Share

CHAPTER 3: Night Red

Reveca's POV

~FLASHBACK~

Hindi ko alam pero mukhang maniniwala na ako na kambal sya ni tito Dreg dahil alam nya ang pasikot-sikot nitong bahay.

Napagtanto ko nalang na sa library kami patungo dito sa unang palapag nang makapasok na kami ay wala paring pinagbago ang mga gamit dito ni tito Dreg. Nang pumanaw ito ay wala na akong pinakialaman pa sa mga gamit nya kahit yung mga library nya. May library din sya sa taas dahil hilig nya magbasa ng mga libro pero hindi ko alam kung saan tungkol ang mga binabasa nya.

Umupo yung lalaki sa swivel chair na ipinagtaka ko.

"Tumayo ka sa gilid ko." Utos nito kaya ginawa ko ang sinabi nya. Tumayo ako sa gilid ng swivel chair nang biglang humiwalay ang sahig sa iba pang parte nito, pabilog ito na himiwalay habang pababa na kami sa hindi ko nalalamang lugar.

"Anong lugar toh?" Tanong ko sa kamukha ni tito Dreg nang makababa na kami.

Puro puti ang nakikita ko at may mga kunting usok na lumalabas sa maliliit na makina.

"Ito ang laboratory ng tito Dreg mo." Panimula nito.

Tama laboratory itong pinuntahan namin puro puti ito at maraming apparatus ang makikita mo rito may mga test tube, flask, microscope, stopper at iba pa.

"Dito nya pinag-aaralan ang mga iba't ibang gamot na pwedeng makatulong sa karamihan." Patuloy nito habang pinagmamasdan ang ibang test tube na may lamang....

Dugo?

"Bakit may dugo dito?" Tanong ko rito.

"Dugo yan ng mga bampira...." Sagot nito na ikinagulat ko. "Mga bampirang pumatay sa tito Dreg mo.... ang kambal ko." Nakita ko ang pagpipigil nya ng galit at pag kuyom ng mga palad nito.

Bampira? Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito ngayon lang.

"Bampira? Hindi ba't sa mga libro at palabas lang yun? Lahat ng yun ay pawang mga kathang isip lamang, hindi ba?" Paglilinaw ko rito.

"Hindi, totoo sila at nabubuhay sila sa mundong to ng mahabang panahon... Sempre hindi yun sasabihin ng matalino kong kapatid sayo dahil ayaw ka nyang idamay pa at masyado kapang bata para malaman ang tungkol sa mga bagay na ang alam mo lang ay mga gawagawa lamang ng isip." Paliwanag pa nito.

"Kayaba nawawala sila bigla nong gustong pag babarilin sila ni tito Dreg?" Tanong ko rito habang inaalala ko kung paano gustong gusto ni tito na pagbabarilin sila pero hindi nito magawa dahil sa sobrang bilis nila.

Una ay nagtataka ako kung paano nakakatakbo ng ganon ang mga taong iyon. Naisip kolang na baka ganon lang talaga sila na mabibilis tumakbo.

"Oo"

"Anong dahilan nila para patayin si tito Dreg" tanong ko. Bigla ko nalang naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko dahil sa hindi ko parin talaga matanggap ang pagkawala ni tito.

"Dahil dito" sabay sinyas nito sa laboratory. "Pinag-aaralan ng tito mo ang isang gamot na pwedeng magpabalik sa mga bampira.... Magpabalik upang maging tao." Dugtong pa nito.

Maging tao?

"Ibig mo bang sabihin ay tao sila dati?" Tumango tango nalang ito bilang sagot.

"At may iilang bampirang hindi sang ayon sa ginagawa ng kapatid ko kaya walang alinlangan nilang pinatay ito."

"Bakit ngayon lang kayo nagpakita sa akin?" Takhang tanong ko.

"Dahil ikaw lang ang pwedeng makatulong sa akin para mahanap kung sino ang pumatay sa kapatid ko... Magtutulongan tayo." Hindi ako naka pag salita sa sinabi nya.

Ako lang ang makakatulong sa kanya? Sa anong paraan?

Pero yun din naman ang gusto ko eh ang hanapin ang pumatay kay tito at napaka walang utang na loob ko naman kung uupo lang ako at wala man lang gagawin para mabigyan ng hustisya ang pagkawala nya.

"Sa anong paraan ho?"

"Pag-uusapan natin yan mamaya... call me tito Greg" Tumangon nalang ako bilang tugon.

~end of flashback~

"Kumusta iha?" Panimula ni mr. Aigus nang makita nyang nakalabas na ang mga anak nya.

"Okay naman"

Bumuntong hininga sya bago ulit nag salita. "Napanood ko ang laban nyo kanina ng mga anak ko I'm so proud of you iha." Papuri nito sa akin.

"Pwede ba may pangalan ako kanina kapa iha ng iha dyan eh at isa pa sadyang magaling yung bampirang nag turo sa akin." Ngising saad ko rito sabay fist bump naming dalawa.

Close ko ang bampirang to kaya alam ko ang mga galawan nila kahit ang mabilisan nilang galawan ay nababasa ko dahil yun ang isa sa itinuro nila sa akin, ang basahin at pakiramdaman ng mabuti ang bawat galaw nila.

Kaya hindi sigurado si tito Greg kung may koneksyon ang academy nato sa gobyerno ay dahil hindi sapat ang nalalaman ni mr. Aigus.

Oo sya ang dean ng academy nato pero wala syang koneksyon sa mga tumatayong emperor ng mga bampira ang trabaho nya lang ay ang patakbuhin ng mabuti ang academy nato.

Ang pagiging dean ay nakadepende sa galing ng isang bampira at pag natapos mo ang kontrata mo bilang dean ng academy nato ay pwede kang makapasok sa emperor blood kung saan malalaman mo ang lahat ng pamamalakad ng mga ito, yun ang kwento sa akin ni mr. Aigus.

"Wag na wag mong kakalimutan na sa loob ng academy nato ay hindi tayo magkakilala, kilalanin mo ako dito bilang iyong dean hindi bilang naging kaibigan o nagturo sayo kung paano lumaban, naiintindihan mo?" Wala syang pinagkaiba kay tito Greg ang daming sat sat.

"Tsk. Magkaparehong magkapareho kayo ni tito Greg ang daming alam." Pang-aasar ko dito.

"Sundin mo nalang baka sumabit pa tayo dyan eh."

"Alam ko ang gagawin ko don't worry, kaya sabihin mona kung saan ako tutuloy para makapag ayos na ako ng mga gamit ko." Singhal ko rito.

"Bawat kwarto dito ay naglalaman ng apat na bampira pero sa sitwasyon mo ay kailangan mong ihiwalay ng kwarto dahil hindi ka pwedeng mapunta sa kwartong may bampira pero ikaw parin ang magdidisisyon sa huli kung saan mo gusto." Napaisip naman ako sa mga sinabi nya.

"Yung mag isa nalang baka pag pistahan ako ng mga alagad mo." Nang marinig ang sagot ko ay tumayo ito at may kinuha sa kabinet dito sa office.

"Ito ang susi ng kwarto mo at ito naman ay libro nitong academy kung saan nakasulat ang mga patakaran nitong paaralan."

Tumango tango ako bago ko kinuha ang mga ito. "May mga ginagawa ba kayo pag ganitong gabi na?"

"Kapag sumapit ang 8 pm ay pwede kang manghamon ng kakalabanin mo pero pag tinanggihan ito ng bampirang hinamon mo ay baba ang posisyon nito." Ani nito habang may tinitignan sa librong nasa harap nya. "At yung ginawa sayo ng dalawang anak ko ay labag yun sa patakaran ng academy nato dahil hindi pa sumasapit ang 8 pm at hindi kapa nabibigyan ng night color." Dagdag pa nito.

"Pero pag tinanggap nya ito at nanalo sya, anong mangyayari? Tataas ba ang posisyon nito?" Tanong ko dahil na curious ako sa gawain nila pag gabi.

Hindi nya kasi sakin naikwento lahat kaya wala ako masyadong alam sa mga patakaran nila dito sa academy nato.

"Depende, kung ang lower positions ay hinamon ang higher positions at nanalo ang lower, magiging kapantay ng lower positions ang kinalaban nyang higher positions pero pag higher positions ang nang hamon sa lower ay pagbabasihan muna ang naging laban nito kung may improvements bang nangyari dito o wala. Pag wala ay mananatili ka sa posisyong meron ka, pero pag meron tataas ka. Ang hindi pwede ay ang hamonin mo ang kapantay mo sa posisyon dahil kayo ang magkakampi." Mahabang paliwanag nito.

Ganon pala yun?

"Anonga ba ang mga posisyon nato at saan ako nabibilang?" Tanong ko dahil mukhang nakaka-excite ang gabing to.

"Tulad ng sinabi ko kanina ay hindi ka pwedeng kalabanin ng kahit sinumang nandito dahil wala kapang night color. Night color ang magiging basihan sa posisyong meron ka." Sabay bato nito sa akin ng tila na may three inches ang lapad nito at one centimeter ang haba nito.

Kulay asul?

"Night green ang pinaka mababang posisyon sumunod ang night blue, night white, night black at ang night red ang pinaka mataas." Bakit blue agad ang nakuha ko hindi ba't dapat ay sa green ako magsisimula?

"Bakit blue agad ang akin kung ang pinaka mababa ay green? Wala ba kayong patakaran na pag baguhan ay sa green magsisimula?"

"Bilang dean mo ay nakita ko ang pakikipaglaban mo sa mga anak ko kaya tinatanggap kana sa night blue." Tsk. walang silbi.

Tinignan ko kung anong oras na at 20 minutes nalang bago mag 8 pm.

"Mahirap bang abutin ang night red?" Tanong ko dahil gusto kung umabot agad doon ang posisyon ko para hindi ako mahirapan sa trabaho ko dito.

"Pwedeng marami ang magsama sama sa iisang night color pero ibahin mo ang night red dahil nag-iisa lang to, walang kakampi. Marami na ang nanghamon sa kaniya pero walang pang nakakatalo sa kanya" Ani nito sabay sandal sa upuan.

Hindi mo talaga mahahalata na may mga anak nato dahil mukha parin tong binata. Mga nasa 40 na ang edad ni mr. Aigus pero hindi mo mahahalata rito dahil siguro sa isa syang bampira o ganyan na talaga ang mukha nya.

"Anong ibig mong sabihing nag-iisa lang to? Kung ganon ay wala syang kakampi? Ganon ba?" Nagtatakang tanong ko dahil lima lang ang binigay nyang night color na nagsisilbing katayuan ng posisyon mo dito sa academy kaya hindi na ako magtataka kung ang bawat night color ay naglalaman ng 50 member of Vampires pero ang night red ay nag-iisa lang sya kahit pwede namang marami ang maka apak sa posisyon nayon maliban nalang kung malakas talaga ang night red member nayun.

"Dahil hindi hinahayaan ng night red nayun na may makapantay sa kanya kaya walang nakaapak sa posisyon nayun maliban nalang sa kanya." Paliwanag nito.

"Sino batong night red member?" Kating kati na talaga ako malaman kung sino ang bampirang to.

"Ang king...." Parang proud pa nitong sabi. "Si Jaeven Arnachell, my son."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status