Share

CHAPTER 12: Reveca Arabella Yutch

Reveca's POV

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Jaeven.

"Ako ang dilim na lumalamon sa kanyang liwanag, liwanag na puno ng kasinungalingan at unti-unti kung isisiwalat ang kanyang totoong pagkatao." Nakita ko ang pag tataka sa kanilang mukha. "Hindi sya totoong kapanalig ng emperor."

"Tss imposible yun. Halos sya nga ang dahilan kung bakit maayos na lahat ng pamamalakad ng bawat school na may mga bampira eh." Hindi maka paniwalang kwento ni Reco.

"Tao ka kaya hindi imposibleng siraan mo sya sa mga paningin namin." Ngisi ni Jaeven.

Ano bang problema ng lalaking to?

"Sige tatanongin ko kayo, anong alam nyo tungkol sa kanya?" Hamon ko sa kanila.

"She's a good leader." Si Jerry.

Tumango tango naman si Degon. "Naaayos nya lahat ng gusot na nangyayari sa mga katulad naming bampira."

"Kahit wala pang masyadong nakakakilala sa kanya ay alam ng lahat na mabuti syang bampira." Yung kasama ni Reco.

"And last thing, she was the one who saved us when the enemies attacked us." Seryosong saad ni Jaeven.

Bumuntong hininga muna ako. "Shadow always be a shadow. Ano ba ang gusto nyong makita? Anino o ang may ari ng anino?" Makahulogang tanong ko sa kanila.

"Yung may ari" hindi ko akalain na makaka sagot si Ayeesha dahil akala ko ay nagugulohan parin sya, siguro ay natandaan nya yung tumulong sa kanila nang muntik na silang mamatay kaya naka habol ito sa mga pinag-uusapan namin. Binigyan ko sya ng nag tatanong na tingin. "Kasi kung anino ay hindi mo makikita ang totoong anyo nito, maaaring ito'y gawa gawa nya lang para mag mukhang, 'sya ito', pero kung ang may ari nito ay malalaman mo agad kung anong totoo nitong anyo." Paliwanag nya.

"Exactly! Sya ay isang anino sa mga naka paligid sa kanya kaya alam ng lahat ay mabuti syang bampira dahil sa mga ipinapakita nito o mga ipinaparamdam pero lingid sa kaalaman ng lahat na ang ipinapakita nito ay isa lamang panlilinlang... Panlilinlang kung saan hindi nya totoong anino ang ipinapakita nito kasi kung totoong anino nya to ay dapat kung anong nakita mo sa physical nyang anyo ay ganon din dapat sa kanyang anino." Mahabang satsat ko dito. "Sa madaling salita ay isa lamang iyong ilusyon at ang may ari nito ay gumagawa ng hakbang para makamtan nito ang nais nyang mangyari."

"Ibig mo bang sabihin ay ang kanyang ipinapakitang ugali ay isa lamang ilusyon o kasinungalingan lang at sa likod nito ay may masamang binabalak, ganon ba?" Paglilinaw nong kasama ni Reco kaya tumango nalang ako.

"Paano mo naman nalaman ang lahat ng tungkol sa kanya?" Tanong ni Jaeven.

"Nong araw na tulongan namin si mr. Aigus ay sinundan namin sya dahil naisip namin na baka may kinalaman yun sa pagkamatay ni tito pero wala pa akong nakikita maski isa sa inyo dahil sa labas ng gate namin naabutan si Flinn, siguro ay tapos na silang mag-usap non ng daddy nyo. Hindi pa namin kilala non si Flinn kaya na curious kami tungkol sa kanya kaya sinundan namin sya at nalaman namin ang mga plano nito."

"Wait, kanina mo pa sinasabi ang salitang 'kami' ibig sabihin ay may kasama ka? Sino yun?" Napatitig ako kay Jerry dahil sa tanong nito.

Yan ang hindi ko muna sasabihin sa inyo.

Hindi ko sinagot ang tanong nya kaya napalingon kami dahil sa pag bukas ng pinto at iniluwa nito si mr. Aigus.

"Umuwi na kayo dahil kailangan pang mag pahinga ni Reveca wag nyo syang itulad sa inyo na hindi napapagod." Ani nito.

"Sige Reveca magkita nalang tayo sa susunod." Paalam ni Jerry kaya tumango nalang ako saka sila lumabas ng kwarto.

"Ehem ehem!" Napalingon ako kay mr. Aigus.

"Anong problema?" Seryosong tanong ko.

Lumapit ito at may inilapag ito sa side table na pagkain.

"Hangga't maari ay limitahan mo ang pagsasabi sa kanila ng sekreto baka ikapahamak natin." Tinarayan ko nalang to.

"Pinagkatiwalaan mo sina Degon, Reco at yung kasama nyang babae kaya sa tingin ko ay mapag kakatiwalaan ko din sila, wag kang mag-alala hindi ko naman sasabihin sa kanila lahat eh." Pag tataray ko dito.

"Emma" nagtaka naman ako sa sinabi nito. "Ang pangalan nong kasama ni Reco." Tumango nalanga ako.

"Alam ba ito ni tito?" Tanong ko.

"Oo at dumalaw sya dito noo'ng isang araw pero hindi na naulit pa dahil kailangan nating mag-ingat."

Kinabukasan ay lumabas na ako ng hospital dahil ayaw kong nakaupo lang ako o naka higa lang. Pinilit pa ako ni mr. Aigus na magpahinga ngunit sadyang matigas ang ulo ko kaya wala syang nagawa.

Pero sinabihan ako nito na bukas nalang daw ako papasok sa school kahit itong araw lang daw ay maka pag pahinga ako kaya pinag bigyan ko nalang.

Nang maka rating ako sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama habang nakalaylay ang mga paa ko.

"Paano ko kaya mahahanap ang mga magulang ko?" Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin ako sa kisame.

~FLASHBACK~

"Paano ba yan panalo na naman ako." Pagmamayabang ko kay mr. Aigus nang matamaan ko na naman sya.

"Congratulation Reveca Arabella." Nakangiting ani nito sabay upo sa lupa kaya umupo rin ako sa tabi nya.

"Walang Arabella sa pangalan ko." Paalala ko rito dahil medyo nagulat ako nang dagdagan nito ng Arabella ang pangalan ko.

"Reveca Arabella Yutch yan ang complete name mo dahil ang Brenzy ay kay Dreg at Greg lang yun." Paglilinaw nito habang naka tingala sa langit at pinag mamasdan ang mga bituin.

"Ibig mo bang sabihin sa daddy ko ang Yutch na yun?" Tanong ko dahil ngayon ko lang narinig ang apelyido na yun.

"Oo at Reveca Arabella ang gustong ipangalan sayo ng mama mo pero nang mapunta ka kay Dreg ay tinanggal ito at ginawa kang Reveca Brenzy."

"Ano po ba ang pangalan ng mga magulang ko?"

"Revelle Yutch at Arebeth Seryun." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngayun ko pa lang narinig ang mga pangalan nila.

"Nagkakilala sila nong pareho nilang inaalam kong totoo ba ang mga bampira o hindi tsk tsk." Natatawa nalang ito habang inaalala ang mga nakaraan nila. "Natatandaan ko pa non na nag away pa sila nang mahuli ko silang sinusondan nila ako. Tinanong ko sila kung anong kailangan nila pero alam mo kung anong sinagot nila hahaha hindi ko talaga makakalimutan yung araw na yun." Tawang tawa sya habang inaalala nya ang mga bagay nayun. "Itatanong daw nila sa akin kung saan magandang magpakasal pero dahil alam kong hindi sila magkakilala ay tinanong ko yung pangalan nila pero gusto ko, ang sumagot ng pangalan ni Revelle ay si Rebeth ganon din sya ngunit ang sinagot ni Rebeth na pangalan ni Revelle ay Monkey kaya sumagot rin si Revelle na 'sya si Kabute' gusto kong matawa sa mga oras na yun pero gusto ko silang paglaruan pa." Kwento nito.

"Sina tito Dreg at Greg paano nyo sya nakilala?"

"Kaibigan sila ng daddy mo may kasama pa silang isang lalaki. Doon nagsimula ang pag-iibigan ng mga magulang mo ngunit nagbago ang lahat nang may bampirang patay na patay sa mama mo kaya kinailangan ka naming ilayo nang ipanganak ka ni Arebeth. Parang war na yung nangyari sa mga araw na yun dahil nagpatayan na ang ibang bampira at tao, gusto kong tumulong sa mga oras na yun ngunit pinilit ako ng papa mo na samahan si Dreg para iligtas ka dahil hindi daw kakayanin ni Dreg kung may humarang sa kanya na bampira kaya wala akong nagawa kundi ang samahan kayo ng tito Dreg mo, tama nga si Revelle na may haharang sa inyo sa mga oras na yun kaya pinauna ko muna kayo ng tito mo dahil baka may mangyari pa sa inyo, nang maitago ka namin ni Dreg ay nadatnan namin si Greg kung saan naganap ang war, tinanong namin sya kung nasaan si Revelle ngunit hindi daw nya alam kung saan sya nagpunta.." uminom muna sya ng dugo bago nag patuloy. "Nang si Arebeth na ang itanong namin ay hindi na sya naka sagot. Tulala nalang syang nakatingin sa lupa at nakikita namin sa mukha nya ang galit. Magkaibang magkaiba ng ugali si Dreg at Greg, madaling mag-init ang ulo nya. Kabaliktaran sya ni Dreg na masayahan na palaging ginagawang bero ang lahat."

"Anong nangyari kay mommy?" Tanong ko dahil sabik na akong marinig mula sa kanya ang nangyari kay mommy.

Hindi nya ito sinagot, tumayo nalang to at nag imbitang umuwi kaya wala akong nagawa kundi ang umuwi narin.

~END OF FLASHBACK~

Sinabi nyang sasabihin nya sa akin tungkol sa magulang ko pero bakit hindi nya sa akin sinabi ang totoong nangyari sa mommy ko?

Kung hindi nila nakita si daddy sa lugar kung saan sila nag ka gulo ay posibleng buhay pa sya dahil yun ang sabi nya sa akin na hindi sya sigurado kung buhay ito pero si mommy ay sigurado sya pero hindi nya sa akin sinabi kung anong nangyari sa kanya.

Bakit?

Kung hindi sa akin sasabihin ni mr. Aigus ay ako mismo ang maghahanap sa kanya kahit pangalan lang ang alam ko sa kanya. Walang ipinakita sa akin si mr. Aigus na picture nila kahit ako ay hinanap ko sa mga gamit ni tito Dreg pero wala parin akong nakita. Buti nalang at sinabi sa akin ni mr. Aigus ang pangalan nila kahit yun lang ay may idea na ako tungkol sa kanila.

Napag pasyahan kong lumabas nalang ng kwarto dahil nakaka balew ang magkulong don. Wala akong nakitang bampira, siguro ay nag-aaral parin ang mga yun, hapon na kaya malapit na rin silang magsilabasan.

Pumunta ako sa likod ng building kung saan nandon ang field. Habang nag lalakad ako ay nakita ko si Ayeesha na naka upo sa ilalim ng puno kaya pinuntahan ko ito at umupo sa tabi nya.

"Wala kang pasok?" Tanong ko dito kaya nagulat nalang to at napa upo ng maayos.

"What are you doing here? You should take a rest." Mataray nitong ani.

"Tsk. Baka ma balew ako don. Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang maka pag isip-isip."

"Tungkol saan?"

Nagkibit balikat nalang to. "I always feel like I'm worthless"

"Paano mo naman nasasabi yan?" Naka kunot noo'ng tanong ko sa kanya habang naka tingin sya sa malayo.

"Wala akong lakas na lumaban mag-isa. Mayabang lang ako pag nasa tabi ko ang mga kuya ko. Hindi ko alam pero parang nahihiya narin ako sa sarili ko na palaging umaasa sa kanila."

Napa iling nalang ako. "Dapat ay matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa hindi habang buhay ay may mag p-protekta sayo."

Lumingon ito sa akin. "Yan din ang sinasabi ko dati sa sarili ko pero nag bago yon ng mamatay ang kaibigan ni Jaeven ng dahil sa akin." Malungkot nitong saad.

"Anong bang nangyari sa araw na yun?" Curious na tanong ko.

"Nong araw na wala si dad na sinabi mong pumunta sya sa inyo para itanong kong anong magandang ireregalo sa akin yun, yun. Nandon sa bahay si Red dahil tumutulong din sya para sa birthday ko nang may dumating na mga bampira. Alam naming hindi namin sila kaya dahil marami sila at apat lang kami non sa bahay kaya wala kaming nagawa kundi ang labanan sila pero hindi ko napansin ang isa sa kanila na may dalang baril at may bahid yun ng liquid death kaya sinalo ni Red at sya yung natamaan kaya nanghina ako sa mga oras nayun." Nakita ko ang pag pipigil nya sa mga luha nya pero hindi nya nagawa at tumulo nalang to. "Buti nalang at dumating yung sina sabi nyung Flinn at sya ang naka tulong sa amin at nalaman namin na ang naka baril kay Red ay tao. Magkaiba ang amoy ng dugo ng tao at bampira pero wala kaming naamoy na dugo ng tao siguro ay may ginamit sya tulad ng ginagamit mo ngayon." Nabigla ako sa sinabi nyang tao ang naka baril kay Red na sya ang kaibigan ni Jaeven?

Kung ganon ay may nakakaalam rin ng gamot nayun maliban sa amin?

"Kaya ba ayaw ni Jaeven sa mga tao dahil sa tao ay namatay ang kaibigan nya?"

Tumango ito. "Pero hindi lang yun. May isa pa syang malaking dahilan kung bakit ayaw nya sa mga tao."

"Ano naman yun?"

Pinunasan nito ang mga luha nya sa pisngi bago ito sumagot. "Because of my mother."

Mother?

"Dahil sa mama nyo? Bakit?" Masyado na yata akong nang hihimasok ng buhay ng iba. Tsk.

"My mother, not our mother."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagugulohang tanong ko.

"Magkaiba kami ng nanay nina Jaeven." Ani nito sabay buntong hininga. "Magkapareho ng nanay sina kuya Jerry at Jaeven pero ako? Iba ang nanay ko." Nakikita ko sa mga mata nito ang lungkot.

"Ibig mo bang sabihin na ang nanay mo ay-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ito.

"Yes, I'm a half human and half vampire." Ngumiti ito ng mapait kaya nakaramdam ako ng kunting awa sa kanya. "Hindi kailan man nagalit sina kuya sa akin bagkus ay itinuring pa nila ako bilang kanilang prinsesa. Sa nanay ko lang talaga sila galit dahil daw sa kanya ay nasira daw ang kanilang masayang pamilya." Tumulo na naman ang luha nya.

Magkaiba man kami ng sitwasyon ay alam kong nasasaktan sya sa nangyari. Dahil kung itinuring syang prinsesa nina Jaeven ay dapat hindi na sila mag tanim ng galit sa nanay nya dahil parang hiniling nalang din nila na sana hindi na dumating pa sa buhay nila sa Ayeesha.

Mukhang maldeta ang mukha ni Ayeesha pero pag nakilala mona sya ay doon mo malalaman na mahina sya.

"Kaya siguro ako mahina dahil namana ko sa nanay ko ang pagiging mahina." Dugtong pa nito.

"Bakit nakita mona ba ang mommy mo?"

"Tss. Araw-araw akong dinadalaw non dito. Palagi syang nag hihintay sa labas ng gate pero kailan man ay hindi ako nagalit sa kanya dahil mahal na mahal ko yun kahit kabit pa sya ni daddy." Napangiti nalang ako sa sinabi nito.

Tama sya, kahit ano pang katayuan ng isang tao hindi ka dapat magtanim ng galit sa kanya dahil lahat ng tao o bampira paman ay nagkakamali at natuto rin yan sa kanilang pagkakamali pero may iba talaga na impyerno ang utak, kahit ano pang gawin mo ay hindi mona mababago ang isip nya dahil alagad na sya ni satanas.

"Ang pagiging mahina ay naka depende lang sayo yun. Bakit hindi mo subukang mag sanay?" Napalingon ito sa akin.

"Sinabi ko na sayo na ayaw kong magpaturo sa lalaki."

"Sino bang may sabi sayo na lalaki ang mag tuturo sayo?" Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status