Share

Chapter 40

Naka-uwi kagabi si Darrel na humihingal at balisa. Mahigpit niya agad akong niyakap at naghihingi ng paumanhin. Hindi ko naman siya maintindihan. Matagal siyang naligo sa banyo kay nagtaka na talaga ako. 

Kumatok ako at tinawag siya, "Darrel! Okay ka lang ba diyan? May problema ba?" tanong ko. 

Ilang segundo ang lumipas at lumabas siya na nakangiti pero kita sa mga mata niyang hindi talaga siya masaya. 

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, "May problema ba?" tanong ko habang direkta siyang tinitingnan sa kaniyang mga mata. 

Umiling siya, "Wala, wife. Let's sleep. May pasok pa tayo bukas." Tipid akong ngumiti saka naunang humiga sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain. Bakit parang may naaamoy akong kakaiba sa kaniya? Hindi naman siguro siya uminom, 'di ba?

Kinaumagahan nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap agad siya ng mga mata ko. Huminga ako ng malalim saka dumeretso sa banyo para maligo. Siguro nagluluto na siya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status