Share

Chapter 4

"Lopez condominium."  Pagbasa ko sa mga letrang nakalagay sa isang matirik na building sa harapan ko.

"Dito na ako titira mag mula ngayon at bonus kasama pa si Darrel." Kinilig naman ako habang iniisip 'yon. Ready na ba ako sa kasungitan niya?

"Ready'ng ready!"

Pumasok na ako dala ang kulay abo kong maleta. Hindi ko pa dala ang ibang damit at mga gamit ko. Isusunod nalang daw sabi ni Mom. Siya naman ang maghahanda no'n kaya okay lang.

Sumakay na ako sa kulay gintong elevator at pinindot ang 27th floor.  Hanggang 50th floor itong condo pero pinili nila ang sa gitnang floor.

Tumunog na elevator, hudyat na nakarating na ako sa floor na bababaan ko. Lumabas na ako. Habang naglalakad parang hindi ko maramdaman ang mga paa kong tumatapak sa sa sahig dahil sa kaba. Parang ang lamig ng hangin na umiihip sa'kin dahil sa namumuo kong malamig na pawis sa noo. Nagpatuloy ako sa paghahanap ng condo unit namin, number 205. Palinga-linga ako hanggang sa makita ko ito. Pinahid ko ang namumuo kong pawis at huminga ng malalim.

"Ito na 'yun. Nakita ko na," bulong ko. Bumuntong-hininga ako at sabay swipe ng card at lagay nang password.

"458389."

Bumukas na ang kulay abong pinto at dahan-dahan akong pumasok habang hila-hila ang maleta ko. Nilibot ko ang paningin at pinagmamasdan ang buong condo namin.

Hindi naman siya gaano kalaki pero kasyang-kasya naman kami. Abo na parang makintab ang kulay.  Napansin kong marami ng mga furnitures ang nakalagay.

Pinaghandaan talaga ah?

Nasa living room na ako ng makita ko ang isang malaking 42 inch na smart tv.

Mabuti pa ang tv smart:<

May tatlong kulay custard yellow na sofa sa harap nito at isang katamtamang glass coffee table.

"Tamang-tama kapag manonood ako ng tv diyan ko ilalagay ang mga pagkain." Bulong ko sa sarili. Biglang nawala ang kaba ko sa mga bagay na nakikita ko. Aw, paborito ko talaga ang living room.

"Saan kaya ang room ko?" mahina kong tanong sa sarili.  Wala pa naman siguro si Darrel dito 'di ba?

Naglakad-lakad ako para tingnan at pumili ng magiging kwarto ko.

"Innie minnie..." Hanggang sa matapos ang kanta ay sa pangatlong kwarto ang daliri ko napunta.

Ngumiti ako ng matamis at tumuloy sa kwartong napili ko. Habang binabaybay ang daan ay napapatingin ako malapad na blangkong kulay puting dingding. Huminto ako at humarap dito, bahagya akong ngumiti.

"Kung magkatuluyan talaga tayo, Dar. Dito ko ilalagay lahat ng memories natin na magkakasama."

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako ay dahan-dahan kong hinawakan ang door knob at nabigla ako ng kusa itong gumalaw. Napaatras ako ng konti.

"Automatic bang bubukas 'to pag nahahawakan?" gulat kong tanong.

Bumukas ang pinto at niluwa ang nakatapis lang ng tuwalya at bagong ligong si Darrel. shcks! Nanlaki ang mata ko habang napanganga akong tumingin sakanya.

"Ahhhhhhhhhhhhh..." Sigaw ko at nagtabon ng mga mata.

"Hindi naman sinabi na magkatabi tayong matulog ‘di ba!!" sigaw niya. Habang nakatalikod ako. Napaka-aga naman yata niyang magalit.

"Hindi nga!" sigaw ko din pabalik. Akala mo ikaw lang marunong manigaw. Humarap ako sa kanya at tiningnan siya sa mukha. Naaakit ako sa abs eh.

"Hindi ko naman alam na d'yan ang kwarto mo!! Walang modo." Nagdabog akong pumunta unang kwarto. Akala mo naman talaga kagusto-gusto ang ugali eh.

"Nakakainis! Bw*st! Akala niya talaga gustong-gusto ko talaga 'to!" sabi ko habang nagdabog na ilabas lahat ng gamit ko.

"Mommyyyyyyy...nafi-frustrate ako." Napapadyak ako sa inis. Inayos ko ang sarili ko at kinausap ito.

"Okay lang 'yan, self. Kailangan mo siyang intindihin. May sakit siya sa utak. Okay? Inhale? Exhale." Pilit ini-enlighten ang sarili ko. Huminga ako ng malalim at bumuga ng malakas.

Nang mahimasmasan ay inayos ko na ang mga damit ko sa kahoy na kabinet na nakalaan para sa'kin. Nilagay ko ang mga sapatos sa shoe rack at uniform at pambahay sa loob ng kabinet.

Nagbihis ako ng pajama at oversize shirt. Mabuti nalang aircon ang buong bahay. Lumabas ng kwarto para maghanap ng makakain. Medyo nagutom ako.

Nang makalabas ako nakita ko si Darrel na naglalakad papunta ding kusina. Sumunod ako sa kaniya. Bigla nalang siyang tumingin sa'kin ng masama.

"Susundan mo pa talaga ako?!" sigaw niya gamit ang malaking boses. Grabi 'to. Lahat nalang sinusulsol sa'kin.

"Ano bang problema mo?! Kukuha lang ako ng makakain. Ang feeling mo din nuh?, ang sama ng ugali!!!" mataray kong sigaw pabalik sakanya kaya natahimik siya sa sinabi ko. Mabuti nga sa'yo. Ang sama ng ugali.

Kumuha ako ng butter, bread saka milk ,pumunta agad ako sa living room . Balak kong manood ng tv habang kumakain. Dinala ko lahat ng nilagyan ko ng laman at umupo sa living room dala-dala ang isang basong gatas.

Habang nanonood ng cartoons ay napapasabay ako sa kanta nila. Ang cute kasi. Lahat ng episode nila pinapanood ko noon. Madami pa nga akong tape na collection.

"Anong kailangan?

Mag tulungan.

Anong kailangan?

Magtulungan

Goooooo. Wonder pets Yey."

Kanta ko ng bigla nalang namatay ang tv. Kaya hinanap ko ang remote para sana paandarin ito uli. Nakita kong nasa kamay ito ni Darrel habang nakatayo sa kabilang sofa.

"Ako ka sa tingin mo bata? Hindi lang ikaw ang tao dito! ‘Wag ka namang maingay. Nakakarindi!!"

Naiinis akong tumingin sa kaniya. Lahat ng bagay pinapakikialaman.

"Hindi naman kalakasan 'yun ah?!" sigaw ko habang nakakunot ang noo.

"Hindi mo ba alam na ang sakit sa tenga 'yang boses mo?" lumapit siya sa'kin at bahagyang tinulak ang ulo ko.

"Sumosobra ka na ah? Akala mo nasasayahan akong kasama ka? Hello, Darrel. Nakakainis 'yang ugali mo. Hindi na kita gusto magmula ngayon!" parang maiiyak kong sigaw sa kaniya.

Nag iwas lang siya ng tingin sa'kin, "Ayaw ko na sa'yo. Tandaan mo 'yan." Mahinahon kong sabi habang nakayuko.

Naglakad siya palabas na siya ng bahay na hindi nagsasalita. Hanggang sa sumigaw siya habang nagbukas ng pinto

"Bahala ka sa buhay mo!"

"Bahala kadin sa buhay mo! Ang pangit-pangit ng ugali. Walang magkakagusto sa'yo!"

Sobrang inis na inis ako. Naturn off yata ako ng tinulak niya ang ulo ko kanina. Ganyan ba ako ka tanga sa kaniya?

'Pag ganito ang magiging buhay ko? Mas pipiliin ko na lang na sirain ang napagksunduan nila. Hindi ako papayag na ganitohin niya.

Malungkot akong nagpatuloy na nanood ng Tv.

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status