TO DESTROY A WHITE LOTUS —4
Hindi nakapunta sa eskwela si Huseng kinaumagahan. The thrill kept Mary Joy awake until it's 3AM before she consoled herself to sleep. Hinintay niyang bumagal muna ang kaniyang pulso't makaramdam ng matinding pagod bago pumikit. Kung matutulog siya nang nag-aalala, hindi siya makakatulog nang mahimbing.Nagising siya katanghalian. Huseng's father was nowhere to be found. Dahil hating-gabi na siyang nakauwi, hindi nito naabutan ang kaniyang pagdating. Nakatulog ito sa paghihintay. Hindi nito alam kung saan niya inilalagay ang perang nakuha dahilan para mainip ito't ikalat ang kaniyang mga gamit habang naghahanap kinaumagahan. Ngayon wala ito.
Maybe Roselyn took him out. Mary Joy shrugged. “Buti na rin,” bulong niya.
Naligo si Huseng. Pagkatapos magbihis ay pumunta siya ng kusina upang maghanap ng makakain. He mustered everything he could use at the kitchen to prepare a tolerable meal. Habang umiinom ng tubig, tatlong mabibigat na katok ang narinig sa buong kabahayan.
Mary Joy frowned. Iniisip niya na kung ilang daan ang ibibigay sa ama ni Huseng. Ito lang ang uuwi ng ganitong oras para balikan ang perang hindi niya naibigay kagabi. She must go and meet Jeffrey later. Tinawagan siya nito noong madaling araw upang kumustahin ang bag. Dahil sa pagod, isiniwalat ni Mary Joy ang lahat. She said Giovanni stopped Huseng on his way and took the bag. Hindi natuwa si Jeffrey sa balitang iyon. Galit ito sa kaniya at kakailangan niya ito sa hinaharap kaya dapat magkaayos sila kaagad.
“Jose!” sabi ng malamya't desperadong tinig ni Felice, “Jose, buksan mo 'to, o!”
“Felice...” Huseng shook his head, smiling faintly. Magandang surpresa ito. Naglakad papunta sa pintuan si Huseng. Noong hawakan niya ang doorknob, napakurap siya.
The plot. Sa orihinal na storya, nagkomprontahan si Roselyn at Felice sa bahay nina Huseng. Pinanigan ng ama nito si Roselyn saka ipinahiya si Felice dahilan upang magalit si Huseng at saktan ang ama. Felice wasn't happy with what he did and ran away from him. Huseng's mood didn't improve in the morning, resulting to another beating for the almighty protagonist.Wala pang plano si Mary Joy para kay Giovanni. Dapat pigilan niya muna ang gulo sa pagitan nito at ni Huseng.
“Jose? Jose!”
Binuksan ni Huseng ang pinto. Bumulaga sa kaniya ang magulong buhok ng babae pati na rin ang nangingitim nitong mga mata. Even if Mary Joy didn't take a fancy for this girl, she felt pity for her. “Felice...anong nangyari sa 'yo?”
Nagpapaling-paling ang ulo ni Felice sa bawat sulok ng bahay. Pumasok ito't itinabig si Huseng gamit ang maninipis na braso. “Huseng...ang papa mo? Ang papa mo! Kailangan ko siyang makausap!”
Sinundan ito ni Huseng. “Anong nangyari? Sabihin mo para matulungan kita.”
Felice scoffed. “Matulungan? Pa'no mo 'ko matutulungan?” Mayamaya pa'y tuluyan na itong lumuhod. “O, jusko po.”
Huseng's chest gave a twing of pain. Mary Joy gritted her teeth. She didn't need another sign to know that this girl is the desired partner of this villain.
Umupo si Huseng sa tabi nito't niyakap ang nanginginig nitong balikat. “Felice...Felice.”
“Buntis ako, Huseng,” sabi nito sa maliit na boses, “Huseng, ang tatay mo ang ama.”
Mary Joy felt the hairs on her neck raising. “Felice, magiging maayos din ang lahat.”Mary Joy thought of what will be Huseng's initial reaction to this. Mas lalo siyang nanlamig noong malaman kung ano. Kung ang orihinal na si Huseng ang tatanungin, ang sagot nito'y ipalaglag ang bata. Mary Joy sighed. It isn't unexpected. Ang taong pinakaayaw ni Huseng ay hindi si Giovanni kung hindi ay ang ama nito.Hindi ito nangyari sa orihinal na storya. Doon, agad na naabutan ni Felice si Roselyn at ang ama ni Huseng kaya hindi na ito nagsalita pa at dumiretso sa pagkilos.
“...Huseng, nakakain ka na ba ng tanghalian?” Pumasok sa pintuan ang matandang babaeng gumising kay Mary Joy sa unang parte ng kwento. Ito ay ang lola ni Huseng. Si Mildred. “Felice? Aba't ang kapal ng mukha mong magpakita pa rito!”
“Lola!” sigaw ni Huseng noong aktong pagbubuhatan nito ng kamay si Felice. “Buntis si Felice!”
“Alam ko!” gigil na tugon ng matanda. “Kaya nga umiiyak na umuwi rito si Jose no'ng nakaraang linggo, e! Dahil d'yan sa makating babaeng 'yan! 'Wag mo kaming lolokohin, babae. Alam na namin ang lahat, hindi kay Jose ang dinadala mo!”
Namutla ang mukha ni Felice dahil sa sinabi ni Mildred. Paulit-ulit itong umiling habang nagmamakaawa sa lola ni Huseng. Sumigaw ang matanda't itinulak nang malakas si Felice. Nakaramdam ng sakit sa pagitan ng sintido si Mary Joy. “Tama na, lola!”“Ano ba 'tong ingay rito?” Dumating ang ama ni Huseng. Tangay nito sa kamay si Roselyn. May kaniya-kaniyang bitbit na sigarilyo sa bibig ang dalawa. Mas lalong sumakit ang ulo ni Mary Joy.“Dumating ka rin, Felice!” pagbati ni Jose sa dating nobya.
Nabuhayan si Felice sa pagdating ng ama ni Huseng. Binalewala nito si Roselyn saka lumuhod sa harapan ng ng lalaki. “Jose, may anak na tayong dalawa. Jose, pamilya na tayo!”
Naidura ng ama ni Huseng ang sigarilyo sa bunganga. Sinipa nito palayo si Felice. “Ano? Pagkatapos mo akong iputan, ako ang pabubuhayin mo d'yan sa anak mo?”
“Jose, anak mo ito!” pagpupumilit ni Felice.
“Alam ng lahat na iniwan mo si Jose para sumama sa lalaki mo! Hindi ka pinanagutan ng ama niyang dinadala mo kaya ka umuwi kay Jose ko? Mahiya ka nga!” sa wakas ay tili ni Roselyn.Sumugod si Huseng sa babae ngunit agad na napahinto noong maramdaman ang mahigpit na hawak ng kaniyang lola. “Bitiwan n'yo ko, lola!”
“Napaikot ka ng babaeng 'yan, Huseng! 'Wag kang maniwala sa kaniya. Kami ang pamilya mo! Sa amin ka dapat kumampi!”
“I-Ikaw...” Nandilim ang paningin ni Felice noong magawi ang tingin niya kay Roselyn. “Ikaw ang nanira sa pamilya namin! Ikaw ang umagaw kay Jose!”
Hindi na napigilan ni Huseng ang pagtapon ni Felice sa sarili upang sabunutan si Roselyn. Napuno ng hiyawan ang buong kabahayan. Noong sa wakas ay nabitiwan siya ng kaniyang lola, pumagitan siya sa gulo ng dalawang babae.
Sinigurado niyang hindi masaktan ang tiyan ni Felice mula sa pagsisikap ni Roselyn na masuntok ang tiyan nito. Kahit na sinabi ng ama ni Huseng na hindi kaniya ang bata, alam ni Roselyn na may posibilidad na kay Jose nga ito dahilan para mag-igting ang kagustuhan nitong saktan si Felice.“Huseng! Ingatan mo ang Tita Roselyn mo!” utos ng kaniyang ama. “Pigilan mo si Felice! Baka masaktan niya ang tita mo!”Ngumiti si Huseng kay Felice bago buong lakas na itinulak si Roselyn pati na rin ang kaniyang ama palayo. Napaupo si Roselyn. Kaagad na umagapay ang ama ni Huseng dito. Hindi pinansin ni Huseng ang nagngingitngit na titig ng kaniyang ama. Pinatayo niya si Felice at inayos kaunti ang nagulo nitong buhok. “Felice...”Nanginginig na umiling si Felice kay Huseng. Nagmamakaawa itong tumitig kay Jose ngunit kay Roselyn nakasentro ang atensyon nito. Humikbi nang malakas si Felice bago nagtatakbo paalis.
“Ang kapal ng babaeng 'yon na manggulo!” reklamo ng kaniyang lola habang sapo-sapo ang dibdib. “Hija, Roselyn, ayos ka lang ba?”
“Ayos lang po, Ma,” mayuming sagot ng babae habang inaayos ang suot na damit. Ang ama ni Huseng ay nakatitig pa rin sa kaniya. “Ano 'yong ginawa mo, Huseng? Mas naniniwala ka sa putang 'yon?”“Honey, tama na,” kunwari ay saway ni Roselyn, “hindi naman masiyadong nasaktan ang tuhod ko. Sure ako hindi sadya ni Huseng 'yon. 'Di ba, Huseng?”Pinigilan ni Mary Joy ang umirap. Umalis siya sa bahay at binalak na sundan si Felice. Baka may gawin itong hindi maganda sa sarili pagkatapos ng nangyari.“Huseng!” tawag ng isang pamilyar na binata sa kaniya. Bumungad sa kaniya ang tatlong paparating na lalaki. Naka-uniporme pa ang mga ito't may dalang malalaking supot. Ito ay ang mga kasama niya kagabi sa pagnanakaw. “Huseng, pasensya na hindi namin nabawi 'yong bag.”“Ano?” bulalas ni Mary Joy.
Nakangising ibinigay sa kaniya ng mga ito ang dalang mga supot. “'Di ba 'yong Giovanni Delgado 'yon ng star section?” Tumango-tango iyong pinakamatangkad sa lahat. “Nagmamatigas. Ayaw ibigay 'yong bag. Binugbog na namin para sa 'yo.”“Galit din si Jeffrey do'n kaya heto, iyong mga libro't project niya, kinuha namin. Gusto sana naming sirain pero mas maganda kung ikaw gagawa no'n.”
“Tama ka nga. Nakakasura 'yong ugali ng lalaking 'yon. Ayaw makisama!”
“Tigas ng ulo! Nanakit ang kamao ko dahil sa kapal ng mukha niya.”
Nakaramdam ng pagkahilo si Mary Joy. Pumikit siya saglit bago tumango't nagpasalamat sa mga lalaki. Natuwa ang mga ito sa reaksyon niya kaya tinapik-tapik siya ng mga ito sa balikat sabay sabi ng ‘anytime’.
Bumaba ang tingin ni Mary Joy sa AI na nakakabit sa kaniyang pulso. Hindi ito makikita ng iba. Hindi siya sanay na naririnig si Si sa kaniyang isip kaya minabuti niyang ipagpalit ito sa halagang isang libong puntos. Ngayon, hindi na niya kailangang marinig ang boses ni Si nang biglaan sa kaniyang tainga.
‘200 V+ pts.’
Sumandal si Maru Joy sa pinto ng bahay at nag-isip.
TO DESTROY A WHITE LOTUS —5 Inabot ng madaling araw upang matimbang ni Mary Joy nang maayos kung sino ang dapat niyang uunahin. Si Felice ba o ang bidang si Giovanni. Kung uunahin niya si Giovanni, posibleng mapabayaan ni Mary Joy nang tuluyan ang first love ni Huseng na si Felice. Kung si uunahin naman si Felice, hindi niya alam ang posibleng kapalit ng kaniyang gagawin. The game was about the protagonist and an antagonist's confrontation. Baka may mangyari kung sakaling unahin ni Huseng ang sarili niya. Gustong ibigay ni Mary Joy lahat ng gusto nito.Habang iniisip kung ano ang posibleng mangyari sa batang dinadala ni Felice, napapahilamos na ng palad sa mukha si Mary Joy. She was never a fan of abortion. Kung may kapangyarihan lang siya, buburahin niya sa mundo ang ideyang iyon. No one is allowed to forbid an unborn child the rights to live.“Huseng!” Padabog na pumasok ng silid ang ama ni Hus
TO DESTROY A WHITE LOTUS —6 Nahirapan nang husto si Mary Joy sa pagbitbit kay Felice pauwi. Hindi nakakatulong na si Huseng na lalaki ang umaalalay rito. Halos lahat ng taong nakakasalubong niya sa daan ay may pag-aakusa ang titig sa kaniya. Mary Joy rolled her eyes. Even if this woman seduced her in real life, it is lucky enough if she would spare her a glance. Walang parte ng katawan nito ang gusto ni Mary Joy.“Hu-Huseng...kamukha mo talaga 'yong Papa mo, ano?” Felice hiccuped. Mary Joy let her slide on the door and lay on the dirty floor. “Huseng, malamig.”‘Yeah, well, lupa 'yang kinahihigaan mo...’ Mary Joy sighed. Itinayo niya muli ang babae at ipinahiga nang maayos sa nag-iisang kama ng silid.Hindi maganda ang bahay na nirentahan niya. Pagpasok ng bahay, bubungad agad ang maliit na espasyo sa gitna. Ang kusina'y nasa kanang bahagi, ang kama ay nasa kabila. Wala masiyadong palamuti ang silid. Isa laman
TO DESTROY A WHITE LOTUS —7 Ang resulta, kahit iwasan man ni Mary Joy ang maliliit na detalye sa orihinal na storya, ang kinalabasan pa rin ay pareho. Sa orihinal na Huseng, noong nakuha ni Giovanni iyong bag, nagalit si Jeffrey dahil sa kapabayaan niya. Noong binago ni Mary Joy ang oras ng gagawing pagnanakaw, walang ibang nakakita kay Giovanni nang kunin nito ang bag sa kaniya. Ngayon ang ikinagagalit ni Jeffrey ang ang akusasyong baka ibinulsa niya ang pera.‘Makapangyarihan talaga ang ginintuang kapa ng bida,’ bulong ni Mary Joy sa sarili. Hindi niya tuloy kung gagalaw pa ba siya laban dito o hindi.It's not like she wants to stay here. Oras-oras ay naaasiwa siya sa paulit-ulit na pagbanggit ni Felice sa ama ni Huseng.“'Wag mong itapon 'yan. Baka magustuhan 'yan ng Papa mo pagsundo niya sa 'tin.”‘Yeah, as if.’ Tamad na humiga sa kama si Mary Joy, tinitingnan ang tahimik na kumakaing si Felice.“Huseng, tatlong ara
TO DESTROY A WHITE LOTUS —8 Huseng woke up the next day and the first person he sought was Felice. Magdadalawang araw na siya sa ospital ngunit kahit anino nito hindi niya mahagilap sa kahit saang sulok ng kaniyang silid.Brian told him that the woman was informed of his unfortunate fate. Anong mas importante nitong gawain at hindi siya nito mabisita?Mary Joy scoffed. Dapat ay hinayaan niya na lang sa kalsada ang babaeng iyon. Iniisip niya man ito, she knew she can never do that. Gusto niya lang maglabas ng hinanaing.Wala siyang pamalit na damit. Ang suot niya ngayon ay ipinahiram ni Brian. Maliit ito kaysa sa damit ni Huseng. Isa pa'y malagkit na ang kaniyang pakiramdam. Saglit siyang napanganga noong makitang may banyo ang kaniyang silid. Hindi niya alam kung bakit nasa pribadong kwarto siya gayong wala namang pera si Brian.Habang hinihintay si Felice, dumating si Brian na may dalang malalaking supot ng prutas. “Boss.”
TO DESTROY A WHITE LOTUS —9 Naging aligaga si Felice noong sumunod na araw. Naiintindihan ni Mary Joy kung bakit ito ganoon pero hindi niya makuhang aluin ang babae at patawarin. Felice has been so good to Huseng since yesterday. Pinauulanan siya lagi nito ng papuri. Tinatrato na para bang bata o hindi kaya basong mamahalin na babasagin.Mary Joy wasn't fond of this treatment but she could surely enjoy making the woman squirm everytime she looked at her intently. Minsan iniisip niyang baka nahanap na ang konsensya nitong nawawala. Iyon nga lang habang patagal nang patagal, tila wala itong balak umamin sa kaniya o humingi man lang ng tawad.Huseng smiled wanly. Iba talaga ang mga magaganda.“Huseng, kailan mo bibisitahin si Lola Mildred?” usig ni Brian.Napansin ni Brian at Huseng kung paanong hindi makagalaw ang babae sa silya. Pati ang paghinga nito ay ayaw pakawalan.Inikot ni Mary Joy ang mga mata sa kawalan. Kung um
TO DESTROY A WHITE LOTUS —10 Hindi naging maganda ang pagsalubong na natanggap ni Huseng. Mary Joy almost wished to return to the hospital. Walang tao sa kabahayan. Saktong pag-uwi niya, wala roon ang kaniyang ama't Tita Roselyn. Binisita ng mga ito ang Lola Mildred niya.Isang mensahe ang natanggap ni Huseng habang siya ay kumakain. Tamad niya iyong binasa't mabilis na ibinura. Dahil sa nangyari sa kaniya, marami ang naging ‘concerned’ na kaklase ang tumatawag at nangungumusta. May ibang totoong nakikisimpatya ngunit karamihan ay gusto lamang makiusyoso.Isa pang mensahe ang natanggap ni Huseng. Halos sumpain ni Mary Joy si Brian sa isip habang pinagbububura ang mga mensaheng natanggap. Ito ang nagbigay ng numero niya sa kaniyang mga kaklase. Akala yata nito ay ikatutuwa niya ang atensyon.‘Alam kong ikaw 'yon.’Napahinto si Mary Joy sa pagnguya ng kaniyang hapunan. Huminga siya nang malalim at kibit-balikat na ib
TO DESTROY A WHITE LOTUS —11 Sa unang pagkakataon, hindi ininda ni Mary Joy ang titig ng mga tao. Mukhang kalat na kalat na ang balitang baka si Huseng nga ang nagnakaw sa mga alahas ng prinsipal. Hindi maintindihan ng ilan kung paanong nanakawan ni Huseng ang kwartong buong gabi ay bantay sarado ng matandang dalagang tinatawag nilang lahat na prinsipal gayong nasa ospital siya noon at nagpapagaling. Karamihan man ay hindi naniniwala, lahat gustong may masisi sa nangyaring nakawan. Mainit sa mga mata nila si Huseng kahit pa napakaimposible. Bakit magiging imposible? Sabi ni Giovanni ay grabe ang kasamaan niyang si Huseng!Iyon nga ang nangyari. Gamit ang mga salita ni Giovanni, si Huseng ang naging target.“Tsk! Sabi ko naman sa 'yo, dapat hindi ka na muna pumasok, e,” pangangaral ni Brian sa kaniya habang naglalakad sila papunta sa kanilang classroom. “Sa susunod dapat makinig ka rin sa 'kin, boss.”“Bakit?” Nilakasan n
TO DESTROY A WHITE LOTUS —12 Malamig pa ang hangin at medyo madilim pa noong nagsimulang maglakad si Huseng papunta sa eskwela. Nagsisinungaling siya kung sasabihin niyang nagising siya dahil sa lamig ng tubig na kaniyang ipinanligo kanina. Hindi. Ang totoo ay kahapon pa siya gising—hindi siya makatulog.Ito iyong pakiramdam na pinangakuan ka ng mga magulang mong ipapasyal kinabukasan. Puwede ring promenade niyo bukas at namomroblema ka dahil ang kapares mo ay iyong taong gusto mo.Medyo.Ngumiti nang kaunti si Huseng. Sana nga lang ay matuloy ang pangakong pagpasyal na iyon. Sana'y makarating siya sa promenade nang nasa oras. Sana matuloy ang bagay na gusto niyang mangyari sa araw na ito. Ayaw na ayaw niya sa pakiramdam na laging nadidismaya.“Boss naman, ang lamig lamig pa,” ungot ni Brian habang niyayakap ang sarili, “Kita mo anong sabi ng relo ko, boss? Alas sais. Naman, Huseng, dapat alas nueve na tayo pumasok