Share

Chapter 1: I

TO DESTROY A WHITE LOTUS 

   NAGISING si Mary Joy nang may iniindang sakit sa tiyan. Ang una niyang inisip ay ang gutom. Matagal na mula noong huli niyang maramdaman ito. Umiling siya't dahan-dahang bumangon mula sa matigas na kinahihigaan. She have to take her supplements. Hindi masaya ang pakiramdam na kumakalam ang tiyan. Ngayon naintindihan na niya kung ba't inimbento ang gamot na madalas niyang inumin ngayon. Sa bilis ng takbo ng sibilisasyon, kahihiyan kung maituturing kung wala pa ang ganoon.

“Huseng!” sigaw ng isang matandang babae mula sa ibaba. “Tangina, Huseng, oo! 'Wag mo naman gayahin ang ama mo sa pagiging tamad!”

Namilog ang mga mata ni Mary Joy. She stumbled towards the wall. Noong naging klaro ang kaniyang paningin, kaagad siyang namutla noong makita ang pinagtagpi-tagping kahoy sa paligid. When she caught a glance at the calendar nearby, she almost fainted.

2014

‘[System]: Hi! I'm your trusted AI, Si. Welcome to the Villain's System!’

Sa takot ay iniuntog ni Mary Joy ang sarili sa dingding. Marahas ang tunog na nilikha nito. Naalarma ang babae sa ibaba. “Hoy, Huseng! Anak ng puta 'to—'wag mong sirain 'tong bahay, ha? Kung magiba 'to, saan tayo pupulutin? Gagong 'to...manang-mana ka talaga sa ama mong walang kwenta!”

Mary Joy felt a sense of panic. Natauhan siya dahil sa malaswang pananalita ng babae't pati na rin sa sakit ng kaniyang ulo.

Totoo ang lahat ng ito.

‘[System]: ...you now have 2000 points as a start up gift. You can't have less than 500, or you'll be deleted from the game.’

Nahilo si Mary Joy noong marinig ang salitang ‘deleted’. “Makakabalik pa ba 'ko?”

‘[System]: Kailangang makalikom ng 100,000 na puntos upang makabalik sa realidad. Handa ka na bang marinig ang iyong unang misyon?’

Mary Joy's face turned from white to blue. She's too familiar with this game. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Doon niya unang napansin kung ano ang kakaiba sa kaniyang katawan.

She's in a man's body.

Tuluyan ng bumigay ang isip ni Mary Joy. Bumuntong hininga siya't pabagsak na humigang muli sa matigas na sahig. Kung papipiliin siya, mas gugustuhin niyang hindi na muling magising.

—————

Tatlong oras ang lumipas bago nagising si Mary Joy. Napagod nang husto ang utak niya dahilan para matulog siya nang matagal. Pagkatapos linisan ang sarili at harapin ang mukha sa salamin, napagtanto niya na pamilyar ang hitsura ng lalaki.

Jose Genero Jr. Sword Level mission. Dificulty, 60h%.

Ngayon tuluyang napamura siya. Nalaro niya na ang misyong ito. She passed. Barely.

Ini-mute ni Mary Joy ang AI sa kaniyang isip. Hindi niya na kailangang marinig kung ano ang dapat gawin. Mula noong matapos niya ang misyong ito sa totoong buhay, gabi-gabi siyang nag-iisip ng mga posibleng alternatibong ending para kay Huseng. Pakiramdam niya hindi sapat ang kaniyang ginawa.

Ngayon may pagkakataon siyang baguhin ang lahat. Bigyan ng mas magandang wakas ang lalaki. Sa totoo lang, gaya niya sa totoong buhay, kawawa ito.

Si Jose ‘Huseng’ Genero Jr. ay mahirap. Labingwalong taong gulang. Mababa ang marka sa elementarya hanggang ngayong hayskul siya. Sa totoo lang, mautak si Huseng. Ngunit ayon sa standard ng mga kontrabida sa mga storya, lahat ng katalinuhan niya, sa maling karton nakalagay. Hindi rin kahiya-hiya ang mukha ni Huseng. Ngumiti si Mary Joy sa salamin. Hindi ang ngiting nakasanayan niya ang kaniyang nakita sa harap. Hindi ito matatawag na ngiti. Ang mukha ni Huseng ay nakaayos sa angulong kahit anong gawin niya, nakakainis na ngisi pa rin ang lumalabas.

Ang mukhang ito...guwapo kung ang pamantayan mo sa salitang iyon ay iyong mukha na masasabihang maloko at pasaway.

Bagay na bagay sa kaniya ang role na kontrabida.

The slender hips and lean body are not lesser than the protagonist'. Ang lahat ng kontrabida'y nilikha para may kakompetisyon ang bida. Ibig sabihin, kadalasan sa mga bagay na mayro'n ang bida ay mayro'n din sila. Iyong motibasyon lang nila ang kakaiba. Ang bida'y gusto ang tama, ang kontrabida'y kinikilig kapag ginagawa ang masama. Napakasimple.

Sa misyong ito, maiintindihan ang buong sitwasyon gamit lamang ang iilang pangungusap.

Isang malaking bully si Huseng sa eskwela. Ang bida'y iinisin ni Huseng. Aabot sa punto ng pisikalan. Sa huli'y magkokomprontahan ang mga ito. Masisisi si Huseng sa isang nakawan. Itutulak siya ng bida rito at ito ang magiging dahilan ng pagkakabilanggo niya.

Mukhang napakadali ngunit hindi rin.

“Huseng!” tilaok ng isang impit na boses. “Honey, itong anak mo, o. Hindi na naman pumasok!”

Sumagot ang ama ni Huseng mula sa ibaba. Hindi iyon marinig ni Mary Joy nang maayos.

“Nako, honey, a! Kaya hindi tumitino itong junior mo kasi kinukunsinti mo...” reklamo ng babae, “...hayaan mo, ako didisiplina sa anak mo, okay? Pasalamat ka't dumating ako, honey! Ako aayos sa buhay n'yo!”

Ngumiwi si Mary Joy. Ibig sabihin nito, hindi pa nagkikita ang bida't si Huseng. Ito ang unang bahagi ng kwento. Kakikilala pa lang ni Huseng sa kaniyang ika-limang ‘bagong’ tita. Si Roselyn. Kahit hindi niya pa nakikita ang mukha nito, tiyak siyang ito iyon.

Sa tatlong oras na paglalaro niya sa misyong ito dati, si 'Tita Roselyn’ lang ang tumatawag sa ama ni Huseng nang ganoon. Honey.

“...e, Roselyn, hayaan mo na 'yang bata. Lalaki rin 'yan at magkakawisyo...”

Mary Joy sneered. Kung pagbabasehan ang tono't pinagsasasabi nito, masasabing isa itong mabait at mapagkunsinting ama. Mary Joy knew Huseng's background from reality and that man is neither virtuous nor complacent. Jose Sr. never cared about his son.

Kaya lamang nito kinupkop si Huseng dahil may kaalaman ito sa pandurukot.

Mary Joy flinched. Dahil nasa katawan siya ni Huseng, malamang ay napasa sa kaniya ang kakayahan nito. Every habits, and impulses.

Napahalakhak si Mary Joy nang malakas. Kaya pala hindi siya makaramdam ng kahit ano! Masiyado siyang kalmado—this is Huseng's personality. Kahit maipit ito sa gitna ng dalawang bundok, kalmado itong aalis.

Ito ang dahilan kung ba't ang dali niyang ma-frame up. Tingin ng lahat sa kaniya ay guilty. Wala siyang kibo. Ang pananahimik ay katumbas ng pagtango sa panahong ito. Hindi gaya sa riyalidad. Hindi alam ni Mary Joy kung aling henerasyon ang mas sentimental.

100,000 points. Napailing si Mary Joy. ‘Panic won't give me those pts. Might as well test the waters.’

Tinanggal ni Mary Joy ang pagka-mute ng system. Nag-ayos siya upang bumaba. Una niyang gagawin ay maglakad sa labas. Sa 3d animation niya lang nakita noon ang mundo sa taong 2014. Kuryoso siya.

“Hoy, Huseng...” Hindi nakatiis ang kaniyang ama't umakyat ito sa kaniyang silid. “Akin na. Kailangan kong bumili ng hapunan. 'Wag mo 'kong ipahiya, nandito ang Tita Roselyn mo.”

Dumukot ng iilang perang papel si Mary Joy sa bulsa ng nakasabit na pantalon. Nakuha niya ang mga kaalaman ni Huseng kaya hindi bumagal ni isang segundo ang kaniyang kilos.

“Bakit ito lang?” usig ng ama ni Huseng. “Nasa'n na 'yong iba?”

“Anong iba?” anang malalim na boses ni Huseng. Napakislot si Mary Joy. Siya si Huseng. Kailangan niyang masanay sa brusko nitong kilos, pananalita at katawan. “Hindi napupulot ang pera sa kalsada. Kung gusto mo ng marami, magtrabaho ka.”

Nalukot ang mukha ng lalaki.  “Aba't mukhang matigas na talaga 'yang buto mo, ha, Huseng? Baka nakakalimutan mong nasa bahay kita?!”

Pinigilan ni Mary Joy ang sarili na sumagot. May batas sa laro na bawal siyang kumilos nang hindi iniisip ang orihinal na ugali ng kontrabida. Walang imik na bumalik siya sa kama. 

Tahimik na tao si Huseng. Lalo na sa sa tatay niya. Hindi puwedeng magkamaling gumalaw si Mary Joy nang wala sa posibleng tugon ng karakter ni Huseng dahil mababawasan siya ng puntos. Mayamaya pa'y umalis din ang ama nito.

Kailangan niyang isiping siya na si Huseng ngayon. Kagat-labing iminarka iyon ni Mary Joy sa isip bago hinalughog ang buong silid upang hanapin ang mga inipon ni Huseng.

Mahilig mag-ipon si Huseng kahit wala itong nais bilhin. Hindi ito nakakalma kapag iniisip na wala itong perang nalikom. Ayaw nitong magutom.

Nang mahanap ni Mary Joy ang lahat, natigilan siya. Mukhang naghahanda itong lumayas sa bahay na ito. Ang mga damit ni Huseng ay nasa bag. Ang bag na iyon ay nasa loob ng drawer niya. Ang inipon nitong pera ay may kalakihan.

Hindi ito nakasulat sa background ng laro dati. Aaminin niya, tila may wisyo ang karakter na ito. May sariling pag-iisip at nais na hindi alam ng laro.

Ngumiti si Mary Joy. Napakadaling lumayas sa bahay na ito. Handa na ang lahat sa kaniyang harapan. Iyon nga lang, hindi matatapos sa ganito ang storya.

Una sa lahat, kailangang matalo o mamatay ang bida.

Sigurado siyang matatalo ito. Kung hindi, siya ang mawawala sa unang entablado pa lamang ng laro.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status