in this academy" walang ganang sagot ko.

Mas lumapit pa ito sa akin kaya napa tingala ako sa mukha nya

"You're not belong here..... Do you Know what's kind of school is this?" Tanong nito habang inoobserbahan ang katawan ko. Titignan nya ako mula ulo hanggang paa pero wala akong pakialam sa kanya.

"I will not entered in this school if I don't know what's kind of school is this....." Ngising sagot ko rito at lumapit rin ako sa kanya kaya inches lang ang namamagitan sa amin. "Night Academy or Vampire Academy?" Dugtong kopa at mas lalo pa ako ngumisi.

"Exactly. You're not a vampire so you're free to leave this place." Kitang kita ko sa mga mata nito ang pagpipigil ng galit pero hindi ko to pinansin pa.

"Jaeven!" Tawag ng isang babae na nanggaling sa likuran nya.

Pagkarating ng babae sa tabi ng king nila ay tinignan nya din ako mula ulo hanggang paa pero bigla nalang tong tumakbo na parang hangin at lumapit ito sa akin saka sinakal.

Tsk. Hindi ko napag handaan ang ganitong pangyayari. Naramdaman ko nalang bigla ang pag layo ng paa ko sa lupa dahil sa lakas nitong sumakal ay napaangat nalang ako sa eri ng wala sa oras.

Kitang kita ko sa mga mata nya ang gigil na mapatay ako at nakalabas rin ang dalawa nyang pangil ang hindi ko lang makita ay ang kanyang mga mata kung ano bang kulay nito.

Naramdaman kona lang na pahigpit ng pahigpit ang sakal nito sa akin kaya hindi ako nag atubiling sipain sya sa dibdib. Madali kotong nagawa dahil nakaangat ako sa eri. Pagkatapos kotong sipain ay nabitawan nya ako at nakita ko naman ang paghawak nito sa dibdib nya dahil siguro sa napalakas ang sipa ko sa kanya.

Naramdaman kong pupunta sya sa akin kaya pumikit nalang ako para maramdaman ko kung saan sya mismo titigil dahil mahirap mahulaan kung kailan titigil ang hangin na may dalang panganib.

Naramdaman ko na sa bandang kanang ko sya tumigil kaya agad kong kinuha ang kutsilyo ko na naka sukbit sa magkabilang gilid ko.

"Ahhhh!!" Sigaw nya nang mahiwaan ko ang kaliwang balikat nya. Patatamaan ko sana sya ulit ng bigla itong nawala.

Hindi ko sya masyadong nakikita dahil masyadong mabilis ang takbo nya. Nang mag focus ako kung saan sya paulit ulit pumunta ay napansin kong paikot ikot lang sya sa akin kaya kumuha ako ng tyempo.

Nang makita kong parating na sya sa likod ko ay agad akong tumakbo sa harap ko at ipinusisyon ko ang kutsilyo ko kung saan nya ako dadaanan kaya naramdaman ko ulit nang tamaan sya.

Pasalamat sya dahil ayaw kong pumatay ng bampira ngayong bagong salta ko dito.

"Hindi ka magtatagal dito dahil sa ginawa mo sakin." Tiim bagang nyang sabi sa akin habang hawak nya ang kaliwang gilid nya na nadaplisan ng kotsilyo ko.

"Talaga ba? Eh hindi kanga makaisa sa ak-"

"Galit na si king"

"Masyadong mayabang ang taong yan"

"Paniguradong hindi yan sisikatan ng araw dahil sa maraming gustong pumatay sa kanya dito" rinig kong bulongan ng mga vampire na kanina pa nanonood sa amin.

"Masyado kang mayabang" bulong saakin ng king nila habang sakal sakal nito ang leeg ko. Sya ang dahilan kung bakit hindi ko natapos ang sasabihin ko.

"Bi-bitawan m-mo ko" utos ko rito dahil masmalakas to kaisa kanina.

"I told you that you can leave this place in free but you decline my offer to you. Now you'll die here right now" paos boses na bulong nya sa akin dahil parang uhaw na uhaw na to.

I will fight, I will kill a vampire, and no one can interrupt my plan because if you are going to do that.....

You'll die.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status