Share

Chapter 3

TO DESTROY A WHITE LOTUS —3

   “Takbo!” Kinalampag ni Jeffrey nang malakas ang gate ng bahay, ibig sabihin ay nakuha na niya ang kailangan ngunit may sabit—may nakakita sa kaniya sa akto. Napamura si Huseng sabay karipas ng takbo.

Sumabay siya kay Jeffrey na siyang nangunguna sa lahat. Itinapon nito sa kaniya ang isa sa mga dala nitong bag. “Itago mo, bilis!”

“Mga magnanakaw! Tulong! Mga magnanakaw!” tili ng isang ginang sa kanilang likuran.

Kung sa katanghalian naganap ang mga pangyayaring ito, baka'y kinabahan na si Mary Joy. Iyon nga lang, ang virtual world na ito'y may kaunting malasakit sa mga kontrabida.

This world caters to the needs of the villain, ngunit hindi umaabot sa puntong napakadali na ng lahat. Mary Joy knew what happened to this part of the story. Nanakawan ng grupo ang pinakamaliit na bahay sa subdivision na likod ay ang kanilang squatter's area na tinutuluyan. This should've happened in the late afternoon if she had followed the original plot. Kung saan naabutan nila ang papauwi galing eskwela na si Giovanni habang tumatakas. The protagonist will come after him, dahilan para mahuli siya nito't papaulanan ng dakdak patungkol sa kasamaan ng pagnanakaw. Sa galit, harap-harapang bubugbugin ni Huseng ang lalaki. The owner of the bags will never catch up to them. Maiiiwan si Giovanni sa abandonadong bahay kung saan siya dinala ni Huseng sa pagtakbo, bugbog-sarado at nagngingitngit sa galit. Doon mag-iigting ang inis ng bida para sa kontrabidang si Huseng. Ganoon sa orihinal na kwento.

Mary Joy has no time to follow rules right now. Ikinulong siya ng system sa loob ng larong ito. Walang silbi ang pagpupumiglas. Ang tanging paraan ay ang umipon ng isang daang libong puntos mula sa paglalaro.

Si Jeffrey, kanang kamay ni Huseng, ang nagplano sa gagawing pagnanakaw ngayong hapon. Kaagad um-oo ang tatlo pa nilang kasamahan. Mary Joy protested. Binago niya ang oras, ginawang gabi. Sa ganoon hindi sila magkikita ng bida. Hindi mapupukaw ang matinding galit nito sa kaniya habang hindi pa siya nakakapaghanda ng plano kung papaano isasalba si Huseng. She needed a plan, one that will give her a good number of points. Mabilis um-oo sa kaniya ang mga alagad niya. Ang apat na kasamahan ni Huseng ay mga alipin niya. Kung anuman ang sabihin niya sa mga ito, agad silang susunod. Maliban kay Jeffrey na siyang gampanin ay maging best friend niya. Ang iba sa mga ito, hindi mahalaga at hindi kilala ng orihinal na Huseng. Bigay sila ng mundong ito para tulungan si Mary Joy sa gusto niyang gawin. Iyon nga lang, lahat ng mga kaya ng mga itong gawin ay may limitasyon base sa representasyon nila sa ngayon.

Huseng can't possibly order them to kidnap Giovanni and then ask them to flog the guy to hell. Wala silang kakayahan sa ganoon. Hindi rin sia hahayaan ng mgarestriksyon sa laro.

“Huseng, takbo sa kanan!” Jeffrey huffed then took a sharp left, leaving not even a drop of his sweat on the pavement where he and Huseng took a stop to breathe. Tahimik na sumunod sa utos si Huseng. He can understand why Jeffrey was too eager for this. Ang perang paghahatian nila'y mapupunta sa pangtubos sa kapatid niyang kinuha ng hapon bilang bayad sa utang ng kaniyang ina. Mary Joy shook herself. Nanginginig ang kaniyang tuhod. Huseng might be familiar with stealing, but this is Mary Joy's first time. Lahat ng kasamaang nasa isip niya'y hanggang sa laro lang nailalabas.

She took a greedy intake of air before taking an unfamiliar road. Hindi muna siya puwedeng umuwi. Kailangan niya munang magpakalma't masigurong walang sumusunod sa kaniya.

Tinahak niya ang daan kung saan marami pang nakabukas na establishimento. Mukhang napalayo siya nang husto. Mary Joy praised Huseng's long legs.

Umupo siya sa isang mahabang silya. Nasa isang pangbatang parke siya, malapit sa market ng kanilang baranggay. Kaunti na lang ang tao sa oras na ito't nagsasara na ang mga tindahan sa paligid. Mag-a-alas diez na ng gabi.

The cold air pinched Huseng's skin incessantly. Tumayo siya't naglakad-lakad upang pakalmahin ang sarili. Pakiramdam niya'y magmamanhid siya sa sobrang lamig ng kaniyang balat ngunit ang loob niya'y parang nag-aalab dahil sa init. His eyesight blurred slightly.

“Mister! Naiwan n'yo po 'yong bag n'yo!”

Mary Joy paled as she heard that voice. Pumikit siya nang mariin. It turns out, everything on the manual has to happen. Ginawa niya ang lahat upang hindi sila magkita ng bida ngunit heto, she was confronted by the protagonist's everglowing halo—again.

Idiniin ni Mary Joy ang sarili sa hoody na suot. Kung hindi lamang tinabunan ng hood ng jacket ang ilaw na tumama sa kaniyang mukha, sigurado siyang isa lang ang magiging ekspresyon ni Huseng sa ngayon. Takot.

This shouldn't happen.

“Huseng?” Namilog ang mga mata ni Giovanni. May dala itong supot na may lamang iilang cup noodles at pakete ng instant coffee sa kanang kamay. Ang kaliwa nitong palad ay nakahawak sa isang may kaliitang bag na pambabae. Humigpit ang hawak ng bida sa bag na iyon. “Ninakaw mo ba 'to?” tanong nito.

Mary Joy almost sneered. “Tinatanong mo pa kahit alam mo na ang sagot.” Nag-iinit ang mga matang tinitigan niya ang bida. “Ano? Umpisahan mo ng ilista ang mga magaganda mong nagawa sa buhay para magmukhang mas malinis kaysa sa 'kin.”

Under the light of the nearest bulb above their heads, Giovanni's face flushed crimson. “Gago ka talaga, Huseng. Hindi ka na ba talaga puwedeng magtino?!”

“Officer ka sa eskwela. Dito sa labas hindi mo dapat kinukuwestyon kung tuwid ba 'kong maglakad.” Huseng grinned. “Balak mo bang ibulsa 'yang pinaghirapang nakawin ng isang dukhang gaya ko? 'Wag mo sabihing kukunin mo 'yong ipambibili ko na sana ng pagkain.”

Guilt and simpathy. Every protagonist are wealthy of that. Kailangan iyon para maging bida silang ganap. Sayang nga lang at masyadong tumatak kay Giovanni ang nangyari noong unang beses silang magkakilala nito. Pride. Hindi lahat ng bida mayro'n niyan, malas nga lang at ang bidang napunta sa kaniya, iyon pang inuulam at ipinanliligo ang salitang iyon.

“Puwedeng sa droga mo 'to gagamitin pero sa bibig mo sasabihin mong pangkain—gano'n lahat ng masasama. Mga sinungaling!” Tumango-tango si Giovanni, hindi inaalala na baka may ibang dahilan si Huseng kaya ito ginawa. It's typical. Kapag mahihirap ang gumawa ng ganito, sa masama kaagad napupunta ang pera. Ngunit kapag mayayaman ang nagnanakaw, tatawaging presidente.  “Kung gusto mong kumain, puwede ka namang magtrabaho, a! Ninakawan mo 'yong kawawang babaeng may-ari nito!”

Ngumisi si Huseng. Kung siya ang tatanungin, hindi niya tatawaging kawawa ang ginang na kabit ng isang kilalang doktor na may tatlong anak sa syudad na ito. Iyong ginang na iyon, nakakatulog nang hindi kumukulo ang tiyan sa gutom.

“Oo na. Ikaw na ang magaling! Ikaw na ang kayang magtiis sa paghuhugas ng pinggan gabi-gabi sa karinderya, maglaba para sa iba, maglinis sa bahay ng hindi mo kilala—” Humalakhak si Huseng. “—tingin mo masosolba ng perang makukuha nang matagalan ang problemang kailangan ng solusyong pangmadalian?”

Bumukas ang bibig ni Giovanni ngunit agad din itong itinikom. May gusto itong sabihin na hindi nito kayang ituloy. Mary Joy grinned. Hindi na niya mababago ang takbo ng storya sa ngayon, mas magandang pag-igihan nalang niya ang pang-iinis sa bida. Noong matapos niya itong inisin noong una silang magkita, nadagdagan siya ng isang daang puntos.

“Anong tingin mo, rich boy? Makakakuha ng trabahong maayos ang mga gaya ko? Iyong trabahong magpapainit lang ng puwit sa silyang malambot at hahawak ng ballpen maghapon, magkakadolyar na, ha, bata?” Hindi malinis ang record ni Huseng. Masyado itong maloko mula pagkabata. Wala ring nagbabantay rito mula noon kaya hindi na ito nakakapagtaka. Hindi na rin importante kung magkatrabaho man si Huseng o hindi. Mary Joy won't be here for long. “Kung gano'n nga ang nasa isip mo, hindi ka matalino gaya ng sabi ng mga nakapaligid sa 'yo.”

Mary Joy wanted to laugh at Guovanni's indignant expression. Mayamaya pa'y namula ang gilid ng mga mata nito. “'Wag mo sabihing madali lang ang trabahong gano'n. Kung madali 'yon, bakit hindi laging nasa bahay ang parents ko?! 'Wag mo insultuhin ang mga nagtatrabaho nang gano'n!”

Mary Joy winced. Napakaemosyonal ng lalaking ito. “Hindi ko sila iniinsulto—ikaw ang nagdala sa mga magulang mo sa usapang 'to.” Huseng grimaced. “Kung ako ang papa mo at minalas akong ikaw ang magiging anak ko, baka hindi na rin ako umuwi ng bahay. Masakit sa mata 'yang pagiging santo-santuhan mo.”

“Tangina mo, Huseng!” Nagngingitngit na sumugod si Giovanni. Kaagad na sinipa ito ni Huseng palayo. Bumagsak ang lalaki't sisinghap-singhap na nag-angat ng tingin. Napangiwi si Mary Joy habang iniisip kung gaano kasakit ang ginawa niyang pagsipa sa sikmura nito. “Hu-Huseng...”

“Akin na 'yong bag,” atas ni Huseng. Kailangan na niyang umuwi.

Ipinasok ni Giovanni sa loob ng suot na jacket ang bag. Nakalukot ang mukha nito dahil sa sakit pero nagmamatigas pa rin. “Bugbugin mo na 'ko pero hindi ko 'to ibibigay!” sagot nito.

Napatawa si Mary Joy dahil sa inis. Lumapit siya upang tadyakan ito. Nakakaubos ng buhok sa kilay ang ganitong klaseng bida.

“Walang kwenta,” bulong ni Huseng. Nanginginig na umiyak si Giovanni sa pagitan ng mga tadyak ngunit bingi si Huseng dito. “Ba't hindi ka na lang mamatay? Tutal kahit mga magulang mo, ayaw sa 'yo.”

This guy is just a set of datas made by the game. Lahat ng mga sinabi ni Mary Joy dito, sumasalamin din sa kaniyang sitwasyon doon sa totoong buhay. Kahit si Huseng ay ganoon.

“Hindi mo pa rin ba ibibigay? Anak ka ng puta talaga, oo—”

Napahinto si Huseng sa pagsipa noong makarinig ng mabibigat na yabag hindi kalayuan sa kanila ni Giovanni. Nakilala ni Huseng ang boses ng babaeng ninakawan mayamaya. “Baka dito tumakbo 'yong isa!”

Itinulak ni Huseng nang buong lakas si Giovanni papunta sa ilalim ng silya. Doon mas magmumukha itong binatang naglayas mula sa kanila. Kinuha niya ang supot ng mga pinamili nito saka nagdesiyong hindi na kukunin ang bag. Mapapatagal lamang siya.

Huseng leaped behind the bench and took a sprint. Sigurado siyang nahimatay si Giovanni sa kaniyang ginawa. Hindi siya nag-aalala na baka napatay niya ang lalaki. Walang bida ang namamatay sa simula pa lang ng kwento. Napamura siya habang iniisip ang bag na nakatago sa katawan nito. It wont take long and the guy will wake up clinging onto the asphalt.

‘Iyong bag.’ Pumikit si Mary Joy. Magagalit si Jeffrey sa kaniya, sigurado iyon.

Kung nanginginig man sa lamig ang walang malay na si Giovanni, ayos lang sa kaniya. Hindi importante ang nararamdaman nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status